30.9.09

Paalam

Parang kahapon lang dumating ka sa buhay ko. Sobrang saya ko nun. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Hindi maimumuwestra ng kahit na anong salita ang nararamdaman ko ng mga panahon na yun.

Palagi kong nakikita ang sarili kong nakatanaw sa malayo. Tinatanaw ang bukas, iniisip kung bukas eh nandyan ka pa din sa aking tabi. Natulog ako at gumising sa paniniwalang habambuhay eh anjan ka lang. Masaya ang mga tao sa paligid dahil nariyan ka. Sa kabilang banda, madami rin naman ang nakaramdam ng kalungkutan ng maramdaman nila ang iyong mabibigat na mga yabag.

Pero hindi ako nagpaapekto. Patuloy lang akong namuhay ng kasama ka. Masaya kong sinariwa ang mga alaala nating dalawa. Alam ko kase na hindi panghabambuhay ang iyong pananatili sa buhay ko. Alam kong minsan ka lang din dumating sa isang taon. Alam kong kasabay ng iyong pagdating ay ang hudyat ng malaking PAGBABAGO.

At kagaya ng inaasahan ng lahat - ngayon ay kailangan mo nang umalis. Kailangan mo na akong iwan. Wag kang mag-alala, naiintindihan ko na makabubuti para sa lahat na iwan mo ako at ang ating mga alaala. Masakit sa akin, nakakalungkot. Pero alam ko, na sa iyong pag-alis, magpapatuloy ang ikot ng mundo. Magpapatuloy ang buhay at magiging isang matamis na alaala ang ating pagkikita sa taong ito.

"Wag mo akong kakalimutan sa susunod nating pagkikita...

Maghihintay ako sa iyong muling pagbabalik....

Lagi lagi kitang aalalahanin at ang ating mga matatamis at mapapait na alaala...."


Paalam sa iyo......












SEPTEMBER.....Helloooooooooooooooooo October!!!!!! \m/


23.9.09

Settling

Madaming nabubuong ideya sa utak ko sa araw araw na ginawa ni Papa God. Sa sobrang dami ay hindi ko na sila halos mapagtugma-tugma. Parang listahan lang ng mga gusto kong gawin sa buhay ko. Madami, mahalaga, nakakatuwa, nakakaiyak, nakakabanas, nakakainspire, minsan naman eh masakit sa ulo. Lumipas na lang ang mga araw na halos hindi ko na maramdaman na ibang araw na pala ang susunod. Ganun daw kapag ang buhay mo eh isang ROUTINE.

Para kang sundalong kumakain. Subo- nguya-lunok. Paulit-ulit. Hanggang sa maubos ang kinakain mo.

Ewan ko, hindi naman ako naboboring-an sa buhay ko. Tinatawag ko pa ngang astig ang laypstayl na meron ako. Kanya-kanyang trip nga lang siguro tayo sa buhay. May nilikhang manira ng araw ng ibang tao. May ibang nilikha para pagandahin ang araw mo. May nilikha para insultuhin ang araw mo. May nilikha para itulak ka para tumaas sa kinalalagyan mong pwesto. At kadalasan, MADAMI ang nilikha upang tapak-tapakan ka na parang labada sa probinsya hanggang sa wala nang matira sayo. May mga nilikhang akala mo si Nora Aunor kung magdrama. Meron namang magagaling pa sa clown kung magpatawa - pero kung sisilipin mo ang tunay na kulay ng pagkatao na meron sila....magugulat ka sa malalaman mo, dahil madalas- kabaligtaran sila ng nakikita mo.

*Insert sad song here*

Oh the leaves they fall,
they go so far sometimes.
Do I blame the wind
or the tree that let you go?
Or do I wave goodbye,
settling?--Settling
Disclaimer notice: Pagpasensyahan na ang may-ari ng blog dahil hindi pa sya natutulog ng humigit-kumulang 48 hours ng isulat nya tong entry na toh. Pls bear with her =))

17.9.09

Hi-SkooL Layp

Isa sa mga bagay na hindi ko ipagpapalit ay ang alaala ng Hi-skul days. Nandyan kung tutuusin ang highlight ng buhay ko. Ewan ko, hindi ko man namalayan na lumipas ang mga oras at araw nung mga panahon na yun. Masasabi ko namang naenjoy ko yun kahit papano. Madami akong naging kaibigan, kakulitan, kaaway, natuto akong magmura, mag-cutting, magreport sa klase, mag-ingay, maka-zero sa exam, mamental block habang nagrerecite, at kung anu-ano pang kapalpakan na kapag naaalala ko ngayon eh nagpapangiti saken.

