Showing posts with label dubai. Show all posts
Showing posts with label dubai. Show all posts

28.10.09

Break

Disworldisfullofijots!




Sa sobrang inis mo kung minsan, gusto mo na lang sumigaw at tumakbo paalis at palayo sa taong kinaiinisan mo. Pero at dahil nagpapanggap kang matured at nasa tamang pag-iisip, mananatili kang nakaupo, nakangiti, naniningkit at nagliliyab ang mga mata, magkakamot lang ng ulo na parang may malaking kuto na ayaw maalis, sabay buntong-hininga. 1-2-3 Waaaaaaaaaaahhhhh

Tapos, tapos na. Parang sa libro lang - lilipas at lilipas lang din ang bawat chapter. Minsan merong maharot na kliyente na ultimo kaliit-liitang detalye ng buhay mo gusto pa tanungin, ikaw naman, magpapa-uto at sasagot,..bwahahaha...

Manong Client: "uhmm so Ms. Jenny kamusta naman work mo?
Ako: "ayus naman po"
Manong Client: "taga-saan ka sa atin?"
Ako: " Sa Cavite po"
Manong Client: "Taga doon din ako ehh, san sa Cavite?"
Ako: "Sa Dasma"
Manong Client: "Ah sa Manila?"
Ako: "Cavite nga po ehh"
Manong Client: "ah, may kilala ka dun na ang pangalan eh Maria"
Ako: "Uhmm..marami pong taong may pangalan na Maria sa Pinas"
Manong Client: "Sabagay, pero taga Dasma din sya ehh"
Ako: "ah ok po, tawag na lang po ako next time for follow up ng payment (eyeroll)"
Manong Client: "sige salamat, ikamusta mo ko kay Maria ahh"
kamustahin naman si Maria? Who the hell? hahahah

MADALAS naman, meron kang makakausap na Noypi na pilit ka pang lilinlangin sa kanyang British accent.
"Uhmm, and by the way Ma'am, I would like to inform you that Mr.______ is coming beck on _________ and by that time, hopefully uhmmmm we're gonna pay you--probably"

na sasagutin ko naman ng:

"Ah ok, Ma'am / Sir, I'll call you back later, salamat" (eyeroll)

Take note: wala pa dyan ang pagiging bossy ni Boi B. I definitely need a break from this stufeeeedddd werkkkkk.........

25.8.09

Win-dang

I have loved you only in my mind. But I know that there will come a time.,You'd feel this feeling I have inside. I'm a hopeless romantic is what they say falling in and out of love just like a play. Memorizing each line I still don't know what to say........
Call me "feelingera", call me "alice in wonderland, or Wendy" for I always daydream. Call me stupid and crazy. I won't get bothered. I've been acting kinda' dumb lately. He's been acting kinda' stupid also (so what's the difference?). I don't know if its me or its him. But I can particularly say that its us. Yeah, I've been fooling myself lately, and he had been fooling me also. I've been thinking about stuffs that I know will not happen EVER in the real life. I know I've always prevented myself away from this feeling. I know I've made excessive, destructive and countless ways to ignore these feelings that is starting to get built inside my system. The only thing that I forgot to do is to put that big sign in front of my head which says:
" Don't fall in love too easily , or don't fall in love too soon"

I was thinking about these things when a friend brought me back to reality. I have seen her talking to me and telling me things. But I really don't have any idea about what she is talking about by that time. Then she asked me: "San na tayo magpupunta ngayon?". I just replied- stupidly: "Ewan ko, hindi ko na alam ang gagawin ko" She just rolled her eyes and then dragged me to walk. She looked me quizzically and then began talking again : "Ang layo ng sagot mo bakla..." . I just smiled, and shook my head.

I was feeling a bit pale since this morning. I don't know if its because of my emotional problems or because of my lack of sleep these past few days. I don't know really. I even don't know what to do next or if I have to do anything about it. Yeah, I've been seeking advices about it. But I know that advices will remain as it is if I won't do anything about it.

Its now 3am here, I'd just rather go to sleep than to think about it.

