30.8.09

Song of my soul

Hmmm. I've heard this song last Area Assembly ng SFC. Yeah very much Catholic pa din ako. (yung nabasa nyo last time was written on purpose of spoof lang). Share ko lang sa inyo. ^^, Gotta go! Lots of works to do for today!






Here I am, an empty soul
Walking all alone through my life
Here I am, a lost soul
Looking for a place where I can hide
And find refuge, my long long peace
and all alse that will put my restless soul at ease.

So come my Lord, calm my heart
Pacify the sea that has been tearing me apart
Oh come my Lord, calm my soul
Take me in Yours arms and make me whole my Lord

Here I am, still searching for the place
That every person calls home
Here my prayer, here my song
For only unto You do I belong
I've searched so hard all my life through
For love that I know I will only find in You

29.8.09

Law of the Garbage truck

One day I hopped in a taxi and we took off for the airport. We were

Driving in the right lane when suddenly a black car jumped out of a

Parking space right in front of us. My taxi driver slammed on his brakes, skidded, and missed the other car by just inches! The driver of the other car whipped his head around and started yelling at us. My taxi driver just

smiled and waved at the guy. And I mean, he was really

friendly.

So I asked, 'Why did you just do that? This guy almost ruined

your car and sent us to the hospital!'

This is when my taxi driver taught me what I now call, 'The Law of the

Garbage Truck.'

He explained that many people are like garbage trucks. They run around

full of garbage, full of frustration, full of anger, and full of

disappointment. As their garbage piles up, they need a place to dump it

and sometimes they'll dump it on you. Don't take it personally.

Just smile, wave, wish them well, and move on.. Don't take their garbage

and spread it to other people at work, at home, or on the streets.

The bottom line is that successful people do not let garbage trucks take

over their day. Life's too short to wake up in the morning with

regrets, So...Love the people who treat you right. Pray for the ones who

don't.

Life is ten percent what you make it and ninety percent how you take it!

Have a blessed, garbage-free day!

---forwarded mail from one of my co-sister in SFC. ^^,


26.8.09

Kill time in office

Minsan hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Pag marami akong trabaho, umaangal ako at hinihiling na sana eh wanport lang yung trabaho ko para sa araw na yun. Pag wala naman, naiinis din ako. Kaya naman - oo, kakatunganga ko buong maghapon eh nakaisip na naman ako ng kalokohan. Bakit nga naman hindi ko ishare sa inyo ang mga naiisip kong kabulastugan pag wala akong ginagawa dito sa opisina.

  • Mag-ayus ng file. Halungkatin ang lahat ng files. Iayus ng alphabetical. Pag naalphabeticalize mo na, gawin mo namang date-wise. Pag wala ka pa din magawa, gawin mo lang ng vice- versa. Ngayon pag nabugnot ka na. Proceed ka na sa pangalawa.
  • Fill-up-an lahat ng mga forms na nakikita mo. Ayusin ang pagfill-up, siguraduhing pulido ang pagkakasulat sa bawat isang kategoryang nanghihingi ng sagot (lalu na kung legal documents yan). Hangga't maari - gawing printed ang iyong sulat, para matakaw kumain ng oras.
  • Istorbohin ang officemate. Tanungin mo kung may paparating na shipment galing Japan. (Oo, kahit na ang supplier nyo eh taga-US, Singapore at India). Pag nagalit sya sayo, malas mo. Pag pinatulan nya yung pakulo mo, swerte mo - may instant laruan ka na for the day. Hehehe.
  • Ayusin ang mails mo sa Outlook Express. Ilagay mo sa designated folders ang bawat isang e-mail na natatanggap mo. Pag nagsawa ka, proceed sa next number.
  • Buksan ang account mo sa Facebook. Laruin lahat ng mga applications na sa tingin mo eh may potensyal na libangin ka, o malibang sila (pareho lang yun anuverrrr). Pag ayaw pa din, may iba pa ding option.
  • I-open ang account mo sa plurk. Makipagkulitan at makiusyoso sa mga threads. Makipag-asaran ka kahit hindi mo masyado gets ang topic nila. Pag walang napikon sayo, tuloy lang ang kulitan - pag may nainis, log-out ka na.
  • Pagtuunan mo naman ng pansin si YM. Kulitin ang mga dati mong kaklase, kaibigan o kakilala mong online. Tanungin mo kung kumain na ba sila. Pustahan tayo, walang papansin sayo. Pero subukan mong magsend muna ng engotikon - kaya magbuzz ka. Sasagot sila, bakit kamo? ieexpect kasi nilang may chismis kang ibabalita sa kanila.
  • Pagtuunan ng pansin ang iyong fonella. Iopen ang camera. Kumuha ng papel at pentel. Gumawa ng fansign. Magpose pose hawak ang fansign. Gawin lahat ng pose na alam mo. Emo, nakatawa, stolen (kuno), nakadila, nakapangalumbaba, anything na pakiramdam mo eh maganda ka - bahala ka. Ang purpose lang naman nito eh malibang ka.
  • Balikan si Facebook, magtake ng survey. Siguraduhin mong ipopost mo ang mga resulta para malibang din ang iba mong friends. The more na kakaiba ang result, the more na bebenta ang mga kalokohan mo.
  • Gumawa ng entry para sa blog na kagaya nito. Nalibang ka na, nakapagpost ka pa.
    ^^,

