Showing posts with label kulet. Show all posts
Showing posts with label kulet. Show all posts

28.1.10

My Workstation

Sa kadahilanang masyado akong authistic, ay nabuo ang ideya ng pagtatag nitong bagay na ito mula sa pahina ni Pareng CM. Nabigla na lang ako ng bigla nyang ianunsyo sa aking SM shoutmix na ako eh naka-tag na sa bagay na ito. As much as possible, ayuko sanang ipakita ang lamesa ko, kase baka icompare nyo sa lamesa ni Pong eh anung laban ko dun, wala naman akong stapler na PINK. Hahahahahah....

So Welcome aboard!!!!!!!

UNANG BAHAGI (Right side of the table)
Ito ay naglalaman ng :


Telepono (na patakas na ginagamit pangtawag sa kung saan saan pag wala si boi B), may skatsteyp din sya dahil lagi ko syang naihuhulog dala ng tensyon ko sa pakikipag-usap sa kliyente...Ahmm kelan kaya papalitan yan ng kuripot kong boss? hahahahah
☺Mouse
Monitor...Ooops sipag ko nho, kita nyo kung anong inaasikaso ko sa oras ng trabaho...hahahah..
Pen holder (pero puro basura laman nyan, yung mga ginagamit kong lapis, ballpen, eraser, at highlighter eh nasa keyboard ^_^)
Courier receipt (eh nung kinuhaan ko kase eto eh kakatapos ko lang mag-asikaso ng shipment)
lab letter galing kay boss, utos nya para gumawa ng quotation, pending muna, picture picture eh ^_^
cup...oh eh malamang inuman ng nauuhaw na si ako..ahahah
puncher na puti (off limits ang PINK dito sa lamesa ko!!)
office key (para anytime na maburyo ako sa trabaho, takas mode ako...joke)

Hindi kasya ang mga kagamitan ko sa isang kuhaan lang eh...kaya dadako naman tayo sa pangalawang parte ng lamesa. Ang:

LEFT SIDE, na naglalaman ng:



Stapler na itim (uulitin ko, walang pink dito!)
Lumang kalender, kase wala pang issue ng 2010! Anuberr, February na sa isang araw! hahaha...
Company stamp- pantatak sa makukulit na invoice, PO at kung anu-ano pang chuvachenes chenelar...
☺ ang armas --CALCULATOR
☺Telex transfer receipt
☺mga outgoing quotations
☺Mga pending invoices --(ten years nang nag-aantay ng pirma! Heller, pipirma na lang tinatamad pa!)
☺ Iba't ibang uri ng stamp
Delivery note book (ewan ko kung para saan yan, Joke)
Diary (hanapin nyo sya, natakpan na ng mga papel..hahaha)..kung saan isinusulat ko ang mga bagay na madali kong makalimutan. Kagaya ng: Mga bagay na ginawa ngayong araw na toh, mga bagay na gagawin bukas, mga bagay na gagawin sa isang taon, sa isang bwan at sa isang isang isang bukas!)

Ayan, nakaraos din. At para makaganti, nais kong ibahagi ang tag na ito kay Azel, at kay Deth.

5.11.09

AYKORAP

Naaliw ako ng mabasa ko ang tag na ginawa ni Azel.

Kaya naisip ko..........
nainggit ako
at naisipan kong pumetiks muna sa ginagawa ko....
Tama na ang intro...
Gagawin na ko...
Bago pa dumating ang amo ko...\m/

Mekaniks **Hindi ang mga lalakeng may grasa sa kanilang mga kamay na gumagawa ng sirang tambutso ng kotse o ng jeepney, kundi ang panuntunan na susundin para sa isang tag (korni) ^_^

--> Pumili ng isang mang-aawit / banda musiko, pumili ng kahit na anong kanta mula sa kanilang album na syang gagamitin mo upang sagutin ang 20ng tanong sa ibaba.

TANDAAN: Bawal mag-ulit ng kanta sa bawat isang katanungan. (headspin)

-------------------------------------->
Ang napili kong banda ay ang PAROKYA NI EDGAR.

1. Are you a male or female?
**SAMPIP

2. Describe yourself.
** ABSORBING MAN

3. Describe your significant other:
**MR. SUAVE (sana hindi maligaw sa page ko si tertel ^_^)

4. How do you feel about yourself:
**ALL RIGHT

5. Describe where you currently live:
**OKATOKAT

6. If you could be anywhere, where would you be:
**SWIMMING BEACH

7. Your favorite form of transportation:
**MAGIC SPACESHIP

8. Your best friend is:
**BULOY

9. Your favorite color is:
**CHOCO LATTE

10. What's the weather like:
**PUMAPATAK ANG ULAN

11. Favorite time of day:
**INUMAN NA

12. What is life to you:
**ITS OK

13. What is the best advice to give?
**IWANAN MO NA SYA mwahahahaha

14. If you could change your name, what would it be?
**SILVERTOES parang reindeer lang :)

15. Your favorite food is:
**COOKING NG INA MO

16. Thought for the day:
**GISING NA at magtrabaho! ^_^

17. How I would like to die?
**ONE STEP maapakan ng sleeping giant!

18. My soul's present condition:
**SAD TRIP

19. The faults I can bear:
**MY SHATTERED BELIEF

20. My motto:
**TSAKA NA LANG


Hindi ko na alam kung paano tatapusin ang tag
Kaya ganto na lang
bigla na lang mawawala...
Bwahahah....(back to work)

31.10.09

Para Sa'yo

Nagsimula ang lahat sa tuksuhan....

May nagsabing: You look good together. Nagkibit balikat lang ako at umayrowl (eyeroll).

Meron pang ibang nagsabing, Boyfriend mo? magkahawig kayo--nakita ko ang palihim na ngiti mo nung mga panahong yun, pero pinili ko pa ding manahimik at wag makielam.

