30.9.10
"Yung" dati
8.8.10
HOW TO LOSE YOUR GF in ten ways
1. Wag sagutin ang tawag ni babae pag may tampuhan kayo. Tama lang yan, tatampo-tampo sya, tapos tatawagan ka? weird diba? :)) Let her suffer, bukas makalawa, susuyuin ka din nyan. *Sabay upo sa sofa at nagbasa ng comics*
2. Kalimutan ang mahahalagang numero sa kalendaryo. Dati-rati, fanatic ka ng monthsary nyo, naghihintay ka pa ng 12am para bumati sa kanya. Kung anu-anong kemedu pa yung ginagawa mo para lang magpa-pogi points. Pero nakakasawa diba? Kaya go, wag na lang...matulog ka na lang. waste of time lang ^^,
3. Wag masyadong makipag-communicate . Kung mahal ka nya talaga, kahit hindi mo sya kausapin ng maayos ng ten years, (or more) - mahal ka pa din nya. Basta wag mo lang kakalimutan ang magic line na "pasensya ka na kung wala akong time sayo..".*Insert here the never-ending dahilan-essssss* . Wag din kalimutang magparamdam ng awa twing sasabihin ito sa kanya.
4. Makipagkita lang kapag kinakailangan. Be practical. Panahon ng crisis ngayon, at hindi na uso ang date. Hindi naman nagbabago ang ichura ng tao sa loob ng ilang linggo lang. Kaya wag masyadong fanatic ng GF nyo, bigyan mo ng time ang sarili mo para magrelax, walang nagging, walang kaartehan, at walang kung anu-anong kadramahan na hatid ng babae. ^^,
5. Matulog ng maaga. Be health conscious, wag isacrifice ang sarili mong kalusugan ng dahil lang sa pag-aantay ng ten years para makausap si babae. Gagawa naman yan ng paraan para makausap ka pag hindi ka nya mahagilap sa kung anumang communication na meron kayo eh. Kaya chill, hayaan mo sya. Titigil din yan sa paghahanap sayo, lalu na pag tulog ka na. :)
6. Pag kasama mo sya, maging aware sa nangyayari sa paligid. Wag hayaang i-overcome ni babae ang time na allotted sa kanya. Pag na-set mo na kung gaano kahaba lang ang oras na ilalagi mo na kasama mo sya, wag kang tanga at magdagdag pa ng kahit na konting minuto o segundo. TIME is gold - di lang dapat sa kanya mauubos yun.
7. Maging busy . Trabahuin ang lahat ng pwedeng trabahuin. Ubusin mo yung 24 hours mo sa trabaho. Pag tinawagan ka nya, sabihin mong BUSY ka kaya hindi mo nasagot nung tumatawag sya earlier. Sagutin ng mga walang kwentang sagot para magsawa syang makipagkwentuhan sayo. Anyways, may goal ka diba? FOCUS ka lang dapat dun.
8. Maging boring kausap. *Insert one liner replies sa mga tanong ni babae* Kapag pakiramdam mong pinapatamaan ka nya sa mga statement nya, magmaang-maangan na natanggap mo yung reply nya. Pag personal mo syang kausap, magkunwaring walang narinig at magkunwaring hindi mo sya kasama. ^^,
9. Humingi ng isang libong SORRY. Maniwala ka, effective na pang-turn off sa babae yan.
10. Gawin ang lahat ng pointer sa itaas ng sunud-sunod na araw. Malas mo lang pag ayaw ka nya talaga pakawalan. Kase kahit anung gawin mo, iintindihin ka pa din nya...Hahahaha....
5.4.10
Pag-alis

You came along, unexpectedly
I was doing fine in my little world
Baby please don't get me wrong
Coz i'm not complaining
But you see, you got my mind spinning.....
Why can't it be,
Why can't it be the two of us
Why can't we be lovers, only FRIENDS
you came along at the WRONG place at the WRONG TIME.
