Showing posts with label arrrgh. Show all posts
Showing posts with label arrrgh. Show all posts

8.8.10

HOW TO LOSE YOUR GF in ten ways


1.
Wag sagutin ang tawag ni babae pag may tampuhan kayo. Tama lang yan, tatampo-tampo sya, tapos tatawagan ka? weird diba? :)) Let her suffer, bukas makalawa, susuyuin ka din nyan. *Sabay upo sa sofa at nagbasa ng comics*

2. Kalimutan ang mahahalagang numero sa kalendaryo. Dati-rati, fanatic ka ng monthsary nyo, naghihintay ka pa ng 12am para bumati sa kanya. Kung anu-anong kemedu pa yung ginagawa mo para lang magpa-pogi points. Pero nakakasawa diba? Kaya go, wag na lang...matulog ka na lang. waste of time lang ^^,

3. Wag masyadong makipag-communicate . Kung mahal ka nya talaga, kahit hindi mo sya kausapin ng maayos ng ten years, (or more) - mahal ka pa din nya. Basta wag mo lang kakalimutan ang magic line na "pasensya ka na kung wala akong time sayo..".*Insert here the never-ending dahilan-essssss* . Wag din kalimutang magparamdam ng awa twing sasabihin ito sa kanya.

4.
Makipagkita lang kapag kinakailangan. Be practical. Panahon ng crisis ngayon, at hindi na uso ang date. Hindi naman nagbabago ang ichura ng tao sa loob ng ilang linggo lang. Kaya wag masyadong fanatic ng GF nyo, bigyan mo ng time ang sarili mo para magrelax, walang nagging, walang kaartehan, at walang kung anu-anong kadramahan na hatid ng babae. ^^,

5. Matulog ng maaga. Be health conscious, wag isacrifice ang sarili mong kalusugan ng dahil lang sa pag-aantay ng ten years para makausap si babae. Gagawa naman yan ng paraan para makausap ka pag hindi ka nya mahagilap sa kung anumang communication na meron kayo eh. Kaya chill, hayaan mo sya. Titigil din yan sa paghahanap sayo, lalu na pag tulog ka na. :)

6. Pag kasama mo sya, maging aware sa nangyayari sa paligid. Wag hayaang i-overcome ni babae ang time na allotted sa kanya. Pag na-set mo na kung gaano kahaba lang ang oras na ilalagi mo na kasama mo sya, wag kang tanga at magdagdag pa ng kahit na konting minuto o segundo. TIME is gold - di lang dapat sa kanya mauubos yun.

7. Maging busy . Trabahuin ang lahat ng pwedeng trabahuin. Ubusin mo yung 24 hours mo sa trabaho. Pag tinawagan ka nya, sabihin mong BUSY ka kaya hindi mo nasagot nung tumatawag sya earlier. Sagutin ng mga walang kwentang sagot para magsawa syang makipagkwentuhan sayo. Anyways, may goal ka diba? FOCUS ka lang dapat dun.

8. Maging boring kausap. *Insert one liner replies sa mga tanong ni babae* Kapag pakiramdam mong pinapatamaan ka nya sa mga statement nya, magmaang-maangan na natanggap mo yung reply nya. Pag personal mo syang kausap, magkunwaring walang narinig at magkunwaring hindi mo sya kasama. ^^,

9. Humingi ng isang libong SORRY. Maniwala ka, effective na pang-turn off sa babae yan.


10. Gawin ang lahat ng pointer sa itaas ng sunud-sunod na araw. Malas mo lang pag ayaw ka nya talaga pakawalan. Kase kahit anung gawin mo, iintindihin ka pa din nya...Hahahaha....



