Showing posts with label inis. Show all posts
Showing posts with label inis. Show all posts

29.9.10

Beesy

*Walang substance tong post na tohhhhhhhhhhh!!!!!!

Minsan pinangarap kong maging busy. At hindi ako nakuntento, ipinagdasal ko pa yun. Wish granted naman ako. Dumating ang panahon na halos idlip na lang ang naitutulog ko sa kadahilanang tinawag ang inyong lingkod sa serbisyo publiko. Pero, akala ko pag busy na ko, makakalimutan ko nang magdemand.

Mali pala ko.

Dahil, mas naging demanding ako nung naging busy ako. Mas naghanap ako ng oras, ng panahon, ng tawag, ng text, at ng kung anu-anong kabulastugan - mula sa inyong lingkod
(nararamdaman ko kung sinukaman na nagbabasa ng blog ko na dahan-dahan mo nang tinatapat yung mouse pointer mo sa "x" button..hahahah)

*Pasensya na sa makakabasa nito, medjo wala lang sa mood :))

19.11.09

U-Turn



Iba't ibang direksyon ang pinatutunguhan ng buhay natin. Pwede kang mag u-turn, left turn, right turn, move forward, move backwards, at dito sa UAE, mag round-about.

Ikaw ang in-charge sa pagpapatakbo ng sasakyan ng buhay mo. Kaya kapag handa ka na para sa isang masaya, magulo, nakakaiyak at nakakatawang byahe - Kailangan eh full tank ang pag-iisip mo at nasa kondisyon ang emosyonal na aspeto ng buhay mo, para makamit mo kung anuman yung bagay na pinapangarap mo.

Isang taon at mahigit na din ang lumipas simula ng magdesisyon akong paandarin ang sarili kong sasakyan. Aminado ako na hindi ako handa - wala sa kondisyon ang puso ko, walang kasiguraduhan ang daan na gusto kong tahakin- walang dumadaan, traffic at madaming mga maalinsangang bagay na nakaharang sa gitna ng daan.

Kaya nag u-turn ako; Pabalik sa lugar na kinasanayan ko. Ang aking comfort zone. Ilang buwan din ang inilagi ko sa sa lugar na iyon. Ang lugar kung saan puno ng pagmamahal, pagpapahalaga at paghanga. Masarap at masaya tumigil sa lugar na yun. Ngunit, napagtanto ko na wala din akong matututuhan kung titigil ako habambuhay sa lugar na iyon. Dinasal ko kay Papa God na gabayan nya ko sa pagtahak kong muli sa masalimuot na landas ng buhay, at hindi nya ko binigo.

Matapos ang ilang taon - narito ako at matatag na nakikipagsapalaran sa iba't ibang traffic at congestion ng buhay. Ilang beses ko nang ninais na magshort-cut at magleft o right turn. Ngunit, mas pinili kong tahakin ang mahaba at nakakayamot na daan. Kung saan masikip at kakaunti lamang ang nagtyatyaga. Kung saan kailangan mong pigilan ang iyong emosyon upang maging matatag sa pagsuong sa mga pagsubok ng buhay. Kung saan kailangan mong mabigo upang magtagumpay. Kung saan kailangan mong maging malungkot upang maging masaya. Kung saan - kailangan mong lumayo, para maging malaya.....

If all else fails

Would you be brave to love me?


If all else fails

would you be brave

To see right through me......

28.10.09

Break

Disworldisfullofijots!




Sa sobrang inis mo kung minsan, gusto mo na lang sumigaw at tumakbo paalis at palayo sa taong kinaiinisan mo. Pero at dahil nagpapanggap kang matured at nasa tamang pag-iisip, mananatili kang nakaupo, nakangiti, naniningkit at nagliliyab ang mga mata, magkakamot lang ng ulo na parang may malaking kuto na ayaw maalis, sabay buntong-hininga. 1-2-3 Waaaaaaaaaaahhhhh

Tapos, tapos na. Parang sa libro lang - lilipas at lilipas lang din ang bawat chapter. Minsan merong maharot na kliyente na ultimo kaliit-liitang detalye ng buhay mo gusto pa tanungin, ikaw naman, magpapa-uto at sasagot,..bwahahaha...

