Type. Delete. Type. delete. Type. Delete. Type. Delete.
Marami akong naiisip na pwedeng isulat. May naisip na nga ako kahapon. Pero nung matapos kong buksan ang pc, nawala silang parang bula. Type. Delete. Alt + f4. Ayun at pinatay ko na lang ang pc. Tumunganga ako sa tv, nahuli ako ng lola ko na tumatawa habang umiiyak yung bida sa pelikula. Pano ba naman, ingles ang pelikula. Hindi ko na ata naiintindihan, kaya natatawa ko. Maya-maya pa eh kinuha ko ang aking notbuk at bolpen. Hmm..sa papel na lang muna para hindi sayang ang kuryente!
Ayun, naalala ko na. Naiinis nga pala ko. gusto kong sumigaw, pero pinipigilan ko. Gusto kong umiyak, pero mas ok kung tatawa ko. Gusto kong mag-hunger strike - kaya lang ang problema eh, hindi ko kinakaya yung ganun.
Kung kelan kasi abot kamay ko na. Tsaka naman kelangan ko syang pakawalan..
Nyemas.. Nyeta... Yan ang mga salitang nabanggit ko. Habang tinatago ko ang asar at inis (pareho lang yun diba?haha). Gusto kong ibato lahat ng nakikita ko. Gusto kong matulog pero naiisip ko sya.
Potek..Nokia 5800, kelan ka mapapasaken? Hahahaha...
Showing posts with label arrgh. Show all posts
Showing posts with label arrgh. Show all posts
25.4.09
16.4.09
Gad dam speys (edited)
Anung pinagkaiba ng selfish sa greedy?Tinatanong nya yan sa sarili nya habang nananahimik siay nung mga nakaraang araw. Nilibot niya ang tunay na mundo, at inalam kung siya nga ba eh nagiging madamot o makasarili sa sitwasyong kinasasadlakan niya. Alam niyang isa sa pinakamahirap na pagkakataon sa buhay ng isang tao ang mamili sa pagitan ng dalawang bagay na naging makabuluhan na rin para sayo (tinatanong niya pa din hanggang ngayon kung kailangan niya ba talagang pumili o tadhana na ang magpapasya). At bago pa siya tuluyang lamunin ng nakakabwisit na emosyon na yun---saglit siyang nanahimik at humiling ng senyales mula kay Papa God. Subalit naging piping saksi ang langit sa mga hinaing niya, habang tahimik siyang nilalamon ng kalungkutan. Potek! Sumigaw siya at inihinto ang lahat ng kadramahan na ginagawa niya. Bakit nga ba kelangan na siya pa ang mag-adjust? Bakit siya pa ang kelangang lumayo? At higit sa lahat? hindi ba sya pwedeng sumaya?
Sinabi niya saken na ayus lang ang lahat sa kanya. Na hindi sya apektado sa lahat ng mga pinagagagawa niya. Ngunit sa simula't simula pa lang, alam kong itinatanggi niya lang ang lahat. Habang siya ay tahimik na naguguluhan, ako naman ay tuluyan nang kinakabahan.
Kung nabibili lang sana sa suking tindahan ang gad dam speys..baka bumili na ko nun bago pa magsimula ang lahat.....
So ano naman ang natutuhan ko nung namahinga ko ng wanport?
> Natulog
> Natulog
> Nagpaka-adik sa plurk
> Kumain
> Kumain
> kumain
> Movie marathon
> Laftrip..(mag-isa), laugh till it hurts..ahhaha
Hanggang sa hindi ko na talaga natagalan ang pananahimik at bumangon ako mula sa pagkakahimlay. Naisip kong may bukas pa. At sa bawat bukas ay mayroong bagong pagkakataon, dahil sa bawat isang bagay na nagtatapos - mayroong isang simula. At sa bawat isang bagay na hindi pa nagsisimula pero nagkaron na ng wakas - next question please. Hehe. Hindi dapat tinatakasan ang isang problema, dahil hindi ito mareresolba sa pamamagitan ng pag-iwas.