26.3.09

Blangko

Dahan dahan kitang palalayain
Hahayaang ibang daan ang tahakin
Ngunit kung sakaling ako ay lingunin
Aking iuusal na kailanpaman "ika'y mamahalin"

Mga salita ay hindi maapuhap
Dito sa aking utak bawat bagay ay di malingap
Sa aking pagpikit ikaw ay nakikita
at ang iyong anino, kasama siya


>>> Nasulat ko yan kagabi,bago ako hilain ng aking kama para matulog. Hindi ko naman malaman kung kunektado nga ba sa tunay na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko rin alam kung bakit hanggang ngayon eh magulo pa din ang takbo ng utak ko. Hindi ko malaman kung ano nga ba ang gusto kong gawin, isipin, kainin, lutuin, panoorin, trabahuin, kulitin, kutingtingin, at kung anu-ano pang makabuluhang bagay na dapat ay tumakbo sa aking isip. Hindi naman ako ganito dati. Siguro childish lang talaga ang approach ko sa mga bagay bagay sa paligid kaya ang epekto saken eh ganito. Siguro nga, malamang, pwede rin, pwede na. Oo na nga. Hayy. Buhay. Magulo. Maingay. Makulit. Seryoso. Paikot-ikot. Maligalig. Nakakabaliw. Nakakabalisa. Nakakaantok.
Nakakaantok.
Nakakaantok.

Tama, inaantok nga ako. Kahit na natulog ako ng sampung oras kagabi, pakiramdam ko ay pagod na pagod pa din ako. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit hindi man lang ako kinapitan ng kahit na anong lungkot ng magpaalam sya saken. Siguro nga ay nasanay na ko. Ilang taon din naman akong nabuhay ng mag-isa lang. May kaibigan, pero kokonti lang. Piling-pili lang. Hindi mo din ako makakausap ng matino. Weather-weather lang. Speaking of weather, natatawa ko dahil umulan ng yelo dito kagabi. Literal. Literal na yelo ang bumagsak mula sa kalangitan ng Land of the Rising Smell. Nabanggit lang yan saken ni Azel sa pamamagitan ng isang phone patch. Subalit pagkatapos ng aming usapan, agad akong tinablan ng pananamlay at bumalik sa mahimbing na pagkalinga ng aking kama. Maya-maya pa ay may narinig akong kung anong ingay. Away. Away. Na naman. hehe. Yan ang hirap sa mga mag-asawa, pag may sinaltik sa isa sa kanila, asahan mo pati tulog mag-eenjoy sa drama nila. At ayun na nga ang nangyari, drama dito, drama dun. Biset! Yan na lang ang naibulong ko.

Balik tayo sa kaibigan. Mula kabataan mangilan-ngilan lang din talaga ang naging kasama ko "in sickness and in health". Hindi kasi ako nag-eenjoy sa malaking bilang ng magkakaibigan (kahit na kabilang ako ngayon sa isang grupo ng makukulit na mga bata sa kulto). Hindi pa din ako aktibo sa mga galaan, sosyalan, at kung anu-ano pang kaplastikan na ginagawa ng sama-sama nitong mga taong ito. Kuntento ako ng tahimik lang. Nangungutya ng tahimik, nanggagago ng tahimik. Basta, lahat ng bagay ginagawa at inaaartehan ko ng kalmado lang. Noon yun..
Noon
Pero naiba ngayon...
Malamang bukas iba na naman yan..hai hai...

22.3.09

Bird Brain

Sa lumipas na apat na araw, (kung tama ang bilang ko). Masyado kong naapektuhan ng isang karamdaman. Karamdaman na takot ang ilan sa mga tao sa mundo na madapuan nito. Isa ako sa mga taong yun! (mas malaki pa ang takot ko sa epidemya, emosyon, at kung anu-ano pang kunektado sa usaping yan).

May isa kong kaibigan na nagtatanong saken pilit kung "inlab" ako. Hehe. Sa Totoo lang, hindi ko talaga alam kung ano at kung paano nga ba ang nararamdaman ko. Alam ko, masarap umibig, pero....PERO...maraming kaakibat na mga bagay bagay sa paligid-ligid. Andyan yung masasagasaang bahay este buhay pala, kasiyahan (pero alam ko masaya ang pakiramdam!), emosyon, waaaah! naguguluhan pa din talaga ko hanggang ngayon. Walang nagtapat, at tingin ko walang maglalakas loob na magtapat. Dahil una sa lahat, ako yung tipo ng taong mahirap malapitan, mahirap magustuhan, at mahirap unawain!:). Magaling lang akong makipagkulitan, harutan, landian , at kung anu-ano pang kalokohan--- pero pag seryosohan na ang usapan, umiiwas na ko sa usaping yan. Nawawala akong parang bula, at dumadalang na ang pagpaparamdam ko .