Or was it me...(-_-)
Isang araw, may makikilala tayong babago sa buhay natin. Babago ng mga pananaw mo sa buhay, aalisin ang mga lungkot sa buhay mo, ilalapit ka sa mga bagay na matagal mo nang gustong gawin, ipapakilala sayo ang tunay na kulay ng buhay - makulay na parang sinabawang gulay. :P Eh ooopsssss *spoiler*
Paano kung dumating sya ng hindi mo inaasahan? Pag dumating sya ng meron nang taong kasalukuyang bumabago sa ikot ng buhay mo?
...mga late comer nga naman. Tsktsk. Problema kase, pwede naman magtaxi, nag-bike pa, ayan tuloy. Pwede namang sabihin - pero, dinadaan pa sa mga kung anu-anong pasakalye. Nakakainis, nakakabitin, tipong nauuhaw ka at iinumin mo na lang yung tubig, may mabibilaukan pa tapos kailangan mong ibigay yun sa iba.
*bitter*
At syempre, dadating at dadating sa punto na kailangan mong magdesisyon, TO BE or Not TO BE. In my case, Not to BE.
Khalas, finished na Baba. Napapagod na kong makipag-taguang pong at makipaglaro ng patintero sayo. I'll rest my case, baka nga gutom lang toh, baka nga banlag ka lang, baka nga magaling ka lang magpalipad- hangin. And worst, ako pa yung na-pollute ng hangin na inilabas mo.
So long and gudnight....(-_-)
6.3.10
Amag
Ahmmm bakit nga ba amag? Ah eh ewan ko lang. Pwede ko naman lagyan ng taytel na ALIKABOK o kaya naman ANAY, o kaya naman eh sapot. *thinking*
Inisip mo na ba minsan pano kung sa past life mo eh isa kang AMAG in english, YEAST. Kruwel din kaya ang buhay mo? Pano ka makakapag-emote kung isa kang AMAG? Hmmmm pano ka maiinlab kung isa kang AMAG? Paano at paano ka mabubuhay ng NORMAL kung isa kang AMAG? Tsktsk....(Walang pinupuntahan ang mga sinasabi ko tungkol sa AMAG).
Ihalintulad natin sa tinapay na tinubuan ng AMAG. Ang tinapay, pag bagong luto, pinag-aagawan ng mga konsyumer (Talking about economics ako ngayon :P). Ang tinapay pag popular, mabili, ika nga nila eh BEST-SELLER. Pero pano kung ang tinapay na tinda eh biglaan mong makitaan ng AMAG? Bibilhin mo pa ba? Papansinin mo pa ba? Kakainin mo pa ba?
Parang sa tao lang. Pag nakita nating hindi kaaya-aya ang ichura. (Umamin ka dahil madaming mga taong ganito, pwedeng ako, pwedeng IKAW, oo ikaw nga, pwedeng sila, pwedeng tayo). Pag hindi gaanong pumapasa sa ating standards ang pag-uugali, DEADMA na tayo. Kibit-balikat mo syang tatalikuran at nebah ebah mo nang papansinin. Hmm may times na papansinin mo, pero kaswal lang. Kumbaga sa iskul, papansinin mo lang sya pag hihingi ka ng papel (Sila kase yung madalas ready sa mga skul supplies na kailangan sa skul). Papansinin mo lang pag hinihingi ng pagkakataon, pag kailangan mo ang tulong nya, aminin mo man o hindi, likas na MATALINO at GIFTED ang mga kagaya nila. *headspin*
Bagay na hindi makatarungan....
...At hindi ko nabigyan ng justice ang topic kong AMAG...*tears*
23.1.10
Remote ME....

Hanggang sa dumating ka.
Aminado akong natatakot ako sa tuwing binibisita mo ako. Sa tuwing dumadaan ka paminsan-minsan at kumakaway sa buhay ko. Lahat ng routine ko eh binabago mo. Sabi ko nga, para kang si HITLER kung makautos saken. Porke ba uto-uto ako eh ganyan mo na ko kung ituring? Matanda na ko kung tutuusin para diktahan ng mga bagay na kailangan kong gawin sa araw-araw. Pero pinagbibigyan kita dahil alam kong masaya ka pag nakikita mong sinusunod kita. Kahit alam kong palpak at wala sa hulog ang mga bagay na idinidikta mo, pinagbibigyan kita.
