23.1.10

Remote ME....

Sanay akong mamuhay ng mag-isa. Ng magdesisyon mag-isa, at gumawa ng mga bagay na nakasanayan kong gawin ng mag-isa lang. Naging kuntento ako sa mga bagay na nasa paligid ko , kahit na madaming kakulangan sa buhay ko sa mga oras na ito. Naging masaya ako sa kabila ng mga agam-agam na nakapaloob sa puso ko sa mga oras na ito. Pero pinipili kong manahimik at pikit-matang harapin ang bawat araw ng may pag-asa sa aking puso.

Hanggang sa dumating ka.

Aminado akong natatakot ako sa tuwing binibisita mo ako. Sa tuwing dumadaan ka paminsan-minsan at kumakaway sa buhay ko. Lahat ng routine ko eh binabago mo. Sabi ko nga, para kang si HITLER kung makautos saken. Porke ba uto-uto ako eh ganyan mo na ko kung ituring? Matanda na ko kung tutuusin para diktahan ng mga bagay na kailangan kong gawin sa araw-araw. Pero pinagbibigyan kita dahil alam kong masaya ka pag nakikita mong sinusunod kita. Kahit alam kong palpak at wala sa hulog ang mga bagay na idinidikta mo, pinagbibigyan kita.

Hanggang sa mapuno ako.

Pinili kong umiwas, magpalipas ng oras kapiling ng mga kaibigan ko, ng mga taong hindi ako kailanman diniktahan o pinangunahan sa mga desisyon ko. Pansamantala kong tinanggal ang baterya ng remote na hawak mo. Pagod na kong sumunod. Hayaan mo naman akong mabuhay at kumilos ng para sa sarili ko. Nakakasawa na ang mga pagtatalo natin, hayaan mo muna akong umiwas, at hanapin ang DAPAT para sa sarili ko.

9 comments:

A-Z-3-L said...

iniisip ko kung para kanino... until i noticed the labels...

relax lang...
maaayos din yan!

rants...rants...rants....
nakakapangit yan girl! lolz!

eMPi said...

SMILE lang katapat yan!


SMILE na! :D

JTG (Misalyn) said...

Relax ka lang sissy...like AZEL sa unang basa inisip ko kung para kanino at nasabi ko " Hmmmnn sana naman hindi about sa lovelife nya 'to"....until I saw the labels.

Smile lang sissy....breathe in..breathe out..relax.

Dhianz said...

hanglalim sis jenn.... hmmm.... i guess minsan tlgah kelangan naten mapag-isa... kelangan nang time makapag-isip isip sa mga bagay bagay... kelangan magpalamig.... kelangan lumabas nang bahay keysa nood nang nood nang tv at hawak lang ang remote!... ahehhe... pinapasmile ka lang... kung ano man yan.... maayos den ang lahat... magiging cool den ang lahat... babalik ren sa ayos.... bababalik at babalik ka ren sa remote kc mamimiss moh ang mga shows sa tv.. haha.. pasensya na hanggulo koh.... lagi naman eh... lolz... miss yah sis jenskee!... *hugz tight* nga.... hanggang sa muling pagkikita... yeah kala moh wala akoh kc yeah 'un nga.. wala akoh... wehe.. pero mas d' best pa ren pagkasabi moh.. haha... sori... seryoso kah papatawa daw akoh... nde naman funny... lolz... pagbigyan moh na bihira akoh mag-blog eh... lolz.. laterz sis jen... ingatz! Godbless! -di

2ngaw said...

Kala ko si tartol na eh, sapakin ko sana eh lolzz

Tiis lang Mare, ganyan talaga pag mahal ka ng isang tao :) ... isipin mo na lang paano kung bigla hindi ka nya utusan at magbago ang lahat na parang hindi ka nya nakikita, ano kayang iisipin mo?

Kosa said...

Basta ako,
sa lablayf tungkol to.

maayso din yan at magiging OK kang lahat..
pero ito lang ang masasabi ko,
tulad ng huli kong sinasabi sa blog ko, kung hindi ka na msaya sa buhay mo, bakit hindi mo subukang sumali sa buhay ng iba?
wahahaha

taena.

EǝʞsuǝJ said...

*AZEL
bwahahaha....

in one month time
maaayus din yan..
:))

takte nakakapuno kase ehh...
ndi naman ako maganda kaya ayus lang na umangal!!!!

*MARCO
smileASO
ayus na ba?
^_________^

*MISALYN
hehehe...
never with the lovelife :)

breath in (ayun, amoy yosi)
breath out...
heeheheh...

EǝʞsuǝJ said...

*DHIANZ
hahahahah...
salisi much!

yeah yeah yeah..

IF you can't beat 'em, join 'em...
tssssssss...

*CM
hahahhaha
kaya mong sapakin pre?
*unsure*

tsktsktsk
watever...
naranasan ko na yan, yung isang arw walang pansinan..
and i feel ALOT better...
^_^

*BOGART
anyareh
bakit biglang isinali ang tahimik kong lablayp
bitter mo lang...
hahahah

iya_khin said...

ano ba kasing klaseng baterya gamit nya,energizer o rechargable?! di naman siguro sya gumagamit ng universal remote hano?! relax lang sis,pasasaan eh mapapagod din yan kakapindot kasi magkakakalyo na ang hin-lalaki nya!wee!