26.9.10

Kamusta ka?

Kamusta ka?

Ako, ok lang. Eto, ayus na ayus pa din kahit parang hindi. Na-empacho na ko sa kape-kape-kape. Minsan winiwish ko na sana kasing mahal ng kape dito ang kape sa Pilipinas (magkasing presyo lang pala, pero parang barya lang kung dito mo sya bibilhin, magbasa ka ng dyaryo kung bakit), para hindi na ko maengganyong mag-kape. Kaya lang, anjan sya palagi para tuksuhin ako. Ayan tuloy, parang napakatensyonableng tao ko na.

Pasensya ka na, hindi na kita naaasikaso. Pero maniwala ka, marami pa din akong plano para sayo. Kagaya ng pagme make over sayo, paga-update sayo araw-araw (kagaya ng dati) at ang pag-babantay sayo bawat minuto ng bawat araw. Kaya lang sa ngayon, mangangako muna ako. Abala pa kase ako sa buhay buhay ko. Abala pa ko sa pakikielam sa buhay ng ibang tao ^^, Pagbabasa at panunuod ng kung anu-ano, at inaasikaso ko din ang pers lab ko ♥♥♥ ang pag-awit.

O sige, hindi na muna kita gagambalain. Hayaan mo't darating din ang araw na babalik at magpofocus akong muli sayo. Pero sa ngayon, iiwan muna kita ng pansamantala...

Hanggang sa muli,
Jen

2 comments:

Trainer Y said...

akalain mo un!
may blog ka pa pala..
ahihihi
welkam bakers bakla...

Nortehanon said...

Aw, what a sweet note for your blog :) I'mm sure, naghihintay lang ang blog mo sa yo. Matiyaga siyang maghihintay.