Hanggang sa mapuno ako.
Pinili kong umiwas, magpalipas ng oras kapiling ng mga kaibigan ko, ng mga taong hindi ako kailanman diniktahan o pinangunahan sa mga desisyon ko. Pansamantala kong tinanggal ang baterya ng remote na hawak mo. Pagod na kong sumunod. Hayaan mo naman akong mabuhay at kumilos ng para sa sarili ko. Nakakasawa na ang mga pagtatalo natin, hayaan mo muna akong umiwas, at hanapin ang DAPAT para sa sarili ko.
9.12.09
Ikaw

Tuluy-tuloy ang kulitan, kantsawan, at asaran. Pareho nating pilit tinatakasan ang pait na dala-dala ng nakaraan.
Ang ating masayang pagmamahalan.
Ang ating malungkot na pagpapaalamanan.
Muli akong natakot sa iyong pagbabalik sa aking buhay. Ganun kahirap kapag walang closure gaya nga ng sabi ko sayo. Ganun kahirap kalimutan ang mga gabing iniyakan ko ang walang kwentang mga sulat mo. Ganun kahirap kalimutan ang mga alaalang sabay nating binuo simula pa nung mga bata tayo. Ganun kahirap kalimutan ang iyong mga ngiti. Ang iyong mga nakakatunaw na tingin. Ganun kahirap na pulutin muli ang aking sarili kung sakaling mahulog na naman ako sa'yo sa pagkakataong ito.
Palihim akong namili.
Nag-isip.
At nakinig.
Hinintay ko ang iyong paliwanag.
Pero wala kang isinagot kundi katahimikan.
..................................
Katahimikang nakamamatay,nakakabingi --- kagaya ng realidad na patuloy nating pinapaasa ang isa't isa sa mga bagay na matagal naman nang nawala at namatay..........
25.11.09
Kahon

Anim na taon.
Madami nang nangyari. Madami nang nagbago. Madami nang mga nasabi. Madami na ring kung sinu-sinong dumating at umalis sa kanya-kanyang mga buhay natin. Ewan ko kung apektado talaga ako. Hindi ko alam kung apektado ka din ba. Hindi ko alam kung bakit naguguluhan ako ng ganito kung wala lang ang lahat.
Anim na taon. Matagal na panahon.
Anim na taon. Anim na taon na tuluyan nang dapat itapon. Hayaan mong ilagay ko ito sa loob ng munting kahon. Babalutan ko ng masking tape at igu-glue ang apat na sulok nito. Sa loob nito ay ilalagay ko ang mga alaala mo. Itatago ko doon ang mga larawan mong iningatan ko, ang mga walang kwentang sulat mo. Ang mga nakakatawang pambato-linya mo. Ang alaala ng musmos at payak na pagmamahalan natin. Ang lahat ng tungkol sa atin.
Ikaw at ang pagkakaugnay ng buhay natin.
Ngayon, ay laman na lamang ng munting kahon.
23.11.09
17.11.09
Worthy
Gaya ng lagi kong sinasabi "ipaubaya na lang natin sa mga artista ang pagdadrama". Sit back and relax. Chill. Walang magagawa ang pag-angal, at pagngawa mo sa mga bagay na GUSTO mong gawin at GUSTO mong makamit kung hindi ka kikilos.
Bawat isa sa atin ay mahalaga, yun nga lang- iilan lang sa atin ang nakakakita nun. Iilan lang sa atin ang nakakaisip na ang maliit na hakbang na ginagawa nya para sa buhay nya sa kasalukuyan ay nakakagawa ng malaking pagbabago para sa hinaharap.
Hindi man ikaw ang pinakamaganda at pinakamayaman na nilalang sa mundo, you are still special. Wala man sayo ang mga materyal na bagay na pinapangarap mo, you are still special.