Takot kase akong ihakbang paharap ang mga paa ko. Takot akong i-entertain ang pagmamahal na meron ako para sa'yo. Takot akong mahalin ka at masasaktan ka lang dahil sa pabago-bago kong anyo pag-uugali. Takot akong magsama ng isa pang tao sa munting mundong ginagalawan ko.

Mahirap na. Baka mali na naman. Masasaktan lang ako. Masasaktan ka lang. Ayoko na. Baka isa ka lang tanso na nagpapanggap na ginto.

Pero..mas natakot akong harapin yung araw na hindi na kita tuluyang makita.
Yung araw na, hindi na kita makakausap at makukulit.
Yung araw na hindi ko makikita sa mga mata mo ang kasiyahan.
yung araw na....lumayo ka na ng tuluyan sa akin......

Kaya naglakas-loob ako upang tanungin ka. Matagal na araw mo din akong pinahirapan. Nilito mo ko sa mga magulo mong pahayag. Gusto ko nang isipin na assuming lang ako, na baka nga PAKIRAMDAM at PANINIWALA ko lang yun. Hanggang sa mapagtanto ko, nadulas ka nga pala sa isang post sa blogosperyo! *wink

And the rest was history..........^_^

Matagal na mga araw, segundo at minuto na din ang lumipas. Ilang okasyon na din ang nalampasan naten. Masaya ko na patuloy tayong masaya at nagmamahalan sa munti nating relasyon *blasssss*

At dahil hindi ka naman nagba-blog ngayon, hindi mo ko mabibintangan na korni ^_^

-------->
Feeling mushy today after the good walk and talk yesterday with Mr. Tertel :)




25.10.09

Bestfriend


Wala akong ginagawa masyado ngayon dito sa opisina at nagba-browse ako ng mga pictures ng isang kaibigan ng makita ko ang larawan sa itaas (salamat nga pala Ms. Joy).

20.7.09

Keep on Loving you

** ang sumusunod na lyrics ng kanta ang hindi nagpatulog saken nung byernes ng gabi. Inuulit ko, lyrics ng kanta ang hindi nagpatulog saken..hahaha..:P


You should've seen by the look in my eyes, baby
There was something missing
You should've known by the tone of my voice, maybe
But you did'nt listen
You played dead
But you never bled
Instead you lay still in the grass
All coiled up and hissin

And though I know all about those men
Still I dont remember
Cause it was us baby, way before then
And were still together
And I meant, every word I said
When I said that I love you I meant
That I love you forever

And Im gonna keep on lovin you
Cause its the only thing I wanna do
I dont wanna sleep
I just wanna keep on lovin you

------->

15.6.09

Grow old with yah ^^,


I wanna make you smile whenever youre sad
Carry you around when your arthritis is bad
All I wanna do is grow old with you

Ill get your medicine when your tummy aches
Build you a fire if the furnace breaks
Oh it could be so nice, growing old with you

Ill miss you
Ill kiss you
Give you my coat when you are cold

Ill need you
Ill feed you
Even let ya hold the remote control

So let me do the dishes in our kitchen sink
Put you to bed if youve had too much to drink
I could be the man who grows old with you
I wanna grow old with you

9.6.09

Taking Chances ^^,

Nakakatawa how one falls in love then falls out of it...
It's funny rin how one would die looking for it, while one would just let it die...
It's ridiculous how each and everyone of us is very much affected by love...
And it's a wonder how everyone lives because of LOVE...

Well, here is a story...

In a dream, GOD told me, that I could pick up any man I like from His field. BUT I have to choose only one.Once na nakapili na ako, I have to raise my hand as a signal that I finally found him, then go back to GOD for praise. But NO!!! May isa pang kondisyon:

-- I could never turn back.

Once nalampasan ko, I should move on. So sabi ko, GOD surely won't give me rotten crops of men.

I have been a good daughter and I deserve to be with a good man.

I was confident I'll get the best pick.

So my journey began. As I went through the field, nakita ko ang iba't ibang klase ng lalake.

Some were tempting me to pick them up. And some were indeed tempting to pick up.

Pero sabi ko, baka may mas gwapo, mas mabait, mas responsible, mas matalino, mas masipag, mas mahal ako sa dulo ng field na ito.

So I let go. Once. Twice. Thrice. I believed fervently that in the end of the field is my prince, waiting for me with open arms.

Then I saw a man. He looked at me straight in the eye and blew a kiss.

Our gazes met and I don't know why, pero there was something in him that longed for.

I felt as if something was drawing me to him.

Pero di pwede. I have to make it to the end of the field.

Baka sabihin ni God, atat ako chaka wala akong patience.

Naisip ko..If habang lumalayo ako, nakakakita ako ng ganitong klase ng lalake,

baka as I move further eh may mas hihigit pa sa kanya.

Until, I reached the end of the field. And wala akong nakita!!! Oh Jeez.........

GOD asked me, "Di ba napakakulit mo, araw-araw na ginawa ng Diyos...( ay, ako pala yun...)

eh nagdadasal ka na magkaroon ng perfect partner in life,

bakit ngayon wala kang dala?

My crops are all fresh and good.

There is nothing there not ready and good for picking."

I answered, "I thought I would see someone at the end of the field.

Eh dyuskupo, wala na pala.. dismayado lang ako.

I thought that each step I took brought me closer to perfection

when infact, each step brought me closer to nothingness.

I remembered that man who was looking at me.

I know he's the one but I let him go,

believing na there's someone better at the end of the field. Oh, darn it!"

God said, "I'm sorry my child, but I have given you enough time to choose.

You should face reality and its consequences."

With my head bowed down I said, "I'm sorry...

Sorry I wasn't brave enough to raise my hand in the middle of the field and commit myself to someone.

I was not ready to face the challenges of life with someone I thought was of lesser value than me...I'm sorry."

Nagising akong umiiyak, saying sorry to GOD and feeling sorry for my self and my life.

Then I realized that GOD is giving me another chance to choose but not in His field but in the field of uncertainty.

