Showing posts with label babush. Show all posts
Showing posts with label babush. Show all posts

14.4.09

Isang awit

Pansamantagal kong lilisanin ang mundo ng pagba-blog. Kung kelan ako babalik? di ko pa alam. Kung bakit ako aalis? Hindi ko din alam. Nyahaha. Kung bakit ko ginagawa tong entry na toh? lalung hindi ko din alam. May aayusin lang ako ng wanport para maging wanhul ang pananahimik ng mga agam-agam dito sa wanport kong utak. Mamimiss ko kayo guys...Pero magiging alerto bente kwatro pa din ako sa mga posts niyo at mga chismis ober hir and der.....Nananamlay lang ang utak ko at hindi sya gumagana ng ayos at may mga bagay akong nais linawin sa sarili ko kaya kelangan ko ng gad damn speys...Basta ill be back soon...hehehe...Iiwan ko na muna tong kantang toh..



Di malaman kung ano ang gagawin
Sa damdamin na 'di ko maamin
Sa sarili
Kung bakit ka pa ba nandiyan

Sabi-sabi ng mga kaibigan ko
Huwag mong pilitin ang 'di para sa 'yo
Ngunit bakit hindi kita malimutan
Sa 'yo ba'y OK lang

CHORUS
Habang tumatagal, lumalala, laging nagwawala
Tumitindi, umiinit, sumasakit ang dibdib
Kaya ako'y gumawa ng awiting ito na alay ko sa 'yo
At sana'y pakinggan mo

Huwag ka sanang magugulat sa akin
'Di ako sanay sa ganitong suliranin
Huwag kang matakot hindi ako manloloko
Kung OK lang sa 'yo

Ngayong alam mo na, sana'y 'di ka mainis
At pasensya na kung ako ay makulit
Pero kung gusto mo, ako na lang ang lalayo
Kung OK lang sa 'yo

14.3.09

Keep Holding On

Isang nagmamadaling post lang toh para sa bonggang plenchip ko na si Biiba. (Tumatakbo ang oras at maiiwan ako ng aking busella pag nagkumupad ako ng pagtipa ng mga letra at lumipad ang aking kautakan sa kung saang lupalop.

Si biiba?
atapang atao yan..
Si Biiba?
kahit madalas kong asarin sige kwento pa rin yan?
Si biiba?
kung kani-kanino ko inaasar yan
Si biiba,
parang ate ko na yan
(pero pag winawalangya ko lang xa nian)

Si yanah..
si yanah si yanah yanah yanah...
Si yanah, nung una kong nakilala
Kinaaasaran ko talaga
Napakaingay, pagkadaldal, akala mo araw-araw beerday niya.
Sabi niya nga isa daw syang masamang impluwensya.
Pero, hanga ako sa kanya.

Isang mabuting ina at asawa kay BBW.
Isang ulirang kapitbahay kay Liezel.
Isang mabuting pinsan kei Jheng2, Jp, at Dudeet.
Mahusay na plenchip ng Friday group.
Sumasalo saken pag tipong di ko na kaya.
Ang unang nakapagpalasing saken sa pagtapak ng paa ko sa dubai
una kong iniyakan ng bongga nung nalaman kong........(ckret namin yan)
una kong kinukwentuhan pag may mga "moments" ako.
Unang tumatawag saken pag naiinip xa sa juraktis
una kong tinatawagan pag gusto kong kumain sa labasan
Una kong binabatukan pag nanggigigil ako sa asaran....

