30.9.09

Paalam

Parang kahapon lang dumating ka sa buhay ko. Sobrang saya ko nun. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Hindi maimumuwestra ng kahit na anong salita ang nararamdaman ko ng mga panahon na yun.

Palagi kong nakikita ang sarili kong nakatanaw sa malayo. Tinatanaw ang bukas, iniisip kung bukas eh nandyan ka pa din sa aking tabi. Natulog ako at gumising sa paniniwalang habambuhay eh anjan ka lang. Masaya ang mga tao sa paligid dahil nariyan ka. Sa kabilang banda, madami rin naman ang nakaramdam ng kalungkutan ng maramdaman nila ang iyong mabibigat na mga yabag.

Pero hindi ako nagpaapekto. Patuloy lang akong namuhay ng kasama ka. Masaya kong sinariwa ang mga alaala nating dalawa. Alam ko kase na hindi panghabambuhay ang iyong pananatili sa buhay ko. Alam kong minsan ka lang din dumating sa isang taon. Alam kong kasabay ng iyong pagdating ay ang hudyat ng malaking PAGBABAGO.

At kagaya ng inaasahan ng lahat - ngayon ay kailangan mo nang umalis. Kailangan mo na akong iwan. Wag kang mag-alala, naiintindihan ko na makabubuti para sa lahat na iwan mo ako at ang ating mga alaala. Masakit sa akin, nakakalungkot. Pero alam ko, na sa iyong pag-alis, magpapatuloy ang ikot ng mundo. Magpapatuloy ang buhay at magiging isang matamis na alaala ang ating pagkikita sa taong ito.

"Wag mo akong kakalimutan sa susunod nating pagkikita...

Maghihintay ako sa iyong muling pagbabalik....

Lagi lagi kitang aalalahanin at ang ating mga matatamis at mapapait na alaala...."


Paalam sa iyo......












SEPTEMBER.....Helloooooooooooooooooo October!!!!!! \m/


14 comments:

A-Z-3-L said...

hinanap ko agad ung dulo... bago ko umpiahang basahin. alam ko na ang style mo eh! hahahahaha!

bilis ng panahon... october na... birthdeyan na!

Dhianz said...

ang drama moh!.. takte.. kala koh kung anong pamamaalam.. kala koh umuwi or somethin' si batman... tsk!... sino may bday sis azel? sis jen?... sensya nah balik reality akoh kinda bz... ingatz lagi... Godbless! -di

EǝʞsuǝJ said...

*Azel
nyahahhah
walang maisip ehh
kelangan ko na magpalit ng style..
tsktsk..

tama
beerdeyan na..
imbayted ba kame?
hehehehe

*dhianz
hahahaha
akala mo lang yun dhi!
maling akala lang ang lahat...

ingats din!
GB

Anonymous said...

yey!
oktober feast na!
babaha na ng putik
este beer pala :)

pero mas mahalaga
ang makatulong...
ipagpalit ang inuman! :(

Hari ng sablay said...

pare napalundag agad ako sa blog mo kala ko ano ng pamamaalam ang sinasabi mo,hehe

kailangan ng gisingin yung nagpapagising ng when september ends,hehe inuman na!

sensya na kung hindi ako masyado makadalaw busybusyhan lang,hehe ingat!

Anonymous said...

hello october!namimis ko na october party!rakrakan!

gillboard said...

oktoberfest na!!!

poging (ilo)CANO said...

jusko!

Kosa said...

andaming achuchuchuchooooo!
september lang pala!
hahaha

duboy said...

akala ko naman eh natapos na ang love story nio ni..hehe

EǝʞsuǝJ said...

@Anthony
hahahha
kerek kerek pare...
tulong muna bago sunog baga...
lol

*HNS
pare...
nyahahah
di ko naman basta basta iiwan ang blog ko...

tama..
baka mapahimbing ng tulog ehh

naks naman...may business ka na ba pare?
see yah 'round

EǝʞsuǝJ said...

*Arnie
kerek kerek...
party party!!!!!
=))

*Gillboard
\m/ astig!

*Pogingkemedu
hahahah
parang pinag-isipan mo maigi yang comment mo ahh =))

EǝʞsuǝJ said...

*KUYA Kosa
hahahahah
wafakels ka pare...
hahaha
anu bang akala mo?
:P

*Chico
hahahahah
hindi naman...
kakasimula pa nga lang halos, tatapusin na agad?
=))

Superjaid said...

hehehe welcome oktober!!