4.10.09

Detach

de·tach tr.v. de·tached, de·tach·ing, de·tach·es
1. To separate or unfasten; disconnect: detach a check from the checkbook; detach burs from one's coat.
2. To remove from association or union with something: detach a calf from its mother; detached herself from the group

Naniniwala ako na ang UNWANTED emotions na nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw ang nagtulak sa katawan ko para magkaroon ng sakit (di naman malala at malayo sa bituka). Minsan gusto ko din maniwala na ang kalungkutan na nararamdaman ng isang tao eh gawa lang ng ating malikot na imahinasyon - na kung hindi natin iisipin na malulungkot tayo sa isang bagay, hindi tayo malulungkot. Kaya nga sabi nila:

Letting go will always be a part of our lives.
  • Naaalala mo pa ba yung bulaklak ng bonggambilya na binigay sayo ng kras mo nung hi-skul ka? Sa pagtanda mo, kelangan mo nang itapon yun ~ kahit inipit mo pa yun sa libro, hindi mo maiaalis ang katotohanan na bulok na yun. Kaya itapon na ang "maliit" na alaala and just linger on with the memories =)
  • Yung bote ng kauna-unahang pabango na nabili mo galing sa pag-iipon at pagtitipid mo ng allowance mo. Kelangan mo syang ilet-go dahil masakit sa mata ng nanay mo yun, at masakit sa tenga ang pagbubunganga nya dahil sa kalat mo.
  • Yung nakaliitan mong paboritong damit ~ kelangan nang ibigay kay bunso, hindi naman yun magkakasya sayo habambuhay . (Magalit ka lang kung lalake ang kapatid mong bunso) :P
  • Mga petty tampuhan sa pagitan nyo ng mga klasmeyt mo nung kinder hanggang grade skul. Oo, dito na papasok ang kasabihang : "For old time's sake".
  • Mga unwanted feelings ~ (pagiging bitter over failed relationships, pagmamahal na hindi nasuklian, at bayad sa utang na hindi nabayaran ^^, ) Move forward people. Its the thought that counts.
  • Learn to SOMEHOW detach yourself from your family. Lalu na kung nagbabalak ka mangibang-bansa. Hindi mo pwedeng sanayin ang sarili mo na lagi kayong sabay kakain, sabay maliligo, sabay tata3, sabay matutulog, at kung anu-ano pa. (Insert time zone difference here ineng!) =)) Detach lang ng wanport ahh, wag kakalimutan ang padala bwan-bwan. Eventhough at times you are left empty-handed, aminin mo man o in-denial ka , masarap ang pakiramdam mo pagkagaling mo sa Western Union o kung sa Al Ansari exchange man yan. ^^,
  • Learn to detach yourself from your better half! May kanya-kanya pa din kayong buhay definitely. So, while you're enjoying with your relationship together ~ make sure that on the process, hindi mo nakakalimutan na ang tunay na boss ng buhay mo eh IKAW mismo! Hindi ibang tao, kundi IKAW..=)

--------------------------------------------------------->
Konting realization lang po dahil nadurog ako sa pinanggalingan kong workshop kagabi. ^^,

8 comments:

Superjaid said...

very well said sis..ganda ng post mong to..^__^

2ngaw said...

Kaya gusto ko mag aral mag yoga eh, yun bang iki-clear mo ung mind mo sa lahat ng bagay bagay, panget man o maganda...parang ang sarap ng pakiramdam ng walang iniisip na iba eh...

At kelan nga ba nagsasabay sabay tuma3 ang pamilya? lolzz

Deth said...

mei ganown mare...dumedetach? ahahaha...

i agree that there are times that we have to grow up, learn and handle things on our own...

Trainer Y said...

ayaw ko ng topicness..
may nareremembering ako bwahahahahahaha

A-Z-3-L said...

kadalasan kong nakikita yang "detach" na yan sa mga model house ng real estate company... lolz!

pminsan kelangan naman talaga natin ng space. at minsan may happiness sa pag-iisa natin... hindi lang talaga maintindihan ng iba bakit minsan mas gusto nating mag-isa!

kahit ako, gusto ko kung pupunta ako sa isang place na tahimik eh mas comfortable ako kung mag-isa ako! a moment with myself! hahahahaha!

EǝʞsuǝJ said...

*Jaid
tenks tenks sis

*CM
honga pare...
meditation echoz eh nho?

ahmm
ahmm
ahmm

heheeh tapos makikita mo yung sarili mong lumulutang...=))

hahahah
sabay sabay sila tuma3 pre pag sabay sabay na nanakit yung mga tyan nila
hehehehe

EǝʞsuǝJ said...

*Deth
ap kors...

heheheh
kasama sa maturity stage yun...
tsktsk...

*Yanah
watever
hahahaha

*Azel
hahaha
akala ko yung sa pulis
"detachment" lols

hahaha...
hindi pa ba sapat ang one week na momentum mo wid the sickness?
heheheh...

Unknown said...

wow, this is awesome!