Now, I'm thinking about that man in the field, the man I felt was for me,

wondering what might have been if I raised my hand the moment I saw him.

Then………

What is the meaning of all my hardship to be successful and wealthy?

I may become the most powerful and successful person on earth

but if I don't have that someone whom will I share my love and

happiness with, then it will not be worth anything.

Para sa ating lahat 'to.

Think about it.

We are not getting any younger.

Explore GOD's field.

I'm sure nanjan lang sha sa tabi-tabi. Maaring in the beginning, in the middle or in the end.

It's for you to find out.

But most importantly, it's for you to choose.

It's a part of the whole concept of love.

It's a risk you have to take, a decision you have to make.

And once you have decided on it, there's no turning back.

Bear in mind that with this comes the courage to raise your hand and declare that you've found your match,

whether you're at the beginning, in the middle or at the end of your journey.

Or else, you'll regret it. At ang huling phase ng lahat ng yan eh ito lang --

once you've raised your hand, go back to God and thank Him. Thank God.


In short, maging kuntento ka sa napili mo.

Ikaw naman ang pumili nyan eh...

Love her/him with all your heart.

Be sincere and true to your feelings.

Don' fool around, baka in the end pagsisihan mo, you'll realize his/her worth pag wala na sya sayo...

All He did was to give you options.

And since He gave you that privilege,

consider it a blessing...

(*_*)

8.6.09

SampipoL



"Sampipol", salitang ginagamit para irelate ang ibang taong hindi mo kilala, hindi mo alam ang pangalan, hindi mo kaanu-ano, wala kang pakielam, hindi mo pa nakikita, hindi mo pa lubos na kilala at kung anu-ano pang pwedeng i-associate sa "Some" (random)

"Sampipol", random people na nakakausap mo, nag-uusap tungkol sayo, at nagkakagulo ng tungkol sayo..wahahah. Pwede rin namang ibang taong madaming angal sa buhay pero ni hindi maipakita ang muka at pangalan nila sa blog nila! Sampipol din yun! Madami syang alam, madaming problema sa mundo, sa buhay niya, pero siguro muka nya problema niya kaya hindi nya maipakita ang muka nya! (bad bad na naman..haha).

"Sampipol" ginagamit ng mga pana para itawag sa mga hindi nila kakilalang mga patan (pakistani) na nilalait nila ng bonggang bongga. Wala nga lang silang ideya na sila rin naman ay nilalait ng mga pakistani pag nakatalikod sila at tinatawag ding "sampipol (with smelly odor)" nyahahha.

"Sampipol" a few random people na naiisip mo pag may nakikita kang nakakaiyak, nakakatuwa, at nakakainis na mga pangyayari sa paligid. Sasabihin mo, "Ay oh, parang Sampipol lang ober there ohh". haha.

"Sampipol" tawag mo sa mga nanligaw sayo nung hayskul ka na hindi mo na maalala ang pangalan kaya nung biglang nag-message sayo sa Friendster, binanatan mo ng reply na "sino po sila?, sampipol ka ba?uhugin ka pa nun ahh..hehehe.

"Sampipol" tawag ng nanay ko sa mga batang naligaw ng landas at umakyat ng ligaw sa aming kubo kahit na wala ako dun. Kausap ko sya kanina, ganito ang banat nya :" jen, may nagpunta dito, sampipol lang, hinahanap ka, bakit daw di ka nagpaalam sakanya". Haha.. adik!

--Paumanhin kung mas malabnaw pa po sa evaporated milk ang takbo ng kwento nitong entry na toh! Wala pa kong matinong naitutulog dahil abala ako sa paggawa ng wala. Hehehe...

28.5.09

bEeseeee...



Pansamantagal muna akong mawawala sa inyong attendance sheet dahil nagpatong-patong ang mga kalokohang sinalihan ko. Magbabalik ako matapos ang kaunting panahon at sinisiguro ko na hindi ako naghahanap ng "gandam speys" sa pagkakataong ito--dahil close boooooookkkkk na po yun :D. Kinakailangan ko lang muling maging hands-on alalay sa aking mga kamiyembro dahil ako eh matagal-tagal din naman nilang hindi nakapiling at nakaututang dila.

Sa mga mahal kong kaberkz.. See you soon. Babalitaan ko kayo ng aking mga kalokohan sa aking pagbabalik mula sa bakasyones dito sa totoong mundo. At tatapusin ko nga din pala yung entry ko sa PEBA. yeay! hehe..:D

Ang pag-alis ng isang tao ay parang bola ng pingpong. Pag hinagis mo sa pader, babalik at babalik din. Para din akong ganun, pero hindi ako mukang pingpong ball..--corny

23.5.09

Kwentong Kamote

Sa isang maliit na paaralan sa Pasay......


Dahan-dahan niya kong nilapitan, sabay hinawakan niya ko sa aking batok. Hinuli niya akong parang kuting....Kahit si Lupin hindi na makakaigting....

Nadoble pa ang kasalanan ko ng marinig niya kong sinasabi ng marahan ang mga salitang ito..."Pitumpu't puting tupa, pitumpu't puting tupa...blah blah.."..Inakusahan niya kong nagmumura. Kinuha niya ang papel na hawak ko at tinignan kung nagsusulat nga ba ako ng pinapagawa niya sa pisara. Nakita niya akong nagsusulat pa lamang ng pangalan ko--Nagalit sya....Sapagkat ibinigay niya ang seatwork, humigit-kumulang isang kalahating oras na ang lumipas. (Eh ako naman ehh naghihintay lang ng recess, kaya ganun)

Sumigaw siya sa harapan ng klase at nagmamaganda niyang isinigaw ang nagmamaganda kong apelyido. Yumuko ako, nagdasal sa lahat ng kilala kong santo, at unang-una kong binanggit ang pangalan ng nanay ko---"Mama.."

