20.3.10

22days | 528 hours | 31,680 seconds

I've been counting the days
since I've last seen your face.
I've been hoping and praying,
wishing - one day you'll come back.

As emptiness set in
And as the tears fell down
I wish that you were here
to hug me tight and wipe my tears out.

16.3.10

LDR

"So near, yet so far....."



May tanong ako sayo.
Kaya mo bang magmahal ng taong bihira mo lang makita? Ng taong hindi mo pa nakikita? O ng taong hindi mo nakikita *scary*

Ayon sa SWS serbey, mga 20% lang ang tumatagal na Long Distance Relationship. Sabi ng nanay at tatay ko ~ Bagay saken yung ganitong istilo ng relasyon dahil:

  • Bihira mo nakikita, hindi mo aawayin. (Aawayin mo pa ba yung tao, kung hindi mo nga nakikita?)
  • Mas magiging matured ka sa mga bagay bagay. Kase matututo kang magtiwala, manalig kay BF/GF. (Manalig talaga ang word! amf!)
  • Matututo kang mang-uto, este maging sweet sa isip, sa salita, at sa gawa.!
  • Maiiwasan ang pagiging matampuhin. (Paano ka nga naman magtatampo kung hindi mo nakikita yung pagtatampuhan mo?)
  • Magiging mapagbigay ako.....sa ORAS. Time management ika nga nila.
Tawagan sa telepono (yung iba nga wala pang tawag *ninja*), Text-text (ilabyu, yulabme,welabichader drama churchur...amishu umissmetoo), Chat chat (salamat sa emoticon at naeexpress namin ang aming supressed feelings!) At kung anu-ano pang kakesohan na pwedeng likhain ng bagong teknolohiya, kasama yang pinaniniwalaan nyong FEELINGS ang panghahawakan nyo para maging matatag ang inyong relationship.

Pero, kaya mo nga ba?

Hmmmmm....

6.3.10

Amag


Ahmmm bakit nga ba amag? Ah eh ewan ko lang. Pwede ko naman lagyan ng taytel na ALIKABOK o kaya naman ANAY, o kaya naman eh sapot. *thinking*

Inisip mo na ba minsan pano kung sa past life mo eh isa kang AMAG in english, YEAST. Kruwel din kaya ang buhay mo? Pano ka makakapag-emote kung isa kang AMAG? Hmmmm pano ka maiinlab kung isa kang AMAG? Paano at paano ka mabubuhay ng NORMAL kung isa kang AMAG? Tsktsk....(Walang pinupuntahan ang mga sinasabi ko tungkol sa AMAG).

Ihalintulad natin sa tinapay na tinubuan ng AMAG. Ang tinapay, pag bagong luto, pinag-aagawan ng mga konsyumer (Talking about economics ako ngayon :P). Ang tinapay pag popular, mabili, ika nga nila eh BEST-SELLER. Pero pano kung ang tinapay na tinda eh biglaan mong makitaan ng AMAG? Bibilhin mo pa ba? Papansinin mo pa ba? Kakainin mo pa ba?

Parang sa tao lang. Pag nakita nating hindi kaaya-aya ang ichura. (Umamin ka dahil madaming mga taong ganito, pwedeng ako, pwedeng IKAW, oo ikaw nga, pwedeng sila, pwedeng tayo). Pag hindi gaanong pumapasa sa ating standards ang pag-uugali, DEADMA na tayo. Kibit-balikat mo syang tatalikuran at nebah ebah mo nang papansinin. Hmm may times na papansinin mo, pero kaswal lang. Kumbaga sa iskul, papansinin mo lang sya pag hihingi ka ng papel (Sila kase yung madalas ready sa mga skul supplies na kailangan sa skul). Papansinin mo lang pag hinihingi ng pagkakataon, pag kailangan mo ang tulong nya, aminin mo man o hindi, likas na MATALINO at GIFTED ang mga kagaya nila. *headspin*

Bagay na hindi makatarungan....

...At hindi ko nabigyan ng justice ang topic kong AMAG...*tears*