Manong Client: "uhmm so Ms. Jenny kamusta naman work mo?
Ako: "ayus naman po"
Manong Client: "taga-saan ka sa atin?"
Ako: " Sa Cavite po"
Manong Client: "Taga doon din ako ehh, san sa Cavite?"
Ako: "Sa Dasma"
Manong Client: "Ah sa Manila?"
Ako: "Cavite nga po ehh"
Manong Client: "ah, may kilala ka dun na ang pangalan eh Maria"
Ako: "Uhmm..marami pong taong may pangalan na Maria sa Pinas"
Manong Client: "Sabagay, pero taga Dasma din sya ehh"
Ako: "ah ok po, tawag na lang po ako next time for follow up ng payment (eyeroll)"
Manong Client: "sige salamat, ikamusta mo ko kay Maria ahh"
kamustahin naman si Maria? Who the hell? hahahah

MADALAS naman, meron kang makakausap na Noypi na pilit ka pang lilinlangin sa kanyang British accent.
"Uhmm, and by the way Ma'am, I would like to inform you that Mr.______ is coming beck on _________ and by that time, hopefully uhmmmm we're gonna pay you--probably"

na sasagutin ko naman ng:

"Ah ok, Ma'am / Sir, I'll call you back later, salamat" (eyeroll)

Take note: wala pa dyan ang pagiging bossy ni Boi B. I definitely need a break from this stufeeeedddd werkkkkk.........

20.10.09

Clausthrophobia


Sometimes you have to put walls around you; not to keep people out, but to see who cares enough to break them down just to be with you.

Minsan nakakatuwang magbalik-tanaw sa mga bagay-bagay na nangyari sa buhay mo / ko. Parang nakakainis na nakakatuwa yung pakiramdam. Nakakainis dahil may mga bagay na hindi ka nagawa, pero sa isang banda- nakakatuwa din maalala na may mga bagay kang nagawa na hindi mo dapat ginawa pero pinili mong gawin - na ikinabuti naman ng lahat.

Sabi nga nila, mas mabuting masaktan ka- atleast may mga bagay kang natutuhan. Kung halimbawang nadapa ka, isipin mong ok lang yun. Kase pag tagal ng panahon, at nakita mo yung naiwan na peklat sa tuhod mo, maaalala mo kung gaano ka katanga maaalala mo yung pinagdaanan mo, lahat ng natutuhan mo, lahat ng hirap, pagod, pasakit at kung anu-ano pang katangahan mga bagay na ginawa mo sa buhay mo.

-------------->
xyz: Ei, musta na?
ako: anung pakielam mo?
xyz: suplada naman, komo't nkapag-abroad ka ganyan ka na...
ako: excuse me Mr. user-friendly?

------------->
Siguro nga nagbago ang mga pananaw ko simula ng mawala sa landas ko ang kagaya ni Mr. User-friendly. Nagbago ang tingin ko sa mga bagay-bagay. Nagkaroon ako ng mas malalim na paniniwala ukol sa mga bagay na dati ay iniisantabi ko lang. At higit sa lahat, isa sa mga bagay na natutuhan ko ay:

Ang mahalin muna ang sarili ko bago ako magmahal ng ibang tao

25.5.09

Boss busaboss

Iba ang walang ginagawa, sa gumagawa ng wala..--Bob Ong


Yan ang munting mensahe ko sa pinaka the-best na amo sa mundo!

Ang amo kong:

- Sobrang bango ng hininga at ng kili-kili, lalu na sa panahong ito!
- Ubod ng sipag---sipag mag-utos ng mga bagay na sya "na" dapat ang gumagawa.
- Ubod ng bait! dahil kahit sigawan ko sya at murahin, keri lang sya, steady lang at composed. Anyways, tagalog ang pagmumura ko kaya hindi sya umaalma.
- Hindi marunong gumamit ng excel! Tatawagin niya pa ko para lang maglagay ng BASIC formula sa kanyang spreadsheet!
- Hindi marunong magsave ng document as PDF, (minsan iniisip ko kung pano sya napunta sa opisina ehh..grrrrr..muntikan na xa kainin ni Pareng Adobe sa pinagagagawa niyang kalokohan sa laptop niya.)
- Hindi marunong magdesisyon ng mga bagay-bagay sa sarili niya! Kelangan tanungin pa saken, at ang pinakamahalaga sa lahat....
- Pag pumapalpak sya, (na madalas ay nangyayari, damay ako! damay ako sa parusa!..dahil hindi daw ako sumusuporta sa kanya!)...

