Showing posts with label SFC. Show all posts
Showing posts with label SFC. Show all posts

20.6.09

Nasaan ako kahapon?

7am ang calltime. Pero gaya ng nakasanayan ko, 7am ako gumising at nakarating sa simbahan ng 7:40am. Ayus lang. Alam kong di sila magsisimula ng kulang ang kanilang "sopraning" (ang yabang !hahaha).



At oo, maigsi na ulit ang buhok ko. Summer na kase, at naiirita ko ng suklay ober hir and there. Haha. Tignan nyo pa tong sunod para makita nyo yung mga nagmumura kong pimpols. Haha...

Yan ang mga sopranings. Pero ang orig na katandem ko eh yang naka-green. For better or for worse. Till 8th note and half note do we part kami nyan ni Jhandy. Haha. At syempre kasama namin yung malulusog na mga iba pang members. Si Sheryl at Luna (sayang Yanah wala ka dito, oks na sana). Hehe.

-------------------------------->
Ang mga group pictures! (Yung mga kapeysbuk ko, eto rin yung mga yun!heheh...)




At dahil nagpakamatay ako sa pagpapaalipin sa kanila kahapon (joke), hinayaan nila kong wag magpakita sa kanila sa byernes! Yeay! QT naman namin ni B1...:), we will invade Dubayerzzz Azel and Jee! :D

30.5.09

Retreat..

Isang special retreat ang idinaos kahapon. Isang retreat na ayuko sanang puntahan nung mga panahon na inaanounce pa lamang ito sa amin. Duwag kasi ako, takot akong maisampal nila sa muka ko ang katotohanan, takot akong malaman na talaga nga namang nagmamaang-maangan lang ako sa tunay kong sitwasyon at nararamdaman....

At napagtanto kong..."IN DENIAL" nga ako, sa ilang aspeto ng buhay ko.....


Late kaming dumating sa venue. Ang usapan ay 8am pero nakarating kami ng 10am dahil na rin kamag-anak ni Pong pagong yung drayber ng aming busella. Hindi naman ako umangal, dahil sa haba ng binyahe namin, natulog talaga ko dahil gumawa pa ko ng kalokohan nung hwebes ng gabi. Pagdating doon ay nagsisimula na ang retreat. Masaya pa ko nung una (although masaya naman ako all throughout the event,) dahil nakasama ko ulit ang mga matagal ko nang hindi nakikitang mga kaibigan...

--------------------->
Marami akong agam-agam na namamahay sa aking puso at isipan. Mga bagay na ako at ako lamang ang sadyang nakakaalam pero pilit kong itinatanggi. Ang dahilan---"pagiging makasarili". May mga pangyayari sa nakaraan at kasalukuyan na pilit kong hindi pinapansin dahil ayoko ng "kumplikasyon". Ayokong masaktan at makasakit. Ayokong magkagusto at magustuhan. Dumating na rin sa punto na ayokong magmahal at mahalin. Dahil masyado na kong nasanay na mamuhay mag-isa, at takot na akong masaktan....


Hindi ako fanatic ng aking kulto. Nananalig at nirerespeto ko si Papa God sa sarili kong paraan. Hindi OA, hindi rin naman kulang. Sapat lang na natutugunan ko ang mga obligasyon ko sa kanya at sa aking kulto. Nawawala at lumiliban ako kung kelan ko gustuhin. Umiiwas at nagpapalusot ako gamit ang aking husay sa paggawa ng kwento (na nakakakumbinsi naman sa aking lider). Ilang mga bagay na sadyang sumampal sa muka ko kahapon...

Napagtanto ko din na iniisantabi ko lamang lahat ng hapdi at sakit na nararamdaman ko dahil hindi ako gusto ng isang nagustuhan ko sa kulto. Inakap ako ng mahigpit ng kanyang kasalukuyang napupusuan at ibinulong sa akin ang mga salitang "Babe, im sorry..", na syang nagpakawala sa mga emosyon na pilit kong pinipigilan simula pa nung araw na aminin niya sa akin ang lahat.....

------------------------>
Ngayon, alam ko na ang purpose kung bakit napilit ko ang sarili kong magpunta dun. Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat. Ngayon ay alam ko na kung saan ako magpo-focus sa aking munting plano sa buhay....:)

If you will learn to forgive yourself, you will learn to MOVE FORWARD,only then you will learn to fully appreciate the miracle of LOVE..."