Kung bibilangin ko kung gaano ka-layo ang distansya na pinuntahan ng utak ko nung mga panahong iyon, lumampas na ko sa kung ano pa ang pwedeng marating ng isang eroplano o bike. Siguro, minsan, masama rin yung mangarap - lalu't lalo kung ito'y walang kasiguraduhan at sa hindi mo inaasahang pagkakataon eh may masasaktan ka. Inisip ko na lang kung pano ko nalaman na nakakasakit na pala ko ng ibang tao kung hindi ko pa maunawaan ang bawat isang hibla ng salitang tinuran niya. Hindi ko alam ang gagawin ko, totoo. Hindi ko alam kung saang posisyon ko ilalagay ang sarili ko dahil alam kong walang mananalo sa labang iyon. Kaya huminto ako at nilingon ang nakalipas. Inisip ko kung kailangan pa nga bang dumating sa ganito ang lahat.
Now, back to regular programming..hehehe
14.4.09
Isang awit
Pansamantagal kong lilisanin ang mundo ng pagba-blog. Kung kelan ako babalik? di ko pa alam. Kung bakit ako aalis? Hindi ko din alam. Nyahaha. Kung bakit ko ginagawa tong entry na toh? lalung hindi ko din alam. May aayusin lang ako ng wanport para maging wanhul ang pananahimik ng mga agam-agam dito sa wanport kong utak. Mamimiss ko kayo guys...Pero magiging alerto bente kwatro pa din ako sa mga posts niyo at mga chismis ober hir and der.....Nananamlay lang ang utak ko at hindi sya gumagana ng ayos at may mga bagay akong nais linawin sa sarili ko kaya kelangan ko ng gad damn speys...Basta ill be back soon...hehehe...Iiwan ko na muna tong kantang toh..
Di malaman kung ano ang gagawin
Sa damdamin na 'di ko maamin
Sa sarili
Kung bakit ka pa ba nandiyan
Sabi-sabi ng mga kaibigan ko
Huwag mong pilitin ang 'di para sa 'yo
Ngunit bakit hindi kita malimutan
Sa 'yo ba'y OK lang
CHORUS
Habang tumatagal, lumalala, laging nagwawala
Tumitindi, umiinit, sumasakit ang dibdib
Kaya ako'y gumawa ng awiting ito na alay ko sa 'yo
At sana'y pakinggan mo
Huwag ka sanang magugulat sa akin
'Di ako sanay sa ganitong suliranin
Huwag kang matakot hindi ako manloloko
Kung OK lang sa 'yo
Ngayong alam mo na, sana'y 'di ka mainis
At pasensya na kung ako ay makulit
Pero kung gusto mo, ako na lang ang lalayo

8.4.09
Scattered thoughts...
***Why do people hang on to something, even though they knew all along that there was nothing to hold on to?
***Why do people keep on believing into something that was only a "lie" all along?
***Why does smiling means you're just hiding all the pain inside of you?
***Why did God created all these "False hopes" for me?
***Why do we have to wait in vain for a "miracle" to happen?
***Why do people keep on telling lies just to make you happy? Isn't it better if they will just tell you the truth, than completely hurt you with a stupid lie?

6.4.09
IDEOLOHIYA
Bumukas ang telon at ang bida'y lumabas
ang mga tao'y nagsipalakpakan ng walang singlakas.
Ang bida'y inabutan ng isang kumpol ng rosas
Bilang badya ng pagtatapos ng kanyang palabas.
Ang bida'y nagtungo sa silid-bihisan
Binura ang kolorete sa kanyang mukha,
ang mga tao'y isa-isang nagsi-alisan,
Naiwan na lamang ang bida ng mag-isa.
Sa gitna ng karimlan
ang bida ay biglang lumuha
Ang kasikatan ay nakamtan na
Subalit tanging pag-ibig na nais niya'y wala na!