Entry from my Journal: dated; March 23, 2009

20.8.09

Magmumuslim na ako

Mga kapwa Blogero,

Isang magandang araw sa inyo. Maraming salamat sa inyong walang sawang pagsuporta saken. Dahil sa inyong tulong, nakita ko na ang daan pabalik sa aming tahanan. Subalit kagaya ng isang tipikal na tao, ang mundo ko po ngayon ay hinahampas ng matinding alon ng pagsubok.

Isang taon na po ako dito sa UAE. Iba't ibang amoy, salita, pagkain, muka, kultura, ugali na ang aking nakabungguan ng siko. Alam ko din na mura ang ginto sa lugar na ito. Lalu pa't alam ko din na pag sasakay ng taxi pag mag-isa ka lang ay dapat laging sa likod ka sasakay upang.. ehemm...alamuna. Alam ko din na patagalan ng amoy ang labanan dito. Alam ko din po na mahirap ispell ang panahon dito, opo, kagaya sya ng syekoslobakya - nakakabobo. Kung kaya't dapat lang na kasabay ng pagiging competitive ng utak mo sa usaping karir, dapat ay competitive din ang kalusugan mo. Nakakainis kung minsan, pero kasama sa kontrata sa trabaho, kailangan mo din tanggapin na ganyan ang mararanasan mo rain or shine. Bawal din dito ang HHWWSSP. (Kung anong ibig sabihin nyan, ndi ko din po alam) =)), Sabi nga ni Bebe, wala daw kalayaan sa bansang ito. Hmm, meron naman - pero mailap iyon sa mga kagaya namin na dayuhan lamang sa bansang ito.

Matapos ang ilang araw na pagdedesisyon - naging buo na rin po ang loob at desisyon ko. Oo, Magpapaconvert na ko from Roman Catholic to Muslim. Mahirap po kase na iba't iba ang paniniwala. Nahihirapan na din po kase ako na iba ang dasal ko sa dasal ng aking amo. Nahihirapan na din po kase ako, dahil sa tagal ko dito - hindi pa ko nakakapasok sa loob ng isang mosque. Nahihirapan na po talaga ko. Ngunit, isang bagay ang talagang nagtulak sa akin upang gawin ang desisyon na ito.

Ito ay dahil...........








Simula na ng Ramadan bukas! Takte! Dahil Catholic ako, HINDI ako Ramadan timings sa trabaho ko ! Anak ng tipaklong talaga si boi baho!!!!!!

---------------------------------------
Sa mga nagtataka kung bakit: a) hindi nyo ko nararamdaman; b)walang tanim ang farm ko sa FARMTOWN ;c) hindi ako nagaapdeyt ng buhay ko sa plurk ;d)kung bakit hindi ko nasasagot ang comment nyo sa FS;e) kung bakit ndi nyo ko makachat sa umaga (UAE time) ---isa lang po ang sagot. WALANG KURYENTE SA LUGAR NG TRABAHO KO!.hehehe...bear with me. Asahan pa po natin na mapapadalas yan. Hehe at baka ipauso na ulit ang taypwrayter sa opisina ko. Hahahaha

5.7.09

Homesick


Life is a journey
Its a matter of choice and chance
Its a matter of hard work mixed with luck
Filled with faith, hope and love


We let go and learn from the past
We live and rejoice in the present
We learn to trust in our future
We learn to forgive and accept and become a better person.

So rejoice and be happy
Stay calm and contented
For as long as we are living
Let us always remember, there will always be LESSONS.

Those words hit me big time last night while i was watching Cheaper by the dozen 2. I had been avoiding those unwanted feelings since day one of July. The feeling of being alone here without my siblings and my parents. Much more popularly known as "Homesick". I had been feeling quite lame since last week because my boss denied my request for my annual leave of 15 days.

And many more factors which I had been trying to ignore.

And many more things that I am trying to understand and let go of.

And many more things that I am trying to seek.

And many more things that I am trying to do.

And many more things that I am about to (and had been trying to) LEARN. :'(

13.6.09

12

hindi ako maganda
Hindi ako perpekto
Hindi ako matalino
lalung hindi ako talentado.

