Showing posts with label tukmol. Show all posts
Showing posts with label tukmol. Show all posts

18.6.09

Lab 101

Good things comes to those who wait....



18.5.09

Handa ka na ba?

Ang isang piraso ng walis tingting, pag pinagsama-sama at naging isang bungkos, madaming mawawalis. Kagaya nating mga blogero / blogera, kung tayo'y magsasama-sama at magtutulungan sa isang adhikain, madami tayong mawawalis - este magagawang pagbabago...TUKMOL

Minsan ko na ding pinangarap na makagawa ng paraan para makapagbigay ng pagbabago. Nilisan ko ang dati kong pamumuhay at ako'y napadpad dito sa lupa ng mababahong nilalang. Hinanap ang magagandang bagay na hindi kailanman kayang higitan ng mga materyal na bagay na nakamit o makakamit ko pa lamang. Sa paraang yun, mas naramdaman ko ang kahalagahan ko --hindi bilang ako lamang, kundi ang kahalagahan ko sa ibang tao, at ang kahalagahan ng ibang tao sa akin.

Isa ang pagsulat at pagbabasa sa mga bagay na kahit kailan ay hindi ko pinagsawaang gawin. Malaki rin ang aking pagmamahal sa musika ngunit kung titimbangin, alam ko na mas mananaig ang aking passion sa pagsulat. Ewan ko, pero mas nakakaramdam ako ng kalayaan at kapayapaan pag ako'y sumusulat at nagbabahagi ng wanport kong mga nalalaman at natututuhan sa araw araw.

Kailan lamang ay isang kaibigan ko ang nagsabi sa akin na : "Hindi ka bibigyan ng isang bagay, kung hindi mo ito magagamit sa hinaharap..". Ngayon ko napagtanto na tama sya. Tama lamang na kung ano ang mga blessings na natatanggap ko sa araw araw at maging ang mga pagsubok na nadaraanan ko, eh makakatulong di lamang saken, at maging sa ibang tao na rin, kung kaya't kailangan at marapat na ibahagi natin iyon sa iba...

Kaya ngayon ay make myself busy ang drama ko sa buhay. Hindi sa kadahilanang may mga bagay akong nais takasan-kalimutan-iisantabi sa ngayon. Sabi kasi nila...

If you know your purpose in your life, you will not have trouble living your life...

29.4.09

Tukmol


Ayokong masanay sa isang bagay na alam kong mawawala din naman saken pagtagal ng panahon...

14.4.09

Isang awit

Pansamantagal kong lilisanin ang mundo ng pagba-blog. Kung kelan ako babalik? di ko pa alam. Kung bakit ako aalis? Hindi ko din alam. Nyahaha. Kung bakit ko ginagawa tong entry na toh? lalung hindi ko din alam. May aayusin lang ako ng wanport para maging wanhul ang pananahimik ng mga agam-agam dito sa wanport kong utak. Mamimiss ko kayo guys...Pero magiging alerto bente kwatro pa din ako sa mga posts niyo at mga chismis ober hir and der.....Nananamlay lang ang utak ko at hindi sya gumagana ng ayos at may mga bagay akong nais linawin sa sarili ko kaya kelangan ko ng gad damn speys...Basta ill be back soon...hehehe...Iiwan ko na muna tong kantang toh..



Di malaman kung ano ang gagawin
Sa damdamin na 'di ko maamin
Sa sarili
Kung bakit ka pa ba nandiyan

Sabi-sabi ng mga kaibigan ko
Huwag mong pilitin ang 'di para sa 'yo
Ngunit bakit hindi kita malimutan
Sa 'yo ba'y OK lang

CHORUS
Habang tumatagal, lumalala, laging nagwawala
Tumitindi, umiinit, sumasakit ang dibdib
Kaya ako'y gumawa ng awiting ito na alay ko sa 'yo
At sana'y pakinggan mo

Huwag ka sanang magugulat sa akin
'Di ako sanay sa ganitong suliranin
Huwag kang matakot hindi ako manloloko
Kung OK lang sa 'yo

Ngayong alam mo na, sana'y 'di ka mainis
At pasensya na kung ako ay makulit
Pero kung gusto mo, ako na lang ang lalayo
Kung OK lang sa 'yo

30.3.09

Rebelasyon

Maraming tao ang nag-akusa saken na "inlab" ako. (dumating din sa punto na inakusahan ko yung sarili ko pero naliwanagan na ko ngayoooon! Marami din ang umapela at nagbigay ng kanya-kanyang mga kuru-kuro tungkol dito. Pero babasagin ko na ang mga trrrrriiiiip nyo ngayon. Hehe

