Showing posts with label tado. Show all posts
Showing posts with label tado. Show all posts

28.4.09

Tado

Lahat ng tao may paboritong mura. Este pagmumura pala. Yung taytel ko ngayon ang paborito kong mura sa lahat. Pag ginulat mo ko, matatawag kita sa pangalan na yan, pag tinakot mo ko, kasabay sa pag-igkas ng kamay ko para hampasin ka eh ang katagang.."tado, tadu,#$%%^&!". Hehe..erase erase..bad bad bad. Baka may mapadaan na taga-kulto dito at isumbong pa ko sa mga nakatatanda at matiwalag ako..nyahaha..pabor! joke..

Lahat naman tayo nagmumura, iba iba lang siguro yung lutong, tunog, frequency, at kung gaano kalakas yung impact ng mura mo sa sinasabihan mo. Eh pano pag nakangiti pa din yung minumura mo? Nakakainis diba? Saken kasi ganun kadalasan ang nangyayari, inis na inis at gusto ko nang durugin sa mura ang isang tao, ayaw pa din patinag at nakangiti pa. Kakaasar. Ang hirap din ng nasa abroad ka. Pag naiinis ka sa ibang lahi at minura mo sa sarili mong salita, papaexplain pa nila. Eh syempre dedeny mo na lang para di ka mapaaway. Nyahaha.

Pero lingid sa kaalaman ng nakararami, sa likod ng salita (masamang salita na "tado") eh may nagtatagong isang katangi-tanging nilalang. Pamilyar ba kayo sa komedyanteng si Tado Jimenez? Oo, yung nakashades ng malaki , longhair, na matinik sa english at madaming alam sa buhay. Oo, pareho kaming asteeg nitong si Tado. Oo (nakiki-oo ka saken, kilala mo ba talaga yung kinukwento ko?hehe). Heto at naisip ko siyang hanapin sa tulong ni Gugel. Paborito ko kase dati nung grade 6 ako yung palabas niyang Strangebrew, di ko na maalala kung saang channel ko yun napapanood, pero ayos na ayos ang mga words of wisdom ng boylet na ito!

KONTING BACKGROUND CHECK..

Lingid sa kaalaman ng nakararami, at sa dami ng taong nanghahamak sa butihing si Tado. (Ok lalagyan ko ng apelido para kagalang-galang ang dating niya kahit man lang sa post ko.). Si Arvin Jimenez (aka. Tado Jimenez) eh graduate sa PUP (Polytechnic University of the Philippines) ng kursong Psychology (ahh, kaya pala madaming alam sa buhay). Bukod sa pagiging comedian, isa rin syang DJ at hilig din nya ang photography, at minsan nang nainvolve sa theater and arts. Asteeg di ba? "More than meets the eye" ika nga nila. Hehe..