Showing posts with label ekek. Show all posts
Showing posts with label ekek. Show all posts

12.5.09

Chorva

Dear Chorva,

Kamusta ka na? Kilala mo pa ba ang ate? Naaalala mo pa ba na sa akin nanggaling ang pangalan mo? Napakabilis nga naman ng panahon..kelan lang eh nagpapanic kame ng malaman namin na gusto mo nang lumabas galing sa black hole ni Mama. Naaalala ko pa--masayang masaya ko ng nalaman kong pareho tayong kaliwete. Naaalala ko pa kung paano mo ako gisingin sa pamamagitan ng paghalik mo sa aking pisngi. Haiii....namimiss na kita chorva. Ako ba eh miss mo na din jan?

Naaalala mo pa ba kung paano kita sigawan at konyatan pag kumakanta ka ng themesong ng Marimar? Sorry naman chorva- di ko lang kase matanggap na ang hunico hijo namin ay magtatayo lang ng parlor sa hinaharap.

Maraming salamat nga pala sa bonggang rendition mo ng "Hatatoteituyu" (happy birthday to you) nung birthday ko, yun yung pinakamagandang greeting na natanggap ko this year..Sobrang miss ka na talaga ng ate, sana pala isinama na kita dito (kung pwede lang sana) . Gusto na kitang makakwentuhan ng personal at muling yakapin at amuyin ang kili-kili mo (mabaho kasi kili-kili ng mga tao dito, nyahahah)..Kaya lang, kelangan munang mag-stay ng medyo matagal ni ate dito. Para makabili ka pa ng madaming laruang plato-platuhan, manika at kung anu-ano pang ka-chorvahan. Ibibili rin kita nung makintab na damit na kagaya kay Kuya Germs para mas maging epektib pag sinabi mong "walang tulugan!!!". Hanggang dito na lang bunso, sana pag marunong ka nang magbasa eh mabasa mo tong dramang sulat ko sayo....

Suportado ka sa iyong pagchorva,
Yate..(yan kase tawag nya sken..hehe)

26.3.09

Blangko

Dahan dahan kitang palalayain
Hahayaang ibang daan ang tahakin
Ngunit kung sakaling ako ay lingunin
Aking iuusal na kailanpaman "ika'y mamahalin"

Mga salita ay hindi maapuhap
Dito sa aking utak bawat bagay ay di malingap
Sa aking pagpikit ikaw ay nakikita
at ang iyong anino, kasama siya


>>> Nasulat ko yan kagabi,bago ako hilain ng aking kama para matulog. Hindi ko naman malaman kung kunektado nga ba sa tunay na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko rin alam kung bakit hanggang ngayon eh magulo pa din ang takbo ng utak ko. Hindi ko malaman kung ano nga ba ang gusto kong gawin, isipin, kainin, lutuin, panoorin, trabahuin, kulitin, kutingtingin, at kung anu-ano pang makabuluhang bagay na dapat ay tumakbo sa aking isip. Hindi naman ako ganito dati. Siguro childish lang talaga ang approach ko sa mga bagay bagay sa paligid kaya ang epekto saken eh ganito. Siguro nga, malamang, pwede rin, pwede na. Oo na nga. Hayy. Buhay. Magulo. Maingay. Makulit. Seryoso. Paikot-ikot. Maligalig. Nakakabaliw. Nakakabalisa. Nakakaantok.
Nakakaantok.
Nakakaantok.

Tama, inaantok nga ako. Kahit na natulog ako ng sampung oras kagabi, pakiramdam ko ay pagod na pagod pa din ako. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit hindi man lang ako kinapitan ng kahit na anong lungkot ng magpaalam sya saken. Siguro nga ay nasanay na ko. Ilang taon din naman akong nabuhay ng mag-isa lang. May kaibigan, pero kokonti lang. Piling-pili lang. Hindi mo din ako makakausap ng matino. Weather-weather lang. Speaking of weather, natatawa ko dahil umulan ng yelo dito kagabi. Literal. Literal na yelo ang bumagsak mula sa kalangitan ng Land of the Rising Smell. Nabanggit lang yan saken ni Azel sa pamamagitan ng isang phone patch. Subalit pagkatapos ng aming usapan, agad akong tinablan ng pananamlay at bumalik sa mahimbing na pagkalinga ng aking kama. Maya-maya pa ay may narinig akong kung anong ingay. Away. Away. Na naman. hehe. Yan ang hirap sa mga mag-asawa, pag may sinaltik sa isa sa kanila, asahan mo pati tulog mag-eenjoy sa drama nila. At ayun na nga ang nangyari, drama dito, drama dun. Biset! Yan na lang ang naibulong ko.

