Showing posts with label ewan. Show all posts
Showing posts with label ewan. Show all posts

26.1.10

Lab lettur

Dear Pong,

How is you? Me is fine. And you? I'm fine thank you. Kagabi lang naisipan kong mag-request sayo ng alamuna. Pero mahina ata ang powers ko sayo kaya ayaw mong gumawa ng alamuna. Hahahah. Tseeeeeeeee...

Wag madumi ang mga utak nyo, lab letter lang yung nirerequest ko *eyeroll*

Malayo na din yung narating ng relationship natin. Sa loob ng pitong bwan. Marami nang awayan, tampuhan, basagan ng trip, mga date na hindi natuloy, mga pasyal na walang napala, pikunan pikon ka kase.hahahah, mga cake na isang linggo bago naubos, mga kwentuhang walang kwenta, mga tanung tanong na walang matinong sagot, mga chismisan, mga pustahan, mga patakas na tawag sa opisina, mga kulitan, walangyaan, mga pikchuran, mga dc-han, mga mantsarihan ^_^, mga trip trip, laftrip, fudtrip, sadtrip at marami pang ibaaaaaaaaaa....Nakakatuwa lang na kahit na ganito ako, ganyan ka pa din saken. Na walang nagbabago as the days go by...............fly by..............^_^ Na kahit na anong intriga ang umikot sa pagitan nating dalawa nung mga nakaraang araw, nanatili kang matatag at hinarap ang kontrobersiya ng walang kemedu at churvaloo. Nawa'y mas maging matatag pa ang ating bolahan sa mga darating na panahon, kahit na madalang yung mga panahon na magkasama tayo, Kahit na minsanan lang din tayo mag-usap ng seryoso.

Hanggang dito na lang muna, magpe-facebook pa ko...Nyahahahah..Me lab yu :)

Jen

20.10.09

Clausthrophobia


Sometimes you have to put walls around you; not to keep people out, but to see who cares enough to break them down just to be with you.

Minsan nakakatuwang magbalik-tanaw sa mga bagay-bagay na nangyari sa buhay mo / ko. Parang nakakainis na nakakatuwa yung pakiramdam. Nakakainis dahil may mga bagay na hindi ka nagawa, pero sa isang banda- nakakatuwa din maalala na may mga bagay kang nagawa na hindi mo dapat ginawa pero pinili mong gawin - na ikinabuti naman ng lahat.

Sabi nga nila, mas mabuting masaktan ka- atleast may mga bagay kang natutuhan. Kung halimbawang nadapa ka, isipin mong ok lang yun. Kase pag tagal ng panahon, at nakita mo yung naiwan na peklat sa tuhod mo, maaalala mo kung gaano ka katanga maaalala mo yung pinagdaanan mo, lahat ng natutuhan mo, lahat ng hirap, pagod, pasakit at kung anu-ano pang katangahan mga bagay na ginawa mo sa buhay mo.

-------------->
xyz: Ei, musta na?
ako: anung pakielam mo?
xyz: suplada naman, komo't nkapag-abroad ka ganyan ka na...
ako: excuse me Mr. user-friendly?

------------->
Siguro nga nagbago ang mga pananaw ko simula ng mawala sa landas ko ang kagaya ni Mr. User-friendly. Nagbago ang tingin ko sa mga bagay-bagay. Nagkaroon ako ng mas malalim na paniniwala ukol sa mga bagay na dati ay iniisantabi ko lang. At higit sa lahat, isa sa mga bagay na natutuhan ko ay:

Ang mahalin muna ang sarili ko bago ako magmahal ng ibang tao

24.8.09

Distansha Amigo

Hindi ko na halos matandaan kung paano kita nakilala. Ikaw, natatandaan mo pa ba? Dun ba tayo unang nagkakilala sa ilalim ng punong acacia? O nakabungguan kita habang ako ay padaskul-daskul na tumakbo sa gitna ng klase? Pakalat-kalat ka naman kase pare., di mo man lang inisip na baka may lampang pwedeng madapa sa nakaharang mong mga paa. Naalala mo pa ba kung paano ako nadapa at nangudngod sa mismong harapan mo? Oo, ako tandang-tanda ko pa. Tandang-tanda ko pa kung paano kita gustong sugurin ng suntukan ng mga panahon na yun. Habang namumula ako sa sobrang pagkapahiya ay namumula ka din sa sobrang kasiyahan dahil nabiktima ako ng iyong patibong. Pasensya na, engot talaga ko minsan. Makakabawi din ako mag-antay ka lang.