At higit sa lahat....
Sya ang unang taong mamimiss ko pag nawala sa tabi ko..:(

Mag-iingat ka palague.
tandaan mo palagi:
"Wag araw-arawin ang pagkaligaw, hindi komo't libre, pwede yan maya't maya"
"Wag sigawan ang kahera sa kainan, baka lagyan niya ng ipis ang pagkain mo"
"Kumain ng madami, dahil madaming bata ang nagugutom sa Pilipinas"
"Paunahin tumawid ang mga ibang lahi, pag nadali ng sasakyan ayus lang..kesa namn ikaw"
"Magtrabaho ka kahit mabaho ang amo mo, for the love of money"
"Isipin mo, mahal mo na ba talaga? kung cno una mag-fall, xa ang talo"
"Ayusin mo ang pagkanta mo, dahil kung ndi, magagalit ang mga lata sa mundo"
"hindi ka ba tatahimik..eto ka pare...2 words..hehe"

Mamimiss kita biiba...Kaya mo yan..wag kang bibitiw..kung ayaw mong magaya sa sinapit ng iba....Patunayan mo na iba ka sa sinasabi nila. Pag naisip mo na iniwan ka na ng lahat, lumingon ka..andito kami para sayo. :)..ismayL...

7.2.09

I hate goodbyes...



People do come and go...and if they were taken away from you, more probably, someone much better is in store for you.


Sabi nga nila, ang mga taong nakakasalamuha natin, hindi yan panghabambuhay na nasa paligid lang. Iba-iba rin kasi ang takbo ng utak ng tao, iba iba ang mga ugali, mga topak at trip sa buhay, mga weaknesses, mga strengths, weigh ng problema, pagmumuka, pag-aasal at kung ano-ano pang mga pagkakaiba.

Lalung-lalo ako - aminado ako. Oo, abnormal akong nilalang. Bibihirang tao ang nakakasundo ko sa lahat ng bagay. Mahirap kasi hulihin ang mga ninanais at inaayawan kong bagay sa mundo. Kaya nung nalaman ko yung balita kahapon, hindi ko alam kung ano yung mararamdaman ko...

Rewind...

Nakilala ko sya nung baptism proper sa Singles for Christ. Iyak kasi sya ng iyak, este kami pala. Tapos kung gaano kadalas yung pagtulo ng mga luha sa muka niya, ganun din kadalas yung pag-eexcuse niya para magpunta sa "toilet". Isa, dalawa, tatlong beses ata ang pinalipas ko bago ko sya nilingon para pansinin. Pakiramdam ko kasi sa mga panahon na yun, walang gugustuhing makinig sa mga jologs na banat ko sa buhay. Nginitian ko lang sya nung una, tapos sya na mismo ang nag-initiate ng usapan..usapan na napunta sa kung anu-ano. Akala ko kasi sya yung isa sa mga participants dun na kapangalan ko. Eh ayun, mali pala kaya agad agad, itinuro niya ang neymplate na suot-suot niya. (Nagtataka pa nga ako kung bakit bagong-bago ung sa kanya samantalang pang-ilang session na yun, pag tagal ng panahon saka ko nalaman na pinapapalitan niya pala at dinadahilan na nawala, pra lang gawing memorabilia sa kwarto niya..haha..peace).

Pagtapos nun, nagkasama na kami sa mga lakaran, kulitan,kainan, kantahan, iyakan, pikunan. At kung anu-ano pa. Ambilis nga lang panahon. Parang kulang pa yung mga lakaran, kulitan, kantahan, iyakan, pikunan, at kung anu-ano pang ginawa namin ng magkasama at heto't kelangan niya nang umalis. Kaya nung tinatanong ako ng iba naming kaibigan kung anong nararamdaman ko (bilang pinaka-close sa kanya), wala akong maisagot kundi isang pilit na ngiti. Alam ko naman kasi , na eto yung nararapat para sa kanya.

Salamat sa lahat. Para sa pagiging inspirasyon at pagiging mabuting kaibigan. Sa mga sermon at pakikinig. Sa walang kamatayang kowts tungkol sa "moving forward" na yan. Sa mga ngiti na hindi ko malaman kung minsan ang dahilan. Sa mga kwentong minsan nakakainggit na (nyahaha). Sa pagiging "ikaw" sa lahat ng bagay at pananaw. Maghihiwalay man tayo ngayon, alam kong magkikita pa tayo sa hinaharap.