Balanse ang mundo - lahat ay may angking kasalungat. Parang drama sa tv. Pag umiyak ang bida ngayon, magiging masaya sya sa ending. Kapag gumawa ka ng kabutihan, babalik yun sayo ng times ten. Kaya relaks lang at gawing masaya ang buhay. Tandaan mo, isang beses ka lang mabubuhay sa mundo - kaya sulitin mo na at isipin mo ang kahalagahan mo.
7.11.09
Interest vs. Commitment

TAKE NOTE:
22 pa lang ako at parang 30+ na kung mag-isip sa parteng ito ng buhay buhay ko. *Boring life*
28.10.09
Break
Disworldisfullofijots!
Sa sobrang inis mo kung minsan, gusto mo na lang sumigaw at tumakbo paalis at palayo sa taong kinaiinisan mo. Pero at dahil nagpapanggap kang matured at nasa tamang pag-iisip, mananatili kang nakaupo, nakangiti, naniningkit
Tapos, tapos na. Parang sa libro lang - lilipas at lilipas lang din ang bawat chapter. Minsan merong maharot na kliyente na ultimo kaliit-liitang detalye ng buhay mo gusto pa tanungin, ikaw naman, magpapa-uto at sasagot,..bwahahaha...
Manong Client: "uhmm so Ms. Jenny kamusta naman work mo?
Ako: "ayus naman po"
Manong Client: "taga-saan ka sa atin?"
Ako: " Sa Cavite po"
Manong Client: "Taga doon din ako ehh, san sa Cavite?"
Ako: "Sa Dasma"
Manong Client: "Ah sa Manila?"
Ako: "Cavite nga po ehh"
Manong Client: "ah, may kilala ka dun na ang pangalan eh Maria"
Ako: "Uhmm..marami pong taong may pangalan na Maria sa Pinas"
Manong Client: "Sabagay, pero taga Dasma din sya ehh"
Ako: "ah ok po, tawag na lang po ako next time for follow up ng payment (eyeroll)"
Manong Client: "sige salamat, ikamusta mo ko kay Maria ahh"
kamustahin naman si Maria? Who the hell? hahahah
MADALAS naman, meron kang makakausap na Noypi na pilit ka pang lilinlangin sa kanyang British accent.
na sasagutin ko naman ng:
21.10.09
Mood Swings
"Moody ako
Tinatanong pa ba yan
Moody ako
Kelangan ko pa bang ulit-ulitin sayo yan?
Moody ako
wag mo nang tangkain pumalag dahil sa lahat ng usapan -
hindi ka dapat kumontra...."
Karamihan saten eh hindi pinapansin kung ano ang maganda at tamang bagay kapag una na nating napuna yung mga mali at kakulangan ng bawat isa. Parang pag kumain ka ng fried chicken tapos walang gravy (bawal kase dito ang gravy). Minsan iaangal mo pa pati baling buto ng pakpak ng manok na kinakain mo. Yung kupas na kulay ng tshirt mo, yung sirang takong ng high heels mo, lahat na lang inangal mo, pati yung kabahuan ng kili-kili ng amo mo, inaangal mo pa sa iba. End of the story....
Pero tignan mo mabuti - sa likod ng mga bagay na inaangal mo, may mga bagay na hindi mo napapansin dahil napipili mo lang na pansinin ang mga bagay na TAMA at ayon sa kagustuhan mo. Hindi mo napapansin ang mga bagay na hindi mo napapansin dahil nagkukumitid at nagsusumingkit ang utak mo kakaisip ng mga bagay ayon sa sariling pananaw mo sa buhay. Paano na lang kung mali ka ng akala? Paano na lang kung may TAMA pala sa likod ng bawat MALI? Eh paano naman kung yung akala mong TAMA eh nagkukunwari lang palang MALI? Maglalaro ka na lang ng iniminimaynimo?
May mga pagkakamali tayong nagagawa dahil sa pagdedesisyon natin sa panahon na pinangungunahan tayo ng PALPAK at WALA sa LUGAR na EMOSYON naten. Breathe in; Breathe out --- chillax. Iiyak mo habang libre pa ang luha,....
