Showing posts with label tambay. Show all posts
Showing posts with label tambay. Show all posts

13.7.09

Si Ate

Isa akong mapanlait na tao. Weirdo ang kumbinasyon ng ugali ko. Mapanlait na mahilig mag-appreciate ng ugali at panlabas na anyo ng ibang tao. Hindi ako maganda at lalong hindi ako perpekto, pero nasa dugo ko na nga ata ang pagiging mapanlait.

Mag-iisang taon na din ako dito sa UAE. Hindi lingid sa kaalaman ko na madaming mga poker face dito. Orayt. Hindi po yung kanta ng isang singer na parang tanga kung kumanta ang tinutukoy ko. Kundi yung mga sumasaydlayn saydlayn kung minsan. I've got nothing against them actually. Very open minded akong tao. Walang kaso saken kung yun ang napili nilang pagkakitaan dahil aware naman ako kung gaano kahirap ang mabuhay dito sa lugar na ito. Lalo pa at panahon ng credit crunch (recession--pero yan ang tawag ng lola ko kaya ginaya ko na din).

At dahil naiirita na ako sa isa kong bagong kabusmate. (itago na lang natin sya sa pangalang "ATE"). Nais kong gawing tabloid ang blog ko para mailabas ang mga hinaing ng sobrang natotoreteng mundo ko dahil sakanya.

Nakilala ko si Ate mga last month. Actually mga bandang march 2009 eh busmate ko na sya. Pero deadma ko sakanya, hindi ko kase maramdaman ang ispiritu at ang substance nya sa pagkatao nya. Mula sa false eyelashes at boobs na parang inflated balloon (oo, parang kagaya ng kay Betty Boop), at walang kwentang stories about her S** life, wala ka nang ibang mahihita kay ate. WALA. as in WALA. WALA talaga kundi ayun nga wentong kahit siguro lalake eh magsasawa nang pakinggan sya dahil sa araw-araw na ginawa ni Papa God, yun ang gawain nya ang Magyabang at magkwento na ginawa syang dinner ng kasama nyang kadinner date nung isang gabi. Naisip ko tuloy na may mas walang wentang tao pa pala bukod saken.

Iniiwasan ko na sya, pero kagaya ng pulgas na pilit sumisiksik sa balat ng aso, sumisiksik pa din sya sa akin at panay ang kwento at yabang tungkol sa iba't ibang lalake na meron sya sa lahat ng emirates na meron ang UAE. Malapit na kong magkasakit ng patay-malisya dahil nagpapanggap akong bingi at tulog kapag tumatabi sya sa akin sa bus.

Pero sa isang banda ay naaawa din ako kay ate. Naawa ako dahil hindi nya mahanap ang tunay na kaligayahan at atensyon na dapat ay tinatamasa nya. Naaawa ako dahil iba ang pagtrato nya sa kahalagahan nya bilang isang babae. At naaawa ako sa kanya dahil, parang kumawala na sakanya ang utak nya.

Hayy ate, wag mo sana makilala si B1. Haha. Kundi pag-uuntugin ko kayo ng bonggang-bongga. Joke ^^,

14.5.09

Sayang

Kapag ang isang bagay, hindi ko na kailangan...tinatapon ko na, o kaya naman ay pinamimigay ko sa iba, tska lang ako nagsisi pag nakita kong hawak na ng iba...

Bitbit ang kanyang gamit ay iniwan niya ako sa ilalim ng puno ng acacia. Tahimik akong tumangis at tinanong kung "Bakit ganun kalupit ang binitawan niyang mga salita". May ilang minuto din akong tahimik na nag-isip. Tila wala sa aking sarili ay tinungo ko ang aming tahanan.

Pagdating ko sa bahay ay agad akong sinalubong ng aking ina, sabay tanong: "Anung nangyari at nagmumugto yang iyong mga mata?". Isang mapait na ngiti lamang ang aking itinugon at kaagad kong tinungo ang aking silid. Sa aking silid ay kinuha ko ang aming mga alaala....sulat na ginawa niyang eroplano para maparating saken, candy wrapper na may nakasulat na "ily" sa loob, tuyong bulaklak na aking inipit sa aming paboritong aklat, mga larawan na nagpapakita ng aming matamis na pagmamahalan, at....muli kong sinipat ang makintab na butil na hanggang ngayon ay suot ko pa din..ang singsing, na simbolo sana ng aming walang hanggang pagmamahalan. Subalit...eto ang nangyari...

Maya-maya pa ay nakatulog ako. Sa pagtunog ng aking telepono ay nagising ako. Pinipilit kong dumilat subalit ang aking mga mata ay tila nagdikit ang mga talukap dahil na rin sa natuyong mga luha na hindi ko pinagdamot na umagos mula sa aking mga mata. Nang sa wakas ay naimulat ko ang aking mga mata, agad kong kinuha ang aking telepono : "1 MISSED CALL", nang tignan ko kung kanino nagmula--nagsimula na naman akong masaktan, at nagsimula na namang tumulo ang mga luha......

