Kung Hindi mo kayang mag-adjust at makisama sa kanila, mabuti pa umalis ka na jan! Think about your future! Grow up!!!!!
Yan ang mahiwagang mensahe na ipinadala sa aking katengahan ng aking Dear Lola ng bigyan niya ako ng umuusok at nakakabula-bibig na sermon. Sanay ako sa simbahan, pero ang pag-usok na naganap sa tenga ko ng mga oras na yun ay kakaiba - nanuot sa utak ko ng todo at nagpapula sa morena kong mga balat. Naglilinis ako ng kuko ko nung mga panahon na yun, ang ingrown na natatakot akong tanggalin eh nahatak ko at napabulalas ako ng malatindig-balahibong
"Grow up? Ah ok"(akala niyo lumaban ako nho?, di nho yaan nyo na ang matatanda, ganun talaga ang buhay..masisigawan ko din naman yung magiging apo ko kaya deadma ko dun!)
Gaya ng nabanggit ko sa mga nakaraang post, maliit lang ang krimen na nagawa ko. At sa edad ko, alam kong nasa tamang pag-iisip naman na ako at alam kong wala akong ginagawang masama. Malinis ang takbo ng utak ko (kahit na majority nun eh puro kalokohan), namumuhay ng may takot sa Diyos, may prinsipyo sa buhay at higit sa lahat, patas kung lumaban sa buhay.
Natutunaw ako sa kakaibang pagtrato sa akin ng aking nasnip. Hindi ako sa kembot nanghihinayang, kundi sa "pinagsamahan" namin. Pakiramdam ko, maliit na bagay lang ang nagawa ko nung isang araw at parang naging isang malaking issue na. Nakausap ko na din si Tita dear at naresolba ang issue sa aming dalawa. Ilang araw na din akong balisa at parang tanga - nakatunganga sa opisina, nagbibilang ng alikabok at hinihithit ang amoy ng amo ko. Araw araw kong kinulit ang
Naynay ko sa paghingi ko ng payo tungkol sa paglipat ng tirahan. Bandang huli ay nanalo ako, sapagkat ang sabi ni Naynay
"Bahala ka, alam mo na ang tama at mali, sabihan mo na lang ako kung san ka lilipat". Masaya kong nagtanung-tanong, nagisip kung paano ang mamuhay ng mag-isa sa bayang ayokong puntahan simula't sapul pa lang. Inisip ang mga homeless peepz at ang mga batang walang makain. Ang mga batang ni minsan ay hindi natutong mag-computer at manabotahe ng anumang software. Ang mga naiwang mahal sa buhay ni Francis M., ang pangarap na binubuo ko, at mahal kong family.Nang magtungo kasi ako sa praktis ng choir kahapon, kinausap ko ang aking spiritual adviser. Tinanong ko sya ng mga makabuluhang tanong at sinabi sa kanya ang "real score" sa aming dalawa ng aking nasnip. Sinabi niya sa aking
subukan mong ayusin ang mga bagay na pwede pa namang ayusin bago pa ito lumala
Aaminin ko, matigas ang ulo ko, kaya nga kahapon, ng mabuo ang pasya ko, ngumalngal ako ng bongga at umiyak na parang bata habang sinasariwa ang mga bagay na ayokong danasin ng mga nakababata kong kapatid, ipinagdasal ang kaluluwa ng aking pinsan at tita dear, at ako na rin mismo, para magkaron ng awa sa mga jokes na hindi namin napapansin habang nagdededmahan kami nung nakalipas na dalawang araw. at sa wakas, nagkaroon ako ng lakas ng loob na magstep forward and conquer my fear...ang posibilidad na ma-reject ang apology ko. Ilang minuto ko din tinitigan ang ym at saka naglakas loob..
apshie026: ATE..
cam072002: Yes
apshie026: SORRY PLA..
cam072002: no probs sna lng s su2nod magpaalam kna
cam072002: ska sna wg m isipin n glit kame sau or ndi ka nmin gus2 s bhay...
cam072002: ang want lng nmin matuto ka...
cam072002: kc kpg nsa ibang lugar kna iba n tlga - much more kpg ang ksama m s bhay ibang tao n
apshie026: YUPYUP...NAINTINDIHAN KO NAMAN YUN
apshie026: LAM KO MATIGAS DIN MINSAN ULO KO..AYUN..
apshie026: NAKAUSAP KO NA DIN SI TITA...
cam072002: cnbi k din s mama m ngyari bka kc sumama loob nla n wla cla alm s mga ngya2ri sten
apshie026: OK LNG..CNABI DIN NILA SAKEN NA NAGTXT KA SA KNILA..
apshie026: SI MAMA ELLEN PINAPAHANAP AKO NG MALILIPATAN NUNG KINAUSAP AKO NUNG SUNDAY..
apshie026: SABI KO HINDI KO PA KAYA CHKA UNG SINASABI NIYA NA "AYAW KO UNG NAPAPAKIELAMAN"..OK LNG SKEN UN..KYA NGA HINDI AKO NABUKOD KASI ALAM KO MEDJO PALPAK UNG MGA DECISIONS KO MINSAN
cam072002: ska ang pag jinternet m ah...
apshie026: LESS NA..HEHE.
apshie026: DI NA NGA AKO NAGOONLINE SA HAUS..
apshie026: NAADIK LANG AKO SA BLOG NUNG MGA NAKARAANG ARAW..AYUN..PERO PRAMIS..BABAWASAN KO NA..
hehe..so ceasefire na!!! wala ng lipatan na mangyayari! Nakakatamad mag-impake nho! At saka mabuti naman at nasolve ko na ang kaso ko at makakatulong na ko ulit sa isang pasyente ko. Pero less adik moments na talaga ko (in the meantime)..