Showing posts with label ingay. Show all posts
Showing posts with label ingay. Show all posts

9.5.09

Ugoy ng Duyan


Sanay di nagmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang akoy nasa duyan

Refrain:
Sa aking pagtulog na labis ang himbing
Ang bantay koy tala, ang tanod koy bituin
Sa piling ni nanay, langit ay buhay
Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan

Sanay di nagmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang akoy nasa duyan

Sa aking pagtulog na labis ang himbing
Ang bantay koy tala, ang tanod koy bituin
Sa piling ni nanay, langit ay buhay
Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan

Nais kong matulog sa dating duyan ko, inay
Oh! inay



OPM - Sa Ugoy Ng Duyan - Aiza Seguerra

--Wala akong mahanap na mga salita na maari ko pang idagdag sa nauna kong liham para sa aking Mahal na Naynay na si Bebang. Kung kaya't ibinahagi ko na lamang sa inyo ang paboritong pampatulog ng aking naynay sa aking mga nakababatang kapatid...:) Muli,
"Happy mother's day sa mga ilaw ng tahanan!"

6.5.09

Tukmol III


Kung ang pagbubura ng alaala ng tao ay kagaya lamang sa pagpindot ng CTRL + ALT + DEL...sana, ginawa ko na, noon pa....

2.5.09

Kwentong Kalye

Umuwi ka na bang duguan ang tuhod mo dahil tanga yung kalsada at di nya sinabi sayong sesemplang ang dala-dala mong bike na may taling kulay pink na ribbon at may mini-basket sa may harapan? Natalo ka naba sa paglalaro ng jolen at ngumawa ng ubod lakas dahil nagkaron ng "barag" ang mga kanto ng pinakamamahal mong makikintab na Jolen? Naubos ba sa isang iglap ang inipon mo ng bonggang-bonngang mga teks? Na ang ending eh pinagppupunit-punit ng nanay mo dahil halos dun na lang umiikot ang munti mong mundo at ni hindi mo na mabasa yung salitang o-n-e-? Naranasan mo din bang itapon ng nanay mo ang isang plastic bag mong "pog" (yun nga ba tawag dun)--na muntikan niya pang isahog sa paborito mong sinigang dahil imbis na kumain ay bising-bisi ka pa sa paglalaro sa kanto?

Naglaro ka ba ng tumbang preso at nabato ng chinelas sa muka?
Naglaro ka bang ten-twenti at umiyak pag abot kili-kili na ng kalaban yung taas dahil hindi mo na maabot? Chinese garter na naging dahilan ng bonggang pagkabali ng kamay mo at nasemento-ng-di-oras?
Nakipaglaban sa paggawa ng may pinakamaganda at pinakamalayong lyrics ng themesong ng batibot? Nagemo mode ng nag-aklas lahat ng kalaro mo sa kalye dahil dineclare na ng mga nanay nila ang martial law?
Nag-adik sa pacman, mario, circus charlie at kung anik anik pang computer games dahil grounded ka na din sa hindi mo maipaliwanag na dahilan?
Nang nawala ng biglaan isa isa ang mga kalaro mo dahil ang iba nakakasalubong mo na lang eh mga lalaking naka-saya na at ang mga babae eh hindi na daw pwedeng magtatalon at magpakalat-kalat sa kalsada dahil may "bisita" na daw sila???

Nang naiwan kang nakatunganga at tinatanong pa din ang nanay mo ng mahiwagang tanong na: "mama, bakit ganun? bakit lahat sila parang ayaw na saken ngayon?"

Ang sarap sana maging bata ulit. Wala kang alam sa nangyayari sa paligid mo. Dahil hindi pa yun maintindihan ng mura at bubut mong utak. Kung minsan gusto kong bumalik sa pagkabata--para lahat ng malulupit na katotohanan na nalalaman ko ngayon eh maintanggi / maitatwa ng mura kong isipan na nakatutok lamang sa iisang paniniwala : "Na ang paglalaro ay masaya, walang kasing saya"

30.4.09

Mokong

Mahirap mamili ng daan na tatahakin lalu pa't hindi mo alam kung saan mo nga ba gusto magpunta. Mahirap mag-isip ng para sa ibang tao kung ikaw mismo, walang kasiguruhan at kapayapaan sa iyong isipan. Kapag nagdesisyon tayo, tayo at tayo lang ang pwedeng bumago nun, kelangan mo mag-isip isip ng sandaang beses bago ka magbitiw ng isang oo o hindi.