    Pagpasensyahan nyo na ko at ako eh wala talagang magawa ngayong araw na to dito sa opisina.

25.8.09

Win-dang

I have loved you only in my mind. But I know that there will come a time.,You'd feel this feeling I have inside. I'm a hopeless romantic is what they say falling in and out of love just like a play. Memorizing each line I still don't know what to say........
Call me "feelingera", call me "alice in wonderland, or Wendy" for I always daydream. Call me stupid and crazy. I won't get bothered. I've been acting kinda' dumb lately. He's been acting kinda' stupid also (so what's the difference?). I don't know if its me or its him. But I can particularly say that its us. Yeah, I've been fooling myself lately, and he had been fooling me also. I've been thinking about stuffs that I know will not happen EVER in the real life. I know I've always prevented myself away from this feeling. I know I've made excessive, destructive and countless ways to ignore these feelings that is starting to get built inside my system. The only thing that I forgot to do is to put that big sign in front of my head which says:
" Don't fall in love too easily , or don't fall in love too soon"

I was thinking about these things when a friend brought me back to reality. I have seen her talking to me and telling me things. But I really don't have any idea about what she is talking about by that time. Then she asked me: "San na tayo magpupunta ngayon?". I just replied- stupidly: "Ewan ko, hindi ko na alam ang gagawin ko" She just rolled her eyes and then dragged me to walk. She looked me quizzically and then began talking again : "Ang layo ng sagot mo bakla..." . I just smiled, and shook my head.

I was feeling a bit pale since this morning. I don't know if its because of my emotional problems or because of my lack of sleep these past few days. I don't know really. I even don't know what to do next or if I have to do anything about it. Yeah, I've been seeking advices about it. But I know that advices will remain as it is if I won't do anything about it.

Its now 3am here, I'd just rather go to sleep than to think about it.

Entry from my Journal: dated; March 23, 2009

24.8.09

Distansha Amigo

Hindi ko na halos matandaan kung paano kita nakilala. Ikaw, natatandaan mo pa ba? Dun ba tayo unang nagkakilala sa ilalim ng punong acacia? O nakabungguan kita habang ako ay padaskul-daskul na tumakbo sa gitna ng klase? Pakalat-kalat ka naman kase pare., di mo man lang inisip na baka may lampang pwedeng madapa sa nakaharang mong mga paa. Naalala mo pa ba kung paano ako nadapa at nangudngod sa mismong harapan mo? Oo, ako tandang-tanda ko pa. Tandang-tanda ko pa kung paano kita gustong sugurin ng suntukan ng mga panahon na yun. Habang namumula ako sa sobrang pagkapahiya ay namumula ka din sa sobrang kasiyahan dahil nabiktima ako ng iyong patibong. Pasensya na, engot talaga ko minsan. Makakabawi din ako mag-antay ka lang.