Hindi ako mabait
ako eh wanport na lukaret,
Marami akong kakulangan
Pero lahat ng yun, iyong pinunan.

Korni lang..:D Wala ehh..yan lang naiisip ko. Tsktsk. Wag na kayong pumalag. hehe.

13.5.09

Pedigree

"So when can you join our company?"..tanong ng interviewer sa kanya. "As soon as possible sir!, am I qualified for the job?"..Saglit na tumahimik ang lalaki at ngumiti.."Yeah, congratulations! welcome to the company..blah blah blah"...
Isa o dalawang linggo bago kami nagkita ng kumpanyang pinagsisilbihan ko ngayon. Mainit at mahirap maghanap ng trabaho --lalu pa at baguhan ka sa lugar na kinalalagyan mo. Tawag dito, tawag dun. Bargain ng presyo ng sahod, tawad ng presyo dun. Pag-uwi sa bahay, pasa ng CV sa net at tutok naman sa classified ads ang magiging highlight ng araw ko nung mga panahong yun.

-----------------------
Buong maghapon ako ngayong nag-iisip kung iiwan ko na ang kumpanyang matagal tagal ko na ding pinagsisilbihan. Liban sa trabahong inaplayan ko, marami pa kong extra curricular activities na kailangang gawin para sa kumpanya. Minsan eh inaabot pa ko ng dis-oras ng gabi para lang matapos ang lintek na mga report na pinapagawa saken. Pero pag may isang bagay na pumalpak---asahan mo na. Sa pinoy nila isisisi ang lahat. Kahit pa ang isyu ay panahon pa ni Magellan naganap, saken at saken isisisi ang lahat. Nakakasawa na din kung minsan.

Lalu pa at ganito ang amo mo..sasampolan ko kayo ng mga nakakawindang na utos niya saken...kayo na lang ang humusga..

Give me an clear explanation why is that you people Need such a days to clear & maintain such a small inventory , are you not ready & understood to maintain an inventory?

Seryoso ko ng mga panahong natanggap ko yang e-mail na yan galing sa boss namen. Pero nung nabasa ko, kitang-kita ata ng amo ko yung ngala-ngala ko nung tumawa ko ng ubod lakas kiber kung malaman pa nilang yung kaengotan ng big boss namin yung winawalangya ko. May mga araw din naman na abot-langit na yung pagmumura ko sa kanila (syempre sa tagalog) pero ayaw pa din nila kong tantanan sa paulit-ulit at kaliwa't-kanan na mga utos nila. Tipong iikot yung ulo mo at masusuka ka (dahil mabaho sila), at mawiwindang ka ng tuluyan dahil hindi na halos maisip ng kakarampot na utak mo kung anong dapat mong unahin na gagawin...

At kaninang umaga nga, may naganap na anumalya. Walang sinuman ang nagsumbong (sa tingin ko), wala rin akong malay,lalung wala akong kinalaman, lahat ay pakulo ng engot kong manager, at masaya pa ko ng kinausap ako sa telepono ng big boss namin (akala ko kasi promoted ako, o kaya naman eh may increment nang naghihintay para saken). Kaya lang another nosebleed moment na naman pala! As in, hindi kami magkaintindihan dahil hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ng mga binibitawan kong simpleng salita..(hindi ko na iisa-isahin dahil nakalimutan ko na din naman), nakakatawa pa, bumanat pa ng ganitong tirada si boss: "Are you able to understand english well?", sumagot ako ng pabuntung-hiningang "I think so?", pero gusto ko na syang batukan at yugyugin para magising sya sa katotohanan na para syang kinder kung mag-english..pucha...boss lang kasi sya kaya ako ang laging mali..hahaha...At hayun nga, maya maya pa ay nagbigay pa ng hatol ang magaling na matanda at sinabing pipiliin niya sa aming tatlo (manager, salesman, at ang dakilang julalay na si ako), sa kung sino yung kakaltasan niya sa sahod. Umalma na ko ng banggitin niya yun, nagpasweet ng wanport sabay sabing: "Oh, c'mon sir, is it really like that?"..Tumawa ang walangyang nasa kabilang linya sabay sabing.."Yeah, its like that,bye Jenni" beep beep...

