"So when can you join our company?"..tanong ng interviewer sa kanya. "As soon as possible sir!, am I qualified for the job?"..Saglit na tumahimik ang lalaki at ngumiti.."Yeah, congratulations! welcome to the company..blah blah blah"...
Isa o dalawang linggo bago kami nagkita ng kumpanyang pinagsisilbihan ko ngayon. Mainit at mahirap maghanap ng trabaho --lalu pa at baguhan ka sa lugar na kinalalagyan mo. Tawag dito, tawag dun. Bargain ng presyo ng sahod, tawad ng presyo dun. Pag-uwi sa bahay, pasa ng CV sa net at tutok naman sa classified ads ang magiging highlight ng araw ko nung mga panahong yun.
-----------------------
Buong maghapon ako ngayong nag-iisip kung iiwan ko na ang kumpanyang matagal tagal ko na ding pinagsisilbihan. Liban sa trabahong inaplayan ko, marami pa kong extra curricular activities na kailangang gawin para sa kumpanya. Minsan eh inaabot pa ko ng dis-oras ng gabi para lang matapos ang lintek na mga report na pinapagawa saken. Pero pag may isang bagay na pumalpak---asahan mo na. Sa pinoy nila isisisi ang lahat. Kahit pa ang isyu ay panahon pa ni Magellan naganap, saken at saken isisisi ang lahat. Nakakasawa na din kung minsan.
Lalu pa at ganito ang amo mo..sasampolan ko kayo ng mga nakakawindang na utos niya saken...kayo na lang ang humusga..
Give me an clear explanation why is that you people Need such a days to clear & maintain such a small inventory , are you not ready & understood to maintain an inventory?
Seryoso ko ng mga panahong natanggap ko yang e-mail na yan galing sa boss namen. Pero nung nabasa ko, kitang-kita ata ng amo ko yung ngala-ngala ko nung tumawa ko ng ubod lakas kiber kung malaman pa nilang yung kaengotan ng big boss namin yung winawalangya ko. May mga araw din naman na abot-langit na yung pagmumura ko sa kanila (syempre sa tagalog) pero ayaw pa din nila kong tantanan sa paulit-ulit at kaliwa't-kanan na mga utos nila. Tipong iikot yung ulo mo at masusuka ka (dahil mabaho sila), at mawiwindang ka ng tuluyan dahil hindi na halos maisip ng kakarampot na utak mo kung anong dapat mong unahin na gagawin...
At kaninang umaga nga, may naganap na anumalya. Walang sinuman ang nagsumbong (sa tingin ko), wala rin akong malay,lalung wala akong kinalaman, lahat ay pakulo ng engot kong manager, at masaya pa ko ng kinausap ako sa telepono ng big boss namin (akala ko kasi promoted ako, o kaya naman eh may increment nang naghihintay para saken). Kaya lang another nosebleed moment na naman pala! As in, hindi kami magkaintindihan dahil hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ng mga binibitawan kong simpleng salita..(hindi ko na iisa-isahin dahil nakalimutan ko na din naman), nakakatawa pa, bumanat pa ng ganitong tirada si boss:
"Are you able to understand english well?", sumagot ako ng pabuntung-hiningang
"I think so?", pero gusto ko na syang batukan at yugyugin para magising sya sa katotohanan na para syang kinder kung mag-english..pucha...boss lang kasi sya kaya ako ang laging mali..hahaha...At hayun nga, maya maya pa ay nagbigay pa ng hatol ang magaling na matanda at sinabing pipiliin niya sa aming tatlo (manager, salesman, at ang dakilang julalay na si ako), sa kung sino yung kakaltasan niya sa sahod. Umalma na ko ng banggitin niya yun, nagpasweet ng wanport sabay sabing:
"Oh, c'mon sir, is it really like that?"..Tumawa ang walangyang nasa kabilang linya sabay sabing..
"Yeah, its like that,bye Jenni" beep beep...
Tahimik kong tinungo yung upuan ko. Ngiti ng plastik sa manager ko sabay kwento ng magandang balita...Nawindang ang amo ko, nangilid ang luha, sabay sabing
"This was my fault only...tell him it was my fault..".. Natawa ko, tapos naisip kong
"kita mo tong kupz na toh, aamin na lang at lahat iuutos pa din, sarap pirmahan sa muka.."Kahit bali-baligtarin ko ang utak ko, di ko mahanapan ng sagot ang kasalukuyang kalakaran dito sa opisina namin. Masyadong masakit (sa ilong) sa utak ang mga kaganapan nung kelan....Hindi ko alam kung matatagalan ko pa to, o aakapin ko na lang ang iba pang oportunidad sa dako pa roon. Oo, baka---pwede, pero, pag-iisipan ko muna ng mabuti....