Humigit-kumulang ilang bwan na rin kaming magkakilala ni Mokong. Makulet, mabait, gentleman (daw) siya. Muy simpatico rin naman kung minsan talaga---ipagbubukas ka ng pintuan, hihilahin ang silya para maupuan mo, papayungan ka pag umuulan, tatanungin ka bawat minuto kung kumain ka na, papatayin ang langaw pag dumadapo sa gusgusin mong katawan, pupulbuhan at me-meyk ap an ka pag mas muka ka nang lalake kesa sakanya, patatawanin ka sa pinaka-corny na joke niya, at tatanungin ka pa (ulit) ng mga bagay na gusto at ayaw mo. Hindi si Mokong ang unang manliligaw na nagkamali saken. Meron ding iba. Pero yung iba, madali kong natatakot sa pamamagitan ng killer eye at mga pangako kong gagawin kong miserable ang buhay nila. Pero sya, malapit niya na kong mapahanga (malapit lang, pero hindi ko sinasabing ngayon na yun, o sa isang bukas, bahala na) Sa araw-araw na ginawa ni Papa God, andyan sya para saken (may topak man ako o wala, nakangiti pa din sya). Oo, hindi ako maganda, pero choosy ako. Bakit ba? libre naman mamili ng ide-date at manliligaw..madaming lalaki sa mundo...ayun nga lang..hindi lahat sila....


















may kakayahan na kilalanin ang isang kagaya ko...

28.4.09

Tado

Lahat ng tao may paboritong mura. Este pagmumura pala. Yung taytel ko ngayon ang paborito kong mura sa lahat. Pag ginulat mo ko, matatawag kita sa pangalan na yan, pag tinakot mo ko, kasabay sa pag-igkas ng kamay ko para hampasin ka eh ang katagang.."tado, tadu,#$%%^&!". Hehe..erase erase..bad bad bad. Baka may mapadaan na taga-kulto dito at isumbong pa ko sa mga nakatatanda at matiwalag ako..nyahaha..pabor! joke..

Lahat naman tayo nagmumura, iba iba lang siguro yung lutong, tunog, frequency, at kung gaano kalakas yung impact ng mura mo sa sinasabihan mo. Eh pano pag nakangiti pa din yung minumura mo? Nakakainis diba? Saken kasi ganun kadalasan ang nangyayari, inis na inis at gusto ko nang durugin sa mura ang isang tao, ayaw pa din patinag at nakangiti pa. Kakaasar. Ang hirap din ng nasa abroad ka. Pag naiinis ka sa ibang lahi at minura mo sa sarili mong salita, papaexplain pa nila. Eh syempre dedeny mo na lang para di ka mapaaway. Nyahaha.

Pero lingid sa kaalaman ng nakararami, sa likod ng salita (masamang salita na "tado") eh may nagtatagong isang katangi-tanging nilalang. Pamilyar ba kayo sa komedyanteng si Tado Jimenez? Oo, yung nakashades ng malaki , longhair, na matinik sa english at madaming alam sa buhay. Oo, pareho kaming asteeg nitong si Tado. Oo (nakiki-oo ka saken, kilala mo ba talaga yung kinukwento ko?hehe). Heto at naisip ko siyang hanapin sa tulong ni Gugel. Paborito ko kase dati nung grade 6 ako yung palabas niyang Strangebrew, di ko na maalala kung saang channel ko yun napapanood, pero ayos na ayos ang mga words of wisdom ng boylet na ito!

KONTING BACKGROUND CHECK..

