Tuluy-tuloy ang kulitan, kantsawan, at asaran. Pareho nating pilit tinatakasan ang pait na dala-dala ng nakaraan.
Ang kalungkutan.
Ang ating masayang pagmamahalan.
Ang ating malungkot na pagpapaalamanan.
Ang ating masayang pagmamahalan.
Ang ating malungkot na pagpapaalamanan.
Muli akong natakot sa iyong pagbabalik sa aking buhay. Ganun kahirap kapag walang closure gaya nga ng sabi ko sayo. Ganun kahirap kalimutan ang mga gabing iniyakan ko ang walang kwentang mga sulat mo. Ganun kahirap kalimutan ang mga alaalang sabay nating binuo simula pa nung mga bata tayo. Ganun kahirap kalimutan ang iyong mga ngiti. Ang iyong mga nakakatunaw na tingin. Ganun kahirap na pulutin muli ang aking sarili kung sakaling mahulog na naman ako sa'yo sa pagkakataong ito.
Palihim akong namili.
Nag-isip.
At nakinig.
Hinintay ko ang iyong paliwanag.
Pero wala kang isinagot kundi katahimikan.
..................................
Katahimikang nakamamatay,nakakabingi --- kagaya ng realidad na patuloy nating pinapaasa ang isa't isa sa mga bagay na matagal naman nang nawala at namatay..........
12 comments:
sana'y di ko makitang maglaho ang posteng ito.. kagaya nung nauna! lolz!
hindi ako makarelate sa mga usapang closure at move on na yan! (aw!)
dahil tinanggihan ko na ang mag-move on! dahil ayokong tanggaping may nawala. dahil pilit kong ibabalik ang umalis!
at para sayo jen,
hindi ko alam kung anong nangyari noong mga bata pa kayo. pero kung sakali mang bumalik nga sya sa mundo mo sa panahong kasalukuyan...
hindi mo naman kailangang maapektuhan... kung lubos kang nagmamahal!
Kumuha ka na lng ng Doctorate Degree ng Dedma-tology dun sa Knowledge Vilage! harharhar!
Naiintindihan ko na nga ba kung bakit madalang ang mga poste sa magkabilang panig?...Siguro nga lolzz
Hangad ko kung saan ka masaya Mare :)
@AZEL-Payo lang, mahirap ibalik ang bagay na ayaw nang bumalik magpakailanman..minsan kailangang mag move on :)
teka maka singit nga sa usapang move on na yan... move on? eh panu kung sa kanya mo pinaikot ang mundo mo? wat if sobrang tagal niyo na tapos bigla siyang mamamaalam?
paano ka mag move on kung lahat ng makita mong bagay eh nag papa alala sa iyo na kahit ang dilim eh nag papa alala sa kanya(parang kanta lang yun ah) hahaha
dami kong tanung... sana may sumagot?
usapang move on?
paano ka makakamove on kung dala nya lahat ng gamit mo?
peace.
di ko alam.
di ko gets
**************
no comment pala dapt:D
usapang move on?
paano ka makakamove on kung dala nya lahat ng gamit mo?
peace.
di ko alam.
di ko gets
**************
no comment pala dapt:D
*AZEL
hahahahah
hindi yan mawawala...
kung pwede nga eh paulit-ulit kong ipopost yan hanggang may matauhan...
naks...
yan ang attitude...
:)
bwahahahah....
may mga bagay kaseng ang hirap iwasan lang ng basta...
ang hirap din kapag yung tao
sobrang ASSUMING...
ang nakakainis na parte...
bakit may mga taong
hindi makatanggap
ng pagkatalo nila...
tsktsk...
*CM
mali yang iniisip mo pre...
busy lang kami...
^_^
pero buo pa din ang tandem namin ni Pong..(pagong)
heheheheh
*SAUL
hmmm
isipin mo na lang....
nung nagsimula kang ipanganak dito sa mundo, hindi mo naman sya kilala pa diba?
PERO KINAYA MONG MABUHAY..
kinaya mong gawin ang mga bagay na nakasanayan mo gawin.
alam mo...
may nakapagsabi nga saken
nasa utak lang natin yan lahat....
kase ung utak natin yung nagsesend ng signal sa ibang parts ng katawan natin kung ano yung dapat nyang gawin....
simpleng anatomy lang 'bro...
i-apply lang natin sa tunay na buhay..
mahirap sa simula...
pero hindi kailangang humantong sa COMATOSE
and worst,....
MERCY KILLING ^_^
(ayan sumagot na ko)
hahahahah....
*KOSA
hahahahah
taeka,..
ano toh lipat bahay?
hahahah....
adik..
ndi pala gets bakit dalawa yung comment mo?
tsktsk...
di rin ako makarelate sa moveon thing na yan pero ang maipapapyo ko lang eh may mga bagay talaga na kailangang pakawalan di dahil sa sumusuko na tayo at di na natin ito kayang ipaglaban kundi dahil ang pamamaalam ang nararapat gawin para sa bagay na ating nararanasan..
move on?! closure?! sa lablyf di ako makakarelate,pero sa usapang trabaho pwede! weeh!
Closure..dahil nagresigned na ako..
Move on...sa bagong work ko! weeh!heheh!
see http://www.kunejo1.blogspot.com
hmmmm.... kokomentz pa bah akoh?!... checheer na lang akoh sa new career nyo ni batman.... yey!!!... lolz... ingatz lagi sis Jenn... Godbless! -di
aaaahhh...pano ba magreact dito...ahahaha
ang hirap naman...
MERRY KRISMAS na nga lang, ahahaha:P
Post a Comment