Tahimik kong tinungo yung upuan ko. Ngiti ng plastik sa manager ko sabay kwento ng magandang balita...Nawindang ang amo ko, nangilid ang luha, sabay sabing "This was my fault only...tell him it was my fault..".. Natawa ko, tapos naisip kong "kita mo tong kupz na toh, aamin na lang at lahat iuutos pa din, sarap pirmahan sa muka.."

Kahit bali-baligtarin ko ang utak ko, di ko mahanapan ng sagot ang kasalukuyang kalakaran dito sa opisina namin. Masyadong masakit (sa ilong) sa utak ang mga kaganapan nung kelan....Hindi ko alam kung matatagalan ko pa to, o aakapin ko na lang ang iba pang oportunidad sa dako pa roon. Oo, baka---pwede, pero, pag-iisipan ko muna ng mabuti....

26.4.09

Kwentong Buhangin at walong wateber

--8 things I'm looking forward to--
  1. Makapagbakasyon. Kahit local leave lang. Toxic na kasi sa amoy ng amo ko este sa trabaho, too much pressure ika nga nila.
  2. Makasali sa Pop Idol sa Pre-con sa Abu Dhabi sa May 29.(sa kulto yan)
  3. Increment. increment. increment.
  4. Magdiet. Haha. (pero kelangan ba tlaga? eh hindi naman ako nataba ahh)
  5. Matuloy sa pageenroll sa crash course sa engineering sa june.
  6. Makakuha ng driving license sa september (kapalit to ng pag-uwi ko sa Pinas this year :c)
  7. Pasko! Para umiyak ako ulit sa misa pag naalala ko yung pamilya ko. haha.
  8. Hmm...dadating to sa tamang panahon. nyahaha.
--8 things I did yesterday--
  1. Nabwisit at nainis kay busmate habang nasa bus stop.
  2. Balanse. balanse. balanse. tapos nagbrownout, ang masama pa nun, di ko pa pala nase-save kaya start from scratch ako.
  3. Nagpunta sa desert safari. (hanggang ngayon nahihilo pa ko, pero seksi ng belly dancer..wiit wiiw)
  4. Naghinagpis sa blog tungkol sa minimithi kong pangarap.
  5. Nanood ng spongebob squarepants (arabic version..asteeg)
  6. Nakipagchat kay mamang- kulitan lang.
  7. Dumugo ang ilong dahil nagpresent ng report sa may-ari ng kumpanya.
  8. Tinitigan magdamag yung henna tattoo sa kamay ko.
--8 things I wish I could do--
  1. Matulog pa sa mga oras na toh, hilo pa ehh
  2. Makabili ng haus and lot para sa peepz sa pinas.
  3. Mapagtapos (agad-agad) sa pag-aaral yung mga kapatid ko. (may lakad ako eh.kaya dapat agad-agad..haha)
  4. Mabigyan ng bonggang negosyo sila mamang at papang para uwi na rin ako.(asa pa ko!hehe)
  5. Matapos si crash course sa eng'g..hmmmfff..sana wag akong kalabitin ng katamaran!hehe
  6. Makasakay sa escalator ng hindi tumitili. Haha. (takot ako sa heights ehh, buti na lang maliit lang ako!)
  7. Makapag driving lessons na as soon as possible para may-i-cancel the bus service at iwas kunsumisyon na koooo..!!!
  8. Maging aktibong muli sa kulto. Hindi na nmn ako nagpapakita nitong mga nakaraang araw ehh..hehe..
--8 shows I watch--
  1. Quickfire.. Para may mailuto naman akong makabuluhan. Hindi yung paulit-ulit lang na adobo, sinigang, paksiw, caldereta, menudo, afritada ang naluluto ko.
  2. Scrubs.
  3. Grey's anatomy.
  4. Eat bulaga.
  5. 24 oras.
  6. Bubble gang.
  7. MTV.
  8. Nickelodeon. (lalung-lalo na yung spongebob na arabic version!)haha.
--8 people I tag--
  1. Hari ng Sablay
  2. Tonio
  3. Biiba
  4. Chitochismoso
  5. Kuya Bomzz
  6. Gillboard
  7. Ate bhing
  8. Marco
-------------------------
Naghalf-day lang ako kahapon sa trabaho ko dahil magpupunta kami sa may bundok ng mga "sand dunes". Andito ang ilan sa mga kuha sa panggugulo namin (kasama si Lola dear) sa nananahimik na mundo ng mga alikabok. Pagkainit! Pero syempre, evrything is worth it! Nag-nejoy naman ang lahat. Lalung lalo na sa lafang! To follow na lang ang pics ang lafang dahil may-i-work na ko. Nyahaha..