"Kung sakaling hindi matuloy ang mga plano mo para sa mga darating na araw, ituloy mo na lang sa ibang panahon, malay mo - kaya hindi pwede sa mga oras na gusto mo, may MAS tamang ORAS pa para dun"
kausap ko lang sarili ko :)
16.9.09
Sacrifice
"Madaming beses, at ayukong mapagod...sana nga hindi pa ko pagod"
Dala na rin siguro ng mababaw kong pag-iisip kaya ko nasabi yan. Hindi ko alam kung nadating lang talaga sa buhay ng tao ang mga ganitong pagkakataon. Hindi ko din alam kung sinusubok lang ba ko talaga ni Papa God. Wala akong alam, wala ako kahit na wanport na ideya. Nakipag-usap ako sa ilang mga kaibigan. Hiningi ko ang payo nila. Natatandaan ko pa - may niyaya pa ata akong magpakasal, pero in the end - pinagtawanan ko na lang ang idea. Sinabi kong nakakasawa na kase.
"Nagsasawa na kong mabuhay para sa ibang tao, pwede bang buhay ko naman ang asikasuhin ko?"
Hindi ko na rin matandaan kung ilang tao na ang sinabihan ko nyan. Pero nakikita ko pa din ang sarili kong bumabangon tuwing umaga at pinagpapatuloy ang nasimulan ko, at patuloy na inilalagay sa utak ko na:
Sacrifice is a part of life. It’s supposed to be. It’s not something to regret. It’s something to aspire to. Little sacrifices. Big sacrifices.
>>>>Lahat ng bagay na ginagawa ko ngayon eh may patutunguhan. ^^, I'll cheer myself up. Dahil hindi ito tahanan ng emo. \m/
13.9.09
Annoyed

Holding anger is a poison...It eats you from inside...We think that by hating someone we hurt them...But hatred is a curved blade...and the harm we do to others...we also do to ourselves...--quote from The five people you meet in heaven by Mitch Albom
I am currently reading this very beautiful book by Mitch Albom. And yeah I am also CURRENTLY experiencing one bad day here in the office.
Belated happy monthsary to my Bebe ^^,
30.6.09
Subok
Subukan mong mag-abroad, tutal naman bata ka pa, hindi ka magiging malungkot dun. Isipin mo na lang ang kinabukasan ng mga kapatid mo, nila, naming pamilya mo.Kung tama ako ng pagkaka-alala, yan ang pahayag na nagpakumbinsi saken para mangibang-bansa....
Halos mag-iisang taon na din ang lumipas mula ng mahirapan akong kumbinsihin ang sarili kong umalis. Madami akong mga tanong noon. Natatakot akong umalis. Natatakot akong iwanan ang mga mahal ko sa buhay. Natatakot akong maiba ang takbo ng buhay ko. Oo, natatakot ako. Dahil duwag ako.
Naaalala ko pa, Marso pa lang ng taong 2008 ay pinakuha na nila ko ng passport sa DFA. Ilang araw matapos ang aking kaarawan. Malungkot ako ng mga panahon na iyon. May hang-over pa kasi ako sa pakikipaglokohan ko sa aking ekswaysey, masakit din ang kalooban ko nun, dahil na rin kailangan kong iwanan ang pag-aaral ko. Huling taon ko na nun sa kursong BS Vulcanizing. Kaya lang, para sa isang MAS magandang oportunidad, pinili kong makipagsapalaran.
Hulyo 21, 2008 ng natanggap ko ang aking visit visa at plane ticket galing sa aking tita. Wala ako sa sarili ng mga panahon na yun. Hindi ko rin sinabi sa aking mga magulang na matutuloy na ang pag-alis ko. Wala akong sinabihan ni isa dahil ayoko SANA tumuloy. Dahil na naman sa TAKOT at PANGAMBA na baka hindi naman ako swertihin sa ibang bansa. Marami akong impaktors na dinadahilan sa sarili ko.
Not all things are meant to be, but everything is worth a try
Dinikdik ko sa sistema ko yang kasabihang yan.
Hanggang ngayon namumuhay pa din ako sa kasabihang yan.
Minsan nalulungkot ako at nahihirapan.
