17.9.09

Hi-SkooL Layp

Isa sa mga bagay na hindi ko ipagpapalit ay ang alaala ng Hi-skul days. Nandyan kung tutuusin ang highlight ng buhay ko. Ewan ko, hindi ko man namalayan na lumipas ang mga oras at araw nung mga panahon na yun. Masasabi ko namang naenjoy ko yun kahit papano. Madami akong naging kaibigan, kakulitan, kaaway, natuto akong magmura, mag-cutting, magreport sa klase, mag-ingay, maka-zero sa exam, mamental block habang nagrerecite, at kung anu-ano pang kapalpakan na kapag naaalala ko ngayon eh nagpapangiti saken.

  • Half-day lang ang pasok sa iskul ko. Kung taga-cavite ka, maiintindihan mo kung bakit (kulang kase sa classroom, at sa public school lang ako nagtapos, pero sulit naman!)
  • Late ako lagi sa pagpasok. Hindi ako mabagal kumilos. Sadyang ayoko lang ng naghihintay ng matagal. Kahit sa flag ceremony naiiinip ako.
  • Nung nagliligawan pa lang kami ng aking puppy lab - nakasabay ko sya sa jeep at dala ng ka-clumsy-han- nadulas ako sa may hagdan ng jeep kakapacute sa kanya.
  • Sa science laboratory ko sinagot si puppy lab! Nag-cutting pa kame akchwali para lang maglandian ng panahon na yun ^^, (peace out!)
  • Kadalasan, hindi ako pumapasok sa subject bago mag-recess. O kaya naman eh nagpapalate ako. Ang reason? mahaba kase ang pila sa canteen pag sumabay ka sa recess ng ibang year level at ibang sections, mauubos lang ang 15 mins recess sa pagpila. Kanya-kanyang style kumbaga. Nyahahaha
  • Nasa mataas na section ako nung hi-skul. Isa ang mga grades ko sa muntikan na kumalawit sa top ten. Pero at dahil isa akong dakilang adik sa kung anu-anong bagay, nanatiling nakakalawit ang grades ko at never ever sumali sa top ten. Tenk yu! =))
  • Naranasan ko nang mabato ng eraser, pero dahil magaling ako umilag, kaklase ko sa likod ang na-spin ng teacher ko. Bwahahaha
  • Isa ang mga apelido ko sa madaling natatandaan ng mga teacher namin. Ewan ko kung anung meron sa apelido ko. Tipikal ba sya? Nyahahaha.
  • Madalas ako ma-excempt sa exam. Lalu na sa English, MAPEH, TLE, at Science. Pwera lang sa Math. (I hate math ^^,)
  • Mayroon akong isang matinding stalker. Nagkita kami nung kelan sa Facebook at sinabi nyang susundan nya ko dito sa UAE. Nakachat ko din sya once at nagsabi sya ng "Lovelots po". Nag-invi poreber na ko sa kanya sa lahat ng accounts ko ^^,
  • Accident prone ako nung hi-skul ako. Anjan yung nahulog ako sa stage, nadapa sa may harap ng klasrum, Nangudngod sa may canteen, nadulas sa may corridor. At madami pang ibaaaaaaaa...=))
  • Lagi akong sumasali sa slogan making contest. Mahilig kase akong gumawa ng kasabihan. ^^,
  • Kapag sayawan ang PE namin, ipinipilit ko na pakantahin na lang ako ng teacher ko. Yung last na request ko , hindi nya pinatulan - pinaglinis nya ko ng CR habang kumakanta. nyahahaha
  • Magaling sa math ang nanay ko! Bilang nya ang minuto ng travel mula sa skul hanggang sa bahay namin. Pag dumating ka ng mas late sa nakatakdang oras, Gulpi-de-gulat ang aabutin mo.
  • Unang cellphone ko ay Alcatel (2nd yr), sumunod ang 5110 (2nd yr), tapos naging 3210(4th yr).
  • Pinangarap kong matuto tumugtog ng gitara- kaya lang... hindi ako matyaga masyado sa mga ganung bagay.
  • Iritable ang panahon ng CAT para saken. Dahil hindi ko ma-enjoy ang moment! Lagi akong excuse! =))
  • Halos lahat ng kasabayan namin ni puppy lab na couples eh nagkatuluyan. Or kung hindi naman, going strong ang mga relationship nila. (kailangan ko lang talaga banggitin, nyahahah)
  • Paborito kong teacher si Mr. Zaldy Reyes. Sya lang kase yung teacher na nakapagbigay-buhay sa nakakaantok na Physics subject. ^^, Nagmumura kase sya habang nagtuturo. Nyak.
  • Isa sa mga hindi ko malilimutan na project eh yung baby thesis namin sa Computer Subject. Umiyak ang teacher namin nun na si Ms. Leyran - kasi pinasahan sya ng isa naming kaklase ng research tungkol sa F4 =))
  • Lagi akong naeelect na sekretari sa klase. (maganda daw kase sulat ko). Eh kaya lang, nababanas naman ako - kase pag pinagsusulat ako sa blackboard, di ko abot yung blackboard ^^,
  • Nagwalk-out ako nung isang beses na nagreport ako sa ibang section. Sinira ko yung visual aids na ginamit ko -- ang dahilan, SELOS =))
  • Nasigawan ako ng class adviser namin nung 4th year ng Wala ka bang relo sa bahay nyo? nang mahuli nya kong pumasok ng late sa klase nya. =)) Unang subject sya - ang oras 12:30pm, dumating ako ng 1:15pm ^^,
  • Isa ang kantang "Everyday" sa paborito kong ihum na kanta...(ugong lang kumbaga). Gusto nyo ng sampol? Tignan nyo sa paligid nitong page na to, merong sampol jan banda. Hehehe. Wag na. pangit ang boses ko =))
  • Nagkaron kami ng petty tampuhan ng isang kaibigan ko dahil sa pagkanta ng National Anthem. Ginawa ko kaseng R and B. Nagalit ang teacher - tinanggal ako sa line-up ng singers =))

6 comments:

eMPi said...

makulay ang hiskul layp mo Jen ah... :)

Deth said...

naaliw ako ng sobra sa hiskul-layp mo...ahahaha,at nakarelate sa ilan:P

isa rin kase ang hi-skul sa pinakamakulay na parte ng buhay ko, ansarap balikan:D

teka ikaw ba yung nghahum (este kumakanta)na naririnig ko sa paligid-ligid?

Kosa said...

hahaha
nakakatuwa talaga ang hays-kul.

attt... nagkaroon ka rin ng alcatel?
ako hindi... ayoko talaga ng alcatel nun... yun ba yung hugis sabong panligo na may pangalang safeguard? lols

andami mong sinabi.. pero parang may kulang pa...

cmvillanueva said...

saya saya naman ng hayskul mo, nakarelate ako, heheheh!

A-Z-3-L said...

girl... pwede mo pang balikan ang hayskul layp mo...

mukha ka namang hayskul eh =))

lolz!

Superjaid said...

nakakamiss ang high school days, buti na lang lapit na ang sembreak makikita ko na ulit mga highschool friends ko,Ü

ang saya ng high school days mo sis!Ü