Balik tayo sa tanong : "Inlab ka ba? "...
Kung pwede ko lang sana sagutin nang madalian yung tanong na yan. Nang walang iniisip na ibang mga bagay-bagay. Ang sarap sana umamin. Kaya lang,...chaka na...hhehehehe

11.3.09

Bandalismo.....



At kahit na gumugulong ako ngayong araw na toh sa trabahong pagbibilang ng mga dumi at alikabok sa opisina namin, nagawa ko pa din na magkaroon ng "free time" upang maihabol ang Tag na ito mula kay A-Z-E-L.

Simple lang naman ang instructiones:
1. isulat ang pangalan ng multong walanghiyang nagtag sa iyo..
2. answer the ff..
>your name/ username / pseudo
> right- handed? or left-handed?
> your favorite letters to write
> your least favorite letters to write
> write " the quick brown fox jumps over the lazy dog "
3. mag tag ng limang multong gusto mo ring walang hiyain..
>pogi
>bomz jovi
>pajay
>gillboard
>CM

Kaliwete ako at proud ako dun dahil may mga bagay na ako lang ang nakakagawa sa sarili kong paraan. Pasensya na kayo kung hindi kanais-nais ang sulat-kamay ko. Dala yan ng pagmamadali na makapag-post.hehe..bawi na lang ako next time at lalagyan ko ng bonggang effort + lettering pa at drawing ng 3d na bahay sa gilid.nyahaha..

9.3.09

Go-Binggo

Kung ano ang masama, yun ang masarap gawin


Higlighted quote yan dun sa pinuntahan kong pagpupulong sa kulto nung isang araw. Pero, hindi ako mag-i-stick sa kowtable kowt na yan (gusto ko lang syang banggitin at daanan!)

Kung magko-conduct tayo ng botohan tungkol sa pagiging mabuting tao mo? sa tingin mo, may boboto kaya sayo?

Naalala ko yang tanong na yan sa aken ng isang kaibigan ko nung high school. Ano ko bayani o superhero? Para ipaalam at itanong sa buong mundo kung ilan ang mga bayan at taong nailigtas ko? Hindi rin naman ako government official na trying hardpara lang maiparating sa mga tao sa paligid na hindi ako nangungurakot, pumapatay, nagsugal, nanilip, at kung anu-ano pang korning paratang.

Ako kasi yung tipo ng taong madaming kunsensya sa katawan (yun yung sabi nila). Pag may pinagtatampuhan / kinaaasaran / kinabwisitan, bilang ka lang ng mga 15 mins. at wala na yung inis ko sayo. Pag may inaangasan at inaaway / minamaltrato ako, bandang huli, lumalapi pa din ako para humingi ng bonggang "apology". Ewan ko ba kung bakit ganun, hindi man lang kasi ako tinuruan ng aking Naynay kung ano at paano gamitin ang salitang "pride". At dahil dyan, dala-dala ko ang golden-kagandahang asal na yan hanggang sa madagdagan ang edad ko sa paglipas ng panahon - at napadpad sa lugar ng mga taong walang laman-loob at pang-amoy.

Paano ka napunta dyan?
Malamang, sumakay ako ng eroplano at kotse (sosyal). Representative ako ng bongga at sobrang cool na family tree namin. Panganay ako sa limang magkakapatid at kung itatanong nyo kung ilang taon pa lang yung pinakabunso? tagay na lang tayo.heheh. Isa ako sa mga tangang umalis ng bansa (last buh-bye moment na sa Naynay at Taytay-pinalampas pa dahil nahihiya na maakusahan ng PDA). Ayus lang, pag nakabakasyon ako, bibigyan ko sila ng bonggang power-hug!. Kinupkop ako ng aking Tita Dearat kasalukuyang namumuhay sa ilalim ng isang silent cold war mode.

