Showing posts with label lola.grr.. Show all posts
Showing posts with label lola.grr.. Show all posts

23.1.10

Remote ME....

Sanay akong mamuhay ng mag-isa. Ng magdesisyon mag-isa, at gumawa ng mga bagay na nakasanayan kong gawin ng mag-isa lang. Naging kuntento ako sa mga bagay na nasa paligid ko , kahit na madaming kakulangan sa buhay ko sa mga oras na ito. Naging masaya ako sa kabila ng mga agam-agam na nakapaloob sa puso ko sa mga oras na ito. Pero pinipili kong manahimik at pikit-matang harapin ang bawat araw ng may pag-asa sa aking puso.

Hanggang sa dumating ka.

Aminado akong natatakot ako sa tuwing binibisita mo ako. Sa tuwing dumadaan ka paminsan-minsan at kumakaway sa buhay ko. Lahat ng routine ko eh binabago mo. Sabi ko nga, para kang si HITLER kung makautos saken. Porke ba uto-uto ako eh ganyan mo na ko kung ituring? Matanda na ko kung tutuusin para diktahan ng mga bagay na kailangan kong gawin sa araw-araw. Pero pinagbibigyan kita dahil alam kong masaya ka pag nakikita mong sinusunod kita. Kahit alam kong palpak at wala sa hulog ang mga bagay na idinidikta mo, pinagbibigyan kita.

Hanggang sa mapuno ako.

Pinili kong umiwas, magpalipas ng oras kapiling ng mga kaibigan ko, ng mga taong hindi ako kailanman diniktahan o pinangunahan sa mga desisyon ko. Pansamantala kong tinanggal ang baterya ng remote na hawak mo. Pagod na kong sumunod. Hayaan mo naman akong mabuhay at kumilos ng para sa sarili ko. Nakakasawa na ang mga pagtatalo natin, hayaan mo muna akong umiwas, at hanapin ang DAPAT para sa sarili ko.

22.7.09

Naiinis ako

Kapag ang buhay mo eh medyo smooth sailing ng wanport. Medyo binubuhusan ni Papa God ng konting thrill. Konting twist, parang sa telenovela, para madaming sumubaybay, para maraming ratings, para sumikat pa yung bida.

Ayus naman ang buhay ko ngayon. Oo, almost complete. Lahat kase ng aspeto na "may kulang" dati sa buhay ko eh ayus na ayus na ngayon. Masaya ako at kuntento sa ngayon. (oo, ngayon lang - dahil hindi nga ako marunong makuntento sa buhay.hahah). Liban na nga lang sa mga biglang sumulpot na anay sa mapayapang pamumuhay ko sa bahay ni Tita:

Isang mapayapang araw na nanananananahimik ang pamumuhay ng prinsesa ng mga astig (ako yun). Ay bigla syang nakatanggap ng balita. Balitang nagpabaligtad ng sikmura at nagdala sa kanya sa alanganin (ng wanport) dahil nabalanse nya na ng bongga ang kanya iskedyul at kung ano-ano pang kalokohan sa buhay nya para sa darating na mga araw. Wag kayong mag-alala ang balitang ito eh hindi naman nakakasama sa inyong bida. Wanport lang.

Hanggang sa dumating na nga ang araw ng paghuhukom.

Tahimik na natawa mag-isa si tukmol ng bigla niyang marinig ang nakakahilakbot na boses. Ang boses na mahilig mag-utos. Ang boses na mahilig magmanipula ng buhay ng ibang tao. Ang boses ng taong walang pakundangan kesehodang galing kang trabaho (na nagtrabaho o tumambay, pareho lang yun!). Ang boses na walang binibigay na oras para sayo para ibigay mo sa sarili mo.

Isang bwan LANG NAMAN. Oo, parang kagaya lang ng isang kontrata sa trabaho na agad kang nasipa. Isang bwan lang ang pagtyatyagaan mo at ikaw na ulit ang "master" ng buhay mo. Pwede ka na ulit mamuhay ng patapon o maayos. Matulog ka o hindi, walang makikielam sayo.

Naisip nyo ba? Ang isang bwan na nagtataglay ng 3o o 31 days eh malaki o matagal na panahon din kung iko-convert mo sa seconds? milliseconds? Ang isang araw eh magiging matagal kung bawat minuto eh para kang isang sundalo. "Anak, maupo ka dito...(at makikinig ako sa usapan nyo ng kausap mo), tama na yan, bukas naman kayo mag-usap..gabi na" mga ganung factor lang. Nakakabanas, dahil hindi nya alam kung gano kahalaga saken yung bawat isang salitang pinag-uusapan namin ng kausap ko. (kung magsalita parang business ang pinag-uusapan, hahah)

Palibhasa walang lablayp. Hahaha.. Kaya mahilig makielam. Palibhasa walang natawag at nagteteks sa kanya kaya madaming napupuna. Palibhasa............Hayyyyyyyyyyyyyy........
Palibhasa hanggal angal lang ako.

Takte...
Ilang araw na lang naman.
Minus, minus, plus, divide, subtract, ikwals. At makikita ko na sya ulit na umalis. tahimik na ulit ang paligid. Makakatawa na ko ulit ng hindi sapilitan o pinipigilan. Maipapakita ko na din ang tunay na ako. Yung ako na masamang tao. Yung ako na hindi maintindihan ng maraming tao.