Maya-maya pa ay narinig ko si Inay na kumakatok sa aking pintuan. Subalit nagpanggap akong walang naririnig, at nanatiling nakatanaw sa bughaw na ulap. Habang naririnig ko si Inay na sumisigaw sa labas ng aking silid :

"Roberto, lumabas ka jan at sabihin mo saken ang problema mo!!!!"

12.2.09

Random Lang....

Ilang araw din akong naging abala. Hindi ko namalayan, isang linggo na naman pala yung lumipas. Ilang mga buwan, araw, oras, at minuto na lang, makakapiling ko na ang aking mga kapamilya,at kapuso sa Pinas. Naging abala kasi ako sa trabaho ko. Kung ilang beses akong umiyak at nakipagsigawan sa amo kong panadol'z, hindi ko na mabilang. Sa araw-araw na ginawa ni Papa God, ganun ang routine: Si alarm clock tutunog ng 6:10 am, babangon si Jen, maghahanda ng mga kagamitan,maliligo,magkakape,magsusuklay,magdadamit,susulyap saglit sa salamin at presto! Ready na ulit sa sangkaterbang conversion, quotation,invitation,automation,graduation at kung anu-ano pang kalokohan sa buhay. Eight hours akong tutunganga sa konchuter,hahawak ng kalkaleyter,kakausapin ang sarili habang nagcoconvert ng dirhams to dollars,metres to inches,cm to mm,and the other way around (nahulaan nyo na ba ang trabaho ko?nyahaha). Kasama na dun sa walong oras ng pighati ang okeysyonal na sigawan namin ng amo ko,okrayan,joketime,at kung anu-ano pang kabalbalan namin para hindi antukin sa opisina. At kahit ano pang mangyari, bumaha man ng mga paperworks dito sa opisina, online pa din ako at patuloy sa pakikipag-chat. Wag nga lang tataon na si big boss ang andito dahil batas talaga yun. Pag sya ang nagalit sayo, mapapa-aga ang uwi mo sa lupang tinubuan. Syempre sweet and innocent ang dating ko pag sya ang andito. At pagdating ng 4pm...tentenenenen..UWIAN NA!!!!!!!Mabilis pa ko sa alas kwatro lalung-lalo na pag uwian ang usapan. Libre alikabok face powder nga lang habang nag-aabang kami ng pedicab pauwi.

-------------------------------------------------------------------------------------
Dinalangan ko na din ang pakikipagkita kay Biiba. Para kasi akong naghahanap ng ikasasakit ng mga kamatahan ko, maga na sya kakaiyak dahil nga ilang araw na lang buh-bye na kami sa isa't isa. Naalala ko pa nung isang araw, pinanood ko pa sya mag-impake ng kagamitan sa kanyang maleta. Para kong bata, nipipigilan ko pa kasi sya umalis. Hmf. Puro iyakan ang araw na yun. Yun lang ata yung araw na nagkita kami na hindi kami nagpudtrip, dahil depress. Pero, mamimiss ko talaga si Biiba, wala na kong kasama sa mga trip. Biiba,pwede ba kong sumama sayo? sa may hand-carry na lang ako, kasya ko dun pramis!

-------------------------------------------------------------------------------------
Hindi pa ulit napapapadpad ang aking kapaahan sa simbahan, inip na inip ako sa oras nitong mga nakaraang araw. Pero kagabi, muntikan na kami magkita ni F dahil sinamahan ko ang pinsan ko maglamyerda sa palengke.Hahaha! Pero, hindi natuloy, nagbago kasi ang isip ng pinsan ko at hindi na siya isinama sa mga pangarap namin. Huhuhu!, sayang ang moment ko!

-------------------------------------------------------------------------------------

Nitong mga nakaraang araw, lapitin ako ng mga lumang alaala ng nakalipas (uuber sa lumaa! luma na nga, nakalipas pa!). nung Isang araw,ka-chat ko si M, at nagpapatulong sya na magpunta dito sa Dubey. Syempre, kunwari ayaw ko, pero tumagal-tagal ang usapan, nakita ko na lang sa screen na pumayag na pala kong ibenta, este ihanap sya ng trabaho dito. Ok lang, magkaibigan naman kami kahit papano. Past is past sabi nga nila. At hanggang sa kasalukuyang mga panahon, nagkukulitan pa din kami sa paghahanap ng pagbebentahan at paglalagakan sa kanya dito sa Dubai. Kung makakasunod sya sa teritoryo ng mga Panadolz, yun ay hindi ko pa nakikita hanggang ngayon.