Ang kwento ng kaso:
Dala na rin siguro ng aking kabataan at pagkabagot sa buhay owepdabwelyu, napagala ako hanggang dis oras ng gabi at inaabot din ng madaling araw sa harap ng konchuter. Nung isang gabi lang ay buminggo ako at naka-score ng jackpot sa award na inalay sa aken ng pinsan ko dahil sa pag-uwi ng umaga, pag-iingay at kaadikan sa net nung nakalipas ng 2ng araw. Ang balita ay agad na naipasa at nareport ng umuusok pa (yung ilong ng pinsan ko)sa Pinas at sa UK. Ang resulta? isang bonggang follow-up sermon from UK at kopya lamang ng sumbong ni nasnip mula sa aking Naynay kalakip ang mensaheng "Mag-iingat ka jan palagi, anak..mwah"Parte din ng destabilization plot ang pananabotaheng naganap sa aking ginagamit na konchuter (dinisable ang aking server at binura ang ym)- Sabay labas ng mensaheng VIRUS DETECTED- this system will shut down in 60 secs.--Pero gaya nga ng sabi ko, tangahin niya na ko sa ibang mga bagay, pero kung usapang "sabotahe" lang naman, NO SWEAT. Namimilog ang mga mata niya ng makita niyang adik modena naman ako pagkauwi niya...kung magtatagal tong silent cold war na itech, "no idea at all" ako. Hehe. Pero for the love of money, kelangan ko itake lahat ng ka-epalan na meron sila. (pwede naman magchat at gumawa ng entry sa opis eh!)..Hehe..

28.2.09

Susuko ka na ba?

Life is tough, but we can be tougher...


Yan ang sinasabi ko sa sarili ko kapag nahahagupit ang buhay ko ng signal number three, nung dati pa nga umabot ng signal number 4. Naisip ko lang. Bakit ba may mga taong hindi pa nga sumusubok lumaban sa hamon ng buhay eh sumusuko na agad? Kaya nga nilikha ang bawat indibidwal ng magkakaiba eh...Para mag-stand out yung personality mo from the rest (hopefully, in a positive way).

Naiinis ako nang makita ko at mabasa ang isang entry dito sa blogosperyo. Hindi naman sa nagmamarunong ako sa pagpapatakbo ng buhay niya. Pero, naiinis ako dahil sinasayang nya ang mga pagkakataon na binibigay sa kanya ni Papa God. Makailang-beses na siyang nagattempt mag-suicide, puro laslas or anything telling everybody that next thing that will happen is he will find himself lying in the hospital room. I dont want to be purposely harsh on him pero I will admit it to avoid further hypocrisy on my side..Hayaan niyong ilabas ko ang pov ko sa usaping ito...

Was it family problem, personal problem, love life, work related, math problem or any other problem?

He doesnt even mention it. Kung minsan nga, naiisip ko na pakulo lang ang lahat. Kumbaga most of his posts about his attempts, mga 60% ang lie and 40% ang true. If he feels alone, eh paano naman ang mga taong wala na talagang masandalan? Naririnig mo ba silang nag-emote ng ganyan? Naggawa din ba sila ng blog entry para sabihin na "I'm planning to commit suicide after this post!"

Naalala ko tuloy ung nabasa ko sa Ang Paboritong libro ni Hudas...

May mga pointers na sinabi dun si Bob Ong para maging epektib at kapaki-pakinabang ang pagsu-suicide ng tao. Sabihin ng puro kalokohan..pero minsan nakakatuwa din isipin na pwede syang mangyari sa tunay na buhay. Sana pag nabasa mo toh, matauhan ka ng konti.