"Jen------, anung mama ang sinasabi mo jan, magpunta ka dito sa harap ng klase!"
"Eh kung ipapatawag nyo po ang Mama ko, magagalit yun sa'yo!"

Nagbagong anyo si titser at naging kalmado, sinundo niya ako sa aking upuan. Maya-maya pa ay nakita ko na lamang ang aking sarili na nasa harapan na ng klase..Dala-dala ang plakard na may nakasulat na : "Wag nyo kong tularan....hindi na ko mag-iingay sa klase.." Pinalibot nya lang naman ako sa buong campus ng eskwelahan na yun. Hindi ko na babanggitin kung sang eskwelahan yun sa Pasay at malalaman nyo pa kung ilang mga batang uhugin at madaming kuto sa ulo ang nagpyesta sa pagngalngal ko habang rumarampa ako sa kanilang mga klase...

Grade two ako ng nangyari yan. Humigit kumulang labinlimang taon na ang nakalipas, pero hindi ko makalimutan yang pangyayaring yan--siguro eh jan nag-ugat ang aking mga "embarassing moments list"...

---------------------------->
Irecite mo ng pabaligtad ang "Lupang hinirang!"..
Huh? ayuko nga...

Ako ang titser, hindi ikaw, "you're wrong"
Yeah right..bawal babuyin ang Lupang Hinirang sir!, Gusto mo yung paboritong kanta mo na lang, kakantahin ko--kahit baligtarin pa naten patiwarik...(nagtawanan ang buong klase)..

Ano, anong nakakatawa sa sinabi netong si Ms...*insert my surname here*(kibit balikat sabay harap saken---dahil sa ginawa mo..70 ka sa recitation...
Huwaaattttt????? Sir, bading ka ba? parang mainit kasi ang dugo mo saken ehh..

Anak ng *&%^$, 70 ka na nga malakas pa din ang loob mo?
Oo naman poh!..60 ang bagsak diba?..Tenk yu po sa grade...:D

Dahil sa ginawa kong yan, nakaranas ako ng 75 na grade sa PE. Akalain mo yun,75--ang hindi matanggap ng nanay ko, mag la-line of 7 lang daw, PE pa..hehe..Dinamay niya pa yung grades ko sa Music chaka Arts. walangyang panot!..Hehe...

---Wala po akong matinong maisip. Wala rin kasi akong isip ngayon. Medyo naaaning po kasi ako sa mga pangyayari sa tabi-tabi.. Pls bear with me..Haha...

17.5.09

Tagay

Walang tanggero, ang nalalasing...Eh pano kung mag-isa ka lang na nainom kagaya ni manong? :)

11.5.09

Tukmol III


"Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."--Bob Ong

5.5.09

Tag oh tag....

At dahil napaaway ako sa telepono kanina at nagnosebleed ako sa pag-eenglish, pinili ko munang manahimik at gumawa ng mga nakapending na tag. Para naman hindi ako tuluyang mabaliw sa mundo ng trabaho ko....

awan, ah tu, ah wan tu tri por!!!!!!...geym!:)

Ang isang ito eh galing kay Choknat:
ten things you wish you could say to 10 different people right now

(don't tell us who it is)

1. " I miss you all"
2. "Gutom na kooo!"
3. "I wish you love, best wishes!!!!!"
4. "Bangin ka ba? tingin ko kasi nahulog na ko sayo ehh"..(corny..wahahah)
5. "Boses lata kayoooo"
6. "Ikaw, ikaw ang problema ko, wag ka nang magtanong"
7. "i i i....i have to go..."
8. "lagi na lang sya, pwedeng ako naman?"
9. "anak ng tipaklong, hindi komo't pinoy ako at pana ka, mas matalino ka na saken...nauna ka lang kaya ka boss."
10. "hindi ko na kaya, at ang sakit sakit na....."

nine things about yourself:
1. mabait.
2. tahimik.
3. PG.
4. may sariling mundo.
7. di mahilig matulog.
8. ulyanin.
9. mainipin..

eight ways to win your heart:
1. yung bibigyan ako ng maraming pagkain..joke
2. being real.(wrong gramming ata?)
3. kausapin ako maghapon at magdamag..pag nauna kong mapagod...panalo ka!!!!
4. kapag tinopak ako kaya niya pa din akong patawanin.
5. para syang goldilocks..thoughtful
6. maginoong ways pero hindi parang seminarista..wahahha
7. ipagluluto niya ko ng paborito kong pagkain.
8. kakantahin niya ng hindi nabubulol ang paborito kong kanta (stay)

seven things you want to happen to you before you die:
1. maging saksesfool..
2. maging responsible at sensible..alam nyo naman siguro kung bkit..haha
3. mapabalik sa putikan ang mga nang-apak saken..joke
5. makapunta sa.....Paris
6. mapagtapos ang mga bata..yung mga kapatid ko sa pag-aaral.
7. marinig ulit ang malulutong na mura ng nanay ko.

wer na is 6? :D

five turn offs:
1. maingay na lalaki. (oo, para sken pangit tignan yung ganun)
2. insensitive
3. playing safe.
4. pa-gentleman effect di naman totoo
5. yung yung yung..papansin..

four turn ons:
1. down to earth.
2. kalog. yung kahit batukan ako pag naguusap kami ayus pa din..mga ganung bagay.
3. maganda yung mata..sarap titigan ee..wahahah
4. yung yung yung..mahilig din kumain..weee

three smileys that describe your life:
1. :D all teeth smile
2. :(--wla ako sa mood
3. :-/ nagdadahilan lang

two things you wish you never did:
1. umabsent sa work kahapon.
2. pumasok ngayon, sna hindi ako napaaway..wahaha

one confession:
may sikreto ako..pero dahil sikret yun, di ko sasabihin!hahah

At dahil tag toh..ipapasa daw dapat...Papasa ko kay: Pogi, CM, Dhi at Jez

Next up! Ang Broom -broom echoz ni Biiba..Mga sasakyan daw na nasakyan sa buong lifestory mo. Hmm.. Try ko masagot kasi lagi lang ako naglalakad ee. Hehe.