Lumipas ang mga taon, buwan at araw, ang mga awayan natin ay napalitan ng pagmamahalan. Oo, matapos nating maghiwalay ng humigit-kumulang dalawa hanggang tatlong taon. Muli tayong nagkita at binigyang-daan natin ang isang matamis na pagmamahalan - pagmamahalang hindi natin inaasahang agad din nating mapapabayaan at mapupunta sa kawalan.

Oo nga't naging malupit ang pagkakataon sa ating dalawa. Madaming mga pagbabago, madami tayong pansariling pangarap. Kinailangan nating mamili - Ngunit bakit nga ba kinailangan pa nating mamili? gayung maari naman nating abutin ang mga pangarap na yun ng magkasama?

At dun nga nagwakas ang lahat......

----Entry from my Journal dated: June 12, 2003

23.8.09

The day I fell inlove

Don't know what to do whenever you are near, Don't know what to say, My heart is flowing with tears, When you pass by I could fly, Every minute, every second of the day, I dream of you in the most SPECIAL way, You're beside me all the time all the time.....DON'T KNOW WHAT TO DO by: Ric Segreto
It was months ago when I was blinded with such an unwanted attraction. It was the same time when my heart has seriously taken over me. I refused to eat and sleep. Even my "ME" time was ruined because of those unwanted feelings. Worst of it, my closest friend also likes him so I distanced myself from him. Days passed by and the feelings started to grew deeper. Maybe, that's the power of love - it flows down into your system, without you even knowing it. One day you'll just see yourself constantly thinking about that certain person. And before you know it - LOVE has contagiously taken over you.

Yeah, I kept it as a secret. Nobody knew about it. Not even my bestest friend, not even him. I just plunged into that feeling and then ran into our house and think about it - big time. I became mad about it. I became so attached to that feeling and I get so dependent and I started wanting his attention more. But it came to my senses that the feeling might be wrong. And it came to me that it was not meant to be. That it was just all me, and I was only probably dreaming all along.

I was so down by that time. Suddenly, after a month of believing that a love built amidst oceans and seas will work - I realized that I was just dreaming. I was so pathetic to believe that magic is really there, that once you summoned to the sky - to God, He will be mine. But, unfortunately, God did not replied any single word. He just sent me a blank message.

Fortunately, I managed to let it go and move on. It took me a lot of courage and loneliness. But in return, God gave me someone better. Someone who loves me whole-heartedly, someone who sticked by my side thru thick and thin. Someone who loved me for being ME.
--entry from my Journal dated June 12,2009.

Good things comes to those who wait.

21.8.09

Love.love.love

"when u start loving a person, u will never stop loving him. maybe over the years, a little less or a bit different, but the thing is, u will really never stop loving that certain person."

--- Stat msg. nung isang makulit na bata sa Facebook ^^,

20.8.09

Magmumuslim na ako

Mga kapwa Blogero,

Isang magandang araw sa inyo. Maraming salamat sa inyong walang sawang pagsuporta saken. Dahil sa inyong tulong, nakita ko na ang daan pabalik sa aming tahanan. Subalit kagaya ng isang tipikal na tao, ang mundo ko po ngayon ay hinahampas ng matinding alon ng pagsubok.

