26.1.10

Lab lettur

Dear Pong,

How is you? Me is fine. And you? I'm fine thank you. Kagabi lang naisipan kong mag-request sayo ng alamuna. Pero mahina ata ang powers ko sayo kaya ayaw mong gumawa ng alamuna. Hahahah. Tseeeeeeeee...

Wag madumi ang mga utak nyo, lab letter lang yung nirerequest ko *eyeroll*

Malayo na din yung narating ng relationship natin. Sa loob ng pitong bwan. Marami nang awayan, tampuhan, basagan ng trip, mga date na hindi natuloy, mga pasyal na walang napala, pikunan pikon ka kase.hahahah, mga cake na isang linggo bago naubos, mga kwentuhang walang kwenta, mga tanung tanong na walang matinong sagot, mga chismisan, mga pustahan, mga patakas na tawag sa opisina, mga kulitan, walangyaan, mga pikchuran, mga dc-han, mga mantsarihan ^_^, mga trip trip, laftrip, fudtrip, sadtrip at marami pang ibaaaaaaaaaa....Nakakatuwa lang na kahit na ganito ako, ganyan ka pa din saken. Na walang nagbabago as the days go by...............fly by..............^_^ Na kahit na anong intriga ang umikot sa pagitan nating dalawa nung mga nakaraang araw, nanatili kang matatag at hinarap ang kontrobersiya ng walang kemedu at churvaloo. Nawa'y mas maging matatag pa ang ating bolahan sa mga darating na panahon, kahit na madalang yung mga panahon na magkasama tayo, Kahit na minsanan lang din tayo mag-usap ng seryoso.

Hanggang dito na lang muna, magpe-facebook pa ko...Nyahahahah..Me lab yu :)

Jen

23.1.10

Remote ME....

Sanay akong mamuhay ng mag-isa. Ng magdesisyon mag-isa, at gumawa ng mga bagay na nakasanayan kong gawin ng mag-isa lang. Naging kuntento ako sa mga bagay na nasa paligid ko , kahit na madaming kakulangan sa buhay ko sa mga oras na ito. Naging masaya ako sa kabila ng mga agam-agam na nakapaloob sa puso ko sa mga oras na ito. Pero pinipili kong manahimik at pikit-matang harapin ang bawat araw ng may pag-asa sa aking puso.

Hanggang sa dumating ka.

Aminado akong natatakot ako sa tuwing binibisita mo ako. Sa tuwing dumadaan ka paminsan-minsan at kumakaway sa buhay ko. Lahat ng routine ko eh binabago mo. Sabi ko nga, para kang si HITLER kung makautos saken. Porke ba uto-uto ako eh ganyan mo na ko kung ituring? Matanda na ko kung tutuusin para diktahan ng mga bagay na kailangan kong gawin sa araw-araw. Pero pinagbibigyan kita dahil alam kong masaya ka pag nakikita mong sinusunod kita. Kahit alam kong palpak at wala sa hulog ang mga bagay na idinidikta mo, pinagbibigyan kita.

Hanggang sa mapuno ako.

Pinili kong umiwas, magpalipas ng oras kapiling ng mga kaibigan ko, ng mga taong hindi ako kailanman diniktahan o pinangunahan sa mga desisyon ko. Pansamantala kong tinanggal ang baterya ng remote na hawak mo. Pagod na kong sumunod. Hayaan mo naman akong mabuhay at kumilos ng para sa sarili ko. Nakakasawa na ang mga pagtatalo natin, hayaan mo muna akong umiwas, at hanapin ang DAPAT para sa sarili ko.