Dyipni - kelangan tagalog? Oo, bakit ba -- Pinoy ako ehh. Eh kasi peborit ko yung jeepney na kanta ng Spongebob este Spongecola pala. Hmm. May jeep kasi kami at sa bayan ng Kabite at Pasay - kung saan ako nanahanan ng humigit-kumulang ilang taon, jeep ang popular na sasakyan. Pero kung medyo sosi ka at nagiinarte pwede rin namang :

Bus- Sinasakyan ko pag may school fieldtrip, pag matagal ang dating ng jeep galing Salitran papuntang Bayan, pag nagiinarte ako at ayaw magitgit at masiksik sa loob ng jeep. Di ba? May libre pang vandal sa mga silya kung gugustuhin mong makivandal. :)

Tricycle- Pag galing ng palengke, para mamili ng uulamin. Eto ang pinakasikat sa may baryo namin. Lalung lalo na nung nasira ang tulay ng Salitran.

Trolley- sasakyan ba toh? Haha. Ewan ko, pero meron ako nito. Ginamit ko sya hanggang sa mag-edad 19 ako. Napagalitan lang ako ng bongga kaya ko hininto ang paggamit ng trolley sa kalsada. akala ko kasi ok lang --yun pala para sa lalaki lang yun.:)

Stroller- nung baby ako, dito ko nakatambay palagi. Wahaha

Bangka / Barko - nasakyan ko nung nagbakasyon ako sa Batangas kasama ang lola ko. Nasakyan ko din nung nagpunta kami sa Gallera, probinsya ng insaness ko.

Bike - asteeg ang BMX. Wahaha. Gamit ko pag nagtatago ako sa nanay ko para di nya ko utusan bumili ng suka sa kanto. Wala nga lang akong utak at sa may gilid lang ng bahay namin nagtatago kaya nahuhuli pa din ako. Madami rin akong peklat na nakuha sa bike kong toh. Dahilan kung bakit hindi ako nagamit ng mini-skirt. Weet weew.

Erpleyn - C/o Cathay Pacific. salamat sa napakasarap na Mutton Biryani. Mga twelve hours kong hinintay makalapag ng Dubai bago ko makakain ng pagkaing angkop sa panlasa ko. "Demn you Biryani!!!!":). Syempre, lulan nito eh narating ko ang eber labing UAE.

Taxi- Pana-dolz, Patan, o Arab. Mamili ka ng lahi pati amoy--sila ang mga driver dito. Asteeg. Dito ko naranasan ang magsalita ng sobrang babaw na ingles dahil hindi ako maintindihan ng mga drayber pag sinasabi kong "Stop the cub, im getting off here!".

Bus (ulet)- syempre iba toh. sa abroad na ehh.. Lalu pa't si Daddy ang driver. Ang dakilang serbis ko na apat na beses na kong naiiwan dahil sa kakupadan kong gumising sa umaga. Wahaha. Kasama din sa adventure sa bus si busmate na kanina lang eh pinalipat ko ng seat plan dahil masyado ng madumi ang mga adhikain saken. hehe

Si suZuka - ang kotse ni nasnip. Syempre, sya ang kasama namin sa mga kembot na ginagawa namin nila nasnip..Hehe.

Ayan, madami na yan. Pero di ko na iwewento yung iba. Tama na ang petiks. Hmm.. Sabi ni Yanah ipasa daw. hmm...Papasa ko toh kanila : Super G,
Azel at Jez

28.4.09

Tado

Lahat ng tao may paboritong mura. Este pagmumura pala. Yung taytel ko ngayon ang paborito kong mura sa lahat. Pag ginulat mo ko, matatawag kita sa pangalan na yan, pag tinakot mo ko, kasabay sa pag-igkas ng kamay ko para hampasin ka eh ang katagang.."tado, tadu,#$%%^&!". Hehe..erase erase..bad bad bad. Baka may mapadaan na taga-kulto dito at isumbong pa ko sa mga nakatatanda at matiwalag ako..nyahaha..pabor! joke..

Lahat naman tayo nagmumura, iba iba lang siguro yung lutong, tunog, frequency, at kung gaano kalakas yung impact ng mura mo sa sinasabihan mo. Eh pano pag nakangiti pa din yung minumura mo? Nakakainis diba? Saken kasi ganun kadalasan ang nangyayari, inis na inis at gusto ko nang durugin sa mura ang isang tao, ayaw pa din patinag at nakangiti pa. Kakaasar. Ang hirap din ng nasa abroad ka. Pag naiinis ka sa ibang lahi at minura mo sa sarili mong salita, papaexplain pa nila. Eh syempre dedeny mo na lang para di ka mapaaway. Nyahaha.

Pero lingid sa kaalaman ng nakararami, sa likod ng salita (masamang salita na "tado") eh may nagtatagong isang katangi-tanging nilalang. Pamilyar ba kayo sa komedyanteng si Tado Jimenez? Oo, yung nakashades ng malaki , longhair, na matinik sa english at madaming alam sa buhay. Oo, pareho kaming asteeg nitong si Tado. Oo (nakiki-oo ka saken, kilala mo ba talaga yung kinukwento ko?hehe). Heto at naisip ko siyang hanapin sa tulong ni Gugel. Paborito ko kase dati nung grade 6 ako yung palabas niyang Strangebrew, di ko na maalala kung saang channel ko yun napapanood, pero ayos na ayos ang mga words of wisdom ng boylet na ito!

KONTING BACKGROUND CHECK..

Lingid sa kaalaman ng nakararami, at sa dami ng taong nanghahamak sa butihing si Tado. (Ok lalagyan ko ng apelido para kagalang-galang ang dating niya kahit man lang sa post ko.). Si Arvin Jimenez (aka. Tado Jimenez) eh graduate sa PUP (Polytechnic University of the Philippines) ng kursong Psychology (ahh, kaya pala madaming alam sa buhay). Bukod sa pagiging comedian, isa rin syang DJ at hilig din nya ang photography, at minsan nang nainvolve sa theater and arts. Asteeg di ba? "More than meets the eye" ika nga nila. Hehe..



