Showing posts with label tanong. Show all posts
Showing posts with label tanong. Show all posts

21.10.09

Mood Swings

"Moody ako
Tinatanong pa ba yan
Moody ako
Kelangan ko pa bang ulit-ulitin sayo yan?
Moody ako
wag mo nang tangkain pumalag dahil sa lahat ng usapan -
hindi ka dapat kumontra...."

Karamihan saten eh hindi pinapansin kung ano ang maganda at tamang bagay kapag una na nating napuna yung mga mali at kakulangan ng bawat isa. Parang pag kumain ka ng fried chicken tapos walang gravy (bawal kase dito ang gravy). Minsan iaangal mo pa pati baling buto ng pakpak ng manok na kinakain mo. Yung kupas na kulay ng tshirt mo, yung sirang takong ng high heels mo, lahat na lang inangal mo, pati yung kabahuan ng kili-kili ng amo mo, inaangal mo pa sa iba. End of the story....

Pero tignan mo mabuti - sa likod ng mga bagay na inaangal mo, may mga bagay na hindi mo napapansin dahil napipili mo lang na pansinin ang mga bagay na TAMA at ayon sa kagustuhan mo. Hindi mo napapansin ang mga bagay na hindi mo napapansin dahil nagkukumitid at nagsusumingkit ang utak mo kakaisip ng mga bagay ayon sa sariling pananaw mo sa buhay. Paano na lang kung mali ka ng akala? Paano na lang kung may TAMA pala sa likod ng bawat MALI? Eh paano naman kung yung akala mong TAMA eh nagkukunwari lang palang MALI? Maglalaro ka na lang ng iniminimaynimo?

May mga pagkakamali tayong nagagawa dahil sa pagdedesisyon natin sa panahon na pinangungunahan tayo ng PALPAK at WALA sa LUGAR na EMOSYON naten. Breathe in; Breathe out --- chillax. Iiyak mo habang libre pa ang luha,....
"Kung sakaling hindi matuloy ang mga plano mo para sa mga darating na araw, ituloy mo na lang sa ibang panahon, malay mo - kaya hindi pwede sa mga oras na gusto mo, may MAS tamang ORAS pa para dun"


kausap ko lang sarili ko :)

16.4.09

Gad dam speys (edited)

Anung pinagkaiba ng selfish sa greedy?
Tinatanong nya yan sa sarili nya habang nananahimik siay nung mga nakaraang araw. Nilibot niya ang tunay na mundo, at inalam kung siya nga ba eh nagiging madamot o makasarili sa sitwasyong kinasasadlakan niya. Alam niyang isa sa pinakamahirap na pagkakataon sa buhay ng isang tao ang mamili sa pagitan ng dalawang bagay na naging makabuluhan na rin para sayo (tinatanong niya pa din hanggang ngayon kung kailangan niya ba talagang pumili o tadhana na ang magpapasya). At bago pa siya tuluyang lamunin ng nakakabwisit na emosyon na yun---saglit siyang nanahimik at humiling ng senyales mula kay Papa God. Subalit naging piping saksi ang langit sa mga hinaing niya, habang tahimik siyang nilalamon ng kalungkutan. Potek! Sumigaw siya at inihinto ang lahat ng kadramahan na ginagawa niya. Bakit nga ba kelangan na siya pa ang mag-adjust? Bakit siya pa ang kelangang lumayo? At higit sa lahat? hindi ba sya pwedeng sumaya?

Sinabi niya saken na ayus lang ang lahat sa kanya. Na hindi sya apektado sa lahat ng mga pinagagagawa niya. Ngunit sa simula't simula pa lang, alam kong itinatanggi niya lang ang lahat. Habang siya ay tahimik na naguguluhan, ako naman ay tuluyan nang kinakabahan.

Kung nabibili lang sana sa suking tindahan ang gad dam speys..baka bumili na ko nun bago pa magsimula ang lahat.....

So ano naman ang natutuhan ko nung namahinga ko ng wanport?