PLASBAK:

Naging problemado ako nung mga nakaraang buwan. Kaya nga't ngayon eh medyo hindi maganda ang lagay ko. Pero kayang-kaya naman. Keri lang gaya nga ng lagi kong sinasabi. Hindi ko na kelangan pang isa-isahin ang mga dilemma nung "mga problemang" yun, pero alam kong maliit na bahagdan lang yun ng mga problema ng ibang mga tao sa paligid-ligid. Pero, nasubukan kong wag makatulog, o makatulog ng dilat dahil sa kapakanan ng maraming taoooooooooooo. Parang nag-aalaga ka ng isang sanggol na bagong silang. Nyay. Hehe.

Magpapaliwanag ako....
Taym pers!!!!

Lahat ng tao dumadaan sa mga "trying times" ng buhay nila. Kung saan kelangan nilang gumawa ng malulupit na mga desisyon para sa ikabubuti ng ekonomiya ng kanilang sistema sa buhay. Ako, nagkaron ako ng mga nakakawindang na eksena sa buhay ko nung mga nakaraang, nakaraan. Ah basta. Past is past, oraytie.. Leave it all behind. Hehe. At nung mga nakaraang araw nga, eh "mejo" nakaramdam ako ng matinding kasiyahan - parang kasiyahan at energy galing sa isang nagdadalagang mukang binata na si ako (haha), pero napag-isip isip ko din na may mga ibang bagay na dahilan ang lahat at di lamang sa pagmamahal ulit ko maisisisi ang lahat.

Although pinagsisigawan ko sa mundo na single blessedness ako ngayon, (sooo waat?!!!?!!!)alam kong hindi pa ulit napapanahon para lumandi ulit. Tama, hindi pa napapanahon kaya dapat behave lang muna ako at magfocus sa aking singing at counting career, dahil may mga bagay bagay pa sa paligid ligid na pwedeng magpasaya saten bukod dun.

Yan yung pilit kong pinag-iisipan at nararamdaman na hindi ko mai-express nung mga nakaraang araw (apir tayo Azel at kuya Kenji). Mas naenjoy ko lang ngayon kung ano yung mga biyaya na pinagkakaloob saken ni Papa God sa araw araw na ginigising niya ko sa umaga. Nawala na kasi saken yung negative vibes (anu toh feng sui?haha), mga tamang angal at angas sa buhay at kung anik anik na nagpapatubo lang naman ng aking mga pimples (dagdag gastos lang sa derma). May napagdiskitahan lang siguro ang mga namimilog niyong mga mata kaya akala niyo eh may-i-fall ang drama ko sa kanya. Hehe. Matagal bago maniwala si Jen at hindi basta basta nagpapadala sa unang nararamdaman niya. Hmf.

Ayus..yun lang..nilinaw ko lang..hehe..

17.3.09

Legs legs..awww..:))

At dahil hindi na ko makapag-antay at hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko na gawin tong tag na pinasa sa aken ni CM, eto na at pinapakita ko na sa inyo ang hita, legs, o kung anuman ang pwedeng itawag jan sa nakikita nyo sa pekshur...Pasensya na at hindi ako biniyayaan ng seksing-seksing at maputing kahitaan--hindi naman toh pag-aartista diba..Katuwaan lang naman..hehe..

Mabuti na rin at naisip ipasa saken toh ni panaginipman - dahil sobrang napagod ng sabay ang mga daliri at kamatahan, at kautakan sa trabaho kanina. At hindi pa din tapos ang senakulo ko sa opisina, tingin ko nagsisimula pa lang sya.

Ang laki ng hita ko nho...
Eh kasi mahilig ako magbike at maglakad sa tabi tabi nung kabataan ko pa lang. Ayan at tinubuan na sya ng bonggang kamaselan, at kung anu-anong mga kaugatan.

At dahil para itong isang epidemya na dapat na maipasa---ipapasa ko toh kei.....Jez at Gillboard. Ayun na..Hehe..walang Kj ah..

3.2.09

Baliktanaw makalipas ang dalawang taon

Naaalala ko pa. Sa parehong araw at buwan, minsan kaming nag-sumpaan. Na mag-iibigang tunay at di kailanman mag-iiwanan.


Subalit sa paglipas ng mga araw at buwan,
ang mga awayan ay naging madalasan.
Ang tampuhan ay umabot sa sukdulan.
Ang bawat pangarap hinayaan na lang lumipad sa kawalan.