O diba? the best amo ito! Nyahahaha.....

15.5.09

Matalino

Ano nga bang kulay ng ribbon ko noong kinder ako? Blue? Red? Yellow? Sabi kasi ni Titser, kapag madami kang ribbon, at iba't iba ang kulay nito,ibig sabihin matalino ka. Pero yun nga ba talaga ang basehan ng pagiging matalino ng isang tao?. Hmm.."oo anak, kaya dapat madami kang medal..para lagi ka itreat sa jollibee..."

"Di ko po kayang basahin yan...o-n-e-...ONE!"...
"Di ko po kayang magsulat sa kanan Ma!!!,bakit mahirap po magsulat? parang sa inyo napakabilis lang?"

Nagtapos ako ng may karangalan sa elementarya at hiskul. Di rin naman ako pahuhuli pagdating sa college. Pero, sa tingin ko, kung anuman ang nakuha kong karangalan sa paaralan ay hindi sapat upang sabihing matalino nga ako. Ayokong matawag na matalino.....

Dahil ang matalino, hindi nagkakamali.
Ang matalino, ay malapit sa salitang perpekto.
Ang matalino ay hindi nasasaktan- dahil naiisip niya ang mga dapat niyang gawin bago niya pagdesisyunan ang isang bagay.
Ang tunay na matalino.....




hindi kagaya ko........

5.5.09

Tag oh tag....

At dahil napaaway ako sa telepono kanina at nagnosebleed ako sa pag-eenglish, pinili ko munang manahimik at gumawa ng mga nakapending na tag. Para naman hindi ako tuluyang mabaliw sa mundo ng trabaho ko....

awan, ah tu, ah wan tu tri por!!!!!!...geym!:)

Ang isang ito eh galing kay Choknat:
ten things you wish you could say to 10 different people right now

(don't tell us who it is)

1. " I miss you all"
2. "Gutom na kooo!"
3. "I wish you love, best wishes!!!!!"
4. "Bangin ka ba? tingin ko kasi nahulog na ko sayo ehh"..(corny..wahahah)
5. "Boses lata kayoooo"
6. "Ikaw, ikaw ang problema ko, wag ka nang magtanong"
7. "i i i....i have to go..."
8. "lagi na lang sya, pwedeng ako naman?"
9. "anak ng tipaklong, hindi komo't pinoy ako at pana ka, mas matalino ka na saken...nauna ka lang kaya ka boss."
10. "hindi ko na kaya, at ang sakit sakit na....."

nine things about yourself:
1. mabait.
2. tahimik.
3. PG.
4. may sariling mundo.
7. di mahilig matulog.
8. ulyanin.
9. mainipin..

eight ways to win your heart:
1. yung bibigyan ako ng maraming pagkain..joke
2. being real.(wrong gramming ata?)
3. kausapin ako maghapon at magdamag..pag nauna kong mapagod...panalo ka!!!!
4. kapag tinopak ako kaya niya pa din akong patawanin.
5. para syang goldilocks..thoughtful
6. maginoong ways pero hindi parang seminarista..wahahha
7. ipagluluto niya ko ng paborito kong pagkain.
8. kakantahin niya ng hindi nabubulol ang paborito kong kanta (stay)

seven things you want to happen to you before you die:
1. maging saksesfool..
2. maging responsible at sensible..alam nyo naman siguro kung bkit..haha
3. mapabalik sa putikan ang mga nang-apak saken..joke
5. makapunta sa.....Paris
6. mapagtapos ang mga bata..yung mga kapatid ko sa pag-aaral.
7. marinig ulit ang malulutong na mura ng nanay ko.

wer na is 6? :D

five turn offs:
1. maingay na lalaki. (oo, para sken pangit tignan yung ganun)
2. insensitive
3. playing safe.
4. pa-gentleman effect di naman totoo
5. yung yung yung..papansin..