Balik tayo sa kaibigan. Mula kabataan mangilan-ngilan lang din talaga ang naging kasama ko "in sickness and in health". Hindi kasi ako nag-eenjoy sa malaking bilang ng magkakaibigan (kahit na kabilang ako ngayon sa isang grupo ng makukulit na mga bata sa kulto). Hindi pa din ako aktibo sa mga galaan, sosyalan, at kung anu-ano pang kaplastikan na ginagawa ng sama-sama nitong mga taong ito. Kuntento ako ng tahimik lang. Nangungutya ng tahimik, nanggagago ng tahimik. Basta, lahat ng bagay ginagawa at inaaartehan ko ng kalmado lang. Noon yun..
Noon
Pero naiba ngayon...
Malamang bukas iba na naman yan..hai hai...

23.3.09

Move forward

Sa ayaw ko man o sa gusto eh kailangan mag-move forward. whether it is for the betterment of the economy of the Philippines, UAE, Iraq, Japan, Thailand,Taiwan, Singapore, Malaysia o ng buong universe, galaxy, milky way at maging sa space. (salamat sa idea Yanah).

Ilang araw ko din binulag ang mga mambabasa ko sa pagiging corny ko. Heto at sesegway muna ako para sa ikabubuti ng lahat. Madami na rin kasing bulung-bulungan, sigaw-sigawan, asar-asaran, tanung-tanungan at kung anu-ano pang kabulastugan ang naganap. Maging sa fonella, ym, cbox, comment box at kung saang lupalop---basta maitanong lang saken kung ano ang estado ko ngayon. Teka, hindi ako artista- at walang balak kahit kelan na pasukin ang magulong industriyang yun! Syempre move forward ako! :),.Tayo pala...
---------------------------------------------------------------------------------------------
Mahilig akong umattend sa mga kung anik-anik na mga recollection. Peborit ko kasing libangan ang pagbabalik-tanaw sa mga kagaguhan at katarantaduhan na pinagagagawa ko sa buhay ko. Masarap din sa pakiramdam na kahit minsan eh mailabas mo sa sambayanan ang nilalaman ng inaamag mong pusu-pusuan. Libre umiyak, umangal, magsumigaw, maginarte at kung anu-ano pa.

Sabi nga nila "may bukas pa". Malamang. Madami pang bukas ang dadating. Kaya isa isang hakbang lang patungo sa kinabukasan. Ang mahalaga, sa bawat pag-ikot, tumbling, iskwat, split, ng buhay, alam natin kung paano ito pahalagahan at gamitin sa tamang mga bagay bagay. Dahil lagi dapat natin isipin na:

Ang tanging bagay na permanente, ay ang pagbabago.....