Lumipas ang mga taon, buwan at araw, ang mga awayan natin ay napalitan ng pagmamahalan. Oo, matapos nating maghiwalay ng humigit-kumulang dalawa hanggang tatlong taon. Muli tayong nagkita at binigyang-daan natin ang isang matamis na pagmamahalan - pagmamahalang hindi natin inaasahang agad din nating mapapabayaan at mapupunta sa kawalan.

Oo nga't naging malupit ang pagkakataon sa ating dalawa. Madaming mga pagbabago, madami tayong pansariling pangarap. Kinailangan nating mamili - Ngunit bakit nga ba kinailangan pa nating mamili? gayung maari naman nating abutin ang mga pangarap na yun ng magkasama?

At dun nga nagwakas ang lahat......

----Entry from my Journal dated: June 12, 2003

18.7.09

--xoxo--


Someone once told me that the power in all relationships lies with whoever cares less, and he was right. But power isn't happiness, and I think that maybe happiness comes from caring more about people rather than less...--quote from Ghosts of the Girlfriends past. ^^,

2.7.09

I had learned that...

- giving out some hanging statements might lead to confusions and misunderstandings.
- The golden rule : "Do unto others what you want others to do unto you" basically applies to every individual ALL THE TIME, no exceptions, no alibis.
- The secret to happiness is CONTENTMENT.
- Rebounders are like canine dogs, they can easily smell girls who are grieving from their past relationships and make them fall in love and then leave you hanging once they get what they want.
- Wishes do come true. Just hold on to it and it will happen.
- There will always be someone who will love you when you least expect it.
- Letting go is apparently part of our lives.
- Friends do come and go. But they will always remain forever in our hearts no matter how vast the distance is.
- Human beings are created weak. period.
- Some people who appears to be strong is exactly the opposite of their physical aspect, at times, they are the ones who are very emotional inside.
- The most crucial part of growing up is the mere fact that you are "getting older", and it is inevitable. Whether you deal with it, or you live with it. Haha.
- Challenges will make you strong so we should be thankful that trials come in and out of our lives.
- Beauty is essential to the eye. But beauty fades as time goes by.
- Moving forward in ones life has one secret. ACCEPTANCE.
- A dream will remain a dream not unless you do something about it.

13.6.09

12

hindi ako maganda
Hindi ako perpekto
Hindi ako matalino
lalung hindi ako talentado.

Hindi ako mabait
ako eh wanport na lukaret,
Marami akong kakulangan
Pero lahat ng yun, iyong pinunan.

Korni lang..:D Wala ehh..yan lang naiisip ko. Tsktsk. Wag na kayong pumalag. hehe.

15.5.09

Matalino

Ano nga bang kulay ng ribbon ko noong kinder ako? Blue? Red? Yellow? Sabi kasi ni Titser, kapag madami kang ribbon, at iba't iba ang kulay nito,ibig sabihin matalino ka. Pero yun nga ba talaga ang basehan ng pagiging matalino ng isang tao?. Hmm.."oo anak, kaya dapat madami kang medal..para lagi ka itreat sa jollibee..."

"Di ko po kayang basahin yan...o-n-e-...ONE!"...
"Di ko po kayang magsulat sa kanan Ma!!!,bakit mahirap po magsulat? parang sa inyo napakabilis lang?"

Nagtapos ako ng may karangalan sa elementarya at hiskul. Di rin naman ako pahuhuli pagdating sa college. Pero, sa tingin ko, kung anuman ang nakuha kong karangalan sa paaralan ay hindi sapat upang sabihing matalino nga ako. Ayokong matawag na matalino.....

Dahil ang matalino, hindi nagkakamali.
Ang matalino, ay malapit sa salitang perpekto.
Ang matalino ay hindi nasasaktan- dahil naiisip niya ang mga dapat niyang gawin bago niya pagdesisyunan ang isang bagay.
Ang tunay na matalino.....




hindi kagaya ko........

8.4.09

Scattered thoughts...

