8.8.10

HOW TO LOSE YOUR GF in ten ways


1.
Wag sagutin ang tawag ni babae pag may tampuhan kayo. Tama lang yan, tatampo-tampo sya, tapos tatawagan ka? weird diba? :)) Let her suffer, bukas makalawa, susuyuin ka din nyan. *Sabay upo sa sofa at nagbasa ng comics*

2. Kalimutan ang mahahalagang numero sa kalendaryo. Dati-rati, fanatic ka ng monthsary nyo, naghihintay ka pa ng 12am para bumati sa kanya. Kung anu-anong kemedu pa yung ginagawa mo para lang magpa-pogi points. Pero nakakasawa diba? Kaya go, wag na lang...matulog ka na lang. waste of time lang ^^,

3. Wag masyadong makipag-communicate . Kung mahal ka nya talaga, kahit hindi mo sya kausapin ng maayos ng ten years, (or more) - mahal ka pa din nya. Basta wag mo lang kakalimutan ang magic line na "pasensya ka na kung wala akong time sayo..".*Insert here the never-ending dahilan-essssss* . Wag din kalimutang magparamdam ng awa twing sasabihin ito sa kanya.

4.
Makipagkita lang kapag kinakailangan. Be practical. Panahon ng crisis ngayon, at hindi na uso ang date. Hindi naman nagbabago ang ichura ng tao sa loob ng ilang linggo lang. Kaya wag masyadong fanatic ng GF nyo, bigyan mo ng time ang sarili mo para magrelax, walang nagging, walang kaartehan, at walang kung anu-anong kadramahan na hatid ng babae. ^^,

5. Matulog ng maaga. Be health conscious, wag isacrifice ang sarili mong kalusugan ng dahil lang sa pag-aantay ng ten years para makausap si babae. Gagawa naman yan ng paraan para makausap ka pag hindi ka nya mahagilap sa kung anumang communication na meron kayo eh. Kaya chill, hayaan mo sya. Titigil din yan sa paghahanap sayo, lalu na pag tulog ka na. :)

6. Pag kasama mo sya, maging aware sa nangyayari sa paligid. Wag hayaang i-overcome ni babae ang time na allotted sa kanya. Pag na-set mo na kung gaano kahaba lang ang oras na ilalagi mo na kasama mo sya, wag kang tanga at magdagdag pa ng kahit na konting minuto o segundo. TIME is gold - di lang dapat sa kanya mauubos yun.

7. Maging busy . Trabahuin ang lahat ng pwedeng trabahuin. Ubusin mo yung 24 hours mo sa trabaho. Pag tinawagan ka nya, sabihin mong BUSY ka kaya hindi mo nasagot nung tumatawag sya earlier. Sagutin ng mga walang kwentang sagot para magsawa syang makipagkwentuhan sayo. Anyways, may goal ka diba? FOCUS ka lang dapat dun.

8. Maging boring kausap. *Insert one liner replies sa mga tanong ni babae* Kapag pakiramdam mong pinapatamaan ka nya sa mga statement nya, magmaang-maangan na natanggap mo yung reply nya. Pag personal mo syang kausap, magkunwaring walang narinig at magkunwaring hindi mo sya kasama. ^^,

9. Humingi ng isang libong SORRY. Maniwala ka, effective na pang-turn off sa babae yan.


10. Gawin ang lahat ng pointer sa itaas ng sunud-sunod na araw. Malas mo lang pag ayaw ka nya talaga pakawalan. Kase kahit anung gawin mo, iintindihin ka pa din nya...Hahahaha....



9 comments:

Francesca said...

Dagdagan natin: Tapatin mo na, na wala na kayo, wag na itago pa, sus!
be a man!!! lol

Superjaid said...

hahaha ayos to ah..parang yung movie lang..^_^

Kosa said...

parang gusto kong tumambling at magpagulong-gulong sa post na to Berta!!!!

HIndi nga? awwww. ganun talaga ang mga pogi... tulad ko "paimPOTAnte" ahehehe. Peace:D

JTG (Misalyn) said...

Okay 'to ah..napatawa mo ako sa blog post na 'to :)) may naalala lang ako dahil dito.

EǝʞsuǝJ said...

*Francesca
- ahahah. Hindi pa naman po naabot sa ganyang katinding conclusion. baka soon po..nyahahha..joke.

*Jaid
-wahahahah...paborito ko yung movie na yun! :))

EǝʞsuǝJ said...

*KOSA
- wahahah.. sapul ka ba bogart?
:P Mas gusto kong tumambling nung nabasa ko yung post mo? Wats up with you? eheheheh...Hala? asan naman ang pogi? ahahahah...:P

*MISALYN
- Ahahaha. ako din may naalala kaya ko nagawa yang post na yan..:))

2ngaw said...

parang may gusto akong sabihin pero di ko na lang sasabihin at baka akala ko lang yun :D

Nagbabalik ka rin bang gaya ni jee?

EǝʞsuǝJ said...

*CM
- wahahha...
baka akala ko din yang akala mo pre...
ahahahah...yupyup..;)
tapos nang ma-quarantine utak ko pre...nyahahahha...^_^

My Yellow Bells said...

nakita mo na ba ang post ni Mindeth?