Lingid sa kaalaman ng nakararami, at sa dami ng taong nanghahamak sa butihing si Tado. (Ok lalagyan ko ng apelido para kagalang-galang ang dating niya kahit man lang sa post ko.). Si Arvin Jimenez (aka. Tado Jimenez) eh graduate sa PUP (Polytechnic University of the Philippines) ng kursong Psychology (ahh, kaya pala madaming alam sa buhay). Bukod sa pagiging comedian, isa rin syang DJ at hilig din nya ang photography, at minsan nang nainvolve sa theater and arts. Asteeg di ba? "More than meets the eye" ika nga nila. Hehe..



26.4.09

Kwentong Buhangin at walong wateber

--8 things I'm looking forward to--
  1. Makapagbakasyon. Kahit local leave lang. Toxic na kasi sa amoy ng amo ko este sa trabaho, too much pressure ika nga nila.
  2. Makasali sa Pop Idol sa Pre-con sa Abu Dhabi sa May 29.(sa kulto yan)
  3. Increment. increment. increment.
  4. Magdiet. Haha. (pero kelangan ba tlaga? eh hindi naman ako nataba ahh)
  5. Matuloy sa pageenroll sa crash course sa engineering sa june.
  6. Makakuha ng driving license sa september (kapalit to ng pag-uwi ko sa Pinas this year :c)
  7. Pasko! Para umiyak ako ulit sa misa pag naalala ko yung pamilya ko. haha.
  8. Hmm...dadating to sa tamang panahon. nyahaha.
--8 things I did yesterday--
  1. Nabwisit at nainis kay busmate habang nasa bus stop.
  2. Balanse. balanse. balanse. tapos nagbrownout, ang masama pa nun, di ko pa pala nase-save kaya start from scratch ako.
  3. Nagpunta sa desert safari. (hanggang ngayon nahihilo pa ko, pero seksi ng belly dancer..wiit wiiw)
  4. Naghinagpis sa blog tungkol sa minimithi kong pangarap.
  5. Nanood ng spongebob squarepants (arabic version..asteeg)
  6. Nakipagchat kay mamang- kulitan lang.
  7. Dumugo ang ilong dahil nagpresent ng report sa may-ari ng kumpanya.
  8. Tinitigan magdamag yung henna tattoo sa kamay ko.
--8 things I wish I could do--
  1. Matulog pa sa mga oras na toh, hilo pa ehh
  2. Makabili ng haus and lot para sa peepz sa pinas.
  3. Mapagtapos (agad-agad) sa pag-aaral yung mga kapatid ko. (may lakad ako eh.kaya dapat agad-agad..haha)
  4. Mabigyan ng bonggang negosyo sila mamang at papang para uwi na rin ako.(asa pa ko!hehe)
  5. Matapos si crash course sa eng'g..hmmmfff..sana wag akong kalabitin ng katamaran!hehe
  6. Makasakay sa escalator ng hindi tumitili. Haha. (takot ako sa heights ehh, buti na lang maliit lang ako!)
  7. Makapag driving lessons na as soon as possible para may-i-cancel the bus service at iwas kunsumisyon na koooo..!!!
  8. Maging aktibong muli sa kulto. Hindi na nmn ako nagpapakita nitong mga nakaraang araw ehh..hehe..
--8 shows I watch--
  1. Quickfire.. Para may mailuto naman akong makabuluhan. Hindi yung paulit-ulit lang na adobo, sinigang, paksiw, caldereta, menudo, afritada ang naluluto ko.
  2. Scrubs.
  3. Grey's anatomy.
  4. Eat bulaga.
  5. 24 oras.
  6. Bubble gang.
  7. MTV.
  8. Nickelodeon. (lalung-lalo na yung spongebob na arabic version!)haha.
--8 people I tag--
  1. Hari ng Sablay
  2. Tonio
  3. Biiba
  4. Chitochismoso
  5. Kuya Bomzz
  6. Gillboard
  7. Ate bhing
  8. Marco
-------------------------
Naghalf-day lang ako kahapon sa trabaho ko dahil magpupunta kami sa may bundok ng mga "sand dunes". Andito ang ilan sa mga kuha sa panggugulo namin (kasama si Lola dear) sa nananahimik na mundo ng mga alikabok. Pagkainit! Pero syempre, evrything is worth it! Nag-nejoy naman ang lahat. Lalung lalo na sa lafang! To follow na lang ang pics ang lafang dahil may-i-work na ko. Nyahaha..


