Success is NOT the key to happiness, HAPPINESS is the key to success. If you love what you are doing, you will be successfulMinsan, sinubukan kong mag-enroll sa isang eksklusibong klase. Ang tinatawag nilang "self-pity class". Iilan lamang ang estudyante, pero lahat ay interesado sa paksang tinatalakay araw-araw. Sa klaseng ito, hindi mo kailangang bumili ng alinmang textbook, walang hassle dahil wala kang gagawing projects, thesis, quizzes at kung anik anik pang nagpapahirap sa mga estudyante.
Unang araw na pinagawa sa amin ay ang paglilista ng mga regrets mo sa buhay. Marami ang umangal, marami ang nainis -- kung kaya't iniwan nila ang klase matapos nilang makita ang lesson for the day...Samantalang ako, pinili kong manatili at sinubukan kong isulat ang mga bagay na matagal-tagal ko na ding nire-regret. Maya-maya pa ay "pass the paper" na. Pagtingin ko sa aking papel, isa lamang ang naisulat ko dun, pero mamaya ko na sasabihin sa inyo...
Nagpatuloy ang klase, este nagpatuloy ako sa pagpasok sa klase, nga pala- wala ding tuition fee itong eksklusibong klaseng ito. Ang tanging kailangan mong armas ay mga galit, awa, at angal na nagtatago sa puso mo. "Oo, marami ako nun!" sabi sa akin ng isa kong kaklase. Nilingon ko sya sabay sabing: "Oo, alam ko, chaka di ko naman tinatanong.." Tahimik lang ako at hindi nagpaparticipate. Dumating pa nga sa punto na naramdaman kong hindi ako napapabilang sa klaseng iyon. Pero pinagpatuloy ko pa din ang pagpasok- ang dahilan...hindi ko alam.
Lumipas ang mga araw at dumating kami sa punto na tatlo na lang kaming mga estudyante doon. Ang isa, madaming regrets sa buhay, yung isa hindi kuntento sa buhay niya, at ako---hindi ko pa din alam kung bakit ako nandoon...
Nagkaroon ng oral recitation, pero may kakaibang twist... Ang aming titser ay naghanda ng isang munting palaro---may palabunutan na naganap. At sa loob ng baso, na kinalalagyan ng papel-- ay ang mga bagay na sinulat mo na may konek sa "lesson for the day"ang twist? kailangan mong sabihin kung may nabago o pinagsisihan ka na sa mga sinulat mo dun. Nagmasid lang ako. Tinignan ko ang aking mga kaklase, este ang dalawa kong kaklase habang binabasa nila ang mga bagay na sinulat nila, pareho sila ng mga isinagot: "wala pa ring pagbabago, kung anung una kong isinulat jan, yun pa din ang andito (sabay turo sa kanilang kanang dibdib)...", ngumiti lamang ang aming guro. Sabay tawag sa akin...
"Ms.........Ano nga bang pangalan mo?"
"Maam, Jen poh.."
"Hmm...teka, ganu ka na katagal dito? Bakit wala ka ata sa master list ko?"
"Simula pa po nung nagsimula ang klase..."
"Ay, ganun? wala ka kase dito sa master list..pero nagpapasa ka ng mga essay para sa "lesson for the day?"
"Opo..."
"Hindi na bale, sige, kunin mo ang iyong mga sinulat at basahin..."
Kabado akong nilapitan ang baso. Isang papel na lamang ang laman nun. Yun lamang ang papel na ipinasa ko simula ng pumasok ako sa self-pity class.... Nakangiti ang titser sa akin., yumuko ako at tinuon ang aking pansin sa papel na ngayon ay hawak hawak ko na. Malakas kong binasa ang nakasulat dun....
Pinagsisisihan ko, na hindi ko pinahalagahan ang mga bagay na meron ako, materyal man o bagay na nararamdaman...Lumapit si titser sa akin, ngumiti siya at kinuha ang papel...
"Maari mo nang lisanin ang lugar na ito..."
"po? Bakit naman?"
"Hindi ka nararapat dito, dahil alam ko, punung-puno ng pagpapahalaga at pagmamahal ang puso mo...."
Lumuluha akong umalis sa lugar na iyon....