  • Half-day lang ang pasok sa iskul ko. Kung taga-cavite ka, maiintindihan mo kung bakit (kulang kase sa classroom, at sa public school lang ako nagtapos, pero sulit naman!)
  • Late ako lagi sa pagpasok. Hindi ako mabagal kumilos. Sadyang ayoko lang ng naghihintay ng matagal. Kahit sa flag ceremony naiiinip ako.
  • Nung nagliligawan pa lang kami ng aking puppy lab - nakasabay ko sya sa jeep at dala ng ka-clumsy-han- nadulas ako sa may hagdan ng jeep kakapacute sa kanya.
  • Sa science laboratory ko sinagot si puppy lab! Nag-cutting pa kame akchwali para lang maglandian ng panahon na yun ^^, (peace out!)
  • Kadalasan, hindi ako pumapasok sa subject bago mag-recess. O kaya naman eh nagpapalate ako. Ang reason? mahaba kase ang pila sa canteen pag sumabay ka sa recess ng ibang year level at ibang sections, mauubos lang ang 15 mins recess sa pagpila. Kanya-kanyang style kumbaga. Nyahahaha
  • Nasa mataas na section ako nung hi-skul. Isa ang mga grades ko sa muntikan na kumalawit sa top ten. Pero at dahil isa akong dakilang adik sa kung anu-anong bagay, nanatiling nakakalawit ang grades ko at never ever sumali sa top ten. Tenk yu! =))
  • Naranasan ko nang mabato ng eraser, pero dahil magaling ako umilag, kaklase ko sa likod ang na-spin ng teacher ko. Bwahahaha
  • Isa ang mga apelido ko sa madaling natatandaan ng mga teacher namin. Ewan ko kung anung meron sa apelido ko. Tipikal ba sya? Nyahahaha.
  • Madalas ako ma-excempt sa exam. Lalu na sa English, MAPEH, TLE, at Science. Pwera lang sa Math. (I hate math ^^,)
  • Mayroon akong isang matinding stalker. Nagkita kami nung kelan sa Facebook at sinabi nyang susundan nya ko dito sa UAE. Nakachat ko din sya once at nagsabi sya ng "Lovelots po". Nag-invi poreber na ko sa kanya sa lahat ng accounts ko ^^,
  • Accident prone ako nung hi-skul ako. Anjan yung nahulog ako sa stage, nadapa sa may harap ng klasrum, Nangudngod sa may canteen, nadulas sa may corridor. At madami pang ibaaaaaaaa...=))
  • Lagi akong sumasali sa slogan making contest. Mahilig kase akong gumawa ng kasabihan. ^^,
  • Kapag sayawan ang PE namin, ipinipilit ko na pakantahin na lang ako ng teacher ko. Yung last na request ko , hindi nya pinatulan - pinaglinis nya ko ng CR habang kumakanta. nyahahaha
  • Magaling sa math ang nanay ko! Bilang nya ang minuto ng travel mula sa skul hanggang sa bahay namin. Pag dumating ka ng mas late sa nakatakdang oras, Gulpi-de-gulat ang aabutin mo.
  • Unang cellphone ko ay Alcatel (2nd yr), sumunod ang 5110 (2nd yr), tapos naging 3210(4th yr).
  • Pinangarap kong matuto tumugtog ng gitara- kaya lang... hindi ako matyaga masyado sa mga ganung bagay.
  • Iritable ang panahon ng CAT para saken. Dahil hindi ko ma-enjoy ang moment! Lagi akong excuse! =))
  • Halos lahat ng kasabayan namin ni puppy lab na couples eh nagkatuluyan. Or kung hindi naman, going strong ang mga relationship nila. (kailangan ko lang talaga banggitin, nyahahah)
  • Paborito kong teacher si Mr. Zaldy Reyes. Sya lang kase yung teacher na nakapagbigay-buhay sa nakakaantok na Physics subject. ^^, Nagmumura kase sya habang nagtuturo. Nyak.
  • Isa sa mga hindi ko malilimutan na project eh yung baby thesis namin sa Computer Subject. Umiyak ang teacher namin nun na si Ms. Leyran - kasi pinasahan sya ng isa naming kaklase ng research tungkol sa F4 =))
  • Lagi akong naeelect na sekretari sa klase. (maganda daw kase sulat ko). Eh kaya lang, nababanas naman ako - kase pag pinagsusulat ako sa blackboard, di ko abot yung blackboard ^^,
  • Nagwalk-out ako nung isang beses na nagreport ako sa ibang section. Sinira ko yung visual aids na ginamit ko -- ang dahilan, SELOS =))
  • Nasigawan ako ng class adviser namin nung 4th year ng Wala ka bang relo sa bahay nyo? nang mahuli nya kong pumasok ng late sa klase nya. =)) Unang subject sya - ang oras 12:30pm, dumating ako ng 1:15pm ^^,
  • Isa ang kantang "Everyday" sa paborito kong ihum na kanta...(ugong lang kumbaga). Gusto nyo ng sampol? Tignan nyo sa paligid nitong page na to, merong sampol jan banda. Hehehe. Wag na. pangit ang boses ko =))
  • Nagkaron kami ng petty tampuhan ng isang kaibigan ko dahil sa pagkanta ng National Anthem. Ginawa ko kaseng R and B. Nagalit ang teacher - tinanggal ako sa line-up ng singers =))

