30.9.10

"Yung" dati

Naalala ko bigla yung isang phrase na lagi kong sinasabi pag may nakakalimutan ako na gusto kong maalala. Lagi kong sinasabing "Yung dati".

"Naaalala mo ba yung pinag-uusapan natin - yung tungkol sa ano, oo yun ngang ano, "yung dati".

"Nakita mo ba yung kaklase natin dati? Oo nga, kita mo naman, ngayon parang ang tindi ng pinagdaanan nyang transformation - pati bf nya hindi kagaya "yung dati".

*buntung-hininga*

Isipin mo nga naman, sa kagaya kong madaming iniisip (na hindi naman dapat iniisip) ,
napakadaming bagay na basta-basta na lang dumadaan na hindi ko namamalayan. Kadalasan, nalalaman ko na lang pag nagpaalam na, o kaya naman eh pag may naghahanap.

Sa mga panahon na nanahimik tong pahina ko, nabuhay ako sa kasalukuyan. Masaya, malungkot, nakakatawa, nakakaiyak ang mga pangyayari. May pikunan, may mga tawanan at iyakan, may kantyawan, alaskahan, patalinuhan, senti-han - at madami pang iba. Ang sayang mabuhay sa kasalukuyan, maging saksi sa mga bagay na nagaganap. Maging tulay ng alaala ng ibang tao.

Pero ngayon....gusto ko na lang balikan...."YUNG DATI"

29.9.10

Beesy

*Walang substance tong post na tohhhhhhhhhhh!!!!!!

Minsan pinangarap kong maging busy. At hindi ako nakuntento, ipinagdasal ko pa yun. Wish granted naman ako. Dumating ang panahon na halos idlip na lang ang naitutulog ko sa kadahilanang tinawag ang inyong lingkod sa serbisyo publiko. Pero, akala ko pag busy na ko, makakalimutan ko nang magdemand.

Mali pala ko.

Dahil, mas naging demanding ako nung naging busy ako. Mas naghanap ako ng oras, ng panahon, ng tawag, ng text, at ng kung anu-anong kabulastugan - mula sa inyong lingkod
(nararamdaman ko kung sinukaman na nagbabasa ng blog ko na dahan-dahan mo nang tinatapat yung mouse pointer mo sa "x" button..hahahah)

*Pasensya na sa makakabasa nito, medjo wala lang sa mood :))

28.9.10

you and Me

I thought everything is over
Indeed I've closed the door and hover
I thought its ok forever
But now, things took its turn around the corner.

I was so happy receiving the attention that you are giving to me
I was so relieved, knowing that someone like you cares for me.
I was so happy to spend time with you
I was lucky ----- to somehow have you.

Yet, I have dreamed of having you in my life
I have dreamed of you being mine.
I have dreamed of you calling me yours.
But now, I know......

You and Me - just won't happen at all.....

26.9.10

Kamusta ka?

Kamusta ka?

Ako, ok lang. Eto, ayus na ayus pa din kahit parang hindi. Na-empacho na ko sa kape-kape-kape. Minsan winiwish ko na sana kasing mahal ng kape dito ang kape sa Pilipinas (magkasing presyo lang pala, pero parang barya lang kung dito mo sya bibilhin, magbasa ka ng dyaryo kung bakit), para hindi na ko maengganyong mag-kape. Kaya lang, anjan sya palagi para tuksuhin ako. Ayan tuloy, parang napakatensyonableng tao ko na.

Pasensya ka na, hindi na kita naaasikaso. Pero maniwala ka, marami pa din akong plano para sayo. Kagaya ng pagme make over sayo, paga-update sayo araw-araw (kagaya ng dati) at ang pag-babantay sayo bawat minuto ng bawat araw. Kaya lang sa ngayon, mangangako muna ako. Abala pa kase ako sa buhay buhay ko. Abala pa ko sa pakikielam sa buhay ng ibang tao ^^, Pagbabasa at panunuod ng kung anu-ano, at inaasikaso ko din ang pers lab ko ♥♥♥ ang pag-awit.

O sige, hindi na muna kita gagambalain. Hayaan mo't darating din ang araw na babalik at magpofocus akong muli sayo. Pero sa ngayon, iiwan muna kita ng pansamantala...

Hanggang sa muli,
Jen