6.3.09

Beerday blues

Matagumpay kong nalampasan ang kadepress depress na kabanata ng buhay ko - ang araw ng aking kapanganakan. Depressed akong gumising ng araw na iyon at dahil nasanay na kong lumilipas ang araw na iyon ng wala man lang pasabi. Pero sa hindi inaasahang hindi inaasahan, naging birthday with a twist sya ngayong taon na toh. Nang ibaba ako ng peborit drayber namen sa aking workalush, agad niya kong binati ng "Happy birthday little lady!"..(oo little lady ang tawag niya saken dahil hindi niya daw akalain na bibigyan ako ng visa dito sa uae dahil nga menor de edad ako, and in return, DAD naman ang tawag ko sa kanya ..hehe) Abot tenga ang ngiti kong bumaba sa bus at tinungo ang opis. Pag open ko ng konchuter, log in sa ym, tatlong offline msg ata ang tumambad saken at bumati ng happy beerday. Maya maya pa..nagring ang jelefono ko *ringing tone I miss you by incubus*
PHONE PATCH #1: J: Hello, pwede po ba kei jennifer?
Aq: huh, cnong jennifer?
J: Ah si Jen pala..ehehehe
Aq: (Tukmol na toh! tatawag tawag ndi namn alam kung sino tinatawagan)
J: Kamusta ka na? Hapi birthday ah?!
Aq: Ok lang.,tenk yu ah..pano mo nalaman?
J: Binandera mo kasi sa multi chka fs eh
Aq: I c..cge next time di ko padadaanin sayo.haha..cge tenks
tooot....end of the conve..
PHONE PATCH #2: A: Hello bakla, kamusta?
Aq:(Nagtataka) Ah hello, ok nmn, ikaw musta?
A: Ok lang din, nakatanggap ka na ng tawag galing pinas?
Aq: Hindi pa, pero bnati na nila ko kahapon.
A: o cge, babatiin lang kita ng happy birthday..
Aq: Ok, tenk yu,ingat ka paguwi...
tooot......end of conve uyet.
PHONE PATCH #3: G: Bakla!!!!!!!
Aq: ?????????
G: di ba bday mo ngayon?
Aq: oo, bakit excited ka, gusto mo ikw din?hhaha
G: ikw, naman, hilig mo tlga magbiro..
Aq: (amf! hindi joke yun nho). tenks...
G: Kamusta ka na?
Aq: Ok nmn..(nung naramdamang ready for chika ang nasa kabilang panig, mega babye ang lola
Aq: Sis have to go na..Im busy with my work eh...
At etong isang to ang panalo sa lahat ng tumawag...

A: Hello, can I pls speak to Ms. Jenny *surname here*?
J: Speaking, may I pls know who's this?
A: Im from Barclays credit card, this is regarding your credit card payment.
J: (nag-isip ng wanport). What credit card? maybe you've got the wrong no? I dont have any?...
A: Joke joke joke!!!!!
J: $&*%, sira ka talaga!
A: Hehehe...tumwag na ba XA sa yo?
: Happy birthday!
J: Grabe ka! nagulat ako dun...tenk yu tenk yu..

Tapos hiwalay pa ang mga text messages and everything. May pahabol pa ngang mga carolers in the middle of the night na nagdala ng birthday parapernallas dito sa kubo namen. Dinalhan pa ko ng crown at kung anu-ano pang kalokohan sa buhay. (Akala ata nung mga yun eh 7th bday ko pa lang). Nagkaroon ng bolahan, tanungan ng wish at kung ano ano pa...Ang ending, ang realisasyon na isang taon na naman ang nadagdag sa edad ko. Kung may magagawa nga ba kong pagbabago sa taong ito, hindi ko pa nakikita. Kung may magaganap nga bang pagbabago, hindi ko pa nararamdamang dadating.

Natapos ang araw na yun ng may hinihintay akong bonggang pagbati, pero namuti na ang kamatahan ko, hindi pa din sya nakakaalala (o malamang sa malamang) hindi niya pinagaksayahan ng panahon na alalahanin. Tinulog ko na lang ang mahiwagang pagche2ck ng attendance.
(yung mga bonggang picture hindi pa naa-upload ng mga sponsor ko, (mga busy sa karir eh!), kaya by next wk ko pa siguro maipapakita sa inyo...).....

Nakikisintimyento din pala ko sa maagang pagpanaw ni Francis M.... Nalulungkot ako para sa mga naiwan niyang mahal sa buhay. Madalas kung minsan, ganun talaga ang buhay buhay,kung sino yung mabait sya yung nauuna kunin ni Papa God. Heto pa at maririnig ko na naman sa tita dear ko ang mga linyang "Only the good ones, die early". Minsan talaga, mahirap intindihin ang buhay, pero gaya ng sabi nila, kelangan nating mabuhay ng parang wala ng bukas, hindi kasi natin alam, kung kelan NIYA kakailanganin ang attendance natin sa itaas...