21.4.09

Kampay, award, OT

May kaguluhang nagaganap sa dako pa roon. Aver, kung hindi mo pa alam - huli ka sa balita! Baka hindi ka nakinig ng dyaryo at nanood ng radyo! (potek ang kornnnyyyy). Hehehe...

Siryus...
Maaga pa lang eh nangangalampag na si Kuya Kenji upang may-i-post/ repost ko ang nagaganap na kaguluhan sa kabilang mundo ng mundo ng blogosperyo (taym speys warp ngayun din!). Hahah. Kung sobrang nabobola na kita tungkol sa balita ko, punta ka dito...sige na. Phuleeeeeaaaseeee. Hehehe. Ayan, bibigyan kita ng bonggang powerhug **sabay takbo**, pag nakisali ka sa kaguluhang ito. Pramis. Hehe.

Ayan kuya Kenji, kumpleto ang tasks ko ah, hehe. Pati yung kampay here and there nagawa ko din. Kahit medyo bisi ako. Keri pa din...
---------------------
Tenk yu nga pala ng bongga kanila Ruphael, Kuya NJ, at Kay Jee para sa bonggang award na binigay nila saken. Yung kanila Ruph at Kuya NJ eh nandun na po sa sidebar habang ang galing naman kei kapwa-dubayers na si Jee eh andine... charaaan.....


At dahil isa itong parangal para sa ating mga "adik"sa blog (lilinawin ko at baka pagbintangan mo pa kong adik sa ipinagbabawal na gamot)hehehe, pinapasa ko toh sa aking mga kapwa-adik na sina: Jez, Bomzz, Hari ng sablay, at Yanah.
--------------------
Isandaang taon na kong bisi sa trabaho ko, para lang maaprubahan ang pangarap kong pahinga sa loob ng isang linggo. Pero nasira na naman ang lahat ng yun nung tinawagan ako ni Big Boss kaninang umaga. Hindi ko tuloy malaman kung nakakatuwa yun o nakakainis eh, toxic na kasi dito sa opisina, "i need a breaaaaaakkkkk!!!!"--pero hanggang angal lang ang nagagawa ko dahil di ko rin matiis ang trabaho kong mahal, bow..hehe

xaxa, bukas na yung ibang wento....bayerrrr...

24.3.09

Math-inik

Aminado ko na kasama ako sa mangilan-ngilang mga taong hindi biniyayaan ng kahusayan sa matematiks. Hehe. Pero kung ikukumpara mo kung san ako mas mahina - kung sa History o sa Math, sa History pa din ako nakakakuha ng mababang marka dahil nuknukan ako ng ulyanin - sa lahat ng oras.

Nung kabataan ko, naaalala ko ng wanport, naging avid fan ako ng MATH-INIK (ganyan ba spelling nun?). Yung palabas sa channel 2 na pampa-enhance daw ng kaalaman ng mga bata tungkol sa mga equations, at ng four basic functions sa math. Pinapanood ako nun ni Naynay, at pagtapos nun, nagkakaroon kami ng isang maikling pagsusulit, na kadalasan naman eh nauuwi lang sa matinding pikunan at paluan.

