May nagsabing: You look good together. Nagkibit balikat lang ako at umayrowl (eyeroll).
Meron pang ibang nagsabing, Boyfriend mo? magkahawig kayo--nakita ko ang palihim na ngiti mo nung mga panahong yun, pero pinili ko pa ding manahimik at wag makielam.
Takot kase akong ihakbang paharap ang mga paa ko. Takot akong i-entertain ang pagmamahal na meron ako para sa'yo. Takot akong mahalin ka at masasaktan ka lang dahil sa pabago-bago kong
Mahirap na. Baka mali na naman. Masasaktan lang ako. Masasaktan ka lang. Ayoko na. Baka isa ka lang tanso na nagpapanggap na ginto.
Pero..mas natakot akong harapin yung araw na hindi na kita tuluyang makita.
Yung araw na, hindi na kita makakausap at makukulit.
Yung araw na hindi ko makikita sa mga mata mo ang kasiyahan.
yung araw na....lumayo ka na ng tuluyan sa akin......
Kaya naglakas-loob ako upang tanungin ka. Matagal na araw mo din akong pinahirapan. Nilito mo ko sa mga magulo mong pahayag. Gusto ko nang isipin na assuming lang ako, na baka nga PAKIRAMDAM at PANINIWALA ko lang yun. Hanggang sa mapagtanto ko, nadulas ka nga pala sa isang post sa blogosperyo! *wink
And the rest was history..........^_^
Matagal na mga araw, segundo at minuto na din ang lumipas. Ilang okasyon na din ang nalampasan naten. Masaya ko na patuloy tayong masaya at nagmamahalan sa munti nating relasyon *blasssss*
At dahil hindi ka naman nagba-blog ngayon, hindi mo ko mabibintangan na korni ^_^
-------->
Feeling mushy today after the good walk and talk yesterday with Mr. Tertel :)