Inspayrd by this...

once upon a time...
there was an island where all the feelings lived:
HAPPINESS, SADNESS, KNOWLEDGE, and all of the others, including LOVE...
One day it was announced to the feelings that the island would sink,
so all constructed boats and left... Except for LOVE....
LOVE was the only one who stayed.
LOVE wanted to hold out until the last possible moment.
When the island had almost sunk, LOVE decided to ask for help...
RICHNESS was passing by LOVE in a grand boat.
LOVE said, "RICHNESS, can you take me with you?"
RICHNESS answered, "No, I can't. There is a lot of gold and silver in my boat. There is no place here for you."
LOVE decided to ask VANITY who was also passing by in a beautiful vessel.
"Vanity, please help me!"
"I can't help you, LOVE. You are all wet and might damage my boat," VANITY answered.
SADNESS was close by so LOVE asked,
"SADNESS, let me go with you."
"Oh . . . LOVE, I am so sad that I need to be by myself!"
HAPINESS passed by LOVE, too, but she was so happy that she did not even hear when LOVE called her.
Suddenly, there was a voice,
"Come, LOVE, I will take you."
It was an elder.
So blessed and overjoyed, LOVE even forgot to ask the elder where they were going. When they arrived at dry land, the elder went her own way. Realizing how much was owed the elder,
LOVE asked KNOWLEDGE, another elder,
"Who Helped me?"
"It was TIME," KNOWLEDGE answered.
"TIME?" asked LOVE.
"But why did TIME help me?"
KNOWLEDGE smiled with deep wisdom and answered,
"Because only TIME is capable of understanding how valuable LOVE is..."
***...TIME is the only most special gift you can give to the person you LOVE...***

---copy paste lang from bulletin board sa FS..natanggal antok ko ehh..hehhe

22.4.09

Siryus...

*Mahilig akong magdahilan.
*Pero pag wala talaga kong kasiguraduhan sa isang bagay, o di kaya ay naguguluhan ako- tahimik lang ako.
*Mahilig akong gumawa ng mga alibi, wala akong pakielam kahit alam kong hindi mabenta yun. *Ang mahalaga saken, nakapagdahilan ako, ganun katigas ang ulo ko.
*Ayoko sa sinungaling.Tatanggapin ko kung sino ka, wag mo lang ako gagaguhin.
*Sino ba naman ang may gusto ng niloloko ka di ba?
*Mabilis akong magtiwala sa isang tao, pero ganun din kahirap na maibalik ito pag nasira na.
*Makulet ako at magulo, pero pag seryoso ako, sigurado kong walang makakabasa ng tumatakbo sa utak ko.
*Pag nagdesisyon ako, ako at ako lang ang pwedeng bumago nun.
*Pag pinamigay ko ang isang bagay, hindi ko na binabawi pa. Basura na yun, di ko na kailangan.
*Pag nakita mo kong nahihirapan, pabayaan mo lang ako, marunong akong lumaban sa sarili kong paraan- hindi mo kailangang maging "superhero" sa paningin ng sinuman.
*Ang isang salamin pag hindi mo iningatan, mababasag. Hindi mo kasi hinawakan ng maayos, ayan nahulog at nagkalamat na tuloy.
*Pag sinabi kong "Ok lang ako".sigurado kong 100 % hindi iyon totoo.
* Pag tawa ko ng tawa sa isang bagay at sobrang corny ng joke ko- alam mu na..may problema ako.

20.4.09

--Ang Kwento ng Posporo at Palito--

Ito ay kwento ng mga magkakaibigang palito na nakatira sa isang posporo. Ang wentong ito eh pirated lamang mula kay Father Serge na winento niya noong mass last friday...

Ang magkakaibigang ito ay naniniwala na kapag inilabas na sila ng sinuman mula sa kanilang tahanan at sinindihan, sila ay mawawalan na ng silbi at mapupunta sa kawalan. Isang araw, isa sa mga palito ay kinuha at sinindihan. Matapos siyang masindihan at magsilbing ilaw sa kadiliman, agad siyang hinipan at itinapon. Agad na nagpulong-pulong ang mga natirang palito at inisip nila kung ano nga ba ang mundong naghihintay sa kanila sa labas ng posporo. Maya-maya pa, isa sa kanila ay agad na kinuha at sinindihan (ulit), matapos na magamit ang kanyang liwanag, siya ay muling ibinalik sa kahon ng posporo. Nagsipaligid sa kanya ang mga kaibigan niyang posporo (mga usisero..tsktsk), at agad siyang tinanong kung "Anung mundo ang meron sa labas ng kahon ng posporo"---Marahan niyang sinabing: "Mga kaibigan, maganda ang mundo sa labas ng kahon na ito, at hindi lamang tayo basta-bastang mga palito lamang, bawat isa sa atin ay may kani-kaniyang silbi. Ang liwanag na matagal na nating minimithi at hinahangad ay mula pala sa atin mismo..."

--Just a thought to fonder :)

18.4.09

100 truThs daw..ewan..

At dahil wala akong magawa (sa dami ng ginagawa ko) at hindi gumagana ng ayus ang utak ko (anu bang bago dun?)..Slambuk mode muna tayo peepz..hehehe..Galing itei sa aking ka-sisterette sa SFC na si Maiyumee...