Pagdating ko naman ng hi-skul, nagkaroon ako ng malaking galit sa titser ko na si Mrs. Nenita Talinting (teka, kung isa sa inyo kamag-anak niya, wag kayo magsusumbong ah). Bakit?? Eh pano ba naman? sinong matinong tao ang magpapaconvert ng isang certain years into seconds? Bwiset. Ilang pages ng notebook ko ang naubos nun dahil lang sa isang number sa binigay niyang assignment na ang decimal places eh umabot ng hanggang bente ata. (exaj). Memorable din tong teacher kong toh dahil sya yung malimit na magsabi sa amin na "Lagi kayong maglalagay ng sapin sa likod, dahil baka kayo magkasakit pag natuyuan ng pawis sa likod." Dumating din sa punto na kailangan mo syang sagutin sa oral exam. Na pinagtawanan niya pa ang apelido ko (na di-hamak namang mas maganda at kagalang-galang kesa sa kanya). Na pinagcheck niya ko ng mga testpapers, pinagsukat ng mga angle sa mga nakakaawang drawing ng mga POLYGONS. Pinagbilang kung ilan nga ba ang sides ng circle (meron kasing sumagot na klasmeyt ko na may side daw ang circle), na ang sides ng nonagon ay nine. Mga tipong nakakasira ng magagandang araw sa eskwelahan.

Pagdating naman ng college------Serious mode na ko sa pag-aaral. Dala ang aking sandatang scientific kalkaleyter, nakipagbuno ako sa mga madugong equations, formula derivations, sa eber-labing bespren kong sohcahtoa (na hindi ko na nagagamit ngayon), logarithms (dahil sa pagiging ulyanin ko napagcompute ako nun ng gamit lang eh table of logarithms, dahil naiwan ko ang sandata), at ang ending....malayung-malayo sa pinangarap kong maging isang inhinyero. Ayus lang, nasa abroads naman ako! Oryt!:D

At dahil magtatapos sa hi-skul ang sisterette ko, (panibagong gastos ka na naman,,,joke). Babatiin ko ang mga magsisipagtapos ng isang bonggang: Heppi Gredeweysyen!!!!!!!

22.3.09

Bird Brain

Sa lumipas na apat na araw, (kung tama ang bilang ko). Masyado kong naapektuhan ng isang karamdaman. Karamdaman na takot ang ilan sa mga tao sa mundo na madapuan nito. Isa ako sa mga taong yun! (mas malaki pa ang takot ko sa epidemya, emosyon, at kung anu-ano pang kunektado sa usaping yan).

May isa kong kaibigan na nagtatanong saken pilit kung "inlab" ako. Hehe. Sa Totoo lang, hindi ko talaga alam kung ano at kung paano nga ba ang nararamdaman ko. Alam ko, masarap umibig, pero....PERO...maraming kaakibat na mga bagay bagay sa paligid-ligid. Andyan yung masasagasaang bahay este buhay pala, kasiyahan (pero alam ko masaya ang pakiramdam!), emosyon, waaaah! naguguluhan pa din talaga ko hanggang ngayon. Walang nagtapat, at tingin ko walang maglalakas loob na magtapat. Dahil una sa lahat, ako yung tipo ng taong mahirap malapitan, mahirap magustuhan, at mahirap unawain!:). Magaling lang akong makipagkulitan, harutan, landian , at kung anu-ano pang kalokohan--- pero pag seryosohan na ang usapan, umiiwas na ko sa usaping yan. Nawawala akong parang bula, at dumadalang na ang pagpaparamdam ko .

Balik tayo sa tanong : "Inlab ka ba? "...
Kung pwede ko lang sana sagutin nang madalian yung tanong na yan. Nang walang iniisip na ibang mga bagay-bagay. Ang sarap sana umamin. Kaya lang,...chaka na...hhehehehe

17.3.09

Legs legs..awww..:))

At dahil hindi na ko makapag-antay at hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko na gawin tong tag na pinasa sa aken ni CM, eto na at pinapakita ko na sa inyo ang hita, legs, o kung anuman ang pwedeng itawag jan sa nakikita nyo sa pekshur...Pasensya na at hindi ako biniyayaan ng seksing-seksing at maputing kahitaan--hindi naman toh pag-aartista diba..Katuwaan lang naman..hehe..

