Showing posts with label random. Show all posts
Showing posts with label random. Show all posts

6.3.09

Beerday blues

Matagumpay kong nalampasan ang kadepress depress na kabanata ng buhay ko - ang araw ng aking kapanganakan. Depressed akong gumising ng araw na iyon at dahil nasanay na kong lumilipas ang araw na iyon ng wala man lang pasabi. Pero sa hindi inaasahang hindi inaasahan, naging birthday with a twist sya ngayong taon na toh. Nang ibaba ako ng peborit drayber namen sa aking workalush, agad niya kong binati ng "Happy birthday little lady!"..(oo little lady ang tawag niya saken dahil hindi niya daw akalain na bibigyan ako ng visa dito sa uae dahil nga menor de edad ako, and in return, DAD naman ang tawag ko sa kanya ..hehe) Abot tenga ang ngiti kong bumaba sa bus at tinungo ang opis. Pag open ko ng konchuter, log in sa ym, tatlong offline msg ata ang tumambad saken at bumati ng happy beerday. Maya maya pa..nagring ang jelefono ko *ringing tone I miss you by incubus*
PHONE PATCH #1: J: Hello, pwede po ba kei jennifer?
Aq: huh, cnong jennifer?
J: Ah si Jen pala..ehehehe
Aq: (Tukmol na toh! tatawag tawag ndi namn alam kung sino tinatawagan)
J: Kamusta ka na? Hapi birthday ah?!
Aq: Ok lang.,tenk yu ah..pano mo nalaman?
J: Binandera mo kasi sa multi chka fs eh
Aq: I c..cge next time di ko padadaanin sayo.haha..cge tenks
tooot....end of the conve..
PHONE PATCH #2: A: Hello bakla, kamusta?
Aq:(Nagtataka) Ah hello, ok nmn, ikaw musta?
A: Ok lang din, nakatanggap ka na ng tawag galing pinas?
Aq: Hindi pa, pero bnati na nila ko kahapon.
A: o cge, babatiin lang kita ng happy birthday..
Aq: Ok, tenk yu,ingat ka paguwi...
tooot......end of conve uyet.
PHONE PATCH #3: G: Bakla!!!!!!!
Aq: ?????????
G: di ba bday mo ngayon?
Aq: oo, bakit excited ka, gusto mo ikw din?hhaha
G: ikw, naman, hilig mo tlga magbiro..
Aq: (amf! hindi joke yun nho). tenks...
G: Kamusta ka na?
Aq: Ok nmn..(nung naramdamang ready for chika ang nasa kabilang panig, mega babye ang lola
Aq: Sis have to go na..Im busy with my work eh...
At etong isang to ang panalo sa lahat ng tumawag...

A: Hello, can I pls speak to Ms. Jenny *surname here*?
J: Speaking, may I pls know who's this?
A: Im from Barclays credit card, this is regarding your credit card payment.
J: (nag-isip ng wanport). What credit card? maybe you've got the wrong no? I dont have any?...
A: Joke joke joke!!!!!
J: $&*%, sira ka talaga!
A: Hehehe...tumwag na ba XA sa yo?
: Happy birthday!
J: Grabe ka! nagulat ako dun...tenk yu tenk yu..

Tapos hiwalay pa ang mga text messages and everything. May pahabol pa ngang mga carolers in the middle of the night na nagdala ng birthday parapernallas dito sa kubo namen. Dinalhan pa ko ng crown at kung anu-ano pang kalokohan sa buhay. (Akala ata nung mga yun eh 7th bday ko pa lang). Nagkaroon ng bolahan, tanungan ng wish at kung ano ano pa...Ang ending, ang realisasyon na isang taon na naman ang nadagdag sa edad ko. Kung may magagawa nga ba kong pagbabago sa taong ito, hindi ko pa nakikita. Kung may magaganap nga bang pagbabago, hindi ko pa nararamdamang dadating.

Natapos ang araw na yun ng may hinihintay akong bonggang pagbati, pero namuti na ang kamatahan ko, hindi pa din sya nakakaalala (o malamang sa malamang) hindi niya pinagaksayahan ng panahon na alalahanin. Tinulog ko na lang ang mahiwagang pagche2ck ng attendance.
(yung mga bonggang picture hindi pa naa-upload ng mga sponsor ko, (mga busy sa karir eh!), kaya by next wk ko pa siguro maipapakita sa inyo...).....