Iniisip na sa edad kong ito, sana ay nasa tambayan lang ako at nakikipagharutan sa mga kaedaran ko.
Iniisip na sana, nasa bahay lang ako at natutulog.
Iniisip na sana nasa bahay lang ako at nakikita ang pagkukulitan ng mga kapatid ko.
Iniisip na sana, nasa bahay lang ako at naririnig ang mga tawa at halakhak ng mga kapatid ko.
Iniisip na sana,sana lang naman. Nasa pinas ako.....
Ngunit ang lahat ay hanggang sana lang......
Dahil.......
Hindi ako pinayagan magbakasyon ng amo ko sa Pinas ngayong taon na toh. Buhoooo...takte ka boss...!!!!!!
30.5.09
Retreat..
At napagtanto kong..."IN DENIAL" nga ako, sa ilang aspeto ng buhay ko.....
Late kaming dumating sa venue. Ang usapan ay 8am pero nakarating kami ng 10am dahil na rin kamag-anak ni Pong pagong yung drayber ng aming busella. Hindi naman ako umangal, dahil sa haba ng binyahe namin, natulog talaga ko dahil gumawa pa ko ng kalokohan nung hwebes ng gabi. Pagdating doon ay nagsisimula na ang retreat. Masaya pa ko nung una (although masaya naman ako all throughout the event,) dahil nakasama ko ulit ang mga matagal ko nang hindi nakikitang mga kaibigan...
--------------------->
Marami akong agam-agam na namamahay sa aking puso at isipan. Mga bagay na ako at ako lamang ang sadyang nakakaalam pero pilit kong itinatanggi. Ang dahilan---"pagiging makasarili". May mga pangyayari sa nakaraan at kasalukuyan na pilit kong hindi pinapansin dahil ayoko ng "kumplikasyon". Ayokong masaktan at makasakit. Ayokong magkagusto at magustuhan. Dumating na rin sa punto na ayokong magmahal at mahalin. Dahil masyado na kong nasanay na mamuhay mag-isa, at takot na akong masaktan....
Hindi ako fanatic ng aking kulto. Nananalig at nirerespeto ko si Papa God sa sarili kong paraan. Hindi OA, hindi rin naman kulang. Sapat lang na natutugunan ko ang mga obligasyon ko sa kanya at sa aking kulto. Nawawala at lumiliban ako kung kelan ko gustuhin. Umiiwas at nagpapalusot ako gamit ang aking husay sa paggawa ng kwento (na nakakakumbinsi naman sa aking lider). Ilang mga bagay na sadyang sumampal sa muka ko kahapon...
Napagtanto ko din na iniisantabi ko lamang lahat ng hapdi at sakit na nararamdaman ko dahil hindi ako gusto ng isang nagustuhan ko sa kulto. Inakap ako ng mahigpit ng kanyang kasalukuyang napupusuan at ibinulong sa akin ang mga salitang "Babe, im sorry..", na syang nagpakawala sa mga emosyon na pilit kong pinipigilan simula pa nung araw na aminin niya sa akin ang lahat.....
------------------------>
Ngayon, alam ko na ang purpose kung bakit napilit ko ang sarili kong magpunta dun. Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat. Ngayon ay alam ko na kung saan ako magpo-focus sa aking munting plano sa buhay....:)
If you will learn to forgive yourself, you will learn to MOVE FORWARD,only then you will learn to fully appreciate the miracle of LOVE..."
25.5.09
Boss busaboss
Iba ang walang ginagawa, sa gumagawa ng wala..--Bob Ong
Yan ang munting mensahe ko sa pinaka the-best na amo sa mundo!
Ang amo kong:
- Sobrang bango ng hininga at ng kili-kili, lalu na sa panahong ito!
- Ubod ng sipag---sipag mag-utos ng mga bagay na sya "na" dapat ang gumagawa.
- Ubod ng bait! dahil kahit sigawan ko sya at murahin, keri lang sya, steady lang at composed. Anyways, tagalog ang pagmumura ko kaya hindi sya umaalma.