***Why do people hang on to something, even though they knew all along that there was nothing to hold on to?

***Why do people keep on believing into something that was only a "lie" all along?

***Why does smiling means you're just hiding all the pain inside of you?

***Why did God created all these "False hopes" for me?

***Why do we have to wait in vain for a "miracle" to happen?

***Why do people keep on telling lies just to make you happy? Isn't it better if they will just tell you the truth, than completely hurt you with a stupid lie?

27.3.09

Echoz...

DISKLEYMER NOTIS: Ang pagkakahabi ng mga kuru-kuro, salita, pangungusap at talata ay sinulat ng nakapikit kaya nararapat na basahin ng may "malupit at bonggang bonggang pang-unawa.

Pag-ibig
Pag-ibig
Pag-ibig.
< Hindi isang brand ng shampoo, toothpaste, pabango, damit, cooking oil, o kung anupamang pangunahing pangangailangan na ginagamit / nagagamit mo sa araw-araw.
< Ang pag-ibig hindi nabibili sa tindahan, groceries, supermarket, mall o kung saang lupalop na binibilhan mo ng mga kung anu-anong mga kaartehan na ginagamit mo sa bahay / buhay.
< Ang pag-big (daw) hindi tumitingin sa brand ng blouse / polo, pantalon, sapatos na suot mo. Sa kotse, bisikleta, padyak, jeepney na sinasakyan mo. Hindi rin base sa dami ng regalo - pera (dolyar, dirhams, peso, lapad, dinar, ruppee, yen), bulaklak (santan, kampupot, yellowbell, gumamela, rose, tulips), chocolate (toblerone, m & m's, hersheys, goya, lala,serge, big bang, cloud 9), tula, alak, psp, laptop, kotse, o kung anumang luho na pwede mong huthutin este ibigay / maibigay pala sa taong mahal mo.
< Hindi rin base sa dami at dalas ng holding hands, akbay, kilig, kaba, chuvachoochoo, chukchakchenez, chever, at kung anu pang chuva at mga kalokohan na nararamdaman mo pag kasama mo sya.
< Kung paano mo nauumid ang dila mo pag may sasabihin ka sa kanya.
< Sa pagtawa mo kahit sa pinaka-corny na joke na narinig mo galing sa kanya. Sa pagpilantik ng iyong false eyelashes kapag sinasabi niyang "Mahal na mahal ka niya" (hindi mo nga lang alam kung pang-ilan ka sa sinasabihan niya nun?).
< Sa atat na atat at halos makabali daliring pagmamadali mo masagot lang agad ang mga text mesyeds galing sakanya.
< Sa mala-yelo mong boses na punung-puno ng kaba kapag tumatawag sya sa fonella.
< Ang mga awiting biglaan mong nakakanta out of nowhere. Ang hindi pagtulog sa gabi kakaisip kung iniisip ka rin nga ba niya? at ang nakakabaliw na tanong na "Hanggang kailan kaya?" (ang alin, ang alin nga ba?),
< ang hindi maipaliwanag na nararamdaman, ang pagtalas ng memory at pag-alala sa bawat isang katagang nabanggit niya,
< Ang pagngiti sa kawalan at biglaang pagliwanag ng dati ay madilim at masungit mong mukha (without the help of Dra. Belo o Calayan).
ppprrrTTTTTTttttt.....
Taym pers...
seryoso..
seryoso muna tayo...
Hindi ko pa din alam ang nararamdaman ko hanggang sa mga oras na ito. Sampu ng dalawpu, tatlumpu, apatnapu, limampu, animnapu, pitumpu, walumpu, siyamnapu,at isang daang beses(mahirap magbilang sa tagalog ay swer), makakating daliring nagtanong saken kung sino si....at kung ako nga ba ay...... hai...Kahit mabuhay pa ulit si Pope John Paul II at bendisyunan ako, bulungan ng "sweet nothings" ni busmate, tugtugan ng "Lab mubs" ni pyanista, di ko pa din alam kung anoooooooooooo nga ba tohhhhhhhhhh!!!!!! Kinunsulta ko na din si Dr. Phil, Si Joe D'Mango, Si Bo Sanchez, maging si Bob ong at si Naynay at kung sinu-sino pang cast of characters na pwede kong tanungin. Nagbigay na ng babala ang kalangitan at nagpaulan ng yelo sa lugar na kinasasadlakan ko. Hindi ko pa din maipaliwanag kung ano o kung bakit ako may disorder na ganito (amf! disorder na talaga sya!)
Teka,...corny naaaa!!! tama na muna tong kalokohan na to.hehe..bukas naman ulet..:D

12.2.09

......s3nT!......

