5.4.09

Awww...

Kalagitnaan ng tanghali. Tumunog ang kanyang telepono. Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi ng makita ang ngalan ng taong tumatawag ng mga oras na yun. Agad niyang sinagot:

F: Hello?
J: Yes?
F: May praktis tayo mamaya kanila blah blah blah blah.
J: Kelan?
F: Mamaya. Attend ka ah.
J: ukei..subukan ko. Ok bye..
F: Teka lang, may sasabihin sana ko.
J: (kinakabahan). Huh? anu yun?
F: Ah eh busy ka ba?
J: Hindi naman masyado.
F: Eh kasi magpapaalam sana ko.
J: Paalam na ano? (slowness ang utak)
F: Liligawan ko sana si **insert girl's name hir**(oo, jan mismo).
J: Ahh...ok lang.
F: Talaga?
J: Oo naman, no problem...(sabay pindot ng end call, sabay hagis ng fonella pabalik sa bag).

****Matagal ko nang hinihintay tong araw na to. Ngayong nangyari na.......Nangyari na. Hehe.

4.4.09

Buhay, buhay, Buhay....

Wag ka kasing masyadong makulit at malikot dyan! Nagkakasakit ka tuloy.

Mga sampung beses ata sinabi yan nung nanay sa kanyang anak. Umiling-iling na lang ang bata at pasimpleng napapangiti. Hindi niya maintindihan kung natutuwa nga ba siya sa mga paulit-ulit na tinuran ng kanyang nanay o kung naiinis na sya dahil tinuturing pa din siya nitong bata kahit na alam niyang nasa tamang edad na rin naman siya.

Pasimpleng pinunasan ng bata ang namumuong mga luha sa gilid ng kanyang mga mata. Makikita kasi ng nanay niya na sa bintana na nalulungkot siya at hinahanap niya ang mapagkandiling pag-aalaga ng kanyang mga magulang. Ilang buwan na din niyang hindi nakakadaupang palad ang mga ito. Ni isang salita mula sa kanilang mga labi ay hindi niya na naririnig - kundi ngayon lang ulit. Agad niyang pinamalas ang kanyang magandang ngiti. Pinakita sa lahat na masaya siya, hindi sa literal na estado niya ngayon, kundi dahil sa wakas - pagkatapos ng matagal na mga araw ay nakausap niyang muli ang mga iyon. Nagbalita siya ng mga kalokohang nagawa niya, at ang iniindang sakit nung mga nakaraang araw pa. Masaya ang bata sa tuwing makakausap ang kanyang nanay, kahit pa napakakulit nito at paulit-ulit sa mga pangaral sa kanya. Nakakawala nga naman ng pagod ang mga ganung tagpo!

-----eksena sa ym kahapon habang kausap ko ang nanay ko :D

Hindi ako bata, hindi rin ako matanda. Nasa pagitan siguro nun. Sabi nga ni Britney "I'm not a girl, not yet a woman". Ganyan ko lang tignan ang sarili ko. Inihahanay ko pa din ang sarili ko sa mga jologs na hi-skul student at mga rakista sa kanto. Pag nakikipagsosyalan nga, mas malapit pa ko sa mga bata kesa sa mga ka-edaran ko. Hindi naman ako masyadong isip bata, pero inis lang siguro talaga ko sa mga taong mahilig magpanggap at magpanggap at magpanggap. Ilang araw na din akong nakakubli sa munti naming kubo. Nood dito, text dun, chat dun, blog dito, basa jan, basa dun. Kain diyan, kain dito. Simula ng umalis si Biiba, sinimulan na kong singilin ng katawan ko sa lahat ng kapabayaang ginawa ko nung mga nakaraang buwan. Mabuti nga at mild lang ang dumale saking saket. Hehe. Naging anemic lang ako. Pero dahil madaming naging bitter ng bongga sa paligid, nalampasan ko naman yun (salamat sa inyo,mga kapatid!). hehe. Maging ang pagiging aktibo sa kulto eh pansamantala ko ding nilubayan at pinaubaya sa mga epalistang mas magaganda ang boses kesa saken (hindi rin naman nila ko mapapakinabangan dahil kaboses ko si renz verano ngayon). Eto nga at hindi pa ko masyadong nakakamove forward at medyo may hang over pa ng inoverdose kong mga kagamutan para tumaas ang iron (iron nga ba yun? eh baka maging ironwoman naman ako--corny..haha) sa aking katawan, heto't kumatok na naman sa pintuan ko ang eber labing na asthma ko. (demn yu...asthma..ai heyt yu..). Ewan ko ba, nagiging masayahin na nga yung mabahong panadols dun sa pharmacy dahil sa tulong ko ata, nauubos ang stock nila ng "ventolin". Potek. Toothache drops lang ata ang mabenta dito eh!. haha. Sabi din ni doc (kwak.kwak.kwak.kwak.kwak.). May-i-try to eat more vegetables daw. Yung tipong kinakain araw-araw ng kambing. Nyahaha. Di naman pwede yun, eh nakakasawa naman din nho! Tapos more fruits din daw and to the highest levelling pahingaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa..... Oo, more pahinga. Eh masakit na nga yung likod ko kakapahinga, potek (ulit). Pahinga uber der, pahinga uber hir. Yan ang drama ko sa buhay ngayon. May-i-rekwes din ako ng leave kay boss / amo / sir - kaya lang nabigo lang ako dahil ito lang ang sagot niya saken : "No ma (ma- short for madam daw yan), you can't take a one week leave, this company will suffer". Ano ko investor? haha. Adik. Eh wala nga ako ni isang bahagdan na share sa kumpanyang toh tapos bawal magpahinga? Buset. Anpeyr. anpeyr sila.

---Magpapagaling na din ako ng bongga (ulit) dahil dadating na next week yung lola ko galing sa bansa ni Princess D. yari ako nito.. Mabubutas yung baga ko. Hehe.