> Natulog
> Natulog
> Nagpaka-adik sa plurk
> Kumain
> Kumain
> kumain
> Movie marathon
> Laftrip..(mag-isa), laugh till it hurts..ahhaha

Hanggang sa hindi ko na talaga natagalan ang pananahimik at bumangon ako mula sa pagkakahimlay. Naisip kong may bukas pa. At sa bawat bukas ay mayroong bagong pagkakataon, dahil sa bawat isang bagay na nagtatapos - mayroong isang simula. At sa bawat isang bagay na hindi pa nagsisimula pero nagkaron na ng wakas - next question please. Hehe. Hindi dapat tinatakasan ang isang problema, dahil hindi ito mareresolba sa pamamagitan ng pag-iwas.

Kung bibilangin ko kung gaano ka-layo ang distansya na pinuntahan ng utak ko nung mga panahong iyon, lumampas na ko sa kung ano pa ang pwedeng marating ng isang eroplano o bike. Siguro, minsan, masama rin yung mangarap - lalu't lalo kung ito'y walang kasiguraduhan at sa hindi mo inaasahang pagkakataon eh may masasaktan ka. Inisip ko na lang kung pano ko nalaman na nakakasakit na pala ko ng ibang tao kung hindi ko pa maunawaan ang bawat isang hibla ng salitang tinuran niya. Hindi ko alam ang gagawin ko, totoo. Hindi ko alam kung saang posisyon ko ilalagay ang sarili ko dahil alam kong walang mananalo sa labang iyon. Kaya huminto ako at nilingon ang nakalipas. Inisip ko kung kailangan pa nga bang dumating sa ganito ang lahat.

Now, back to regular programming..hehehe

30.3.09

Rebelasyon

Maraming tao ang nag-akusa saken na "inlab" ako. (dumating din sa punto na inakusahan ko yung sarili ko pero naliwanagan na ko ngayoooon! Marami din ang umapela at nagbigay ng kanya-kanyang mga kuru-kuro tungkol dito. Pero babasagin ko na ang mga trrrrriiiiip nyo ngayon. Hehe

PLASBAK:

Naging problemado ako nung mga nakaraang buwan. Kaya nga't ngayon eh medyo hindi maganda ang lagay ko. Pero kayang-kaya naman. Keri lang gaya nga ng lagi kong sinasabi. Hindi ko na kelangan pang isa-isahin ang mga dilemma nung "mga problemang" yun, pero alam kong maliit na bahagdan lang yun ng mga problema ng ibang mga tao sa paligid-ligid. Pero, nasubukan kong wag makatulog, o makatulog ng dilat dahil sa kapakanan ng maraming taoooooooooooo. Parang nag-aalaga ka ng isang sanggol na bagong silang. Nyay. Hehe.

Magpapaliwanag ako....
Taym pers!!!!

Lahat ng tao dumadaan sa mga "trying times" ng buhay nila. Kung saan kelangan nilang gumawa ng malulupit na mga desisyon para sa ikabubuti ng ekonomiya ng kanilang sistema sa buhay. Ako, nagkaron ako ng mga nakakawindang na eksena sa buhay ko nung mga nakaraang, nakaraan. Ah basta. Past is past, oraytie.. Leave it all behind. Hehe. At nung mga nakaraang araw nga, eh "mejo" nakaramdam ako ng matinding kasiyahan - parang kasiyahan at energy galing sa isang nagdadalagang mukang binata na si ako (haha), pero napag-isip isip ko din na may mga ibang bagay na dahilan ang lahat at di lamang sa pagmamahal ulit ko maisisisi ang lahat.

Although pinagsisigawan ko sa mundo na single blessedness ako ngayon, (sooo waat?!!!?!!!)alam kong hindi pa ulit napapanahon para lumandi ulit. Tama, hindi pa napapanahon kaya dapat behave lang muna ako at magfocus sa aking singing at counting career, dahil may mga bagay bagay pa sa paligid ligid na pwedeng magpasaya saten bukod dun.

Yan yung pilit kong pinag-iisipan at nararamdaman na hindi ko mai-express nung mga nakaraang araw (apir tayo Azel at kuya Kenji). Mas naenjoy ko lang ngayon kung ano yung mga biyaya na pinagkakaloob saken ni Papa God sa araw araw na ginigising niya ko sa umaga. Nawala na kasi saken yung negative vibes (anu toh feng sui?haha), mga tamang angal at angas sa buhay at kung anik anik na nagpapatubo lang naman ng aking mga pimples (dagdag gastos lang sa derma). May napagdiskitahan lang siguro ang mga namimilog niyong mga mata kaya akala niyo eh may-i-fall ang drama ko sa kanya. Hehe. Matagal bago maniwala si Jen at hindi basta basta nagpapadala sa unang nararamdaman niya. Hmf.