Nakikisintimyento din pala ko sa maagang pagpanaw ni Francis M.... Nalulungkot ako para sa mga naiwan niyang mahal sa buhay. Madalas kung minsan, ganun talaga ang buhay buhay,kung sino yung mabait sya yung nauuna kunin ni Papa God. Heto pa at maririnig ko na naman sa tita dear ko ang mga linyang "Only the good ones, die early". Minsan talaga, mahirap intindihin ang buhay, pero gaya ng sabi nila, kelangan nating mabuhay ng parang wala ng bukas, hindi kasi natin alam, kung kelan NIYA kakailanganin ang attendance natin sa itaas...

2.3.09

Antayteld...

Masaya ako sa araw-araw....
Nalilibang ako sa blog.
Nagagampanan ko ng maayos ang mga responsibilidad ko sa buhay buhay.
Nagagampanan ko din ang aking tungkulin sa simbahan.
Nakakatulog ako ng at least 6 hours a day (liban na nga lang kapag may taping o kung anu pang mga gig)..:P
Nakakamusta ko ang mga dapat kamustahin sa araw araw.
Nakakain ako ng 6 na beses sa isang araw (wag na magtaka, totoo yan!)
Nakakapag-ym ako kahit gaano ko kaabala sa isang bagay.
Nagmamahal ako kahit na hindi ako mahal.
Nagmumura ako pero lahat ito ay unintentional.(joke lang kumbaga)
Nagmamalasakit ako sa kapwa tao kahit na hindi ko ipinapahalata.
Masamang tao ako pero may kunsensya rin naman.
At higit sa lahat- may puso ako...naaawa, nalulungkot, at umiiyak din kung minsan.

Naisip ko yan ng umattend ako kagabi ng recollection.

Tanungin ka ba naman ng:
How's your heart Lately?


Tahimik akong lumingon at ngumiti sa mga "minamahal" kong brothers and sisters. Agad na hinanap ng mga mata ko ang reaksyon ni (sya na yun). At ako'y agad na yumuko at nag-isip. Inisip ko maigi kung kamusta na nga ba si pusu-pusuan ngayon. Wala akong maramdaman at maisip na posibleng estado niya. Kagaya ng nabanggit ko sa itaas, nasa ayos ang takbo ng buhay ko nitong mga nakaraang araw. May pabugsu-bugsong ihip ng masamang hangin ng problema, pero agad agad naman syang nawawala. Kaya muli kong tinanong ang nalilito kong sarili. Ano nga ba? Kamusta na nga ba ako?

Kagaya ng sinasabi ng marami, ang lugar na nilapagan ng aking spaceship ay isang rehabilitation area. Dito, magagawa at gagawin mo ang mga bagay na hindi mo pa ginagawa dati. Kung masamang tao ka dati, malamang sa malamang, mabago ang mga pamantayan mo pag napunta ka dito sa "LAND OF THE RISING SMELL". Malaya akong nakakakilos at nakakapag-isip sa ngayon, kesa dati. Na parang isang opisina ang takbo ng pamumuhay ko:
  • Ipapasa sa gabi ang mga listahan ng mga bagay-bagay na gagawin ko sa araw na iyon.
  • Matapos maaprubahan, magaallot ang budget ministry ng pera na gagastusin para sa mga activities.
  • Kapag handa na ang budget, ilalatag mo naman ang oras (kung maari ay bawat minuto) ng mga gagawin mong aktibiti.
  • Pag umuwi ka ng dis oras ng gabi, bubula ka at matutulog ng hindi nakakapagbanlaw.
Namimiss ko ang ganyang pamumuhay ngayon. Kung paano mabuhay ng may nagmamanipula sayo. Steady ka lang palagi dahil may taong gagabay at hahawak sayo bago ka pa madapa at masubsob sa putikan.

Ang pusu-pusuan ko ay gawa sa isang kahoy. Wooden heart kumbaga. Marupok. Madaling mabali. Madaling maapektuhan ng anay, ulan at kung anu-ano pang negative vibes sa paligid-ligid. Sa loob nito nagtatago at sumisigaw ang tunay na ako. Ang taong naghahangad ng malaking pagbabago ngunit takot gumawa ng hakbang papunta sa hinaharap. Ang tunay na "ako" na duwag tanggapin ang pagkatalo. Ang ako na nasasaktan sa twing may nakikitang nasasaktan. Ako, na nakakaramdam pa din ng luha at pighati sa bawat oras ng kalungkutan. At higit sa lahat, ang tunay na ako- na naghahanap ng maliit na porsyento ng pag-aalaga, atensyon at pagmamahal ng isang taong alam kong hindi kailanman ay magiging akin.