- Hindi marunong gumamit ng excel! Tatawagin niya pa ko para lang maglagay ng BASIC formula sa kanyang spreadsheet!
- Hindi marunong magsave ng document as PDF, (minsan iniisip ko kung pano sya napunta sa opisina ehh..grrrrr..muntikan na xa kainin ni Pareng Adobe sa pinagagagawa niyang kalokohan sa laptop niya.)
- Hindi marunong magdesisyon ng mga bagay-bagay sa sarili niya! Kelangan tanungin pa saken, at ang pinakamahalaga sa lahat....
- Pag pumapalpak sya, (na madalas ay nangyayari, damay ako! damay ako sa parusa!..dahil hindi daw ako sumusuporta sa kanya!)...
O diba? the best amo ito! Nyahahaha.....
19.5.09
Win
I'll never give up
Never give in
Never let a ray of doubt sweep in
And if i fall
I'll never fail
There's much tooo much at stake
Upon myself I must defend
Im not looking for place ashore
I'm gonna WIN....
Paborito akong isali ng aking mga magulang sa mga kung anu-anong contest sa baranggay. Tulaan, declamation (parang pareho lang ata yun?), kantahan,quiz bee, spelling bee,reading echoz at kung anu-ano pang kalokohan...Dumating sa punto na nakakasawa na manalo (ang yabang..hehe), kung kaya't iniwan ko ang showbiz, este ang pagsali sa mga ganung bagay.
Bandang hi-skul ay muling nagbalik ang passion o hilig ko sa pagsali sa mga ganyang kalokohan. Sumali ako sa slogan/poster making, essay writing, singing contest (wag nyo na pangarapin marinig ang boses ko dahil hindi maganda, nagkakataon lang na mas maganda ng wanport ang boses ko kaya ako nananalo dun!)--tama na ang kayabangan at nagiging mahangin na yung tema ng post na toh....
Nanalo ko sa iba, pero mas madaming beses akong natalo. Pero at dahil makapal ang muka ko, nagpursige akong sumali ng sumali...Sabi nga ng nanay ko..motto ko daw sa buhay eh...
Try and try until you succeed...
Hindi ako namuhay sa motto na yan kundi, namuhay ako sa munting paniniwala ko....
Na kapag inilagay mo ang puso mo at dedikasyon sa paggawa ng isang bagay,
siguradong magagawa at makakamit mo yun kahit na anong pagsubok pa ang dumaan
sayo.....
13.5.09
Pedigree
"So when can you join our company?"..tanong ng interviewer sa kanya. "As soon as possible sir!, am I qualified for the job?"..Saglit na tumahimik ang lalaki at ngumiti.."Yeah, congratulations! welcome to the company..blah blah blah"...Isa o dalawang linggo bago kami nagkita ng kumpanyang pinagsisilbihan ko ngayon. Mainit at mahirap maghanap ng trabaho --lalu pa at baguhan ka sa lugar na kinalalagyan mo. Tawag dito, tawag dun. Bargain ng presyo ng sahod, tawad ng presyo dun. Pag-uwi sa bahay, pasa ng CV sa net at tutok naman sa classified ads ang magiging highlight ng araw ko nung mga panahong yun.
-----------------------
Buong maghapon ako ngayong nag-iisip kung iiwan ko na ang kumpanyang matagal tagal ko na ding pinagsisilbihan. Liban sa trabahong inaplayan ko, marami pa kong extra curricular activities na kailangang gawin para sa kumpanya. Minsan eh inaabot pa ko ng dis-oras ng gabi para lang matapos ang lintek na mga report na pinapagawa saken. Pero pag may isang bagay na pumalpak---asahan mo na. Sa pinoy nila isisisi ang lahat. Kahit pa ang isyu ay panahon pa ni Magellan naganap, saken at saken isisisi ang lahat. Nakakasawa na din kung minsan.
Lalu pa at ganito ang amo mo..sasampolan ko kayo ng mga nakakawindang na utos niya saken...kayo na lang ang humusga..
Give me an clear explanation why is that you people Need such a days to clear & maintain such a small inventory , are you not ready & understood to maintain an inventory?