Ayus..yun lang..nilinaw ko lang..hehe..

2.3.09

Antayteld...

Masaya ako sa araw-araw....
Nalilibang ako sa blog.
Nagagampanan ko ng maayos ang mga responsibilidad ko sa buhay buhay.
Nagagampanan ko din ang aking tungkulin sa simbahan.
Nakakatulog ako ng at least 6 hours a day (liban na nga lang kapag may taping o kung anu pang mga gig)..:P
Nakakamusta ko ang mga dapat kamustahin sa araw araw.
Nakakain ako ng 6 na beses sa isang araw (wag na magtaka, totoo yan!)
Nakakapag-ym ako kahit gaano ko kaabala sa isang bagay.
Nagmamahal ako kahit na hindi ako mahal.
Nagmumura ako pero lahat ito ay unintentional.(joke lang kumbaga)
Nagmamalasakit ako sa kapwa tao kahit na hindi ko ipinapahalata.
Masamang tao ako pero may kunsensya rin naman.
At higit sa lahat- may puso ako...naaawa, nalulungkot, at umiiyak din kung minsan.

Naisip ko yan ng umattend ako kagabi ng recollection.

Tanungin ka ba naman ng:
How's your heart Lately?


Tahimik akong lumingon at ngumiti sa mga "minamahal" kong brothers and sisters. Agad na hinanap ng mga mata ko ang reaksyon ni (sya na yun). At ako'y agad na yumuko at nag-isip. Inisip ko maigi kung kamusta na nga ba si pusu-pusuan ngayon. Wala akong maramdaman at maisip na posibleng estado niya. Kagaya ng nabanggit ko sa itaas, nasa ayos ang takbo ng buhay ko nitong mga nakaraang araw. May pabugsu-bugsong ihip ng masamang hangin ng problema, pero agad agad naman syang nawawala. Kaya muli kong tinanong ang nalilito kong sarili. Ano nga ba? Kamusta na nga ba ako?

Kagaya ng sinasabi ng marami, ang lugar na nilapagan ng aking spaceship ay isang rehabilitation area. Dito, magagawa at gagawin mo ang mga bagay na hindi mo pa ginagawa dati. Kung masamang tao ka dati, malamang sa malamang, mabago ang mga pamantayan mo pag napunta ka dito sa "LAND OF THE RISING SMELL". Malaya akong nakakakilos at nakakapag-isip sa ngayon, kesa dati. Na parang isang opisina ang takbo ng pamumuhay ko:
  • Ipapasa sa gabi ang mga listahan ng mga bagay-bagay na gagawin ko sa araw na iyon.
  • Matapos maaprubahan, magaallot ang budget ministry ng pera na gagastusin para sa mga activities.
  • Kapag handa na ang budget, ilalatag mo naman ang oras (kung maari ay bawat minuto) ng mga gagawin mong aktibiti.
  • Pag umuwi ka ng dis oras ng gabi, bubula ka at matutulog ng hindi nakakapagbanlaw.
Namimiss ko ang ganyang pamumuhay ngayon. Kung paano mabuhay ng may nagmamanipula sayo. Steady ka lang palagi dahil may taong gagabay at hahawak sayo bago ka pa madapa at masubsob sa putikan.

Ang pusu-pusuan ko ay gawa sa isang kahoy. Wooden heart kumbaga. Marupok. Madaling mabali. Madaling maapektuhan ng anay, ulan at kung anu-ano pang negative vibes sa paligid-ligid. Sa loob nito nagtatago at sumisigaw ang tunay na ako. Ang taong naghahangad ng malaking pagbabago ngunit takot gumawa ng hakbang papunta sa hinaharap. Ang tunay na "ako" na duwag tanggapin ang pagkatalo. Ang ako na nasasaktan sa twing may nakikitang nasasaktan. Ako, na nakakaramdam pa din ng luha at pighati sa bawat oras ng kalungkutan. At higit sa lahat, ang tunay na ako- na naghahanap ng maliit na porsyento ng pag-aalaga, atensyon at pagmamahal ng isang taong alam kong hindi kailanman ay magiging akin.