Showing posts with label pagod. Show all posts
Showing posts with label pagod. Show all posts

1.10.09

Lubi-Lubi

Enero | Perbrero Pebrero | Marso | Abril | Mayo | Hunyo | Hulyo | Agosto awww! | Septyembre | Oktubre | Nobyembre | Disyembre | Lubi- lubiiiiiiiiiiiiii

Oktubre na. Panahon daw ng mga taong mahirap timbangin. Kase daw weighing scale yung zodiac sign nila. Yan eh according to my mudrakels Bebang. Ewan ko kung totohanan nga yang paniniwala nyang yan. Madami na rin kase akong nakilala na pinanganak sa bwan na yan. Haha. At dahil walang makakadaig sa pagiging moody ko ~ hindi ko na masabi kung may difference pa ba yung pagiging sumpungin ko sa pagiging sumpungin ng mga Oktoberyan, O eh pano pa yung sumpong nga mga pinanganak ng Agosto at Pebrero? Teka, hindi naman kasali sa listahan ng sumpungin ang pinanganak ng Marso - eh bakit sumpungin ako? Di ba? Kalokohan lang ang lahat.

Octoberfest na din. Babaha na ng putik gawa ni Ondoy este ng alak sa Maynila. Pero sa nangyari at sa tindi ng pinsala na iniwanan ni Ondoy sa Pilipinas kong mahal, I doubt kung makakapagpatuloy pa ng shelebreyshon ang mga mahal nating kababayan at sustentuhan ang kanilang pang sunog-baga. :(


Enero | Perbrero Pebrero | Marso | Abril | Mayo | Hunyo | Hulyo | Agosto awww! | Septyembre | Oktubre | Nobyembre | Disyembre | Lubi- lubiiiiiiiiiiiiii

Ilang tulog na lang pati, pasko na. Wala pa din akong bakasyon. Pangalawang pasko ko nang hindi nakakakain ng puto bumbong at ng bibingka. Pangalawang pasko ko nang -----> hindi nakakatanggap ng regalo galing kay Sta. Claus...hahahah. Magwi-winter na din dito sa Middle East kaya hindi na rin nagiging mabuti ang lagay ng katawan ko. :(. Magpapasko na, namimiss ko nang sumigaw ng "Patawad" sa mga nangangaroling sa bahay namin. Nyahahah...



20.5.09

Wag kang atat!!!!!

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit sinasabi ng nanay ko na "masama ang maging atat"...


...Pag nagmamadali ka kasi, hindi mo mapapansin ang tunay na kagandahan na meron sa paligid mo.

...Pag nagmamadali ka kasi, hindi mo mapapahalagahan ang mga bagay na mahalaga pala kesa sa inaakala mo.

...Pag nagmamadali ka kasi, marami ang pagkakataon, na nadadapa at natatapilok ka sa maling tao.

...Pag nagmamadali ka kasi, hindi mo malalaman ang bawat isang aral na nakapaloob sa isang sitwasyon o problema na dumarating sa buhay mo.

...Pag nagmamadali ka kasi, maiiwanan mo ang mga bagay na dapat sana ay binaon mo para naging malakas at matatag ka sa pagharap ng buhay mo.

...Pag nagmamadali ka kasi, mas malaki ang tendency na magkamali ka at bibihira ang pagkakataon na pwede mong baguhin ang mga pagkakamaling ito. Kadalasan, nauuwi na lang sa PAGSISISI ang lahat.

19.5.09

Win

I'll never give up
Never give in

Never let a ray of doubt sweep in
And if i fall
I'll never fail
There's much tooo much at stake
Upon myself I must defend
Im not looking for place ashore
I'm gonna WIN....

Paborito akong isali ng aking mga magulang sa mga kung anu-anong contest sa baranggay. Tulaan, declamation (parang pareho lang ata yun?), kantahan,quiz bee, spelling bee,reading echoz at kung anu-ano pang kalokohan...Dumating sa punto na nakakasawa na manalo (ang yabang..hehe), kung kaya't iniwan ko ang showbiz, este ang pagsali sa mga ganung bagay.

Bandang hi-skul ay muling nagbalik ang passion o hilig ko sa pagsali sa mga ganyang kalokohan. Sumali ako sa slogan/poster making, essay writing, singing contest (wag nyo na pangarapin marinig ang boses ko dahil hindi maganda, nagkakataon lang na mas maganda ng wanport ang boses ko kaya ako nananalo dun!)--tama na ang kayabangan at nagiging mahangin na yung tema ng post na toh....

Nanalo ko sa iba, pero mas madaming beses akong natalo. Pero at dahil makapal ang muka ko, nagpursige akong sumali ng sumali...Sabi nga ng nanay ko..motto ko daw sa buhay eh...

Try and try until you succeed...

Hindi ako namuhay sa motto na yan kundi, namuhay ako sa munting paniniwala ko....

Na kapag inilagay mo ang puso mo at dedikasyon sa paggawa ng isang bagay,
siguradong magagawa at makakamit mo yun kahit na anong pagsubok pa ang dumaan
sayo.....