1. Name →
EǝʞsuǝJ
2. Nickname(s)→ EǝʞsuǝJ,uıןʎuuǝɾ؛uuǝɾ؛ʇoʇuǝɾ
3. ?
4. Zodiac sign → Pisces
5. Male or female → femaLe
6. Elementary → P. Burgos Elem Schl.(gr.1-2), Salitran Elementary School(gr.3-6)
7. ?
8. High School →Dasmariñas North National High School
9. College School → NCST..tahanan ng mga bangis (sa allowance..hahah)
10. Hair color → fenk..haha
11. Long or short - hair? short..
12. Loud or Quiet → halfway
13. Jumpers or Jeans → Jeans
14. Phone or Camera → camera
15. Health freak → n0pe
16. Drink or Smoke? → drink..
17. Do you have a crush on someone? → maybe
18. Eat or Drink → mas ok yung eat..hahah..biased
19. Piercings → ears
20. Tattoos → wla
21. Social or Anti-Social → anti-social..:P
22. Righty or Lefty → lefty

FIRSTS:

23. First piercing → ears
24. First best friend → April..(kalimutan ko na apelido..hhmmm)
25. First award → most talkative..
26. First crush → di ko na maalala..help meeeee!!hehe
27. First relationship → Michael Angelo Ibo..:D
28. First pet → chiffon..aso..akala ko ksi keyk..he
29. First big vacation → wala..hai naku.
30. First big birthday → 16th?..hehe
31. ?
32. First Surgery → wala pa naman..hehe
33. First sport you joined → volleyball- dumugo ilong ko nung tinamaan ako ng bola!:)

THIS or THAT:
34. Orange or Apple juice → apple..:)
35. Rock or Rap → Rock
36. Country or Screamo → screamo..:)
37. NSYNC or Backstreet boys → or..ahaha
38. Britney spears or Christina Aguilera → or..hehe
39. Night or Day → halfway..
40. Sun or Moon → moon..
41. TV or Internet → internet
42. Playstation or xbox → playstation!
43. Kiss or hug → both
44. Iguana or turtle → ayaw ku nian..
45. Spider or bee → wala wala..takot ako jan
46. Fall or spring → spring..
47. Limewire or iTunes → same same
48. Soccer or baseball → or! parehong hindi ko maenjoy!

CURRENTLY:
49. Eating → wala. 30 mins to go pa bago maglunch break!
50. Drinking → water
51. Excitement Level → depends sa situation..hmf
52. I’m about to →work work work
53. Listening to → thinking of you..
54. Plans for today → kumain ng dami dami..kumain..kumain..kumain..thank you.:)
55. Waiting for → boss to come..hehe..welkam back!asan na increase ko?haha
56. Energy Level → sa ngayon? 50% na lang..2 days na kong wlang tulog ehh
57. Thinking of someone
→..ai ei ii ow uw..

YOUR FUTURE:
58. Want kids? → corz..kaw ba ayaw mo?..hehe
59. Want to get married? → hindi pa sa ngayon...
60. When? → sa darating na bukas.haha
61. How many kids do you want → 2..para hindi magulooooo
62. Any name on the mind → madameeeeeeeee
63. What did you want to be when you were little → maging matangkad! maging inhinyero! maging mabuting nilalang--hehe..sikreto na lang kung may natupad o wala..
64. Careers in mind → chinger..ehh parang ayaw ko na rin..hehe
65. Mellow future or wild → di ko maintindihan..hmf
66. Something you would never try → walk from uae to phils..hahaha..ikw gusto mo?
67. When do you want to die → pag ok na lahat ng dapat maging ok..

WHICH IS BETTER IN THE BOY/GIRL YOU LIKE?
68. Lips or eyes → eyes
69. Romantic or Funny → Both
70. Shorter or taller → taller..tingin mo may nilalang pa kayang mas maliit sken?haha
71. Protective or Caring → yung sakto lang..:D
72. Romantic or spontaneous → romantic.
73. Nice stomach or nice arms → haha..anu toh?
74. Sensitive or loud→ halfway..not too sensitive, and not too loud..
75. Hook-up or relationship → relationship
76. Trouble maker or hesitant → ok na kahit pareho..haha..exciting!joke..
77. Muscular or Normal → normal
78. Kissed a stranger → huh!?! di ah..
79. Broken a bone → yeah.sa arms

HAVE YOU EVER:
80. Lost glasses/contacts → yeah
81. Ran away from home → n0pe..may permiso ang pagtungo ko dito..:)
82. Held a gun/knife self defense → yeah
83. Killed somebody → somebody ba ang ipis?hahaha
84. Broke someone’s heart → no idea..hehe
85. Been arrested → ng nanay at tatay ko? maraming beses!heheh
87. Cried when someone died → ap corz..kaw ba hindi?
88. Liked a friend more than a friend → yeah..pero prio sa friendship..dun kayo mas magtatagal eh..:p

DO YOU BELIEVE IN:
89. Yourself → minsan oo minsan hindi
90. Miracles → yeah..
91. Love at first sight → potek..anu toh pelikula??!!? ndi
92. Heaven → yis
93. Santa Claus → sabi ni F..oo daw..hehe
94. Tooth Fairy → hindi..
95. Kiss on the first date → hehe..depends
96. Angels → yeah..adik..

ANSWER TRUTHFULLY:
97. Is there one person you want to be with right now → family..yeah..
98. Are you seriously happy with where you are in life → halfway..
99. Do you believe in God → yup..
100. Post as 100 truths and tag 20 people – pinapasa ko toh sa kung sinuman ang may gustoooo...kunin niyo na lang..hehe..

Day-off

Alas otso y' medya ng umaga ng kalabitin niya ako at marahang inusal ang mga katagang :"Jen, anak--bangon na, tara na at magkape". Isang ngiti lamang ang aking itinugon, sabay balikwas upang bumangon.

Mahigit kumulang anim na taon din akong nawalay sa kanya. Kung tutuusin, isa siya sa mga taong bibihira kong makausap- (mag-usap man kami sa telepono, panay listahan lang ng mga habilin at sermon). Kaya't alam ko na kung susukatin sa percentage---mga 25% lang ang closeness ko sakanya. Sabi kasi nila "Like poles, repel each other"--moody kasi si lola, tapos ako din. Makulet kasi sya at echozera, tapos ako din. Sabi nga ng pinsan ko, parang sya yung old version ko.. (naku po, wag naman sana!).