four turn ons:
1. down to earth.
2. kalog. yung kahit batukan ako pag naguusap kami ayus pa din..mga ganung bagay.
3. maganda yung mata..sarap titigan ee..wahahah
4. yung yung yung..mahilig din kumain..weee

three smileys that describe your life:
1. :D all teeth smile
2. :(--wla ako sa mood
3. :-/ nagdadahilan lang

two things you wish you never did:
1. umabsent sa work kahapon.
2. pumasok ngayon, sna hindi ako napaaway..wahaha

one confession:
may sikreto ako..pero dahil sikret yun, di ko sasabihin!hahah

At dahil tag toh..ipapasa daw dapat...Papasa ko kay: Pogi, CM, Dhi at Jez

Next up! Ang Broom -broom echoz ni Biiba..Mga sasakyan daw na nasakyan sa buong lifestory mo. Hmm.. Try ko masagot kasi lagi lang ako naglalakad ee. Hehe.

Dyipni - kelangan tagalog? Oo, bakit ba -- Pinoy ako ehh. Eh kasi peborit ko yung jeepney na kanta ng Spongebob este Spongecola pala. Hmm. May jeep kasi kami at sa bayan ng Kabite at Pasay - kung saan ako nanahanan ng humigit-kumulang ilang taon, jeep ang popular na sasakyan. Pero kung medyo sosi ka at nagiinarte pwede rin namang :

Bus- Sinasakyan ko pag may school fieldtrip, pag matagal ang dating ng jeep galing Salitran papuntang Bayan, pag nagiinarte ako at ayaw magitgit at masiksik sa loob ng jeep. Di ba? May libre pang vandal sa mga silya kung gugustuhin mong makivandal. :)

Tricycle- Pag galing ng palengke, para mamili ng uulamin. Eto ang pinakasikat sa may baryo namin. Lalung lalo na nung nasira ang tulay ng Salitran.

Trolley- sasakyan ba toh? Haha. Ewan ko, pero meron ako nito. Ginamit ko sya hanggang sa mag-edad 19 ako. Napagalitan lang ako ng bongga kaya ko hininto ang paggamit ng trolley sa kalsada. akala ko kasi ok lang --yun pala para sa lalaki lang yun.:)

Stroller- nung baby ako, dito ko nakatambay palagi. Wahaha

Bangka / Barko - nasakyan ko nung nagbakasyon ako sa Batangas kasama ang lola ko. Nasakyan ko din nung nagpunta kami sa Gallera, probinsya ng insaness ko.

Bike - asteeg ang BMX. Wahaha. Gamit ko pag nagtatago ako sa nanay ko para di nya ko utusan bumili ng suka sa kanto. Wala nga lang akong utak at sa may gilid lang ng bahay namin nagtatago kaya nahuhuli pa din ako. Madami rin akong peklat na nakuha sa bike kong toh. Dahilan kung bakit hindi ako nagamit ng mini-skirt. Weet weew.

Erpleyn - C/o Cathay Pacific. salamat sa napakasarap na Mutton Biryani. Mga twelve hours kong hinintay makalapag ng Dubai bago ko makakain ng pagkaing angkop sa panlasa ko. "Demn you Biryani!!!!":). Syempre, lulan nito eh narating ko ang eber labing UAE.

Taxi- Pana-dolz, Patan, o Arab. Mamili ka ng lahi pati amoy--sila ang mga driver dito. Asteeg. Dito ko naranasan ang magsalita ng sobrang babaw na ingles dahil hindi ako maintindihan ng mga drayber pag sinasabi kong "Stop the cub, im getting off here!".

Bus (ulet)- syempre iba toh. sa abroad na ehh.. Lalu pa't si Daddy ang driver. Ang dakilang serbis ko na apat na beses na kong naiiwan dahil sa kakupadan kong gumising sa umaga. Wahaha. Kasama din sa adventure sa bus si busmate na kanina lang eh pinalipat ko ng seat plan dahil masyado ng madumi ang mga adhikain saken. hehe

Si suZuka - ang kotse ni nasnip. Syempre, sya ang kasama namin sa mga kembot na ginagawa namin nila nasnip..Hehe.