Humarap siya sa salamin
upang nakaraaan ay muling isipin
sinipi ang bawat sulok ng alaala
Inisip ang una nilang pagkikita.
Lumuha siyang muli at tinigil ang pag-alala
ang kanyang mahal ay pag-aari na pala ng iba,
ang bida ay naiwan ng nakatunganga
oh kelan pa darating ang taong maaring magligtas sa kanya!?!

5.4.09
Awww...
Kalagitnaan ng tanghali. Tumunog ang kanyang telepono. Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi ng makita ang ngalan ng taong tumatawag ng mga oras na yun. Agad niyang sinagot:
F: Hello?
J: Yes?
F: May praktis tayo mamaya kanila blah blah blah blah.
J: Kelan?
F: Mamaya. Attend ka ah.
J: ukei..subukan ko. Ok bye..
F: Teka lang, may sasabihin sana ko.
J: (kinakabahan). Huh? anu yun?
F: Ah eh busy ka ba?
J: Hindi naman masyado.
F: Eh kasi magpapaalam sana ko.
J: Paalam na ano? (slowness ang utak)
F: Liligawan ko sana si **insert girl's name hir**(oo, jan mismo).
J: Ahh...ok lang.
F: Talaga?
J: Oo naman, no problem...(sabay pindot ng end call, sabay hagis ng fonella pabalik sa bag).
****Matagal ko nang hinihintay tong araw na to. Ngayong nangyari na.......Nangyari na. Hehe.

4.4.09
Buhay, buhay, Buhay....
Wag ka kasing masyadong makulit at malikot dyan! Nagkakasakit ka tuloy.Mga sampung beses ata sinabi yan nung nanay sa kanyang anak. Umiling-iling na lang ang bata at pasimpleng napapangiti. Hindi niya maintindihan kung natutuwa nga ba siya sa mga paulit-ulit na tinuran ng kanyang nanay o kung naiinis na sya dahil tinuturing pa din siya nitong bata kahit na alam niyang nasa tamang edad na rin naman siya.
Pasimpleng pinunasan ng bata ang namumuong mga luha sa gilid ng kanyang mga mata. Makikita kasi ng nanay niya na sa bintana na nalulungkot siya at hinahanap niya ang mapagkandiling pag-aalaga ng kanyang mga magulang. Ilang buwan na din niyang hindi nakakadaupang palad ang mga ito. Ni isang salita mula sa kanilang mga labi ay hindi niya na naririnig - kundi ngayon lang ulit. Agad niyang pinamalas ang kanyang magandang ngiti. Pinakita sa lahat na masaya siya, hindi sa literal na estado niya ngayon, kundi dahil sa wakas - pagkatapos ng matagal na mga araw ay nakausap niyang muli ang mga iyon. Nagbalita siya ng mga kalokohang nagawa niya, at ang iniindang sakit nung mga nakaraang araw pa. Masaya ang bata sa tuwing makakausap ang kanyang nanay, kahit pa napakakulit nito at paulit-ulit sa mga pangaral sa kanya. Nakakawala nga naman ng pagod ang mga ganung tagpo!
