Lapitin ako ng mga ganitong uri ng tao. Walang backbone kung tawagin ng bestfriend ko. Syempre hindi literal ang ibig sabihin. Walang backbone -- walang paninindigan sa sarili. Ganyan nya tawagin ang mga taong nagmamahal pero natatakot sa commitment. Ganyan nya tawagin ang mga lalake na hindi marunong patunayan ang mga nararamdaman nila. Mahilig lang silang makipaglandian, makipagharutan at kung anu-ano pang kalokohan sa buhay. Pag nag-fall ka sa ganitong uri ng tao, kalahati ng buhay mo eh hinayaan mo nang mahulog sa hukay. Sila yung tipo ng mga taong mahilig makipag-date, mahilig makipag-flirt, pero pag naramdaman nila na attracted na sila sa babae, wag ka nang umasa pa na magtetext o tatawag pa sila sayo - dahil willing silang gawin lahat para lang mawala agad agad yung nararamdaman nilang yun!
Sila yung tipo ng tao na hindi lang nila magustuhan yung sinuot mong blouse o pantalon sa araw na nagdate kayo, burado ka na agad sa utak nila. Madali rin silang magkaron ng amnesia. Madali silang makalimot ng pangalan, lalu pa't hindi sila nakapag-take advantage sayo. Mahusay din silang magpanggap. Mahusay din silang gumawa ng istorya.
Bakit ko alam?
Hmm....
Lapitin kase ako ng mga ganitong uri ng tao. Hehe ^^,
12 comments:
kow!!! it must have been sad knowing those people.
nakakaawa naman sila... hehehehehe!
hmmmm.... EXEMPTED...
may mga kilala akong ganito, sila rin di ba ung mga taong bawat galaw o desisyong gagawin nila eh sa ibang tao sila aasa..di sila makagawa ng bagay o desisyon ng magisa..Ü
aray...
whew! patama oh... oo na! aaminin ko minsan may amnesia ako...lolz!
sa puso ba hinugot ang post na ito o sa utak lang? :D ...
mare kasama ba sa mga walang backbone ang mga lalakeng mama's boy na hindi makapagdesisyon at parating kelangang ikonsulta sa nanay niya kahit tandang kunat na sila? ahahaha...
-aZEL-
bakit?
kilala mo din ba?
aahahah
well I still hope na in the future eh magbago sila...:D
-Batanghenyo-
sino ang exempted?
hehehe
-Superjaid-
hehehe
tama..
sila yun mismo
ang species nila eh pinakalat sa planet earth para magulo ang lahat ng tao...heheheh
-Gillboard-
awwts...
hindi ikaw yan Gil...
-Marco-
woist..
guilty
nyahahaha....
-CM-
Sa Utak?
pwede rin sa puso...
nyahahaha...
-Deth-
hayy naku
sinabi mo pa...
101% sila nga yan! :D
Maari bang isama sa walang backbone ang mga taong lagi na lang umaasa at ayaw magiskap na magtrabaho?
Marami nyan akong kakilala.
A blessed Wednesday morning to you.
-the pope-
blessed Wednesday din po sayo kuya!
opo..
nahahanay din sa kategoryang yan ang mga nabanggit mo
nakakalungkot lang dahil imbis na mabawasan ang mga kagaya nila, lalu pa silang dumarami sa paglipas ng panahon..:(
parang nasapul ako dito ah pero buti nakailag ng konti,haha
mnsan kasi ganun ako sa mga ibang nbanggit,hehe
Post a Comment