Isang taon na po ako dito sa UAE. Iba't ibang amoy, salita, pagkain, muka, kultura, ugali na ang aking nakabungguan ng siko. Alam ko din na mura ang ginto sa lugar na ito. Lalu pa't alam ko din na pag sasakay ng taxi pag mag-isa ka lang ay dapat laging sa likod ka sasakay upang.. ehemm...alamuna. Alam ko din na patagalan ng amoy ang labanan dito. Alam ko din po na mahirap ispell ang panahon dito, opo, kagaya sya ng syekoslobakya - nakakabobo. Kung kaya't dapat lang na kasabay ng pagiging competitive ng utak mo sa usaping karir, dapat ay competitive din ang kalusugan mo. Nakakainis kung minsan, pero kasama sa kontrata sa trabaho, kailangan mo din tanggapin na ganyan ang mararanasan mo rain or shine. Bawal din dito ang HHWWSSP. (Kung anong ibig sabihin nyan, ndi ko din po alam) =)), Sabi nga ni Bebe, wala daw kalayaan sa bansang ito. Hmm, meron naman - pero mailap iyon sa mga kagaya namin na dayuhan lamang sa bansang ito.

Matapos ang ilang araw na pagdedesisyon - naging buo na rin po ang loob at desisyon ko. Oo, Magpapaconvert na ko from Roman Catholic to Muslim. Mahirap po kase na iba't iba ang paniniwala. Nahihirapan na din po kase ako na iba ang dasal ko sa dasal ng aking amo. Nahihirapan na din po kase ako, dahil sa tagal ko dito - hindi pa ko nakakapasok sa loob ng isang mosque. Nahihirapan na po talaga ko. Ngunit, isang bagay ang talagang nagtulak sa akin upang gawin ang desisyon na ito.

Ito ay dahil...........








Simula na ng Ramadan bukas! Takte! Dahil Catholic ako, HINDI ako Ramadan timings sa trabaho ko ! Anak ng tipaklong talaga si boi baho!!!!!!

---------------------------------------
Sa mga nagtataka kung bakit: a) hindi nyo ko nararamdaman; b)walang tanim ang farm ko sa FARMTOWN ;c) hindi ako nagaapdeyt ng buhay ko sa plurk ;d)kung bakit hindi ko nasasagot ang comment nyo sa FS;e) kung bakit ndi nyo ko makachat sa umaga (UAE time) ---isa lang po ang sagot. WALANG KURYENTE SA LUGAR NG TRABAHO KO!.hehehe...bear with me. Asahan pa po natin na mapapadalas yan. Hehe at baka ipauso na ulit ang taypwrayter sa opisina ko. Hahahaha

18.8.09

Emo-ng



Isa siya sa mga hindi pansining babae sa kanilang klase. Bukod sa kanyang "maliit" na height, at sa kanyang "payat" na pangangatawan, mayroon din siyang buhok na hindi naging kagaya sa buhok ng mga nasa commercial ng shampoo o ng conditioner, bagama't lagi siyang tinatanong kung, "mahangin ba sa labas", o sinasabihan ng "mag-star margarine ka kase", nagpatuloy ang kanyang pakikipagsabayan sa agos ng buhay.





Maraming beses din nya naramdaman ang inggit at galit sa kanyang puso. Sa hindi kasi maipaliwanag na dahilan - hindi nya kamukha ang alinman sa kanyang mga kapatid! Hindi niya kahawig sinuman sa kanyang mga magulang! Bagay na nagpapasama sa kanyang loob.






Isang madilim na gabi, nakita niya sa isang madilim na eskinita ang isang matandang pulubi. Sa unang beses ay natakot sya dito - ngunit makaraan ang ilang segundo ay nilapitan din niya ito upang alukin ng dala-dala niyang masarap na tinapay galing sa panaderya ni Mang Ramon. Ngumiti at tinanggap ng matanda ang tinapay. Maya-maya pa ay nagliwanag ang paligid. Ang matandang kanina ay nanlilimahid ay biglang naging isang napakagandang babae (weet-weew ^^,) Suot ang isang bestidang kulay pula, nagwika siya sa babae. "Ako ay isang mensahera ng Team Kablogs, nais nilang ipaabot sa iyo ang munti nilang regalo.." Inabot sa kanya ng diwata ang kahon. Binuksan niya iyon at laking pagkamangha niya ng makita niya ang laman niyon!




Kalakip nito ang aking munting awitin dahil sobrang natats ako sa award na inalay ng Kablogs sa aken.