12.2.09

Random Lang....

Ilang araw din akong naging abala. Hindi ko namalayan, isang linggo na naman pala yung lumipas. Ilang mga buwan, araw, oras, at minuto na lang, makakapiling ko na ang aking mga kapamilya,at kapuso sa Pinas. Naging abala kasi ako sa trabaho ko. Kung ilang beses akong umiyak at nakipagsigawan sa amo kong panadol'z, hindi ko na mabilang. Sa araw-araw na ginawa ni Papa God, ganun ang routine: Si alarm clock tutunog ng 6:10 am, babangon si Jen, maghahanda ng mga kagamitan,maliligo,magkakape,magsusuklay,magdadamit,susulyap saglit sa salamin at presto! Ready na ulit sa sangkaterbang conversion, quotation,invitation,automation,graduation at kung anu-ano pang kalokohan sa buhay. Eight hours akong tutunganga sa konchuter,hahawak ng kalkaleyter,kakausapin ang sarili habang nagcoconvert ng dirhams to dollars,metres to inches,cm to mm,and the other way around (nahulaan nyo na ba ang trabaho ko?nyahaha). Kasama na dun sa walong oras ng pighati ang okeysyonal na sigawan namin ng amo ko,okrayan,joketime,at kung anu-ano pang kabalbalan namin para hindi antukin sa opisina. At kahit ano pang mangyari, bumaha man ng mga paperworks dito sa opisina, online pa din ako at patuloy sa pakikipag-chat. Wag nga lang tataon na si big boss ang andito dahil batas talaga yun. Pag sya ang nagalit sayo, mapapa-aga ang uwi mo sa lupang tinubuan. Syempre sweet and innocent ang dating ko pag sya ang andito. At pagdating ng 4pm...tentenenenen..UWIAN NA!!!!!!!Mabilis pa ko sa alas kwatro lalung-lalo na pag uwian ang usapan. Libre alikabok face powder nga lang habang nag-aabang kami ng pedicab pauwi.

-------------------------------------------------------------------------------------
Dinalangan ko na din ang pakikipagkita kay Biiba. Para kasi akong naghahanap ng ikasasakit ng mga kamatahan ko, maga na sya kakaiyak dahil nga ilang araw na lang buh-bye na kami sa isa't isa. Naalala ko pa nung isang araw, pinanood ko pa sya mag-impake ng kagamitan sa kanyang maleta. Para kong bata, nipipigilan ko pa kasi sya umalis. Hmf. Puro iyakan ang araw na yun. Yun lang ata yung araw na nagkita kami na hindi kami nagpudtrip, dahil depress. Pero, mamimiss ko talaga si Biiba, wala na kong kasama sa mga trip. Biiba,pwede ba kong sumama sayo? sa may hand-carry na lang ako, kasya ko dun pramis!

-------------------------------------------------------------------------------------
Hindi pa ulit napapapadpad ang aking kapaahan sa simbahan, inip na inip ako sa oras nitong mga nakaraang araw. Pero kagabi, muntikan na kami magkita ni F dahil sinamahan ko ang pinsan ko maglamyerda sa palengke.Hahaha! Pero, hindi natuloy, nagbago kasi ang isip ng pinsan ko at hindi na siya isinama sa mga pangarap namin. Huhuhu!, sayang ang moment ko!

-------------------------------------------------------------------------------------

Nitong mga nakaraang araw, lapitin ako ng mga lumang alaala ng nakalipas (uuber sa lumaa! luma na nga, nakalipas pa!). nung Isang araw,ka-chat ko si M, at nagpapatulong sya na magpunta dito sa Dubey. Syempre, kunwari ayaw ko, pero tumagal-tagal ang usapan, nakita ko na lang sa screen na pumayag na pala kong ibenta, este ihanap sya ng trabaho dito. Ok lang, magkaibigan naman kami kahit papano. Past is past sabi nga nila. At hanggang sa kasalukuyang mga panahon, nagkukulitan pa din kami sa paghahanap ng pagbebentahan at paglalagakan sa kanya dito sa Dubai. Kung makakasunod sya sa teritoryo ng mga Panadolz, yun ay hindi ko pa nakikita hanggang ngayon.