Matagal na kitang pinagmamasdan. Matagal na kitang tinitignan mula sa malayo. Matagal mo na kong napapaligaya. Hayy. Ewan ko ba kung anung meron ka at parang mahal na kita.
Nung una kitang makilala halos hindi kita pinapansin. Nung may nagsabi sa akin ng iyong pangalan, wala akong sinabi ni isang salita kundi mahinang "ah ganun ba?". Lumipas ang mga araw at nakita ko na lamang ang aking sarili na nagsisimulang hanapin ka. Nakita ko ang aking sariling tinatanaw ka sa tuwing ako ay may libreng oras. Nakita ko na lamang ang sarili kong nagsisimula nang mahibang ng dahil sa kagandahang iyong taglay. Sa kagandahang alam ko ay matatagalan pa o pag hindi na pinalad pa ay hindi na magiging akin pa.
Ilang buwan na kitang iniisip ngunit dumating nga ba ang panahon na napansin mo din ako? Ni isang minuto ba mula sa iyong pagkakaupo sa iyong kinalalagyan ay nakita mo ang aking munting pagpapahalaga sa'yo? Ni isang beses ba ay nakuha mo ding ngumiti pag nginingitian ko ang iyong angking kagandahan?
Nasasaktan na ako at nahihirapan. Gusto ko nang lumaya mula sa iyong kagandahan. Nais ko nang lumaya mula sa pagkaka-alipin ko sa iyong kariktan. Nais ko nang mamuhay ng hindi ka naaalala.
Nakakalungkot isipin na sa panahon kung kailan lubusan na kitang mahal at saka pa kita kailangang palayain. Nakakainis isipin na hindi ko magawaan ng paraan ang bagay na ito upang maging masaya ako sa iyong piling. Nakakairita dahil kahit paulit-ulit kong sabihin na ayoko na sayo, patuloy ka pa ding idinidikta ng aking isipan.
Ngunit alam ko, makakalimutan din kita. Alam ko, may darating pang mas maganda at mas kaaya-aya kaysa sa aking paningin. Alam ko, at naniniwala ako. Na may darating pa na para sa akin.....
Kaya deadmahin mo ko NOKIA 5800. May darating pang mas maganda at mas high tech kesa sayo. Magsama kayo ng mga lumang modelong cellphone!!!!!!!! ^^,
13 comments:
nyahahaha, hangkulet...dramahan ba ang Nokia 5800.lol:D
Hehehe :D Putek!!Google agad ako ng Nokia 5800 eh...
Ganda nga nya mare :D
nacurious nga rin tuloy ako kung anung kagandahan ba meron sya...
sya tama na ang drama...
sayang ang binabayad ng amo mo sayo sa opisina nyo..lols
trabaho naaaaaa..
jokeness
-Deth-
epektib ba?
hahahaha
hindi sya popular na modelo
pero unang kita pa lang namin nalab at pers sayt na ko :D
hahahaha
sa isang bwan ko pa (hopefully) sya mabibili..hayyy
-LordCM-
hahaha
asteeg sya nho pare?
tsktsk
kaya lang matagal pa bago ko sya makakasama :(
-Kosa-
hahaha
adik ka bogart
nakauwi n ko sa hausssssssss
:P
pabili ka ky sheyk zayed al nayan..lolz
Grabeh, sobrang pahirap sa iyo ng 5800 na yan, mabuti na lang nalagpasan mo sya, hahahaha ano naman kaya ang susunod na modelo na mangungulit sa iyo hehehe, di kaya N97?
God bless.
ano hitsura ng 5800? di nako updated sa nokia.. mas maganda phones ng sony ericsson... hehehe
hahahaha... akala ko kung anong drama... deadmahin mo rin siya! hmpt! lolz
-pogi-
hahaha
ikaw na lang...
bili mo ko...
:P
adik..ayuko na nga sknya ehh
-The POpe-
oo kuya
ang hirap magmove on
hehehehe
tama ang hula mo
N97 naman ngayon
heheheeh
-Gillboard-
haha
sabagay mas maporma kase pag sa sony ericson...
madami syang features pare
para syang bahay
ang kulang na lang eh refrigerator
nyahahaha..:D
-Marco-
talaga!
kung ayaw nya wag nya!
hehehe
hahaha, pangroaming na lang, or pabili ka dun sa pogi ng bago, yung maganda, yung hindi NOkia, ung Sony E. yung 9500i, hehehe
musta na!
ang sakit kapag dedma ka ng isang tao..
Ako ay isa ng muslim dahil sa kagustuhan kong maging asawa ang dalawang blogger na kilala mo. Nakapagsulat pa ako ng tula para sa kanilang dalawa at iyon ang new post ko..hope you read it..
well isnabera na ko sa mga bagong celfon.loyal ako kay erickson W850i.wala syang kapalit ever!
Post a Comment