
Tuluy-tuloy ang kulitan, kantsawan, at asaran. Pareho nating pilit tinatakasan ang pait na dala-dala ng nakaraan.
Ang kalungkutan.
Ang ating masayang pagmamahalan.
Ang ating malungkot na pagpapaalamanan.
Ang ating masayang pagmamahalan.
Ang ating malungkot na pagpapaalamanan.
Muli akong natakot sa iyong pagbabalik sa aking buhay. Ganun kahirap kapag walang closure gaya nga ng sabi ko sayo. Ganun kahirap kalimutan ang mga gabing iniyakan ko ang walang kwentang mga sulat mo. Ganun kahirap kalimutan ang mga alaalang sabay nating binuo simula pa nung mga bata tayo. Ganun kahirap kalimutan ang iyong mga ngiti. Ang iyong mga nakakatunaw na tingin. Ganun kahirap na pulutin muli ang aking sarili kung sakaling mahulog na naman ako sa'yo sa pagkakataong ito.
Palihim akong namili.
Nag-isip.
At nakinig.
Hinintay ko ang iyong paliwanag.
Pero wala kang isinagot kundi katahimikan.
..................................
Katahimikang nakamamatay,nakakabingi --- kagaya ng realidad na patuloy nating pinapaasa ang isa't isa sa mga bagay na matagal naman nang nawala at namatay..........