16.9.09

Sacrifice

Kelan ka huling nagsakripisyo para sa kapakanan ng kapwa mo? Sigurado ko, mag-iisip ka ng matagal bago mo ko masasagot. May nagtanong saken nyan nung isang araw. Eto ang naging sagot ko.

"Madaming beses, at ayukong mapagod...sana nga hindi pa ko pagod"


Dala na rin siguro ng mababaw kong pag-iisip kaya ko nasabi yan. Hindi ko alam kung nadating lang talaga sa buhay ng tao ang mga ganitong pagkakataon. Hindi ko din alam kung sinusubok lang ba ko talaga ni Papa God. Wala akong alam, wala ako kahit na wanport na ideya. Nakipag-usap ako sa ilang mga kaibigan. Hiningi ko ang payo nila. Natatandaan ko pa - may niyaya pa ata akong magpakasal, pero in the end - pinagtawanan ko na lang ang idea. Sinabi kong nakakasawa na kase.

"Nagsasawa na kong mabuhay para sa ibang tao, pwede bang buhay ko naman ang asikasuhin ko?"

Hindi ko na rin matandaan kung ilang tao na ang sinabihan ko nyan. Pero nakikita ko pa din ang sarili kong bumabangon tuwing umaga at pinagpapatuloy ang nasimulan ko, at patuloy na inilalagay sa utak ko na:

Sacrifice is a part of life. It’s supposed to be. It’s not something to regret. It’s something to aspire to. Little sacrifices. Big sacrifices.


>>>>Lahat ng bagay na ginagawa ko ngayon eh may patutunguhan. ^^, I'll cheer myself up. Dahil hindi ito tahanan ng emo. \m/

13.9.09

Annoyed


Holding anger is a poison...It eats you from inside...We think that by hating someone we hurt them...But hatred is a curved blade...and the harm we do to others...we also do to ourselves...--quote from The five people you meet in heaven by Mitch Albom


I am currently reading this very beautiful book by Mitch Albom. And yeah I am also CURRENTLY experiencing one bad day here in the office.

Belated happy monthsary to my Bebe ^^,

7.9.09

How to deal with stress

Matagal din akong hindi nakalibot sa mga bahay, kuta, pahina, page, at kung anik anik pang tawag nyo sa mga blog nyo. Bisi kase ako. Hindi ko na ikukwento kung bakit dahil mawawalan lang kayo ng interes. Tsaka na lang pag tapos na ang lahat (para wag mausog). At dahil sa dami ng ginagawa at inaasikaso ko - naging prone ako sa STRESS.

Alam kong madami din sa inyo ang kagaya ko eh sobrang nai-stress na sa mga trabaho o buhay nyo. Kaya bago pa kayo gumawa ng negatib na hakbang, let me share with you guys my list of HOW TO's when it comes to dealing with stress. ^^,