  1. Isuot ang paboritong damit (di ko sure kung kasama yan, pero parang kasama nga ata..ewan ko lang)
  2. Gumawa ng bonggang suicide note (itabi ito sa tabi ng iyong bangkay, o hawakan ito upang madaling makikita ng mga pulis upang malaman nila agad na nagpakamatay ka, dahil kung hindi, isang manginginom o adik sa kanto ang ituturo nilang pumatay sayo.)
  3. Wag kalilimutan na gawing makabuluhan ang iyong sulat (sabihin mo na ayaw mo pa sanang gawin ang hakbang na iyon, ngunit hindi mo na makayanan kaya may-i- surrender ka na kay kamatayan.)
  4. Umisip ng pinaka-unique na paraan ng pagpapakamatay. (ang mga halimbawang binigay niya ay hindi ko na maalala, dahil nabasa ko ito nung isang taon pa)
  5. Gawing madrama ang laman ng sulat (wag kaligtaang banggitin na mahal na mahal mo ang iyong mga maiiwanan at kung kaya ng oras, baliktanawan ang mga bagay na nagawa mo para sa mundong ibabaw..lagyan ng PS sa dulo at sabihing ipadala iyon sa MMK o sa MAGPAKAILANMAN.)
Mabalik tayo dun sa kinaaasaran ko. Nakita kong madami din ang naging bayolente sa mga bagay bagay na nabasa nila. Nanahimik ako kahapon (kahapon nga ba yun?) at minsan pang ninamnam ang mga bagay na nabasa ko. Kung hindi ako nagkakamali, nagbigay pa ko ng mungkahi sa kanyang pahina. Bahala na si Doraemon, basta kung ako sayo...

Hindi ako susuko sa laban ng buhay, dahil pag ginawa ko yun, para ko na ring inamin na isa akong walang kwenta at talunang nilalang

15.2.09

Valentines...



Paano niyo sinelebreyt ang Valentines day nyo kahapon? Ako, wala. As in. Sobrang pressured and stressed sa work at pinagtampuhan ako ng langit at lupa kaya walang nang-imbita saken para mag-date. Pero ok lang sa olryt dahil masakit din naman ang pimples ko kahapon at ayokong lumabas. Oo, masakit ang pimples ko kaya nairita ko sa valentines ng tuluyan. After my horrible work yesterday, I went straight home and..and.. ano nga bang ginawa ko? bukod sa pakikipag-chat, lumipas ang mahalagang oras ko sa pagtulog. Pero paggising ko, andun pa din ang madaming pimples. Belo, Calayan! helping me!!!(nyahahah!). Enough enough. rewind rewind.

-------------------------------------------------------------------------
Nag-js prom nga pala kahapon yung kapatid ko. She seemed very much excited about it. Pero ako, kiber ko jan sa js na yan? (bitter??!!??). Syempre kunyari lang naman. Nung mga nakaraang araw kasi, mega tanong sya saken ng "about this and that" ng js prom. Eh anu ba naman ang malay ko sa mga kalokohan ng organizer nila ngayong araw taon na toh diba? (Ms. Minchin kung umarte.) Well, anyway, nagsisikreto lang naman ako sa kanya. Pero syempre, may magandang momentum naman ako sa js prom na yan.

--------------------------------------------------------------------------

February 2004

At dahil dakilang epal ako, umattend ako ng JS ng nakapanlalaki. Hindi ako nagsuot ng gown sa kadahilanang: "Muka akong nene", mas sanay kasi akong tinatawag na:"Muka kang totoy!" Pero,naekpiryens ko din naman ang sumayaw at makasayaw si M (which is my bf by that time) ng "Did I dream that we dance forever" (ganyan kasi yung title na sinabi ng kapatid ko, ginaya ko lang), makausap sya ng masinsinan, at mangarap.mangarap.mangarap. Yun bang pakiramdam mo kayong dalawa lang talaga yung nagsasayaw ng mga oras na yun. Na kahit na parehong kaliwa ang paa ko eh, may-i-manage to make sayaw ako with my loved one =). Mga hanggang limang kanta hindi kami tumigil sa pagsayaw, akala kasi namin labanan ng sapatos at tatag ng paa ang labanan dun. Nag-usap kami kung saan kami papasok ng kolehiyo, anung kurso ang kukuhain, at kung anu-ano pang eklavu.

Matapos ang party ay nagpaalam din kami sa isa't isa. Pero, bago niya ko ihatid sa aming kubo, may iniabot sya sa akin na isang supot. Nang binuksan ko, hulaan niyo kung ano ang laman?



a. singsing
b. kwintas
c. champoi



Tama, manghula muna kayo ng konti para masaya. Ganun pala yung pakiramdam nun,pag nakakita ka ng isang card na may nakasulat na "Will you marry me?"Aminado ko, pag naaalala ko yan, kinikilig pa din ako hanggang ngayon. At agad niyang sinabing :"I want to spend the rest of my life with you, will you please say yes?".

Ano nga bang dapat na isinagot ko?