Ayan, madami na yan. Pero di ko na iwewento yung iba. Tama na ang petiks. Hmm.. Sabi ni Yanah ipasa daw. hmm...Papasa ko toh kanila : Super G,
Azel at Jez

4.5.09

Hindi pala totoo

May mga bagay na pilit nating tinatanggi. Mga mahihinang hinaing na ating naririnig pero pinipili nating magbingi-bingihan. Minsan, plakard na lang ang kulang para mapabatid satin ang isang mensahe - hindi pa din natin maintindihan. Bakit kaya ganun? Bakit kaya hindi niya maramdaman? Alam niya kaya pero nagtatanga-tangahan lang sya? Naririnig nya kaya pero nagbibingi-bingihan lang sya? Naiintindihan niya kaya pero nagtatanga-tangahan pa din sya? Kakainis. Kakabwisit. Bakit ganun? Umabsent pa naman ako. Iniwan ko ang nakakaadik na trabaho ko para makasama ko sya, tapos ganito.

Unang plano namin eh panoodin ng magkasama si Wolverine.. Pero ayaw niya daw,dahil di nya kilala yun- kaya dinner date na lang ang pinlano ko kasama na din ang konting stroll sa mall. Maya-maya pa ay dumating ang kapitbahay namin at niyaya syang magpunta sa kung saang impyerno. Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila. Tahimik akong nagmasid. At medyo umubo ubo para maalala niyang "ako" ang date niya sa araw na to. Na naginvest ako ng wanport sa mahahalagang oras ko para makasama sya na lumabas.

Nang marinig ko syang umoo-- na "Sasama kami anak,sige at magpunta tayo dun!" nag-iba na ang mood ko. Nainis na ko. Tuluyan na kong nanahimik at kumubli sa kadiliman. Nang yakagin nya ko upang umalis, sinabi kong "kelangan pa ba ko dun?" ......

30.4.09

Mokong

Mahirap mamili ng daan na tatahakin lalu pa't hindi mo alam kung saan mo nga ba gusto magpunta. Mahirap mag-isip ng para sa ibang tao kung ikaw mismo, walang kasiguruhan at kapayapaan sa iyong isipan. Kapag nagdesisyon tayo, tayo at tayo lang ang pwedeng bumago nun, kelangan mo mag-isip isip ng sandaang beses bago ka magbitiw ng isang oo o hindi.


Humigit-kumulang ilang bwan na rin kaming magkakilala ni Mokong. Makulet, mabait, gentleman (daw) siya. Muy simpatico rin naman kung minsan talaga---ipagbubukas ka ng pintuan, hihilahin ang silya para maupuan mo, papayungan ka pag umuulan, tatanungin ka bawat minuto kung kumain ka na, papatayin ang langaw pag dumadapo sa gusgusin mong katawan, pupulbuhan at me-meyk ap an ka pag mas muka ka nang lalake kesa sakanya, patatawanin ka sa pinaka-corny na joke niya, at tatanungin ka pa (ulit) ng mga bagay na gusto at ayaw mo. Hindi si Mokong ang unang manliligaw na nagkamali saken. Meron ding iba. Pero yung iba, madali kong natatakot sa pamamagitan ng killer eye at mga pangako kong gagawin kong miserable ang buhay nila. Pero sya, malapit niya na kong mapahanga (malapit lang, pero hindi ko sinasabing ngayon na yun, o sa isang bukas, bahala na) Sa araw-araw na ginawa ni Papa God, andyan sya para saken (may topak man ako o wala, nakangiti pa din sya). Oo, hindi ako maganda, pero choosy ako. Bakit ba? libre naman mamili ng ide-date at manliligaw..madaming lalaki sa mundo...ayun nga lang..hindi lahat sila....


















may kakayahan na kilalanin ang isang kagaya ko...

25.4.09

Antayteld (angal ni ungas)

Type. Delete. Type. delete. Type. Delete. Type. Delete.

Marami akong naiisip na pwedeng isulat. May naisip na nga ako kahapon. Pero nung matapos kong buksan ang pc, nawala silang parang bula. Type. Delete. Alt + f4. Ayun at pinatay ko na lang ang pc. Tumunganga ako sa tv, nahuli ako ng lola ko na tumatawa habang umiiyak yung bida sa pelikula. Pano ba naman, ingles ang pelikula. Hindi ko na ata naiintindihan, kaya natatawa ko. Maya-maya pa eh kinuha ko ang aking notbuk at bolpen. Hmm..sa papel na lang muna para hindi sayang ang kuryente!