-----eksena sa ym kahapon habang kausap ko ang nanay ko :D
Hindi ako bata, hindi rin ako matanda. Nasa pagitan siguro nun. Sabi nga ni Britney "I'm not a girl, not yet a woman". Ganyan ko lang tignan ang sarili ko. Inihahanay ko pa din ang sarili ko sa mga jologs na hi-skul student at mga rakista sa kanto. Pag nakikipagsosyalan nga, mas malapit pa ko sa mga bata kesa sa mga ka-edaran ko. Hindi naman ako masyadong isip bata, pero inis lang siguro talaga ko sa mga taong mahilig magpanggap at magpanggap at magpanggap. Ilang araw na din akong nakakubli sa munti naming kubo. Nood dito, text dun, chat dun, blog dito, basa jan, basa dun. Kain diyan, kain dito. Simula ng umalis si Biiba, sinimulan na kong singilin ng katawan ko sa lahat ng kapabayaang ginawa ko nung mga nakaraang buwan. Mabuti nga at mild lang ang dumale saking saket. Hehe. Naging anemic lang ako. Pero dahil madaming naging bitter ng bongga sa paligid, nalampasan ko naman yun (salamat sa inyo,mga kapatid!). hehe. Maging ang pagiging aktibo sa kulto eh pansamantala ko ding nilubayan at pinaubaya sa mga epalistang mas magaganda ang boses kesa saken (hindi rin naman nila ko mapapakinabangan dahil kaboses ko si renz verano ngayon). Eto nga at hindi pa ko masyadong nakakamove forward at medyo may hang over pa ng inoverdose kong mga kagamutan para tumaas ang iron (iron nga ba yun? eh baka maging ironwoman naman ako--corny..haha) sa aking katawan, heto't kumatok na naman sa pintuan ko ang eber labing na asthma ko. (demn yu...asthma..ai heyt yu..). Ewan ko ba, nagiging masayahin na nga yung mabahong panadols dun sa pharmacy dahil sa tulong ko ata, nauubos ang stock nila ng "ventolin". Potek. Toothache drops lang ata ang mabenta dito eh!. haha. Sabi din ni doc (kwak.kwak.kwak.kwak.kwak.). May-i-try to eat more vegetables daw. Yung tipong kinakain araw-araw ng kambing. Nyahaha. Di naman pwede yun, eh nakakasawa naman din nho! Tapos more fruits din daw and to the highest levelling pahingaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa..... Oo, more pahinga. Eh masakit na nga yung likod ko kakapahinga, potek (ulit). Pahinga uber der, pahinga uber hir. Yan ang drama ko sa buhay ngayon. May-i-rekwes din ako ng leave kay boss / amo / sir - kaya lang nabigo lang ako dahil ito lang ang sagot niya saken : "No ma (ma- short for madam daw yan), you can't take a one week leave, this company will suffer". Ano ko investor? haha. Adik. Eh wala nga ako ni isang bahagdan na share sa kumpanyang toh tapos bawal magpahinga? Buset. Anpeyr. anpeyr sila.
---Magpapagaling na din ako ng bongga (ulit) dahil dadating na next week yung lola ko galing sa bansa ni Princess D. yari ako nito.. Mabubutas yung baga ko. Hehe.
31.3.09
Take time to think...
The paradox of our time in history is that we have taller buildings but shorter tempers, wider Freeways , but narrower viewpoints. We spend more, but have less, we buy more, but enjoy less. We have bigger houses and smaller families, more conveniences, but less time. We have more degrees but less sense, more knowledge, but less judgment, more experts, yet more problems, more medicine, but less wellness.
We drink too much, smoke too much, spend too recklessly, laugh too little, drive too fast, get too angry, stay up too late, get up too tired, read too little, watch TV too much, and pray too seldom.
We have multiplied our possessions, but reduced our values. We talk too much, love too seldom, and hate too often.
We've learned how to make a living, but not a life. We've added years to life not life to years. We've been all the way to the moon and back, but have trouble crossing the street to meet a new neighbor. We conquered outer space but not inner space. We've done larger things, but not better things.
We've cleaned up the air, but polluted the soul. We've conquered the atom, but not our prejudice. We write more, but learn less. We plan more, but accomplish less. We've learned to rush, but not to wait. We build more computers to hold more information, to produce more copies than ever, but we communicate less and less.
These are the times of fast foods and slow digestion, big men and small character, steep profits and shallow relationships. These are the days of two incomes but more divorce, fancier houses, but broken homes. These are days of quick trips, disposable diapers, throwaway morality, one night stands, overweight bodies, and pills that do everything from cheer, to quiet, to kill. It is a time when there is much in the showroom window and nothing in the stockroom. A time when technology can bring this letter to you, and a time when you can choose either to share this insight, or to just hit delete...