25.4.09

Antayteld (angal ni ungas)

Type. Delete. Type. delete. Type. Delete. Type. Delete.

Marami akong naiisip na pwedeng isulat. May naisip na nga ako kahapon. Pero nung matapos kong buksan ang pc, nawala silang parang bula. Type. Delete. Alt + f4. Ayun at pinatay ko na lang ang pc. Tumunganga ako sa tv, nahuli ako ng lola ko na tumatawa habang umiiyak yung bida sa pelikula. Pano ba naman, ingles ang pelikula. Hindi ko na ata naiintindihan, kaya natatawa ko. Maya-maya pa eh kinuha ko ang aking notbuk at bolpen. Hmm..sa papel na lang muna para hindi sayang ang kuryente!

Ayun, naalala ko na. Naiinis nga pala ko. gusto kong sumigaw, pero pinipigilan ko. Gusto kong umiyak, pero mas ok kung tatawa ko. Gusto kong mag-hunger strike - kaya lang ang problema eh, hindi ko kinakaya yung ganun.

Kung kelan kasi abot kamay ko na. Tsaka naman kelangan ko syang pakawalan..

Nyemas.. Nyeta... Yan ang mga salitang nabanggit ko. Habang tinatago ko ang asar at inis (pareho lang yun diba?haha). Gusto kong ibato lahat ng nakikita ko. Gusto kong matulog pero naiisip ko sya.









Potek..Nokia 5800, kelan ka mapapasaken? Hahahaha...

31.3.09

Take time to think...

The paradox of our time in history is that we have taller buildings but shorter tempers, wider Freeways , but narrower viewpoints. We spend more, but have less, we buy more, but enjoy less. We have bigger houses and smaller families, more conveniences, but less time. We have more degrees but less sense, more knowledge, but less judgment, more experts, yet more problems, more medicine, but less wellness.

We drink too much, smoke too much, spend too recklessly, laugh too little, drive too fast, get too angry, stay up too late, get up too tired, read too little, watch TV too much, and pray too seldom.

We have multiplied our possessions, but reduced our values. We talk too much, love too seldom, and hate too often.

We've learned how to make a living, but not a life. We've added years to life not life to years. We've been all the way to the moon and back, but have trouble crossing the street to meet a new neighbor. We conquered outer space but not inner space. We've done larger things, but not better things.

We've cleaned up the air, but polluted the soul. We've conquered the atom, but not our prejudice. We write more, but learn less. We plan more, but accomplish less. We've learned to rush, but not to wait. We build more computers to hold more information, to produce more copies than ever, but we communicate less and less.

These are the times of fast foods and slow digestion, big men and small character, steep profits and shallow relationships. These are the days of two incomes but more divorce, fancier houses, but broken homes. These are days of quick trips, disposable diapers, throwaway morality, one night stands, overweight bodies, and pills that do everything from cheer, to quiet, to kill. It is a time when there is much in the showroom window and nothing in the stockroom. A time when technology can bring this letter to you, and a time when you can choose either to share this insight, or to just hit delete...

Remember; spend some time with your loved ones, because they are not going to be around forever.

Remember, say a kind word to someone who looks up to you in awe, because that little person soon will grow up and leave your side.

Remember, to give a warm hug to the one next to you, because that is the only treasure you can give with your heart and it doesn't cost a cent.

Remember, to say, 'I love you' to your partner and your loved ones, but most of all mean it. A kiss and an embrace will mend hurt when it comes from deep inside of you.

Remember to hold hands and cherish the moment for someday that person will not be there again.

Give time to love, give time to speak! And give time to share the precious thoughts in your mind

AND ALWAYS REMEMBER:

Life is not measured by the number of breaths we take, but by the moments that take our breath away.


>>>>copy paste lang galing sa previous blog ko sa multi..:D

27.3.09

Si twin.

