Kapag ang buhay mo eh medyo smooth sailing ng wanport. Medyo binubuhusan ni Papa God ng konting thrill. Konting twist, parang sa telenovela, para madaming sumubaybay, para maraming ratings, para sumikat pa yung bida.
Ayus naman ang buhay ko ngayon. Oo, almost complete. Lahat kase ng aspeto na "may kulang" dati sa buhay ko eh ayus na ayus na ngayon. Masaya ako at kuntento sa ngayon. (oo, ngayon lang - dahil hindi nga ako marunong makuntento sa buhay.hahah). Liban na nga lang sa mga biglang sumulpot na anay sa mapayapang pamumuhay ko sa bahay ni Tita:
Isang mapayapang araw na nanananananahimik ang pamumuhay ng prinsesa ng mga astig (ako yun). Ay bigla syang nakatanggap ng balita. Balitang nagpabaligtad ng sikmura at nagdala sa kanya sa alanganin (ng wanport) dahil nabalanse nya na ng bongga ang kanya iskedyul at kung ano-ano pang kalokohan sa buhay nya para sa darating na mga araw. Wag kayong mag-alala ang balitang ito eh hindi naman nakakasama sa inyong bida. Wanport lang.
Hanggang sa dumating na nga ang araw ng paghuhukom.
Tahimik na natawa mag-isa si tukmol ng bigla niyang marinig ang nakakahilakbot na boses. Ang boses na mahilig mag-utos. Ang boses na mahilig magmanipula ng buhay ng ibang tao. Ang boses ng taong walang pakundangan kesehodang galing kang trabaho (na nagtrabaho o tumambay, pareho lang yun!). Ang boses na walang binibigay na oras para sayo para ibigay mo sa sarili mo.
Isang bwan LANG NAMAN. Oo, parang kagaya lang ng isang kontrata sa trabaho na agad kang nasipa. Isang bwan lang ang pagtyatyagaan mo at ikaw na ulit ang "master" ng buhay mo. Pwede ka na ulit mamuhay ng patapon o maayos. Matulog ka o hindi, walang makikielam sayo.
Naisip nyo ba? Ang isang bwan na nagtataglay ng 3o o 31 days eh malaki o matagal na panahon din kung iko-convert mo sa seconds? milliseconds? Ang isang araw eh magiging matagal kung bawat minuto eh para kang isang sundalo. "Anak, maupo ka dito...(at makikinig ako sa usapan nyo ng kausap mo), tama na yan, bukas naman kayo mag-usap..gabi na" mga ganung factor lang. Nakakabanas, dahil hindi nya alam kung gano kahalaga saken yung bawat isang salitang pinag-uusapan namin ng kausap ko. (kung magsalita parang business ang pinag-uusapan, hahah)
Palibhasa walang lablayp. Hahaha.. Kaya mahilig makielam. Palibhasa walang natawag at nagteteks sa kanya kaya madaming napupuna. Palibhasa............Hayyyyyyyyyyyyyy........
Palibhasa hanggal angal lang ako.
Takte...
Ilang araw na lang naman.
Minus, minus, plus, divide, subtract, ikwals. At makikita ko na sya ulit na umalis. tahimik na ulit ang paligid. Makakatawa na ko ulit ng hindi sapilitan o pinipigilan. Maipapakita ko na din ang tunay na ako. Yung ako na masamang tao. Yung ako na hindi maintindihan ng maraming tao.
9 comments:
"Patience is a Virtue"
o jen! ang puso...relak ka lang :)
tama si izil =)
pero nakakainis kaya pag may ganyan na kasama! tiis ka nalang muna tutal isang buwan lang naman pala. wag ka nalang tumingin sa kalendaryo kung anong araw na...ndi mo namamalayan 30 or 31 na pala! hehehe..
ishmayl lang...sayang ang braces! lolz!
hexited ka lang sa isusuot mong gown sa sobado..hahaha
tama si azel... patience is a virtue...
tama tama..patience is a virtue..tiis na lang muna,tutal naman no choice ka po di ba?magkakawrinkles at saswangit ka lang kapag naistress ka masyado..smile na lang..Ü
"DIGG"
haha, di ba if you are digging a blog sasabihin ng Digg, "Patience is a Virtue... my friend." hehehe
Ibig sabihin, ano ka ngayon, ano ba tawag dun, Hypnotize, sa tagalog, alila. haha, ang layo ng translation.
ganyan na ganyan ang tita ni shie...single blessedness. hehe
oist! easy lang... ang puso mo baka malaglag... hehehe!
SMILE :)
konting tiis lang pare isang buwan lang naman,lagyan mo nalang ng bulak yang mga tenga mo pag nasa bahay para wala kang naririnig,lols
pag-ibig nga naman, excited !!! hahaha
Post a Comment