Ito ay kwento ng mga magkakaibigang palito na nakatira sa isang posporo. Ang wentong ito eh pirated lamang mula kay Father Serge na winento niya noong mass last friday...
Ang magkakaibigang ito ay naniniwala na kapag inilabas na sila ng sinuman mula sa kanilang tahanan at sinindihan, sila ay mawawalan na ng silbi at mapupunta sa kawalan. Isang araw, isa sa mga palito ay kinuha at sinindihan. Matapos siyang masindihan at magsilbing ilaw sa kadiliman, agad siyang hinipan at itinapon. Agad na nagpulong-pulong ang mga natirang palito at inisip nila kung ano nga ba ang mundong naghihintay sa kanila sa labas ng posporo. Maya-maya pa, isa sa kanila ay agad na kinuha at sinindihan (ulit), matapos na magamit ang kanyang liwanag, siya ay muling ibinalik sa kahon ng posporo. Nagsipaligid sa kanya ang mga kaibigan niyang posporo (mga usisero..tsktsk), at agad siyang tinanong kung "Anung mundo ang meron sa labas ng kahon ng posporo"---Marahan niyang sinabing: "Mga kaibigan, maganda ang mundo sa labas ng kahon na ito, at hindi lamang tayo basta-bastang mga palito lamang, bawat isa sa atin ay may kani-kaniyang silbi. Ang liwanag na matagal na nating minimithi at hinahangad ay mula pala sa atin mismo..."
--Just a thought to fonder :)