Bawat isang tao sa mundo eh merong sidekick. Syempre di ako nagpapahuli sa usaping yan. Turo ata ni Naynay na "wag magpapahuli at wag magpapalamang". Kung merong batman, meron ding robin, kung may scooby doo, andyan si Shaggy, kung may shaider, andyan si Annie, kung may doraemon, andyan si Nobita, andyan din si Mojacko para kay Surao, si Sakuragi para kay...Para kanino nga ba? Naalala ko lang yang Slamdunk, paborito kasi yan ng tatay ko, pati na din detective Conan kinaadikan niya din. Oo, kahit japanese yung lenggwahe at kelangan niya pang sipatin yung bawat isang salita sa caption sa ibaba, ayus lang sa kanya, ang mahalaga ikanga niya eh "Ang kwento at takbo nung storya". Sya sya papang, nadaanan ka na naman ng kwento ko. Hehe. Sa ibang araw ka naman.
Nais ko kasing ipakilala sa blogosphere ang naging katandem ni Jentot bago pa dumating sa buhay niya si Biiba. Bago pa nauso ang mga kadramahan sa Dubai, syempre, nagsimula ang lahat sa Pinas. Iba ng wanport kay Biiba, etong si Twin (twin ang tawagan namin dahil magkahawig kami), seryosong nilalang to pero simple ang mga balahurang tirada sa buhay (malamang sa malamang isa sa mga ugaling hanap ko sa kaibigan yan). Nakilala ko siya sa paspud na pinagsisilbihan ko bago ko mapromote bilang amo dito sa Dubai. Nyahaha. (oo,alipin pa ko nun, pero pagdating ko dito amo na ko ng amo ko..joke). Palagi ko tong kaaway at kamurahan dahil parang laging may lakad sa buhay, sya yung laging nakakakita sa aking pabulong na pagmumura sakanya. Madalas ko siyang kasigawan nung simula ng mga araw ko sa paspud na yun. Pero isang araw, bigla na lang akong nawindang ng seryoso niya akong tanungin ng mahiwaga niyang katanungan:
Twin: Jenny, monthly ka ba nagpapalinis ng ngipin mo?
Ako: ha? (sabay harap sa stainless na aparador sa loob ng kitsen, tinignan kung madumi si ngipin)
Twin: Ang ganda kasi ng ngipin mo, pareho tayo. Ako kasi..blah blah blah blah blah blah
Ako: Ahh..ok..ok...blah blah blah (nung panahon na yun, nakaretainer ako :D)

Simula nun, lagi na syang dumidikit saken. Mabait daw kasi yung aura ko. Pero akala niya lang yun..bwahaha. Kung dati lagi kaming magka-away, aba eto't kinuha niya na lahat ng pwedeng maging means of communication para lang lagi niya kong makulit. (Inakusahan ko pa nga siyang may gusto saken nung una eh). Pinapasahan lang naman ako ng mga kung anu-anong kowts at mga grapix. Sa mga piksyur taking, lagi na kaming magkasama, sa pudtrip, sa laftrip, at triptrip sa mga kasamahan namin- asahan mo magkasangga kami nito. Pero inpeyrnes naman kay twin, maaasahan naman siya sa oras ng kagipitan. Sa oras ng katangahan ko sa buhay, andyan sya para makatuwang sa iyakan, sa oras ng kakulitan, asahan mo tapos ka na tumawa tumatawa pa sya, sa videoke moments, sa unang beses na uminom ako ng alak habang kumakanta ng kantang hindi ko naman alam (tagay pa twin!!).
Matagal na din kaming walang komunikasyon. Simula nung magkaroon ako ng trabaho dito sa Land of the Rising Smell, dumalang na ang texttext (may roaming pa ko nun), ang chatchat at tawagan. Iniiwanan ko sya ng mensahe sa ym pero walang response.
Wala
Wala
Wala
Hanggang kahapon, habang naglalaro ako ng isang online game, umilaw ang kanyang bintana at nagparamdam saken. (after a decade..hehe). Binalitaan ako ng mga trahedya at lungkot na napagdaanan niya. At puro hinagpis-ipis ang sinabi saken. Hmmm... Nakakalungkot isipin na wala ako sa tabi niya para maging sandalan niya sa mga problema niya. But I'll be including you in my prayers twin. Keri mo yan. :)