---------------------------------->
Nais ko pong magpasalamat sa bumubuo ng KABLOGS team. Mula sa founder na si Kuya Kenji, Kay Cm da' Prexy, Kay Kuya George na VP, kay Jee, Azel, Lenz,Kuya Rio, Kuya Bomz, Doc RJ, Kuya Nebz, Marco, Deth, Poging (ilo)cano, Kosa, Marlon, at sa lahat ng mga bloggers na nakibahagi sa KABLOGS sa kanilang munting paraan. MARAMING SALAMAT PO! Para sa kumpletong listahan ng mga nagkamit ng munting regalo mula sa KABLOGS, maari nyo po itong makita ang kumpletong listahan sa sumusunod:

15.8.09

7 things

I've been tagged again. Actually may mga nag-tag nga ata saken nung mga nakaraang panahon pero sa sobrang kabisihan ko, parang hindi ko nagawa. Patawad po! Hahanapin ko po yung tag nyo tapos gagawin ko (nag-ekspleyn pa talaga..haha). O sya, move forward na tayo ng makarami.

Eto daw yung mechanics: ^^,

1. Thank the person who nominated you for this award.

2. Copy the logo and place it on your blog.

3. Link to the person who nominated you for this award.

4. Name 7 things about yourself that people might find interesting.

5. Nominates 7 (nagagawin kong nine..hehehe) Kreativ Bloggers you nominate.

6. Post links to the 7 blogs you

7. Leave a comment on each of the blog letting them know they have been nominated.




Una sa lahat, gusto kong pasalamatan si Superjaid sa bonggang award na nipasa nya saken. Kahit hindi ako creative, pinasa mo pa din saken to..^^, joke. I appreciate it sis! Tenk yu ng bongga *hugs*





7 things ( Feeling Myley Cyrus eh nho)
  • Ang kaisa-isang musical instrument na kaya kong tugtugin eh ang Flute. Kahit gamit ang ilong ---kaya kong gamitin yun...(yuckness! ^^,)
  • Paborito akong ipatawag ng guidance councelor namin sa guidance office nung highschool ako (hindi para sermunan) kundi, para pakinggan ang rendition ko ng Heaven ni Bryan Adams. ^^, (sipsip!!!)
  • Napili akong isa sa mga representatives ng Pop Idol para sa Northern Emirates(isang contest na idinadaos yearly ng SFC), pero nagdadalawang-isip akong ipursue. Ang dahilan --- *takot na mapahiya* ^^,
  • Aamin na ko! Oo, ADIK ako sa Farmtown. =)). At kahit na busy ako sa trabaho, inuuna ko asikasuhin ang hacienda ko, kahit na alam kong laro lang yun!
  • Naubos ko na ang sick leave ko para sa taong 2009. Na nagamit ko lang dahil sa katamaran kong pumasok pag araw ng sabado. ^^, gudlak sa susunod na absent ko! kaltasan mode na ito! \m/
  • Sa loob ng isang linggo, three days lang ako busy sa trabaho ko --- namely, sunday, monday at thursday. Rest of the days, busy lang ako sa pagtambay at pag-iikot sa mga blog nyo. At kung hindi nyo ko nararamdaman, yun eh sa kadahilanang nag-aadik ako sa Farmtown o sa plurk. ^^,
  • Crush ko si Kiko Rustia-oo siya nga, yung sa Survivor Philippines-season 1. Pero nung nalaman kong may kamuka pala sya --- itinapon ko na yung mga pangarap ko na makasama at mapisil ko ang mga masel nya. Hahaahaha... Peace out habibi \m/
Ipapasa ko ang tag / award na ito kanila:

Azel
Jee
Marco
B1
Deth
The Pope
Hari ng Sablay

13.8.09

Let GO, and let GOD

Mabilis na lumipas ang mga oras ko dito sa UAE, hindi ko man lang namalayan na naka-isang taon na din pala ko. Madami na ring nangyari, madami na ring dumating at umalis, ang iba naman eh andyan pa din at patuloy na nakikigulo sa buhay buhay ko.