Remember; spend some time with your loved ones, because they are not going to be around forever.
Remember, say a kind word to someone who looks up to you in awe, because that little person soon will grow up and leave your side.
Remember, to give a warm hug to the one next to you, because that is the only treasure you can give with your heart and it doesn't cost a cent.
Remember, to say, 'I love you' to your partner and your loved ones, but most of all mean it. A kiss and an embrace will mend hurt when it comes from deep inside of you.
Remember to hold hands and cherish the moment for someday that person will not be there again.
Give time to love, give time to speak! And give time to share the precious thoughts in your mind
AND ALWAYS REMEMBER:
Life is not measured by the number of breaths we take, but by the moments that take our breath away.
>>>>copy paste lang galing sa previous blog ko sa multi..:D

27.3.09
Si twin.
Bawat isang tao sa mundo eh merong sidekick. Syempre di ako nagpapahuli sa usaping yan. Turo ata ni Naynay na "wag magpapahuli at wag magpapalamang". Kung merong batman, meron ding robin, kung may scooby doo, andyan si Shaggy, kung may shaider, andyan si Annie, kung may doraemon, andyan si Nobita, andyan din si Mojacko para kay Surao, si Sakuragi para kay...Para kanino nga ba? Naalala ko lang yang Slamdunk, paborito kasi yan ng tatay ko, pati na din detective Conan kinaadikan niya din. Oo, kahit japanese yung lenggwahe at kelangan niya pang sipatin yung bawat isang salita sa caption sa ibaba, ayus lang sa kanya, ang mahalaga ikanga niya eh "Ang kwento at takbo nung storya". Sya sya papang, nadaanan ka na naman ng kwento ko. Hehe. Sa ibang araw ka naman.

Nais ko kasing ipakilala sa blogosphere ang naging katandem ni Jentot bago pa dumating sa buhay niya si Biiba. Bago pa nauso ang mga kadramahan sa Dubai, syempre, nagsimula ang lahat sa Pinas. Iba ng wanport kay Biiba, etong si Twin (twin ang tawagan namin dahil magkahawig kami), seryosong nilalang to pero simple ang mga balahurang tirada sa buhay (malamang sa malamang isa sa mga ugaling hanap ko sa kaibigan yan). Nakilala ko siya sa paspud na pinagsisilbihan ko bago ko mapromote bilang amo dito sa Dubai. Nyahaha. (oo,alipin pa ko nun, pero pagdating ko dito amo na ko ng amo ko..joke). Palagi ko tong kaaway at kamurahan dahil parang laging may lakad sa buhay, sya yung laging nakakakita sa aking
pabulong na pagmumura sakanya. Madalas ko siyang kasigawan nung simula ng mga araw ko sa paspud na yun. Pero isang araw, bigla na lang akong nawindang ng seryoso niya akong tanungin ng mahiwaga niyang katanungan:
Twin: Jenny, monthly ka ba nagpapalinis ng ngipin mo?
Ako: ha? (sabay harap sa stainless na aparador sa loob ng kitsen, tinignan kung madumi si ngipin)
Twin: Ang ganda kasi ng ngipin mo, pareho tayo. Ako kasi..blah blah blah blah blah blah
Ako: Ahh..ok..ok...blah blah blah (nung panahon na yun, nakaretainer ako :D)
Simula nun, lagi na syang dumidikit saken. Mabait daw kasi yung aura ko. Pero akala niya lang yun..bwahaha. Kung dati lagi kaming magka-away, aba eto't kinuha niya na lahat ng pwedeng maging means of communication para lang lagi niya kong makulit. (Inakusahan ko pa nga siyang may gusto saken nung una eh). Pinapasahan lang naman ako ng mga kung anu-anong kowts at mga grapix. Sa mga piksyur taking, lagi na kaming magkasama, sa pudtrip, sa laftrip, at triptrip sa mga kasamahan namin- asahan mo magkasangga kami nito. Pero inpeyrnes naman kay twin, maaasahan naman siya sa oras ng kagipitan. Sa oras ng katangahan ko sa buhay, andyan sya para makatuwang sa iyakan, sa oras ng kakulitan, asahan mo tapos ka na tumawa tumatawa pa sya, sa videoke moments, sa unang beses na uminom ako ng alak habang kumakanta ng kantang hindi ko naman alam (tagay pa twin!!).