  • Ang popular na breathe in - breathe out. Ginagawa pag mabaho ang boss at tambak ng tambak ng gagawin pero di ka makaangal . Inhale - exhale. Wan more taym. Inhale - inhale-inhale. Ok next number. Aww, exhale pa pala. hehehe.
  • Be optimistic. Wear a smile on your face. Isipin mo na lang Kaya mo kid! Kita mo at gagaan ang pasan mong daigdig este trabaho pala.
  • Kumain every hour. (Paalala: Hindi applicable sa mga taong mabagal ang metabolism, dahil pag nagkataon, tataba kayo ng bongga.) Sabi nga nila, nakakawala ng depression at stress ang pagkain. Ako i lurveeeee eating. Ngunit sa kadahilanang hindi ko pa din maipaliwanag hanggang ngayon, hindi pa din ako tumataba kahit na anong effort ko sa paglafang ng bongga. Baka sa stress nga napunta ang lahat. (thinking)
  • Tawagan ang iyong apol op da ay. Makipagkulitan. Ikwento mo dis and dat. Ikwento mo na naiiyak ka na sa inis dahil sa dami ng ginagawa mo at solo ka lang sa opisina nyo. Tabi tabi po, ang tamaan magkakabukol (peace out tertel) \m/
  • Mag-sound trip. Optional ang isang to. Dahil mahigpit sa ibang opisina at walang kalayaan kahit man lang sa speaker.
  • Magmulti task pero wag malito. Imbis na kinikimkim mo ang inis mo sa sarili mo, isigaw mo sa lahat ng pwede mong sigawan, gamitin mo ang internet upang gawin yan. Ilagay ang galit mo sa facebook, magopen ng thread sa Plurk, at gawing stat msg sa YM. Pag may pumatol o nagreak, swerte mo - may shock absorber ka. Pag wala naman, focus sa work ang drama mo.
  • Magbasa ng balita. Sa entertainment column. Subukan sagutan ang Crossword puzzle at sudoku, pag nairita ka- senyales lang yun na kailangan mo na magtrabaho ulit.
Yan na muna sa ngayon. Kakain na muna ako at baka madaan sa kain ang lahat. ^^,

4.9.09

antayteld.....

To laugh is to risk appearing the fool.
To weep is to risk appearing sentimental.
To reach out for another is to risk involvement.
To expose feeling is to risk exposing your true self.
To love is to risk not being loved in return.
To hope is to risk despair.
To try is to risk failure.

3.9.09

Sabi KO

  • Wag magmadali sa buhay, dahil anu't anu pa mang pagmamadali ang gawin mo, kung ano ang nakatakda at nakasulat , yun at yun ang mangyayari sayo.
  • Wag kang masyadong malungkutin - dahil may mga bagay na meron ka na wala ang ibang tao. At meron ang ibang tao ng mga bagay na wala ka.
  • Yung kras mo nung hi-skul ka, malamang sa malamang eh hindi mo na magugustuhan ngayon. Bakit? dahil para na syang monay na inflated. Para na rin syang butete dahil malaki na ang tyan nya. At higit sa lahat, di mo na sya dapat magustuhan- dahil may asawa na sya. Nyahaha.
  • Wag malungkot pag tumapak na ang unang araw ng bwan ng mga -BER mants. Dahil ang paggagayak para sa pasko ay pagkatapos pa ng ikalawang araw ng Nobyembre pwedeng gawin, pwede ka rin naman mangaroling sa mga kasamahan mo sa bahay - kaya wag magdrama, ibalato mo na lang yan sa mga artista.
  • Wag malungkot pag natalo ka ng boypren mo sa scrabble. Isipin mo na nagloloko ang connection mo sa YM kaya ganun ang nangyari. Isipin mo na nag-ingat ka lang na ipamigay ang "pambato" mong word. Sabihin mo din na babawi ka next time. Anyways, isang puntos lang naman (ata) ang lamang - bwahahaha. O di kaya naman, pag wala ka nang maidahilan, aminin mo na "yer such a loser". hahaha.
  • Wag kang mag-alala pag iniwan ka saglit ng taong malapit sa puso mo para magcelebrate ng pasko sa Pinas - isipin mo na lang na mas matagal ka nyang nakakasama kesa sa panahon na ilalagi nya sa Pinas, kasama ang pamilya nya.
  • Lahat ng tao ay may angking kabaitan. Yung sa iba nga lang eh hindi pa nila narerealize o hindi pa nila nakikita sa sarili nila.
  • Si PB (plurk buddy) ay isang madamot na nilalang sa cyber world. Tignan mo ang karma ko - konti na lang Nirvana na ko, ipinagdadamot pa saken. Ayheytyu.
  • Kahit sabihin ng ibang tao na kumpleto na ang buhay mo, alam mo pa din sa sarili mo na may kulang pa din. Sa materyal man o emosyonal na aspeto.
  • May mga taong late na talaga dadating sa buhay mo. Period - no erase. Nasa sayo na kung papatol ka sa mga pakulo nila, o mananatili ka sa desisyon mo. Sabuyan mo sila ng asin para bumalik sa dati nilang sila at mawala ang lansa sa katawan.
  • May mga taong mahilig mangalkal ng archives mo. Mahirap yan, dahil magugulat ka na lang isang araw, aawayin ka na lang nya bigla at tatanungin ko kelan mo sinimulan lahat ng kalokohan mo sa buhay. Blah blah blah.
  • Kung hopeless romantic ka, mataas ang porsyento na tumanda kang single. Wag ka nang magtanong kung bakit. Hahaha.
>>>Read between the lines na lang people. ^^, Wala ako sa tamang katinuan ng isulat ko to eh..