At kaninang umaga nga, may naganap na anumalya. Walang sinuman ang nagsumbong (sa tingin ko), wala rin akong malay,lalung wala akong kinalaman, lahat ay pakulo ng engot kong manager, at masaya pa ko ng kinausap ako sa telepono ng big boss namin (akala ko kasi promoted ako, o kaya naman eh may increment nang naghihintay para saken). Kaya lang another nosebleed moment na naman pala! As in, hindi kami magkaintindihan dahil hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ng mga binibitawan kong simpleng salita..(hindi ko na iisa-isahin dahil nakalimutan ko na din naman), nakakatawa pa, bumanat pa ng ganitong tirada si boss: "Are you able to understand english well?", sumagot ako ng pabuntung-hiningang "I think so?", pero gusto ko na syang batukan at yugyugin para magising sya sa katotohanan na para syang kinder kung mag-english..pucha...boss lang kasi sya kaya ako ang laging mali..hahaha...At hayun nga, maya maya pa ay nagbigay pa ng hatol ang magaling na matanda at sinabing pipiliin niya sa aming tatlo (manager, salesman, at ang dakilang julalay na si ako), sa kung sino yung kakaltasan niya sa sahod. Umalma na ko ng banggitin niya yun, nagpasweet ng wanport sabay sabing: "Oh, c'mon sir, is it really like that?"..Tumawa ang walangyang nasa kabilang linya sabay sabing.."Yeah, its like that,bye Jenni" beep beep...
Tahimik kong tinungo yung upuan ko. Ngiti ng plastik sa manager ko sabay kwento ng magandang balita...Nawindang ang amo ko, nangilid ang luha, sabay sabing "This was my fault only...tell him it was my fault..".. Natawa ko, tapos naisip kong "kita mo tong kupz na toh, aamin na lang at lahat iuutos pa din, sarap pirmahan sa muka.."
Kahit bali-baligtarin ko ang utak ko, di ko mahanapan ng sagot ang kasalukuyang kalakaran dito sa opisina namin. Masyadong masakit (sa ilong) sa utak ang mga kaganapan nung kelan....Hindi ko alam kung matatagalan ko pa to, o aakapin ko na lang ang iba pang oportunidad sa dako pa roon. Oo, baka---pwede, pero, pag-iisipan ko muna ng mabuti....
2.5.09
Kwentong Kalye
Naglaro ka ba ng tumbang preso at nabato ng chinelas sa muka?
Naglaro ka bang ten-twenti at umiyak pag abot kili-kili na ng kalaban yung taas dahil hindi mo na maabot? Chinese garter na naging dahilan ng bonggang pagkabali ng kamay mo at nasemento-ng-di-oras?
Nakipaglaban sa paggawa ng may pinakamaganda at pinakamalayong lyrics ng themesong ng batibot? Nagemo mode ng nag-aklas lahat ng kalaro mo sa kalye dahil dineclare na ng mga nanay nila ang martial law?
Nag-adik sa pacman, mario, circus charlie at kung anik anik pang computer games dahil grounded ka na din sa hindi mo maipaliwanag na dahilan?
Nang nawala ng biglaan isa isa ang mga kalaro mo dahil ang iba nakakasalubong mo na lang eh mga lalaking naka-saya na at ang mga babae eh hindi na daw pwedeng magtatalon at magpakalat-kalat sa kalsada dahil may "bisita" na daw sila???
Nang naiwan kang nakatunganga at tinatanong pa din ang nanay mo ng mahiwagang tanong na: "mama, bakit ganun? bakit lahat sila parang ayaw na saken ngayon?"
Ang sarap sana maging bata ulit. Wala kang alam sa nangyayari sa paligid mo. Dahil hindi pa yun maintindihan ng mura at bubut mong utak. Kung minsan gusto kong bumalik sa pagkabata--para lahat ng malulupit na katotohanan na nalalaman ko ngayon eh maintanggi / maitatwa ng mura kong isipan na nakatutok lamang sa iisang paniniwala : "Na ang paglalaro ay masaya, walang kasing saya"