Bakit kaya hindi kayang gamutin ng doktor ang sarili niya?



Tinatanong ko yan sa sarili ko nung nasa 2nd yr. highschool ako. Minsan nagtataka ako, kung ano nga ba ang meron sa aken at ako pa ang napipili ng iba upang pagsabihan ng mga problema ng mga kaklase at kaibigan ko, samantalang may class adviser at guidance counselor naman sa eskwelahan. Pero, kapag naiisip ko ang mga payo at alingasngas na nasasabi ko para makaramdam sila ng kaginhawaan (kahit papano),natatanong kong muli sa sarili ko ang katanungang iyan.

Lumipas ang mga panahon, nagka-edad ako ng ganito at patuloy pa rin ang agos at takbo ng film ng camera. Tuloy pa rin ang kwento ng buhay hanggang sa makarating sa dapat paroonan,at sana makarating pa rin sa nais paroonan. Marami na akong nakabungguan ng siko, nabatukan, nasapak, namura, nginitian, tinawanan, binungangaan, inismiran, iniyakan, hinangaan, siniraan,at pinabayaan. Ngunit, buhay pa din ang katanungang yan sa isip at puso ko. Nagtataka at nasasaktan kasi ako, kung bakit ganun. Bakit kailangang madapa ka muna, bago ka bumangon sa isang pagkakalugmok. Bakit kailangan mo muna magmahal, bago ka masaktan? Bakit kailangan mo muna magtiwala at umasa pero bukas makalawa lang, nilipad na kasama ng hangin ang mga pangakong yun. (teka,ano nga bang inaangal ko?). Bago ko pa makalimutan ng tuluyan ang nais kong maiparating na meseyds. Nais ko muna ialay ang maikling mensahe ko para sa aking kaibigan na si Biiba:

Sinabi mo kasi kanina saken na nakita mo saken ang imahe ng isang tunay na kaibigan (tama ba?hehe). Na wag sana lalaki ang ulo ko dahil sa papuri niyang yun para saken. Alam ko nababasa mo to. Pero pinigil ko yung mga salitang gusto ko talagang sabihin kanina dahil.....nasasaktan ako kapag may nagsasabi saken niyan. Lalung-lalo pa na sinasabi yan saken ng isang tao kapag alam kong handa na siyang iwan ako at ipagpatuloy ang buhay niya ng wala ako sa tabi niya. Masakit isipin, and at the same time nakakataba ng puso, na oo..naging mabuti akong kaibigan sayo at ikaw din naman sa akin. Ikaw lang din ang nakakaintindi saken, isama na natin pati sina Lulu, Morgan, Amy at Doding daga, pati na ang mga myembro ng ninja turtles at ng kung ano pang kulto sa tabi-tabi. Alam kong nagtataka ka kung bakit parang sa dinami-rami ng mga bagay na sinabi mo saken, isang ngiti at mahinang "ok lang yan" ang sagot ko sayo. Isang munting payo lang bago ka umalis at ipatuloy ang iyong paglalakbay, mag-iingat ka palagi at mahal mahal kita. Higit pa kay F, at sa kung sino mang napagdidiskitahan ko sa tabi-tabi. Tinuring na kitang malaking parte ng buhay ko at sana, wag mong kakalimutan ang pinagsamahan natin. (isang tagay sa tagumpay!). Xaxa, hindi tungkol sayo tong post na to kaya ang ibang meseyds sa ibang araw naman.

Napupuno ako ng mga negatibong emosyon sa kasalukuyan. Mga emosyon na ayokong maramdaman sa mga susunod pang araw. Pinipilit kong maibsan ang lungkot at takot na namumuo sa aking puso. Subalit, sa pagsapit ng takipsilim, naiisip ko pa din. Kung mabuti akong tao , bakit lagi akong iniiwan ng mga taong mahal ko??????


"hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."--BOB ONG