Naynay,
Nagbasa ko kahapon ng isang libro na pinahiram saken ng isa kong kapatid sa paniniwala dito sa lugar ng mababahong nilalang. Wala kasi kaming tv ngayon dahil hindi nabayaran ang bill dahil pinambili ng
"slimming pills" ni Tita. Homework ko yun at kailangan kong matapos basahin hanggang byernes, pero dahil ako eh batung-bato kagabi
(kahit na puyat na puyat na ko at antok) hindi pa din ako nakatulog ng maaga dahil maingay ang paligid kaya pinagpasyahan kong pagtuunan ng pansin ang librong yun.
Kasabay ng paglipat ko ng mga pahina ng aklat ay ang aking muling pagbalik sa ating mga alaala habang magkasama pa tayo, habang ako ay musmos pa lamang at wala pang nalalaman sa malupit na mundong ginagalawan natin ngayon. Habang ikaw lamang at si Taytay ang aking hinahangaan at tinitingala sa pagmamahal at pag-aaruga na inaalay nyo sa amin ng aking mga kapatid. Kung paano mo hinubog ang aking asal, kung paano mo ako pinatatag at pinalakas sa pamamagitan ng iyong mga salita at pangaral.
Naalala ko pa, sa maraming pagkakataon ay nagaaway tayo. Hindi ko nga lubos maisip na sa aking paglaki, magiging magkasundo tayo. Na sa bawat isang hibla lamang ng iyong mga pahayag, agad na nadudurog ang munti kong puso at sinisiwalat sa iyo ang maliliit na hinanakit na pilit kong itinatago sa inyo.
Nahihiya akong umamin ng nararamdaman kong paghanga at pagmamahal para sayo. Ang sabi nila, kung sino ako ngayon eh utang ko sa aking mga magulang. Sa twing may nagsasabi sken na
"maswerte ang mga magulang mo, dahil isa kang mabait na bata", agad ko silang sinasagot ng:
"mas maswerte po ako dahil sila ang naging mga magulang ko!" Nalulungkot ako na kailangan nating mabuhay ng magkahiwalay. Na sa ym, tawag at text na lang kita nakakausap ngayon. Na hindi ko na nakikita ang mga ngiti mo sa twing bibiruin kita ng mga corny kong joke. Na hindi ko na natitikman ang luto mo. Na hindi ko na naririnig ang maingay mong sermon pag nagpapasaway ako sa araw araw. Na hindi ko na naririnig ang boses mong nag-aalala pag may sakit ako
. Hindi ko alam at hindi ko mahanapan ng paraan kung paano ko gagawin na makabuluhan at espesyal ang araw ng mga nanay na kagaya mo. Kaya sana, sa maliit na paraan na naisip ko eh mapadama ko sayo na mahal na mahal na mahal kita!..:)..Advance Happy Mother's Day sayo! :)
Laging handang mangulit sayo,
EǝʞsuǝJ