As a mother, I I know that I am not the perfect one. Not the one that they will miss every time I'm not around, not the one that they will talk through on the phone for long hours. Not the one who can read their fairytales before they go to sleep. Not the one that they will kiss in the cheek, not the one that they'll obey and be proud of. I only wanted them to love and cherish me. Not as their mother, but as the woman who tried her best to love them and sacrificed every little thing that she has so that they can survive.Nanginig ang katawan ko ng narinig ko ang mga pahayag na yan. Nagsimulang mangilid ang luha ko sa kakaibang lungkot na aking naramdaman. Parang isang halimuyak na unti-unting nanuot sa aking sistema. Pinilit kong pigilan ang paglabas ng aking tinatagong emosyon. Pilit kong iniwasan na maapektuhan. Pinilit kong wag marinig at makita ang kalungkutan na namumuo sa kanyang mga mata. Maya-maya pa ay pinakawalan na niya ang matagal nang itinatagong kalungkutan. Tumakbo sya sa kanyang silid at sa upuan doon nagkubli. Tahimik akong nakiramdam, at tumingin sa kawalan.
"Kung alam ko lang sana, edi sana...."
Puno ng pagsisisi at pagka-aba sa sarili ang tangi niyang nadarama sa mga oras na iyon. Nais ko sanang amuhin sya at patahanin sa kalungkutang kanyang nadarama subalit hindi ko mahanap ang mga tamang salitang makapagpapaalis ng kalungkutang nararamdaman niya sa mga oras na iyon.
Nilisan ko sya habang lumuluha at tinatangis ang mga bagay na kanyang ginawa para sa kanyang anak. Kung gaano sya nanghihinayang sa oras at suporta na binigay nya para dito.
Tahimik akong umusal ng panalangin. Panalangin na sana ay maging mabuti ang lahat sa mga darating na araw. Matapos ang maikling panalangin, ipinikit ko ang aking mga mata, pinatulog ang diwa. Subalit ang bawat pahayag ay tumatakbo pa rin sa aking isipan. Agad kong naalala ang nakalipas....
Pitong taon ako nun ng mamulat ako sa katotohanan tungkol sa tunay na kalagayan ng kanilang pamilya. Ang babae ang nagtataguyod ng pamilya habang ang asawa nya ay sa bahay lang maghapon. May kaya sila at ang anak nila ay nag-aaral sa pribadong paaralan. Datapwa't lumaki akong kasabay ang kanilang anak, hindi malapit ang loob ko dito. Bibihira ko din siyang makalaro sapagkat mas gusto niya ang mga laruan ng iba niyang kapitbahay.
Lumipas ang dalawang taon, kinupkop nila ako upang doon sa bayan nila ipagpatuloy ang aking pag-aaral. Doon naging malinaw sa akin ang lahat. Ang babae ay nagtatrabaho sa Maynila, habang ang lalaki naman ay walang inaatupag kundi ang pag-inom at iba't ibang bisyo sa kanilang bahay. Kung lustayin nila ang kanilang pera ay ganun-ganun na lamang. Habang ang anak naman nila ay sa barkada naman nalulong. Matapos ang kanyang oras sa paaralan, agad na siyang sumasama sa kanyang mga kaibigan at kung umuwi ay talaga namang gabi na. Lumaki ang kanyang anak sa pangangalaga ng isang yaya na hindi marunong magbasa at magbilang. Lumaki ang anak niya sa pangangalaga ng isang taong baluktot ang paniniwala sa buhay. Lumaki ang anak niya sa pangangalaga ng isang taong sarado ang utak sa realidad at sariling paniniwala lamang ang pinaniniwalaan.
Hindi ko kinaya ang makasalamuha sila sa iisang bahay. Hindi nagtagal ay nagpasya akong umuwi sa amin at doon na lamang ipagpatuloy ang aking pag-aaral.
Malaki ang pagkakaiba ng aking pamilya sa kanilang pamilya. Malaki ang pagkakaiba - mula sa ugali hanggang sa pananalita. Nakakalungkot isipin na sa mga panahon kung kailan nagsisimulang maging matagumpay sa buhay ang isang tao, saka nya nakakalimutan ang kanyang pinagmulan, ang kanyang PAMILYA.