Let GO and Let GOD...
Lahat tayo ay nakaranas na ng matinding hagupit ng problema. Pinansyal, pag-aaral, trabaho, relasyon, pamilya, kung anu-ano pa. Nakakapagod makipaglaban sa pagsubok pero kailangan nating kayanin. Napakahirap magpakatatag sa mga oras na nanghihina ka na. Mahirap makipagsabayan sa agos ng buhay, lalu pa at alam mo na hindi ka nabibilang sa mga taong sinasabayan mo. Napakahirap maging bumangon pagkatapos mong matapilok.

Pero lahat ng yan ay kailangan nating kayanin. Lahat ng yan eh kailangan nating i-endure. Lahat ng yan ay kailangan nating iovercome. Hindi natin kailangang dumepende sa ibang tao. Oo nga't naniniwala ako sa kasabihang "No man is an island" totoo yan, ngunit sa pagsapit ng gabi, ikaw at ang sarili mo pa din ang iyong kasama. Sarili mo lang ang tanging takbuhan mo at si Papa God. Ngunit kung minsan, nakakaramdam na din tayo ng pagod, pagkaawa sa sarili at pakiramdan na wala nang nagmamahal sa atin.

Pag dumating tayo sa puntong ganyan ng buhay natin, mas ayus kung hihinto tayo at mag-iisip. Isipin natin kung saan tayo nagmula. Minsan, kailangan nating isiping:

Bumitaw, para muling kumapit Sa Kanya....


11.8.09

Nawawala ako

Mga kapwa blogero,

Nitong hapon ng August 11, 2009, ay nawala ako. Hindi ko po maalala ang daan pabalik sa bahay namin. Galing ako sa lugar na pinagtatrabahuan ko pero ng ibaba ako ng service ko sa kanto ng kinatitirikan ng aming mansyon, napagdesisyunan kong sabihin sa sarili kong nawawala ako. Nag-away po kami ni b1 kagabi sa kadahilanang ayaw nyang tumigil sa paghaharvest ng kanyang mga pananim sa farmtown. Nagalit po sya at tuluyan nang nakipaghiwalay saken. Sinabi nya po saken na "Crops will go to waste if i will not harvest this". Hindi ko po kinaya kaya ngayon po ay mababa ang presyon ng dugo ko ---pero nawawala pa din po ako. May nakita akong computer shop sa may kanto (pangalawang kanto mula sa binabaan ko ng service), at nag-online ako. Nagpasya akong gumawa ng post dito sa blog ko. Sa kadahilanang nawawala ako. Hindi ko po maalala ang pangalan ko dahil nga nawawala ako. Wag po kayong magalit saken, nagmahal lang ako at pinagpalit ni b1 sa farmtown. Hindi ko lang talaga kinaya. Kaya nagdesisyon akong sabihin sa sarili kong nawawala talaga ako. Kung makikita nyo po ako na pakalat-kalat sa kalsada, tawagan po ninyo ako sa numerong ito: 050.857.96.10. Salamat po.

At higit sa lahat, gusto kong sabihin kay B1 na mahal na mahal ko sya. Advance happy monthsary saten at sa farm mo. Ay mali, hiwalay na nga pala tayo dahil sa farm mo.

Bujoi..^^,






















Grabe, pinawisan ako ng malapot sa pag-iisip kung paano ko bibiguin at ililigaw ang sarili ko. Ewan ko ba. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan eh yan ang naisipan ko ipost. Pasintabi lang po sa pwedeng masagasaan. Joke joke lang po =). Pero totoong mantsari namin ni b1 bukas. At hindi pa po kame hiwalay. Dahil nakakapagod po magkwento na naghiwalay kami ngayon, tpos bukas eh magkakabalikan kami ulit. =)) Peace out.

