Let GO and Let GOD...Lahat tayo ay nakaranas na ng matinding hagupit ng problema. Pinansyal, pag-aaral, trabaho, relasyon, pamilya, kung anu-ano pa. Nakakapagod makipaglaban sa pagsubok pero kailangan nating kayanin. Napakahirap magpakatatag sa mga oras na nanghihina ka na. Mahirap makipagsabayan sa agos ng buhay, lalu pa at alam mo na hindi ka nabibilang sa mga taong sinasabayan mo. Napakahirap maging bumangon pagkatapos mong matapilok.
Pero lahat ng yan ay kailangan nating kayanin. Lahat ng yan eh kailangan nating i-endure. Lahat ng yan ay kailangan nating iovercome. Hindi natin kailangang dumepende sa ibang tao. Oo nga't naniniwala ako sa kasabihang "No man is an island" totoo yan, ngunit sa pagsapit ng gabi, ikaw at ang sarili mo pa din ang iyong kasama. Sarili mo lang ang tanging takbuhan mo at si Papa God. Ngunit kung minsan, nakakaramdam na din tayo ng pagod, pagkaawa sa sarili at pakiramdan na wala nang nagmamahal sa atin.
Pag dumating tayo sa puntong ganyan ng buhay natin, mas ayus kung hihinto tayo at mag-iisip. Isipin natin kung saan tayo nagmula. Minsan, kailangan nating isiping:
Bumitaw, para muling kumapit Sa Kanya....