Matagal na din kaming walang komunikasyon. Simula nung magkaroon ako ng trabaho dito sa Land of the Rising Smell, dumalang na ang texttext (may roaming pa ko nun), ang chatchat at tawagan. Iniiwanan ko sya ng mensahe sa ym pero walang response.
Wala
Wala
Wala
Hanggang kahapon, habang naglalaro ako ng isang online game, umilaw ang kanyang bintana at nagparamdam saken. (after a decade..hehe). Binalitaan ako ng mga trahedya at lungkot na napagdaanan niya. At puro hinagpis-ipis ang sinabi saken. Hmmm... Nakakalungkot isipin na wala ako sa tabi niya para maging sandalan niya sa mga problema niya. But I'll be including you in my prayers twin. Keri mo yan. :)
pabulong na pagmumura sakanya. Madalas ko siyang kasigawan nung simula ng mga araw ko sa paspud na yun. Pero isang araw, bigla na lang akong nawindang ng seryoso niya akong tanungin ng mahiwaga niyang katanungan:Twin: Jenny, monthly ka ba nagpapalinis ng ngipin mo?
Ako: ha? (sabay harap sa stainless na aparador sa loob ng kitsen, tinignan kung madumi si ngipin)
Twin: Ang ganda kasi ng ngipin mo, pareho tayo. Ako kasi..blah blah blah blah blah blah
Ako: Ahh..ok..ok...blah blah blah (nung panahon na yun, nakaretainer ako :D)
Simula nun, lagi na syang dumidikit saken. Mabait daw kasi yung aura ko. Pero akala niya lang yun..bwahaha. Kung dati lagi kaming magka-away, aba eto't kinuha niya na lahat ng pwedeng maging means of communication para lang lagi niya kong makulit. (Inakusahan ko pa nga siyang may gusto saken nung una eh). Pinapasahan lang naman ako ng mga kung anu-anong kowts at mga grapix. Sa mga piksyur taking, lagi na kaming magkasama, sa pudtrip, sa laftrip, at triptrip sa mga kasamahan namin- asahan mo magkasangga kami nito. Pero inpeyrnes naman kay twin, maaasahan naman siya sa oras ng kagipitan. Sa oras ng katangahan ko sa buhay, andyan sya para makatuwang sa iyakan, sa oras ng kakulitan, asahan mo tapos ka na tumawa tumatawa pa sya, sa videoke moments, sa unang beses na uminom ako ng alak habang kumakanta ng kantang hindi ko naman alam (tagay pa twin!!).
Matagal na din kaming walang komunikasyon. Simula nung magkaroon ako ng trabaho dito sa Land of the Rising Smell, dumalang na ang texttext (may roaming pa ko nun), ang chatchat at tawagan. Iniiwanan ko sya ng mensahe sa ym pero walang response.
Wala
Wala
Wala
Hanggang kahapon, habang naglalaro ako ng isang online game, umilaw ang kanyang bintana at nagparamdam saken. (after a decade..hehe). Binalitaan ako ng mga trahedya at lungkot na napagdaanan niya. At puro hinagpis-ipis ang sinabi saken. Hmmm... Nakakalungkot isipin na wala ako sa tabi niya para maging sandalan niya sa mga problema niya. But I'll be including you in my prayers twin. Keri mo yan. :)
Echoz...
DISKLEYMER NOTIS: Ang pagkakahabi ng mga kuru-kuro, salita, pangungusap at talata ay sinulat ng nakapikit kaya nararapat na basahin ng may "malupit at bonggang bonggang pang-unawa.