9.8.09

Head Over Feet



^^, Lovin' this song By Alanis Morisette. Wala akong maisip na post..hehe at mejo busy din ng wanport..=))

6.8.09

English-ing the PanadoL way

Hindi naman sa nagmamagaling ako sa pagi-english. Kamote din naman ako sa salitang yan lalu pa at British ang makakausap ko sa tuwing uuwi ako sa bahay namin ngayon. Naloloka ko sa tuwing babanggitin niya ang salitang back bilang "beck" ewan ko kung nakakatawa ba talaga o mababaw lang yung kaligayahan ko. I will go beck to London in two weeks time...And will come beck here again next Dyenyuweri (January). Nangangasul ako kakatawa ng marinig ko yan galing sa lola ko nung isang araw. (Wag nyo kong isusumbong).

Pero walang hihigit sa kakayahan na meron ang mga Panadol. Ewan ko ba, pero nang magsabog ata ng KKK- katalinuhan,kabanguhan, at kababaang-loob - - majority ng gising eh ang lahi nila. Ayoko namang mangamoy racist or anything, pero sa isang taon na pagtigil ko sa mundong pinapalibutan ng mga Panadolz, yan lang ang napansin ko. Minsan na din akong napaaway sa may-ari ng kumpanyang pinaninilbihan ko dahil hindi kami nagkaunawaan sa email na pinagpasa-pasahan namin. Hindi kase ako nagamit ng common sense, at hindi ko binabasa ng matino ang mga email nya sa akin. Yun eh ayon sa kanya. Eh kaya lang. What to do yani?, Im just a f*%^ing employee here....kaya kahit na alam kong ang spelling ng INQUIRY eh nagsisimula sa I (na minsan ko nang kinorek), na pilit nilang pinapalitan ng ENQUIRY, sinikmura ko na din. Bakit ba, wala naman dito ang mga naging teacher ko sa English. Wala naman dito ang nanay ko na magagalit pag palpak ang spelling ko. Wala naman kami sa spelling bee para magpagalingan sa spelling. Ewan ko, di ko na tuloy alam kung ano ang tama at mali sa paligid ko.

Sa tagal ng paggawa ko ng mga business letter - ngayon lang ako nabobo ng sobra. Banatan ka ba naman ng closing remarks na Thanking you, wag na daw ang Sincerely yours at ang Best Regards, dahil nasa UAE kami. Naisip ko tuloy kung nadadagdagan ng ba ang paggamit ng -ing kapag umalis ka na sa teritoryo ng Pilipinas. Nagiging present tense lahat ng verb pag nandito na sa UAE. Kakatuwa naman kung ganun. Hehehe...

Magsusumbong na lang ako sa english teacher ko para pingutin sila at paluin ng bongga sa pwet nila. Sabay pa-skwat at lagay ng plakard sa leeg nila na may nakasulat na
"I will speak and practice good english-ing neks taym.."

3.8.09

AKO

Nagiging walang kwenta ang buhay ng tao kapag lahat ng pwede mong hilingin eh nasa sayo na. Nagiging isa na lang routine ang pang-araw araw na buhay mo. Gigising ka upang magpunta sa trabaho, matapos ang trabaho, uuwi ka at matutulog. Ganun lang kasimple.

Ako, ang nagpapatakbo ng buhay ko sa ngayon. Ako ang direktor, ako din ang artista sa maigsing kwento na hinanda ni Papa God para saken. Sa simula, pinlano kong gawin itong makabuluhan at maayos, sa simula, inisip kong makipaglaban at maging isang mabuting huwaran sa ibang tao. Sa simula, pinlano kong maging inspirasyon tungo sa pagbabago ng ibang tao. Sa simula, pinlano kong maging masaya at kuntento sa kung anuman ang maaari kong makamit sa hinaharap. Sa simula, lahat ng mga bagay na pinlano ko ay pinaniwalaan kong makakamit ko--kahit anupang kalokohan at impaktors ang humarang sa daan ko tungo sa tagumpay.

