Showing posts with label chorva. Show all posts
Showing posts with label chorva. Show all posts

12.5.09

Chorva

Dear Chorva,

Kamusta ka na? Kilala mo pa ba ang ate? Naaalala mo pa ba na sa akin nanggaling ang pangalan mo? Napakabilis nga naman ng panahon..kelan lang eh nagpapanic kame ng malaman namin na gusto mo nang lumabas galing sa black hole ni Mama. Naaalala ko pa--masayang masaya ko ng nalaman kong pareho tayong kaliwete. Naaalala ko pa kung paano mo ako gisingin sa pamamagitan ng paghalik mo sa aking pisngi. Haiii....namimiss na kita chorva. Ako ba eh miss mo na din jan?

Naaalala mo pa ba kung paano kita sigawan at konyatan pag kumakanta ka ng themesong ng Marimar? Sorry naman chorva- di ko lang kase matanggap na ang hunico hijo namin ay magtatayo lang ng parlor sa hinaharap.

Maraming salamat nga pala sa bonggang rendition mo ng "Hatatoteituyu" (happy birthday to you) nung birthday ko, yun yung pinakamagandang greeting na natanggap ko this year..Sobrang miss ka na talaga ng ate, sana pala isinama na kita dito (kung pwede lang sana) . Gusto na kitang makakwentuhan ng personal at muling yakapin at amuyin ang kili-kili mo (mabaho kasi kili-kili ng mga tao dito, nyahahah)..Kaya lang, kelangan munang mag-stay ng medyo matagal ni ate dito. Para makabili ka pa ng madaming laruang plato-platuhan, manika at kung anu-ano pang ka-chorvahan. Ibibili rin kita nung makintab na damit na kagaya kay Kuya Germs para mas maging epektib pag sinabi mong "walang tulugan!!!". Hanggang dito na lang bunso, sana pag marunong ka nang magbasa eh mabasa mo tong dramang sulat ko sayo....

Suportado ka sa iyong pagchorva,
Yate..(yan kase tawag nya sken..hehe)