Ayun, naalala ko na. Naiinis nga pala ko. gusto kong sumigaw, pero pinipigilan ko. Gusto kong umiyak, pero mas ok kung tatawa ko. Gusto kong mag-hunger strike - kaya lang ang problema eh, hindi ko kinakaya yung ganun.

Kung kelan kasi abot kamay ko na. Tsaka naman kelangan ko syang pakawalan..

Nyemas.. Nyeta... Yan ang mga salitang nabanggit ko. Habang tinatago ko ang asar at inis (pareho lang yun diba?haha). Gusto kong ibato lahat ng nakikita ko. Gusto kong matulog pero naiisip ko sya.









Potek..Nokia 5800, kelan ka mapapasaken? Hahahaha...

27.3.09

Si twin.

Bawat isang tao sa mundo eh merong sidekick. Syempre di ako nagpapahuli sa usaping yan. Turo ata ni Naynay na "wag magpapahuli at wag magpapalamang". Kung merong batman, meron ding robin, kung may scooby doo, andyan si Shaggy, kung may shaider, andyan si Annie, kung may doraemon, andyan si Nobita, andyan din si Mojacko para kay Surao, si Sakuragi para kay...Para kanino nga ba? Naalala ko lang yang Slamdunk, paborito kasi yan ng tatay ko, pati na din detective Conan kinaadikan niya din. Oo, kahit japanese yung lenggwahe at kelangan niya pang sipatin yung bawat isang salita sa caption sa ibaba, ayus lang sa kanya, ang mahalaga ikanga niya eh "Ang kwento at takbo nung storya". Sya sya papang, nadaanan ka na naman ng kwento ko. Hehe. Sa ibang araw ka naman.
Nais ko kasing ipakilala sa blogosphere ang naging katandem ni Jentot bago pa dumating sa buhay niya si Biiba. Bago pa nauso ang mga kadramahan sa Dubai, syempre, nagsimula ang lahat sa Pinas. Iba ng wanport kay Biiba, etong si Twin (twin ang tawagan namin dahil magkahawig kami), seryosong nilalang to pero simple ang mga balahurang tirada sa buhay (malamang sa malamang isa sa mga ugaling hanap ko sa kaibigan yan). Nakilala ko siya sa paspud na pinagsisilbihan ko bago ko mapromote bilang amo dito sa Dubai. Nyahaha. (oo,alipin pa ko nun, pero pagdating ko dito amo na ko ng amo ko..joke). Palagi ko tong kaaway at kamurahan dahil parang laging may lakad sa buhay, sya yung laging nakakakita sa aking pabulong na pagmumura sakanya. Madalas ko siyang kasigawan nung simula ng mga araw ko sa paspud na yun. Pero isang araw, bigla na lang akong nawindang ng seryoso niya akong tanungin ng mahiwaga niyang katanungan:
Twin: Jenny, monthly ka ba nagpapalinis ng ngipin mo?
Ako: ha? (sabay harap sa stainless na aparador sa loob ng kitsen, tinignan kung madumi si ngipin)
Twin: Ang ganda kasi ng ngipin mo, pareho tayo. Ako kasi..blah blah blah blah blah blah
Ako: Ahh..ok..ok...blah blah blah (nung panahon na yun, nakaretainer ako :D)

