"So near, yet so far....."
Kaya mo bang magmahal ng taong bihira mo lang makita? Ng taong hindi mo pa nakikita? O ng taong hindi mo nakikita *scary*
Ayon sa SWS serbey, mga 20% lang ang tumatagal na Long Distance Relationship. Sabi ng nanay at tatay ko ~ Bagay saken yung ganitong istilo ng relasyon dahil:
- Bihira mo nakikita, hindi mo aawayin. (Aawayin mo pa ba yung tao, kung hindi mo nga nakikita?)
- Mas magiging matured ka sa mga bagay bagay. Kase matututo kang magtiwala, manalig kay BF/GF. (Manalig talaga ang word! amf!)
- Matututo kang mang-uto, este maging sweet sa isip, sa salita, at sa gawa.!
- Maiiwasan ang pagiging matampuhin. (Paano ka nga naman magtatampo kung hindi mo nakikita yung pagtatampuhan mo?)
- Magiging mapagbigay ako.....sa ORAS. Time management ika nga nila.
Pero, kaya mo nga ba?
Hmmmmm....
12 comments:
Ang tanong yata dapat Mare, "Kaya NYO ba?"
Bkit ba ni-publish ko agad?! eh di pa ako tapos!
Ayun! Ang Love hindi nagwowork kung isa lang ang gumagawa, kung isa lang ang nagmamahal, at kung isa lang ang kumakaya ng lahat...malapit man o malayo basta may pagmamahal sa dalawang magkasintahan ( ano raw?! ) walang magiging dahilan upang masira ang relasyon nila :D
Kaya naman pre...:)
Minamaximize na lang namin kung ano yung meron kami sa ngayon.
Thankful nga ako kasi kahit papano, nagkikita kami twice or thrice a month....
samantalang yung iba, once a year lang :(
May mga issues syempre..
(ndi naman maaalis yun)
pero...nadadaan naman sa maBOTEng usapan lahat...
^^,
di ako naniniwala sa long distance relationship. sabi nga sa paborito kong palabas, "long distance relationships are excuse used by boys to get laid before going to college!" haha. nice blog :P
natawa ako.. at tango lng ng tango... :)
nakaya ko kase yan... dati. :)
huh?
hindi mo na nakikita si Pogi?
anu nangyari sayo? nagpipiring ka? wahahaha..
ako kaya ko!
taeka! nasa iisang bansa nga lang kayo! hindi pa kayo makapagkita once in awhile? effort Berta! e-f-f-o-r-t-! lols
Pero ok lang yan! nauuto este, natututo naman pala kayo!
maraming pagsubok ang LDR... pero nasa dalawang taong involve yan kung paano nila ihandle ang mga kumplikadong sitwasyon. Tiwala lang ang kailangan! kaya yan!
MR. NIGHTCRAWLER (anghabangpangalanmo)^_^
.....
ganun ba kuya?
hmmmmm
ako din before ndi naniniwala
pero....
wattudu :)
AZEL
hahaha...
mabuti nang tumango ka ng tumango mare...
kesa naman umiling iling ka habang binabasa mo toh..
nyahahahah...
KOSA
...
nabuhay ka bogart?
haahhaha....
uhmmm humigit kumulang
(bilang sa daliri)
na kami ndi nagkikita
sa kadahilanang...
amf..heheheh...
owwwssS?
kaya moooooooooo???????
:P
nagsalita na naman ang magaling..tsktsk...
MARCO
...
korek..
madami ngang challenges...
anjan yung nadi-dcng connection,
load na nauubos...
at madami pang iba...
hahaha...
keri naman so far..:)
yes.. the power of engoticons....
dram believe survive ako jan sa mga engoticons na yan.. diba?
lumilipas ang ilang mga mahahalagang minuto sa pamamagitan ng engoticons
korek,kakayanin kung both parties (i mean kyong dalawa) ay magbibigayan ng time... pero wag nmn to the point na ubos ang oras mo na wala ka ng ginagawa maghapon kundi kausap mo sya at nakakalimutan na ang mga other things and chores sa sarili at sa bahay... Quality time doesn't mean mahabang usapan... quality time iyong may sense ang pinag uusapan at hindi lang basta may makwento. Been there, done that, kung puro ka-echosan lang ang paguusapan, nakakasawa din. Pwedeng saglit lang kyo magusap pero sulit nmn. Time management talaga ang kailangan.
LDR, hay naku basta mahal mo believe me magwo-work out yan..
...anong sabi sa tv ads: "malayo man sila malapit din* hehehehe
Post a Comment