Showing posts with label palaisipan. Show all posts
Showing posts with label palaisipan. Show all posts

19.11.09

U-Turn



Iba't ibang direksyon ang pinatutunguhan ng buhay natin. Pwede kang mag u-turn, left turn, right turn, move forward, move backwards, at dito sa UAE, mag round-about.

Ikaw ang in-charge sa pagpapatakbo ng sasakyan ng buhay mo. Kaya kapag handa ka na para sa isang masaya, magulo, nakakaiyak at nakakatawang byahe - Kailangan eh full tank ang pag-iisip mo at nasa kondisyon ang emosyonal na aspeto ng buhay mo, para makamit mo kung anuman yung bagay na pinapangarap mo.

Isang taon at mahigit na din ang lumipas simula ng magdesisyon akong paandarin ang sarili kong sasakyan. Aminado ako na hindi ako handa - wala sa kondisyon ang puso ko, walang kasiguraduhan ang daan na gusto kong tahakin- walang dumadaan, traffic at madaming mga maalinsangang bagay na nakaharang sa gitna ng daan.

Kaya nag u-turn ako; Pabalik sa lugar na kinasanayan ko. Ang aking comfort zone. Ilang buwan din ang inilagi ko sa sa lugar na iyon. Ang lugar kung saan puno ng pagmamahal, pagpapahalaga at paghanga. Masarap at masaya tumigil sa lugar na yun. Ngunit, napagtanto ko na wala din akong matututuhan kung titigil ako habambuhay sa lugar na iyon. Dinasal ko kay Papa God na gabayan nya ko sa pagtahak kong muli sa masalimuot na landas ng buhay, at hindi nya ko binigo.

Matapos ang ilang taon - narito ako at matatag na nakikipagsapalaran sa iba't ibang traffic at congestion ng buhay. Ilang beses ko nang ninais na magshort-cut at magleft o right turn. Ngunit, mas pinili kong tahakin ang mahaba at nakakayamot na daan. Kung saan masikip at kakaunti lamang ang nagtyatyaga. Kung saan kailangan mong pigilan ang iyong emosyon upang maging matatag sa pagsuong sa mga pagsubok ng buhay. Kung saan kailangan mong mabigo upang magtagumpay. Kung saan kailangan mong maging malungkot upang maging masaya. Kung saan - kailangan mong lumayo, para maging malaya.....

If all else fails

Would you be brave to love me?


If all else fails

would you be brave

To see right through me......

4.2.09

If you're falling inlove with a friend...

Madaming beses ko na din naitanong sa sarili ko yan. Maraming beses na din naitanong sakin yan ng mga taong hindi maintindihan kung bakit sa bilyun-bilyong tao sa mundo, sa kaibigan pa nila sila maiinlababo. (nagsalita ang magaling). Kung sabagay, hindi ko naman sila masisisi sa bagay na yan.

Oo nga at madaming beses ko na na-encounter ang katanungan at sitwasyon na yan. Medyo mahirap kasi. Lalo pa at mahina ako sa subject na yan (LOVE). Kalimitan, tumatahimik lang ako pag natatanong saken yan ng mga taong hindi mapakali at parang sinisilihan ang pwet pag nakikita itong si "apple of my blacked-eyed eye". Akala ko sa pamamagitan ng deadmatic approach ko, titigilan nila ko. Pero nitong ngayong umaga lang, habang nag-aabang kami ng masasakyang pedicab papasok sa trabaho, bumanat ng nakakairitang hirit itong isang kabayan na kasabayan ko sa serbis.

GB: Jen, ano gagawin mo pag pakiramdam mo mahal mo na yung kaibigan mo?
JEN: Ano po yun?
GB: Sauce, narinig mo naman ako nagmamaang-maangan ka pa.
JEN: Ah..ewan o, di ko alam
GB: (di makuntento sa pa-showbiz kong sagot).
: HIndi nga?
JEN: (tumingin ng pamatay-tingin na "killer-eye",sabay banat ng:)Alam mo, matanda ka
na, alam mo na dapat ang gingawa sa mga sitwasyon na ganyan.
GB: Eh hindi ko nga alam ang gagawin.
JEN: Hmf. Ano ka ba hi-skul student para hindi malaman ang gagawin jan sa nararamdaman mo?
GB: .....
JEN: Pero kung alam mong masasaktan ka lang pag sinabi mo sakanya ung feelings mo, better keep it yourself. Mas mahihirapan ka pa kapag pati friendship niyo ni-reject niya.
GB: ....

Pero actually medyo nire-regret ko yung sinabi ko sa kanya kasi nakita ko sa muka niya (na ubod ng kapal) na nalungkot sya. Syempre hindi yun yung tunay na saloobin ko, niligaw ko sya dahil nararamdaman kong ako yung "kaibigan" na tinutukoy niya (pero pwede rin naman na feeling ko lang yun, nyahaha). At ayun, dahil nga sa nakunsensya ko. Habang binabagtas ng aming pedicab ang hi-way papunta sa opisina (trapik na naman!). Iniisip ko yung totoong gusto kong isagot sa kanya. Bagay na nagiging "pulutan" sa bonding moments namin
niBiiba. Mahirap naman kasi yung sitwasyon na yun at kung ayaw mong saktan ang sarili mo, mabuti pang hayaan mo na lang yung sarili mo "to love him/her in silence" lalu pa at alam mo din naman na hindi niya kaya ireciprocate yung feelings na yun. In the end, "prevention is better than to cure" pa din ang drama.
Mas mabuti na manahimik ka na lang at pangarapin sya, at magpatuloy na lang na maging mabuting kaibigan sa kanya,kesa parehong bagay pa ang mawala. Dahil ang pagkakaibigan, panghabambuhay ang itinatagal, ang relasyon- hindi mo alam baka bukas o sa makalawa, mawala na lang ng biglaan. :(