Mabuti na rin at naisip ipasa saken toh ni panaginipman - dahil sobrang napagod ng sabay ang mga daliri at kamatahan, at kautakan sa trabaho kanina. At hindi pa din tapos ang senakulo ko sa opisina, tingin ko nagsisimula pa lang sya.

Ang laki ng hita ko nho...
Eh kasi mahilig ako magbike at maglakad sa tabi tabi nung kabataan ko pa lang. Ayan at tinubuan na sya ng bonggang kamaselan, at kung anu-anong mga kaugatan.

At dahil para itong isang epidemya na dapat na maipasa---ipapasa ko toh kei.....Jez at Gillboard. Ayun na..Hehe..walang Kj ah..

16.3.09

Prayer mode

Bilang isang myembro ng kulto, pinapraktis namin ang taimtim na pagdadasal, at pagdadasal para sa sangkatauhan. Nasanay na rin ako sa mahabang listahan ng mga bagay na hinihingi at ipinagpapasalamat ko at ang mabuting pagtrato saken ng tadhana sa mga panahon na ito. At nangako ako kay Papa God na bilang ganti, kahit na umuusok ako pag nagpapakabuti ako, pipilitin kong maging isang mabuting ehemplo at tagasunod Niya. Sa mga lakaran na may kuneksyon sa pagdadasal (meron nga akong appointment mamaya), on the go ako, dahil nanumpa ako na magiging taga-silbi niya sa buong buhay ko. Teka, hindi tungkol saken toh. Napakwento na naman ako.

Minsan isang araw ng buhay ko, nakilala ko si Biiba. Sa lahat siguro ng tao sa blogosphere, masasabi na ngang ako ATA yung pinakamalapit sa kanya. Anu't ano pa nga ba ang kelangang hinging pruweba? Magkasama kami halos maghapon, iisa ng adhikain, iisa ng prinsipyo sa buhay, iisa ng talentong mine-maintain (haha), iisang kakulitan, kaseryosohan, trip sa buhay, at kung anu-ano pa. Sabi ko nga sa kanya, nung nakilala ko sya, para na kong nakakita ng nakatatandang kapatid, na merong isip kagaya sa nakababatang kapatid (di nyo gets? wag na kayo magtanong basta yun na yun!haha). Ayun, at alam kong hindi na rin lingid sa inyong kaalaman na she's going through some issues now. So, sa bisa ng tag ni CM, aalayan ko ng bonggang dasal ang kapatid ko sa pananampalataya, bisyo, kakulitan, kalandian, kaadikan, kasentihan,kakupalan at kaartehan.



Dear Papa God,

I want to thank you for all the blessings that you've had given to me. For the gift of knowledge, friendship, love, wisdom, strength and maturity. Thank you for giving me the opportunity to come closer to you and for making my life more meaningful and
special as each day goes by. My words and thoughts won't be enough to tell you how thankful I am that you have brought me to this place to be able to fulfill my tasks and obligations in life. Lord God I know that you are sacred and a great great God and I know that nothing is impossible to you. With all my hopes, desires, and sympathy, I lift up to you my sister Yanah. I know that she had been troubled for the past few days and months, and I know also that you will not give her these challenges and trials if she cannot make it till the end. Please guide her to the right path, give her strength, hope and faith to continue this battle that she is going through. I also lift up to you her kids, may they always remain healthy and keep them safe from any harm that I know is everywhere. I also lift up to you Yanah's mother, may you clear her mind and guide her in her decisions, touch her heart so she can feel the love that she should offer Yanah and her grandchildren. May you bless also those people who had been helping her through all of this things, for their unselfish ways and their own special ways of helping her. With all of this Lord, hear my prayers. AMEN.

At bilang pang-ilaw sa dinadaanan ngayon ni Yanah, iiwan ko ang verse na ito na syang holy gospel sa araw na itech:

So do not fear, for I am with you; do not be dismayed, for I am your God. I will strengthen you and help you; I will uphold you with my righteous right hand.

