13.7.09

Si Ate

Isa akong mapanlait na tao. Weirdo ang kumbinasyon ng ugali ko. Mapanlait na mahilig mag-appreciate ng ugali at panlabas na anyo ng ibang tao. Hindi ako maganda at lalong hindi ako perpekto, pero nasa dugo ko na nga ata ang pagiging mapanlait.

Mag-iisang taon na din ako dito sa UAE. Hindi lingid sa kaalaman ko na madaming mga poker face dito. Orayt. Hindi po yung kanta ng isang singer na parang tanga kung kumanta ang tinutukoy ko. Kundi yung mga sumasaydlayn saydlayn kung minsan. I've got nothing against them actually. Very open minded akong tao. Walang kaso saken kung yun ang napili nilang pagkakitaan dahil aware naman ako kung gaano kahirap ang mabuhay dito sa lugar na ito. Lalo pa at panahon ng credit crunch (recession--pero yan ang tawag ng lola ko kaya ginaya ko na din).

At dahil naiirita na ako sa isa kong bagong kabusmate. (itago na lang natin sya sa pangalang "ATE"). Nais kong gawing tabloid ang blog ko para mailabas ang mga hinaing ng sobrang natotoreteng mundo ko dahil sakanya.

Nakilala ko si Ate mga last month. Actually mga bandang march 2009 eh busmate ko na sya. Pero deadma ko sakanya, hindi ko kase maramdaman ang ispiritu at ang substance nya sa pagkatao nya. Mula sa false eyelashes at boobs na parang inflated balloon (oo, parang kagaya ng kay Betty Boop), at walang kwentang stories about her S** life, wala ka nang ibang mahihita kay ate. WALA. as in WALA. WALA talaga kundi ayun nga wentong kahit siguro lalake eh magsasawa nang pakinggan sya dahil sa araw-araw na ginawa ni Papa God, yun ang gawain nya ang Magyabang at magkwento na ginawa syang dinner ng kasama nyang kadinner date nung isang gabi. Naisip ko tuloy na may mas walang wentang tao pa pala bukod saken.

Iniiwasan ko na sya, pero kagaya ng pulgas na pilit sumisiksik sa balat ng aso, sumisiksik pa din sya sa akin at panay ang kwento at yabang tungkol sa iba't ibang lalake na meron sya sa lahat ng emirates na meron ang UAE. Malapit na kong magkasakit ng patay-malisya dahil nagpapanggap akong bingi at tulog kapag tumatabi sya sa akin sa bus.

Pero sa isang banda ay naaawa din ako kay ate. Naawa ako dahil hindi nya mahanap ang tunay na kaligayahan at atensyon na dapat ay tinatamasa nya. Naaawa ako dahil iba ang pagtrato nya sa kahalagahan nya bilang isang babae. At naaawa ako sa kanya dahil, parang kumawala na sakanya ang utak nya.

Hayy ate, wag mo sana makilala si B1. Haha. Kundi pag-uuntugin ko kayo ng bonggang-bongga. Joke ^^,

8 comments:

2ngaw said...

Sasabihin ko pa naman sana na ilayo mo si Pogi sa kanya, naunahan mo naman ako lolzz

batang narS said...

hahahahaha.naku naku!kawawa naman xa..

eMPi said...

hahahaha.... grabe naman si ate... halos ipagsigawan na niya ata... hmmm... ma-ehem si ate ah... tsk tsk tsk!

EǝʞsuǝJ said...

-CM-
hahaha
syempre pare
maiisip ko yun agad..
hehehe

-Batangnars-
hahahah
ewan ko mare..
nakakakaawang nakakainis sya ehh :D

-Marco-
hahaha
sinabi mo pa..
kaya nga ibinlog ko na eh
baka gusto lang ng popularity..
nyahahah..

ma"ehem" kamo tlga..hehe
kase hindi sya interesado sa ibang topic..ang gusto nya..yun lang..tsktsk..

gillboard said...

actually di ako naniniwala na mapanlait ka... hindi talaga... hehehe

poging (ilo)CANO said...

hexiting nga mga wento ni ate eh! dami kayang aral na mapopolot sa mga wento niya...astig siya!...hehe

Deth said...

haaayy...kawawa naman si ate, sana maliwanagan siya soon at mahanap niya pa ang substance niya...at yung utak niyang kumawala sa ulo niya? may lost and found ba dyan sa UAE?

EǝʞsuǝJ said...

-Gillboard-
hahaha
hindi halata eh nho
tsktsk..
mild pa yan..
hahahah

-Pogi-
Astig ba?
magpalit na tayo
ikaw na dito sa sharjah
ako na lang jan sa abu dhabz...
hahahaha
para ikaw na lang ang kakwntuhan nya..
:P
adik