Simula nun, lagi na syang dumidikit saken. Mabait daw kasi yung aura ko. Pero akala niya lang yun..bwahaha. Kung dati lagi kaming magka-away, aba eto't kinuha niya na lahat ng pwedeng maging means of communication para lang lagi niya kong makulit. (Inakusahan ko pa nga siyang may gusto saken nung una eh). Pinapasahan lang naman ako ng mga kung anu-anong kowts at mga grapix. Sa mga piksyur taking, lagi na kaming magkasama, sa pudtrip, sa laftrip, at triptrip sa mga kasamahan namin- asahan mo magkasangga kami nito. Pero inpeyrnes naman kay twin, maaasahan naman siya sa oras ng kagipitan. Sa oras ng katangahan ko sa buhay, andyan sya para makatuwang sa iyakan, sa oras ng kakulitan, asahan mo tapos ka na tumawa tumatawa pa sya, sa videoke moments, sa unang beses na uminom ako ng alak habang kumakanta ng kantang hindi ko naman alam (tagay pa twin!!).
Matagal na din kaming walang komunikasyon. Simula nung magkaroon ako ng trabaho dito sa Land of the Rising Smell, dumalang na ang texttext (may roaming pa ko nun), ang chatchat at tawagan. Iniiwanan ko sya ng mensahe sa ym pero walang response.
Wala
Wala
Wala
Hanggang kahapon, habang naglalaro ako ng isang online game, umilaw ang kanyang bintana at nagparamdam saken. (after a decade..hehe). Binalitaan ako ng mga trahedya at lungkot na napagdaanan niya. At puro hinagpis-ipis ang sinabi saken. Hmmm... Nakakalungkot isipin na wala ako sa tabi niya para maging sandalan niya sa mga problema niya. But I'll be including you in my prayers twin. Keri mo yan. :)

24.3.09

Math-inik

Aminado ko na kasama ako sa mangilan-ngilang mga taong hindi biniyayaan ng kahusayan sa matematiks. Hehe. Pero kung ikukumpara mo kung san ako mas mahina - kung sa History o sa Math, sa History pa din ako nakakakuha ng mababang marka dahil nuknukan ako ng ulyanin - sa lahat ng oras.

Nung kabataan ko, naaalala ko ng wanport, naging avid fan ako ng MATH-INIK (ganyan ba spelling nun?). Yung palabas sa channel 2 na pampa-enhance daw ng kaalaman ng mga bata tungkol sa mga equations, at ng four basic functions sa math. Pinapanood ako nun ni Naynay, at pagtapos nun, nagkakaroon kami ng isang maikling pagsusulit, na kadalasan naman eh nauuwi lang sa matinding pikunan at paluan.

Pagdating ko naman ng hi-skul, nagkaroon ako ng malaking galit sa titser ko na si Mrs. Nenita Talinting (teka, kung isa sa inyo kamag-anak niya, wag kayo magsusumbong ah). Bakit?? Eh pano ba naman? sinong matinong tao ang magpapaconvert ng isang certain years into seconds? Bwiset. Ilang pages ng notebook ko ang naubos nun dahil lang sa isang number sa binigay niyang assignment na ang decimal places eh umabot ng hanggang bente ata. (exaj). Memorable din tong teacher kong toh dahil sya yung malimit na magsabi sa amin na "Lagi kayong maglalagay ng sapin sa likod, dahil baka kayo magkasakit pag natuyuan ng pawis sa likod." Dumating din sa punto na kailangan mo syang sagutin sa oral exam. Na pinagtawanan niya pa ang apelido ko (na di-hamak namang mas maganda at kagalang-galang kesa sa kanya). Na pinagcheck niya ko ng mga testpapers, pinagsukat ng mga angle sa mga nakakaawang drawing ng mga POLYGONS. Pinagbilang kung ilan nga ba ang sides ng circle (meron kasing sumagot na klasmeyt ko na may side daw ang circle), na ang sides ng nonagon ay nine. Mga tipong nakakasira ng magagandang araw sa eskwelahan.

Pagdating naman ng college------Serious mode na ko sa pag-aaral. Dala ang aking sandatang scientific kalkaleyter, nakipagbuno ako sa mga madugong equations, formula derivations, sa eber-labing bespren kong sohcahtoa (na hindi ko na nagagamit ngayon), logarithms (dahil sa pagiging ulyanin ko napagcompute ako nun ng gamit lang eh table of logarithms, dahil naiwan ko ang sandata), at ang ending....malayung-malayo sa pinangarap kong maging isang inhinyero. Ayus lang, nasa abroads naman ako! Oryt!:D

At dahil magtatapos sa hi-skul ang sisterette ko, (panibagong gastos ka na naman,,,joke). Babatiin ko ang mga magsisipagtapos ng isang bonggang: Heppi Gredeweysyen!!!!!!!