Isaiah 41:10 (NIV)



Para sa'yo Yanah, alam kong kering-keri mo ang bagay bagay na pinagdadaanan mo. Hinding-hindi ako magsasawa na sumuporta sayo in every decision na gagawin mo. Aja! Wag kang mag-alala, madaming nagmamahal sayo. Maraming sumusuporta sayo. Pwede mo na ipagpatuloy ang pag-aartista mo after nito..Joke..hehe. ismayL lang palagi at makikita mo din na kahit binabagyo ka ng mga pagsubok ngayon bandang huli ay makikita mo rin ang bahaghari sa likod ng ulan :)

8.3.09

Kwentong EB at sabon

Gaya ng sabi ko kay Biiba, para kong arista ngayong taong toh dahil pakiramdam ko, isang month long celebration ang mangyayari. Pero mukang last na tong celebration na ginawa namin kahapon Sa Dubei Creek Park!..


Ayan ang menu kahapon, (feeling)Italyana kasi si Yanah. May iba pang putahe pero hindi ko makita ang mga larawan (may isa pang coverage nito kay pogi). At dahil mega workalush muna ako sa piling ng ever bangong bossing ko, may-i-wait for a couple of hours si pogi sa amin ni Yanah sa Al Ghubaiba bus station sa may Bur Dubai. (tama ba yung mga sinasabi kong lugar? taga Cavite kasi ako hindi naman taga-dubai). Pagkatpos magkita nina B1,B2,at Lulu, agad na nilang tinungo ang bus (na maya maya pa ay naglulan ng isang ever fafa na passenger) papuntang City Center (dun ba yun?). Hirap magwento pag naliligaw. Habang nasa bus, nagpamalas ako ng kakaibang palabas (matapos sumakay ng fafa na passenger). Pero ckret ko na lang yan, dahil napahiya na ko at muntik mapaaway sa bus kahapon. Special participation din pala si Chicosci sa EB na yun. (ai, Chico lang pala, hindi Chicosci--churee). Napadaan si CHico, at nagshare ng tamang kwento, tinanong ni Yanah ng maalamat niyang katanungan, at hindi niya pa rin nakuha ang kasagutan. Weee... Sunod naman ay ang adventuristic na travel namin papunta sa Dubai Creek Park.


Ayan ang larawan nina B1 at B2 habang nagpapacute sa daan. Ilang daang beses din kaming nagpabalik-balik at balik balik sa daang yan pero wala rin kaming nahita. Hanggang sa nagtanong kami kay Luigi kung saan nga ba yang ever-unreachable Dubai Creek Park na yan. (fyi,si Luigi ay isang sekyu na nagbabantay sa carpark nung City Center- kaya xa nabansagang Luigi ay dahil kamuka niya si Luigi ng Mario bros.) Isang kabayan ang napagtanungan namin sa may groceries kung san nga ba ang tunay na destinasyon at masaya niyang itinuro ang pwedeng pagabangan ng tren. Nang makasakay na kami ng tren, bumaba naman kami sa may *insert name of the hospital here*, ayan, dahil hindi ko na maalala ang pangalan ng bonggang ospital na kinatakutan ko ng wanport habang si pogi ay natakot ng wanpip at si Biiba naman ay wanhul. At sa wakas, sa hinaba-haba ng prusisyon, nakarating din kami sa destinasyon...ang pesteng Dubai Creek Park...


Sumakay sa padjak ni B1 (masakit ang kabintian niya ngayon dahil sa kaadikan niya jan!)


Nagmukmok dahil...:)


Nakipaglaro yung Baboy sa ibon (hehe joke lang Biiba)

At syempre pa more pekshurs!!!!

Madami pang pekshurs na nakuha kahapon kaya lang hindi ko alam kung nakaninong cam yun. Kaya paki-abang abangan niyo na lang poh sa mga kapitbahay na peyds ang more update!:)

--di ko na muna ieextend ng bonnga ang entry na itech dahil may kinasasangkutan akong kaso..hehhe..