Subalit ngayong mga nakalipas na araw na ito. Tila napunan namin ang aming mga pagkukulang sa isa't isa. Sabay kaming kumakain at nagkukwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay sa paligid. Di ko lang talaga minsan masagot ang mga katanungan niya . (irrelevant kasi lagi sa pinag-uusapan namin at alam kong mahirap talaga sabihin sa kanya dahil ikakalat niya sa mga magulang ko pag nagkataon.hehe).

Sabi nga nila, lahat tayo eh tatanda at magkakauban. Kung kaya't dapat itrato natin ng maayos ang mga nakatatanda sa atin. Hindi kasama sa sinumpaan kong tungkulin sa itaas na magiging 100% na mabuting apo at anak ako sa aking folks. Pero, sa abot ng aking makakaya, I see to it na magagampanan ko ang aking mga tungkulin at mapaparamdam ko sa kanila yung importansya nila habang kasama ko sila. Hayy..sana lang sa lahat ng tao pwede kong gawin to.(haha..off topic..erase erase).
--------------------
Dumating ang hapon at nagpunta kami sa simbahan. Hudyat na rin na malapit nang matapos ang araw ng pahinga ko. Masaya ko dahil humigit kumulang isang dekada na ata simula ng magsimba ko ng may kasamang lola. Natutuwa ako dahil pinapamalas niya sa akin ang pagiging isang mabuting lola kahit na alam niyang malayo ang loob ko sakanya. Nun ko lang narealize na namimiss ko din pala sya.
--------------------
Naluha ako sa sermon ni father Serge kagabi, nagkwento sya tungkol sa mga palito at posporo--pero alam kong may naisip akong mga bagay-bagay beyond "that". Ayoko na lang ielaborate. Kung gusto niyong malaman, sa ym na lang. hahah
--------------------
Special thanks kay B1,Prof Pajay, Azel, at kuya Kenji sa nag-uumapaw na moral support nila saken laban sa lumalaganap na epidemya sa aking sistema. Hehe.
--------------------
Mababaw ang emosyon ko nitong mga nakaraang araw, dala siguro ng summer. (haha).
--------------------
Kung pwede ko lang ibigay sayo lahat ng meron ako, para maging masaya ka- gagawin ko. Dahil alam kong hindi ako magiging masaya at kuntento kung makikita kitang malungkot at nasasaktan---

16.4.09

Gad dam speys (edited)

Anung pinagkaiba ng selfish sa greedy?
Tinatanong nya yan sa sarili nya habang nananahimik siay nung mga nakaraang araw. Nilibot niya ang tunay na mundo, at inalam kung siya nga ba eh nagiging madamot o makasarili sa sitwasyong kinasasadlakan niya. Alam niyang isa sa pinakamahirap na pagkakataon sa buhay ng isang tao ang mamili sa pagitan ng dalawang bagay na naging makabuluhan na rin para sayo (tinatanong niya pa din hanggang ngayon kung kailangan niya ba talagang pumili o tadhana na ang magpapasya). At bago pa siya tuluyang lamunin ng nakakabwisit na emosyon na yun---saglit siyang nanahimik at humiling ng senyales mula kay Papa God. Subalit naging piping saksi ang langit sa mga hinaing niya, habang tahimik siyang nilalamon ng kalungkutan. Potek! Sumigaw siya at inihinto ang lahat ng kadramahan na ginagawa niya. Bakit nga ba kelangan na siya pa ang mag-adjust? Bakit siya pa ang kelangang lumayo? At higit sa lahat? hindi ba sya pwedeng sumaya?

Sinabi niya saken na ayus lang ang lahat sa kanya. Na hindi sya apektado sa lahat ng mga pinagagagawa niya. Ngunit sa simula't simula pa lang, alam kong itinatanggi niya lang ang lahat. Habang siya ay tahimik na naguguluhan, ako naman ay tuluyan nang kinakabahan.

Kung nabibili lang sana sa suking tindahan ang gad dam speys..baka bumili na ko nun bago pa magsimula ang lahat.....

So ano naman ang natutuhan ko nung namahinga ko ng wanport?

> Natulog
> Natulog
> Nagpaka-adik sa plurk
> Kumain
> Kumain
> kumain
> Movie marathon
> Laftrip..(mag-isa), laugh till it hurts..ahhaha

Hanggang sa hindi ko na talaga natagalan ang pananahimik at bumangon ako mula sa pagkakahimlay. Naisip kong may bukas pa. At sa bawat bukas ay mayroong bagong pagkakataon, dahil sa bawat isang bagay na nagtatapos - mayroong isang simula. At sa bawat isang bagay na hindi pa nagsisimula pero nagkaron na ng wakas - next question please. Hehe. Hindi dapat tinatakasan ang isang problema, dahil hindi ito mareresolba sa pamamagitan ng pag-iwas.

Kung bibilangin ko kung gaano ka-layo ang distansya na pinuntahan ng utak ko nung mga panahong iyon, lumampas na ko sa kung ano pa ang pwedeng marating ng isang eroplano o bike. Siguro, minsan, masama rin yung mangarap - lalu't lalo kung ito'y walang kasiguraduhan at sa hindi mo inaasahang pagkakataon eh may masasaktan ka. Inisip ko na lang kung pano ko nalaman na nakakasakit na pala ko ng ibang tao kung hindi ko pa maunawaan ang bawat isang hibla ng salitang tinuran niya. Hindi ko alam ang gagawin ko, totoo. Hindi ko alam kung saang posisyon ko ilalagay ang sarili ko dahil alam kong walang mananalo sa labang iyon. Kaya huminto ako at nilingon ang nakalipas. Inisip ko kung kailangan pa nga bang dumating sa ganito ang lahat.

Now, back to regular programming..hehehe