3.4.09

Busmate

Mahal kong Busmate,

Magandang araw sayo. Sana ngayon pa lang eh naisip mo nang seryoso talaga ko sa mga sinasabi ko sayo sa araw araw na ginawa ni Papa God. Hindi iyon mga joke o kung anupamang kalokohan na sa tingin ko eh hanggang sa araw na ito eh hindi mo pa din naiiintindihan. Sa araw araw na nakakasabay kita sa pagpasok papuntang opisina ay napamahal ka na din saken. Sobrang pagmamahal na ayaw na sana kitang makita sa susunod na araw. Naiirita na ko ng bonggang bongga sa kakornihan mo at kahit na ang aking talento sa pambabalahura at pang-aapi ay hindi na ata tumatalab sayo. Pangalawang bagay na nais kong ipabatid sa iyo ay ang iyong pagtigil sa pagkuha ng aking pikshur sa araw araw. Sinabi ko naman sayo, para saken, mas katanggap-tanggap pa at hindi masakit sa puso kung tatawagin mo ko ng "pre o tomboy" kesa sabihin mo araw araw na maganda ko. Anu bang purpose ng pikshur na yun? pra malaman mo kung saan lumilipat ang mga alaga kong pimples? o unti-unti mo kong pinapakulam kay aling Bebang na kapatid ng kapitbahay ng kapitbahay niyo? hayy..busmate. Ilang beses ka bang pinanganak ng nanay mo? Bakit ang kulit kulit kulit (at isa pa) ang kulit kulit mo? Hindi ako fanatic ng paborito mong kasabihan na "the more you hate the more you love", kundi sa "the more you hate the more you laugh" ako mas nananalig. Alam mo ba, araw araw kitang ipinagdarasal, na sana ay maliwanagan na ang inaamag mong utak. sana eh maging malinaw ang function ng cells jan sa loob ng utak mo para maisip mong lubayan ako ng bongga. Kakaiba ka busmate, sa lahat ng taong kinausap ko ng masinsinan, ikaw ang ayaw magpatinag. Sa lahat ng tinakot ko, ikaw ang natuwa. Sa lahat ng minura ko, ikaw ang nagpasalamat. At sa lahat ng inindian ko, ikaw ang walang sawang naghihintay ng simpatiya ko. Patawarin mo ko busmate. Pero........
Ang puso ko ay pag-aari na ng iba.

Nagmamakaawang lubayan mo,
Kurdapz...:D

2.4.09

Anung Basehan mo sa pagiging ikaw?

Nabasa ko yang tanong na yan habang ako eh nagbabasa ng aklat na nakakasunog sa balat ng mga kagaya kong "makasalanan", kaninang umaga.

Tahimik akong tumunganga sa bus papuntang opisina, (para na rin mabawasan ang mga nagkakasalang bolero sa mundo--ay heyt yu busmate!!!). Sa tatlumpung minutong byahe ay sinubukan kong isipin kung ano nga ba ang mga pamantayan na sinusunod ko, kung kanino ko ibinabase ang lahat ng mga katarantaduhan, kagaguhan, kaepalan, kakulitan, at kaingayan ko sa buhay. . Ako? Malabo talaga ang mga pananaw ko sa usaping yan.bawat isa. Ewan ko, dala na rin siguro ng lupit ng katapusan ng bwan ng Marso kaya di gumagana utak ko.

Malawak ang usaping ito. Pwedeng gamitin ng mga propesor para gawing topic at pag-awayan sa klase ng debate. Duguan nga lang ang ilong nila pag sa english debate ito nataon. Hehe. Epal lang.


Anu nga ba?
Sino nga ba?
alin nga ba ang basehan ko sa pagiging AKO?

Nung bata ako.
Pero bata pa naman ako ngayon.

---plasbak---
Ayun, nung mas bata pa ko kesa sa ngayon, iniisip kong maging isang sikat na singer / songwriter. Katunayan nga niyan eh madami akong nalikhang kanta nun. Ang mga kanta ko tungkol sa aso, sa langgam, sa kuto, sa nanay ko, sa tatay ko at kung kanikanino at anu-ano pang mga maliliit na bagay ginagawan ko ng kanta. Nung bata ako hindi ako pinapakanta sa mic dahil nakakabulahaw ako ng mga natutulog na kapitbahay. Para daw kasi akong nanghihikayat ng rally pag nakanta ko ng "samwer awt der" saka ng "be breyb litel wan". Haha. Ayun, tapos nun, nung nabasag ng nanay ko ng tuluyan yung trip ko sa pag-awit at pagkatha ng mga kanta, sa pagaabogago este pagaabogado naman ako nawili. Wala lang, natuwa lang ako kasi nakakatuwa yung mga argumento sa korte, asteeg. At syempre, tinutulan din yun ni Naynay at binigyan ako ng ibang trip. Pinakilala niya naman sa ken ang laruan na medicine kit at kung anu-ano pang mga bagay (FYI..nung bata kasi ako, hindi ako pinapalabas para makipaglaro sa ibang bata, kaya ganyan yung mga drama ko sa buhay). Pero malamang, di ko rin nakatuwaan ang mga bagay na yun. Pagtuntong ko ng elementarya (FYI uyet--7 yrs old na ko nakapag-grade wan dahil ayaw nilang maniwala nung 6 yrs old ako na kaya ko ng mag-grade wan- ang issue--"height"). Lumipas ang mga panahon, madaming mga tao na rin ang nakilala ko at nakaimpluwensya saken. Madaming naging mga kaibigan, kaibig-an, kaaway, at kung sinu-sino pang tukmol. Nakakilala kumbaga ng good and bad influences. Hehe.

Ano nga ba ang basis ko para ipagpatuloy ang buhay ko sa mundong ibabaw?

Hmm...
Hindi ito tungkol sa pera o sa kasikatan dapat ibinabatay. Dahil una sa lahat, di naman ako mayaman, chka di rin sikat. (Malamang pag nagbalik loob ako sa Pinas sikat ako pero ibang istorya naman yun). Hindi rin ito tungkol sa kung ano ang mga materyal na bagay na meron ako. Kundi sa pamumuhay na payak at masaya. Kung saan nakakaramdam ka ng tunay na pagmamahal galing sa mga kaibigan, pamilya at kung sino-sino pa sa tabi-tabi. Kung paano mo naaapreciate ang maliliit na bagay na nagagawa ng mga tao sa paligid mo, kung paano mo tinatrato ang kapwa mo (guilty ako dito), Kung paano mo ipinaparamdam sa kanila yung importansya nila sayo, at kung paano mo sila pahalagahan sa abot ng makakaya mo. At higit sa lahat, ang pagmamahal at ang pagtitiwala na nararamdaman ko araw-araw tuwing binibigyan pa ko ni Papa God ng pagkakataon para mabago ang mga pagkakamali at pagkukulang ko sa lahat ng bagay.

oo, bago ka tumawa, alam kong off-topic yung sagot ko.
Kaya ikaw na lang ang sumagot. Hehe

Ikaw? anung basehan mo?.....

Etceteraetcetera......

--Thank you nga pala kay Azel para sa bonggang header na may ferris wheel on the side. Tsaka sa pagtulong saken sa pagpili ng mga upuan, lamesa, kurtina, at mga kulay ng bintana para dito sa aking bahay...:)