28.12.09

Birthday

Nakalimutan ko na palang maggawa ng post. Narealize ko lang nung masilip ko tong page ko na halos ayaw nang bumukas dahil may agiw at alikabok na sa paligid.....

achooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooo............

Late ko na din mababati ng Happy Christmas (oo, HAPPY CHRISTMAS kase ang usong greetings dito kesa sa MERRY CHRISTMAS).Tinanong ko nga yan kay Pong, sabi nya, pareho lang naman ng meaning. Hmmmkei. Makes sense.

HAPPY = MERRY = MASAYA

Ayus na din, katanggap tanggap nang dahilan. Kahit naman anupang pagbati ang gawin nila, iisa pa din ang meaning ng CHRISTMAS - yun eh yung pagdating ni Baby Jesus sa mundo para iligtas tayo sa mga nagawa nating mali. Ahmmm pwede nyo ba ko palakpakan? Eh kase, nakumpleto ko yung simbang gabi this year....

yahuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuu....

O sige, at busy pa din ako...dumaan lang ako para batiin tayong lahat ng Merry Christmassssssssssssssss ^__________^

9.12.09

Ikaw

Habang lumalaki ang pagitan ng mundo namin ni Tertel, at tumataas ang pader na humaharang sa aming dalawa, unti-unting nagiging muling malapit ang mundo ko sa'yo. Nakakatuwa sapagkat sa wakas ay naisipan na nating talikuran ang mga bagay na namagitan sa ating dalawa once upon a time. Sabi ko nga, karapatan din naman nating magmove on. ...Move forward..Kase ang buhay natin, hindi naman paatras. :)

Tuluy-tuloy ang kulitan, kantsawan, at asaran. Pareho nating pilit tinatakasan ang pait na dala-dala ng nakaraan.

Ang kalungkutan.
Ang ating masayang pagmamahalan.
Ang ating malungkot na pagpapaalamanan.

Muli akong natakot sa iyong pagbabalik sa aking buhay. Ganun kahirap kapag walang closure gaya nga ng sabi ko sayo. Ganun kahirap kalimutan ang mga gabing iniyakan ko ang walang kwentang mga sulat mo. Ganun kahirap kalimutan ang mga alaalang sabay nating binuo simula pa nung mga bata tayo. Ganun kahirap kalimutan ang iyong mga ngiti. Ang iyong mga nakakatunaw na tingin. Ganun kahirap na pulutin muli ang aking sarili kung sakaling mahulog na naman ako sa'yo sa pagkakataong ito.

Palihim akong namili.
Nag-isip.
At nakinig.
Hinintay ko ang iyong paliwanag.
Pero wala kang isinagot kundi katahimikan.

..................................
Katahimikang nakamamatay,nakakabingi --- kagaya ng realidad na patuloy nating pinapaasa ang isa't isa sa mga bagay na matagal naman nang nawala at namatay..........

6.12.09

Bakit ka tinamad mag-blog?

  • Walang kang maisip na matinong bagay na pwedeng idiscuss sa blog mo, o kung meron man, sobrang nakakahiya ipangalandakan sa buong mundo...in short - sobrang NONSENSE.
  • Tinatamad ka na mag-isip at magpalawak ng isang particular subject na napili mo. Nawalan ka din ng gana na magresearch gamit si pareng gugel at nagfocus ka na lang sa pagtatanim sa farm mo.
  • Masyado kang naapektuhan sa paglalaladlad ni Friendster, o ngayon na-realize mo, BERDE pala ang dugo nya. Dun pa din ako sa Farmbook,madami nang applications, ang sarap pa makipag-asaran sa status msgs ng mga kaibigan mo.
  • Naapektuhan ka ng kumakalat na epidemya ng pagiging BUSY. Ingat lang, nakakamatay yan. *eyeroll*
  • Nagkasakit ka. At natulog maghapon kung kelan gising ang lahat. Tapos, nung nagising ka, tulog na silang lahat. Inulit mo lang ng inulit ang routine at presto! Walang nagbago kahit nung gumaling ka - adik ka pa din. nyahahah.
  • Busy ka sa tapings, prescon, at kung anu-ano pang churchur na meron ka sa buhay mo. Hayy..lahat ng tao busy, may magaling lang maghandle ng sked. Ehemmm
**Umaapdeyt lang po :) naiiwanan na ko ng bloggywood ehh...^_^