Pag nakita mo na yung taong pakiramdam mo eh hinahanap mo, saka ka naman mamumumroblema kung paano ka rin niya hahanapin. Makikiramdam ka kung hinahanap ka nga ba nya, o ikaw lang ang talagang naghahanap sa kanya?
Naisip ko yan nung nakilala ko si F...
Bago tumapak ang mga madudumi kong paa sa lugar ng mga mababangong nilalang, nag-alay ako ng isang ever faithful na pramis sa aking pinakamamahal na ekswaysey. Pramis na hindi ko na kinekeri panghawakan ngayon. (anyways, wala na kong pakielam dun ngayon dahil ako naman yung nagpramis eh).
Ilang araw ang lumipas matapos akong makarating dito, tinungo ko ang simbahan para sa isang appointment sa kulto at dun ko unang nakita si F. Sa isang lugar kung saan namumugad ang "mga alagad ni Lord". Isa siya sa mga batang hindi humihikab habang nakikinig ng mga bagay-bagay na sinasabi sa kulto, nakikinig ng matimtiman, at nagdarasal ng taos sa kanyang puso (well, in a way ganun din naman ako, pero..iba yung sa kanya..basta)--na nagpahanga ng bongga sa isang masamang taong kagaya ko.
Marami na ring mga araw ang lumipas. Marami na ring mga larawan niya ang palihim kong nakukuhaan. Mga tula na nasulat para sa kanya, mga sulat na ginawa pero ang ending eh sa basurahan din naman. Marami na ring bulung-bulungan ang narinig. Maraming awitin na minsang inalay sa kanya (eg. Lab mubs, sway, at ang perpek na "Dreaming of you")--madaming beses niyang pinakanta sa akin yang huling yan. Pakiramdam niya daw kasi makatotohanan yung pinaparating na mensahe. Pero deadma ako, at nagpatuloy sa pang-iinis at pagsusungit sa kanya. Halos araw-araw kaming nagkakasama, nakapagharutan at nahampas ko na din sya sa muka, namura, at napandilatan ng mata.
Pero, eto na yung araw kung saan iiwan ko na ang mga pangarap na makasama siya. Dahil tanggap ko na sa sarili ko na:
pag Mahal mo ang isang tao, matututo kang palayain ito...