Pag-ibig
Pag-ibig
Pag-ibig.
< Hindi isang brand ng shampoo, toothpaste, pabango, damit, cooking oil, o kung anupamang pangunahing pangangailangan na ginagamit / nagagamit mo sa araw-araw.
< Ang pag-ibig hindi nabibili sa tindahan, groceries, supermarket, mall o kung saang lupalop na binibilhan mo ng mga kung anu-anong mga kaartehan na ginagamit mo sa bahay / buhay.
< Ang pag-big (daw) hindi tumitingin sa brand ng blouse / polo, pantalon, sapatos na suot mo. Sa kotse, bisikleta, padyak, jeepney na sinasakyan mo. Hindi rin base sa dami ng regalo - pera (dolyar, dirhams, peso, lapad, dinar, ruppee, yen), bulaklak (santan, kampupot, yellowbell, gumamela, rose, tulips), chocolate (toblerone, m & m's, hersheys, goya, lala,serge, big bang, cloud 9), tula, alak, psp, laptop, kotse, o kung anumang luho na pwede mong huthutin este ibigay / maibigay pala sa taong mahal mo.
< Hindi rin base sa dami at dalas ng holding hands, akbay, kilig, kaba, chuvachoochoo, chukchakchenez, chever, at kung anu pang chuva at mga kalokohan na nararamdaman mo pag kasama mo sya.
< Kung paano mo nauumid ang dila mo pag may sasabihin ka sa kanya.
< Sa pagtawa mo kahit sa pinaka-corny na joke na narinig mo galing sa kanya. Sa pagpilantik ng iyong false eyelashes kapag sinasabi niyang "Mahal na mahal ka niya" (hindi mo nga lang alam kung pang-ilan ka sa sinasabihan niya nun?).
< Sa atat na atat at halos makabali daliring pagmamadali mo masagot lang agad ang mga text mesyeds galing sakanya.
< Sa mala-yelo mong boses na punung-puno ng kaba kapag tumatawag sya sa fonella.
< Ang mga awiting biglaan mong nakakanta out of nowhere. Ang hindi pagtulog sa gabi kakaisip kung iniisip ka rin nga ba niya? at ang nakakabaliw na tanong na "Hanggang kailan kaya?" (ang alin, ang alin nga ba?),
< ang hindi maipaliwanag na nararamdaman, ang pagtalas ng memory at pag-alala sa bawat isang katagang nabanggit niya,
< Ang pagngiti sa kawalan at biglaang pagliwanag ng dati ay madilim at masungit mong mukha (without the help of Dra. Belo o Calayan).
ppprrrTTTTTTttttt.....
Taym pers...
seryoso..
seryoso muna tayo...
Hindi ko pa din alam ang nararamdaman ko hanggang sa mga oras na ito. Sampu ng dalawpu, tatlumpu, apatnapu, limampu, animnapu, pitumpu, walumpu, siyamnapu,at isang daang beses(mahirap magbilang sa tagalog ay swer), makakating daliring nagtanong saken kung sino si....at kung ako nga ba ay...... hai...Kahit mabuhay pa ulit si Pope John Paul II at bendisyunan ako, bulungan ng "sweet nothings" ni busmate, tugtugan ng "Lab mubs" ni pyanista, di ko pa din alam kung anoooooooooooo nga ba tohhhhhhhhhh!!!!!! Kinunsulta ko na din si Dr. Phil, Si Joe D'Mango, Si Bo Sanchez, maging si Bob ong at si Naynay at kung sinu-sino pang cast of characters na pwede kong tanungin. Nagbigay na ng babala ang kalangitan at nagpaulan ng yelo sa lugar na kinasasadlakan ko. Hindi ko pa din maipaliwanag kung ano o kung bakit ako may disorder na ganito (amf! disorder na talaga sya!)
Teka,...corny naaaa!!! tama na muna tong kalokohan na to.hehe..bukas naman ulet..:D

Subscribe to:
Posts (Atom)