Ngayon, halos nakamit ko na ang lahat. Pero parang may kulang pa din. Sabi nga nila wag kong hanapin ang mga bagay na alam kong imposible kong makamit. Ako na din mismo ang nagsasabi na maging kuntento ako sa mga bagay na meron ako. Na maging masaya ako sa mga bagay na maaaring makapagpasaya sa akin.

Ngunit nagising ako isang araw, at naramdaman ko sa aking puso na may kulang pa pala. Naalala ko na sa pagbuhos ng mga blessings sa akin nitong mga nakaraang bwan, kasabay nito ang pananamlay ng aking pananampalataya kay Papa God. Kasabay nito ang paglayo ng aking loob sa aking pamilya. Kasabay nito ang unti-unting pagkasanay ko sa buhay na meron ako dito. Ang buhay na malaya at mag-isa. Ang buhay na walang inaalala kundi sarili ko lamang. Ang buhay na walang ibang importante --- kundi AKO lang, at wala ng iba pa.

1.8.09

Life and Love

My husband is S/W Engineer by profession, I love
him for his steady nature and I love the warm feeling when I lean
against his broad shoulders.

Two years of courtship and now, five years into marriage, I would have to admit, that I am getting tired of it.

I am a sentimental woman and extremely sensitive when it comes to a
relationship and my feelings. My husband is my complete opposite; his
lack of sensitivity, and the inability of bringing romantic moments
into our marriage has disheartened me about LOVE.

One day, I finally decided to tell him my decision, that I wanted a divorce.

"Why? " he asked, shocked.

"I am tired. There are no reasons for everything in the world !" I answered.

He kept silent the whole night, seemingly in deep thought. My feeling of
disappointment only increased. Here was a man who was not able to even
express his predicament, so what else could I expect from him?

And finally he asked me: "What can I do to change your mind?"

Looking deep into his eyes I slowly answered: "Here is the question.

Let's say, I want a flower located on the face of a mountain cliff, and we
both are sure that picking the flower will cause your death. Will you
do it for me?"

He said: " I will give you your answer tomorrow...." My hopes just sank by listening to his response.

I woke up the next morning to find him gone, and saw a piece of paper with his scratchy handwriting that goes....

My dear, "I would not pick that flower for you, but....please allow me to explain the reasons further.....

This first line was already breaking my heart. I continued reading.

"When you use the computer you always mess up the Software programs, and you
cry in front of the screen. I have to save my fingers so that I can
help to restore the programs.

You always leave the house keys behind, thus I have to save my legs to rush home to open the door for you.

You love traveling but always lose your way in a new city. I have to save my eyes to show you the way.

You always have the cramps whenever your "good friend" approaches every
month. I have to save my palms so that I can calm the cramps in your
tummy.

You like to stay indoors, and I worry that you will be
infected by infantile autism. I have to save my mouth to tell you jokes
and stories to cure your boredom.

You always stare at the
computer, and that will do nothing good for your eyes. I have to save
my eyes so that when we grow old, I can help to clip your nails and
help to remove those annoying white hairs. So I can also hold your hand
while strolling down the beach, as you enjoy the sunshine and the
beautiful sand...

Thus, my dear, unless I am sure that there is
someone who loves you more than I do... I could not pick that flower
yet, and die ... "

My tears fell on the letter, and blurred the ink of his handwriting...

That's LIFE, and LOVE. When one is surrounded by love, the feeling of
excitement fades away, and one tends to ignore the true love that lies
in between the peace and dullness.

Love shows up in all forms;
even in very small and cheeky forms. It has never been a model. It
could be the dullest and most boring form ...

Flowers, and romantic moments are only used and appear on the surface of the
relationship. Under all this, the pillar of true love stands... AND
THAT'S LIFE

People often goes for romantic gestures, surprises
and sweet words whispered into their ears. We fall in love and feel
loved because of these so called romantic moments.

But the truth is romantic moments cannot show how much a person loves you. They merely create the feeling of being loved.

---Just a thought to fonder. ^^,